noveltoon logo noveltoon
Ex with Benefits 1

Chapter 43

Ch. 44 / 72 Feb 05, 2022

Adam's POV

Pagod daw siya? Bakit? Sino bang hindi napapagod? Naiistress na nga ako sa office tapos ganung scene pa ang madadatnan ko!

Damn!

Tapos siya pa ‘tong parang nambibintang na may ginagawa akong masama? Bakit? Ilang beses na ba silang nagkikita ng lalaking ‘yon?

Ang pakunswelo ko na lang siguro ay ang pagsagot niya na I'm the one she's dating. Pero ang tanong, ako nga lang ba?

Ininom ko hanggang sa kahuli-hulihang patak ang alak na hawak ko. Gusto ko lang makalimutan ang mga nangyari. Hindi ko alam pero pagdating kay Arkisha, madamot talaga ako.

I want her. She’s mine. Mine alone.

Sabi niya seloso ako. Seloso na kung seloso pero anong magagawa ko? Hindi ko lang kaya na makita siyang may iba.

*ding dong*

Istorbo! Bahala ka! Kung sino ka man ang nasa labas, manigas ka dyan!

*ding dong*

Tumayo ako para kumuha pa ng alak. Nahihilo na din ako at paekis-ekis na din ang lakad ko. Ang tanging naririnig ko lang ay ang sunod-sunod na doorbell. Hindi ba talaga titigil ang taong ‘yun!

"WALANG TAO DITO!!" sigaw ko. Wala akong pakialam kung marinig man niya ako o hindi.

Pabalik na ako sa may couch ng marinig ko na naman ang doorbell.

"Sh*t!" napapamura na ako sa inis. Kung sino man ‘to, sasapakin ko talaga ‘to!

Binuksan ko ang pinto para bigyan ng suntok ang taong lumikha ng ingay sa pandinig ko.

"S-Scarlett?"

"AJ!" tawag niya sa akin at bigla na lang niya akong niyakap. Umiiyak siya ng buksan ko ang pinto.

"What's wrong?" nag-aalala kong tanong.

"Hindi mo ba ako papapasukin?"

"I'm sorry, come in." Pinaupo ko siya sa couch. Napansin niya ang mga bote ng alak.

"Anong problema mo? Why are you drinking?"

"Ako ang unang nagtanong kaya ako ang sagutin m--,” sabi ko. Natigil ako sa pagsasalita. Naalala ko bigla si Arkisha. Gusto kong mapangiti kapag naaalala ko ang kulitan naming ‘yon. ‘Yung hahalikan ko siya kapag sinagot niya ng tanong ang tanong ko.

"AJ? AJ? Nakikinig ka ba sa akin?" Sumakit bigla ang ulo ko. Dala na rin siguro na epekto na alak.

"A-ano ‘yon?"

Nagsimula na naman siyang umiyak. Bakit ba napakahina ng babaeng ‘to? Ano nga uli ang iniiyakan niya?

"Nag-away kami ni Daddy.." kwento niya. Hindi ko na naintindihan ang mga sinasabi niya. Naka-focus ang isip ko sa paggalaw ng mga labi niya.

Tumigil siya sa pagsasalita. Napansin niya siguro ang pagtitig ko sa kanya.

"Kanina ka pa tumitingin sa labi ko, do you want to kiss me?" tanong ng babae sa harap ko. Sino nga uli ‘to?

F*ck! Lasing na nga ata ako!

Umiling ako. Oo, gusto ko siyang halikan, but there's a part of me na nagsasabi na hindi pwede, na mali ang iniisip ko. But this woman in front of me is freaking HOT!

"Well, I want to,” sabi niya.

Naramdaman ko na lang ang labi niya sa labi ko. Mapangahas ang mga halik niya. Sabik na sabik. Pero hindi ko hinahayaang matalo ako ng babaeng ‘to. I am Adam Jacob Castrences, I'm gonna show this woman kung anong hinahanap niya.

Dumako ang kamay ko sa dibdib niya. Lasing lang ba talaga ako, o parang may iba? Parang may mali.

"Arkisha.. ,” sambit ko.

Sumakit ang ulo ko lalo dahil tumama ito sa mesa. Itinulak ako ng babaeng kahalikan ko. I don't understand her.

"I am sorry,” sabi niya at tinulungan niya akong makaupo sa couch. "Nagulat lang ako." Niyakap niya ako. "Makakalimutan mo din siya. Magpahinga ka na muna."

‘Yun ang huli kong narinig. Pagmulat ng mata ko, umaga na.

"Good morning Hon!"

"Good morning!" sagot ko. Nakasubsob pa ang mukha ko sa unan. Sobrang sakit ng ulo ko.

Wait! Did I hear someone said good morning??!

Pagmulat ko ng mata, I saw her.

"SCARLETT?? WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE??!"

"Kagabi pa ako nandito. By the way, breakfast is ready. Halika na,” sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko.

"NO! Umuwi ka na!" lumungkot ang itsura niya.

"After kitang alagaan kagabi, ‘yan ba ang igaganti mo? Ang ipagtabuyan ako??"

Alagaan? Malaki na ako, bakit pa niya ako aalagaan? And besides, I didn't ask her to.

Huminga ako ng malalim.

"Okay. I'm sorry, but I think kailangan mo ng umuwi,” pakiusap ko.

"Okay, basta ihahatid mo ako."

WHAT???

"I swear AJ, hindi ako uuwi unless ihatid mo ako." Hindi talaga siya titigil.

"FINE!"

**

Arkisha's POV

"LQ?" bungad sa akin ni Ate Gem pagbukas ko ng gate.

Malungkot pa din kasi ang mukha ko. Sino ba namang matutuwa? Sino ba ang may gusto ng away?

"Di mag-e-LQ yan. Matibay yata ang Team AdKisha !" sabi ni Ella na kulang na lang ay kumuha ng banner na may nakasulat na Team AdKisha at iwagayway ito. Hindi nga pala ‘to pumasok sa school.

Team AdKisha? Gusto kong mapangiti.

"Konting tampuhan lang,” sagot ko at para akong matutumba sa kinatatayuan ko.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Ate Gem.

"Medyo nahilo lang ako ng konti,” sagot ko.

"Kumain ka na ba? Nagpapalipas ka ata ng gutom eh."

"Kumain na ako. Pero ewan ko ba nagugutom na naman ako."

"May pagkain pa dyan, kakaluto ko lang. Sabayan mo na si Ella na kumain."

"Sige, salamat. Mamaya na lang siguro ako kakain."

"Kaya ka nahihilo nyan eh. Sumabay ka na kasi sigurado uubusin niya ‘yun, naku!"

"Ate Gem, anong akala mo sa akin, masiba?" tanong ni Ella.

"Anong akala? Masiba ka talaga!" Tumayo na si Ella at naglakad patungo sa kusina.

"Arkisha, may stain ba?" tanong ni Ella.

Natulala ako sa tanong niya.

"Huy! Arkisha!"

"Ah, wala. Wala naman,” sagot ko.

"Okay ka lang talaga? Ano bang ginawa sa’yo ni Adam at nagkakaganyan ka?"

Kelan ba ako huling nagka-period? Nalintikan na!

Hindi. Wala lang ‘to. O.A. lang ako. Mali ang iniisip ko. Delayed lang talaga ako, ‘yun ‘yon. Saka kaya ako nagiging emosyonal kasi hindi ko lang talaga gusto ang nangyari kanina. Sino ba namang hindi maiistress sa mga nangyari kanina?

Tapos kung sumagot pa ang Scarlett na ‘yun nung tinanong ko kung may idine-date siya, halata naman na si Adam ang tinutukoy niya! Bakit? Bumigay na ba si Adam sa mga pang-aakit niya? Mas magaling ba siyang maglambing kesa sa akin?

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko. Nakatulugan ko na naman ang pag-iyak. Ang sama din kasi ng panaginip ko. Si Adam daw mawawala sa akin.

NO WAY!

Di ba sabi nila ang mga panaginip kabaliktaran? Tama. Hindi mangyayari ‘yun!

Hindi ko kakayanin pag nawala si Adam kaya siguro may tumutulong luha paggising ko.

Ayoko na ng away. Makikipagbati na talaga ako kay Adam. Kung kinakailangang ako ang mag-sorry, gagawin ko. Minsan, kailangan mo ring lunukin ang lintik na PRIDE mo para maging okay ang lahat.

I decided to buy his favorite chocolate cake. Pupuntahan ko na lang siya sa condo niya. I'm pretty sure nandun pa ‘yun.

Pagbaba ko ng taxi, nakita ko na siya palabas na ng condo niya. Maglalakad na sana ako palapit sa kanya nang bigla kong makita ang babaeng sumunod sa kanya.

Anong ginagawa niya dito? Don't tell me sa condo siya ni Adam natulog?!

Nakita ko silang sumakay sa kotse ni Adam. Pinagbuksan pa nga siya ni Adam ng pinto. Bagay na hindi ginawa ni Adam nang sunduin niya ako. Nakasakay na sila sa loob ng kotse. Hindi siguro nila ako nakikita, pero kitang kita ko ng kabigin ng babaeng ‘yon si Adam palapit sa kanya at biglang hinalikan.

Pakiramdam ko nanlamig ang buong katawan ko. Sabi ko hindi na ako masokista di ba? Kaya naman pinilit kong igalaw ang mga paa ko at nagsimulang maglakad palayo.

Sabi ko magso-sorry ako di ba, kung kinakailangan? Kahit wala akong ginagawang masama, willing naman akong gawin ‘yon. Willing akong magpakumbaba. Lahat kaya ko namang gawin para kay Adam, pero bakit ganun? Bakit ako pa rin ang nasasaktan?

Lahat ng ‘yan ang tumatakbo sa utak ko habang naglalakad ako patungo sa kung saan na hindi ko na din alam. Mas masakit ngayon kesa noong una. Kasi dati, mas naririnig ko lang naman na nakikipag-date nga daw si Adam sa isang babae, ganun. Oo, nakita ko nga sila pero ewan ko ba. Mas masakit ngayon.

Siguro kasi, mas malaki ang tiwala at pagmamahal na ini-invest ko kay Adam ngayon kesa noon. At siguro masyado din akong nag-expect na katulad ng pagmamahal ko sa kanya ang isinusukli niya sa akin ngayon.

Halos manlabo na rin ang paningin ko habang naglalakad. Dala na rin siguro ng luha na dumadaloy sa aking mga mata, idagdag pa ang tindi ng sikat ng araw.

Umiikot na din ang paningin ko at tumatagaktak ang pawis ko. Narinig ko na lang ang pagbagsak ng hawak kong box ng chocolate cake. Kasunod nun ang pagbagsak ng katawan ko. Then everything went black.