noveltoon logo noveltoon
Ex with Benefits 1

Chapter 69

Ch. 70 / 72 Feb 05, 2022

Adam’s POV

Kinuha ko ang cellphone ko at tatawagan ko si Arkisha. Bago pa makarating sa kanya ang balita na ikakasal daw ako kay Scarlett, uunahan ko na. Wala namang katotohanan ang bagay na ‘yon and besides hindi naman ako pumayag at never talaga akong papayag.

When I checked it, Arkisha is calling.

"Invited ba ako sa kasal mo?" bungad niya.

WHAT?!

"Arkisha, it’s not what you think. I won’t marry her. Di ba nagusap na tayo. Ikaw ang pakakasalan ko,” sagot ko.

"Kailangan pa talagang ibalita sa TV? Oh I forgot. You are the great Adam Jacob Castrences, the successor of Castrences Group of Companies and she is the daughter of the owner of Daily Routine Company. What a lovely couple! Bagay kayo. Sige magpakasal ka sa kanya!"

Alam kong galit na galit na siya. Well sino nga naman ba ang hindi magagalit?

"Wait! Baby. Arkisha. Sandali. Kung ano man ang napanood mo, hindi totoo ‘yun."

"What?! Di ba sinabi ko na? Marry her! Marry the daughter of the owner of Daily Routine Company! Goodbye Adam Jacob!" sigaw niya.

"Arkisha, uuwi ako dyan--"

Oo, uuwi talaga ako. Kailangan naming pag-usapan ang bagay na ‘to.

"Don't you dare! Wala kang uuwian dito! Dyan ka na lang. Ayusin mo ang kasal mo!"

‘Yan ang huli nyang sinabi then I found out wala na pala akong kausap. Dali-dali kong pinuntahan si Dad. I saw him in our library. Kasama niya sa loob si Venice.

"Dad, di ba sinabi ko na, hindi ako magpapakasal kay Scarlett. What are you doing? Bakit nailabas agad ‘yon sa National TV to think na hindi naman ako pumapayag!"

"Hindi rin naman ako na-inform tungkol sa pagpapalabas sa National TV pero wala na akong magagawa Adam, sana mapatawad mo ako."

“But Dad, akala ko you only want our happiness? What happened?”

Binalingan ko si Venice na nakatungo. I know she can help me.

"Venice? Do something."

"I'm sorry. Adam Jacob. Masyadong malakas ang Daily Routine, we can't do anything,” sagot ni Venice.

Nagulat ako sa sagot niya.

“Venice, si Arkisha at ang kambal ko ang pinag-uusapan natin dito. Hindi mo ba ako tutulungan??” Halos nagmamakaawa na ang boses ko.

Tumungo lang uli siya at hindi ako sinagot. Lumabas na lang ako ng library at isinara ko ng malakas ang pinto. Galit na galit ako. Bakit parang lahat ng tao kumakalaban sa akin?

Dumiretso ako sa kwarto ko at inimpake ang aking mga gamit. Nakapag-desisyon na ako. Uuwi talaga ako kay Arkisha at sa kambal namin. Galit lang siya dahil sa napanood niya pero alam kong mapapawi din ang galit niya kapag nalaman na niya ang totoo.

Nagbukas ang pinto at pumasok si Venice.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Venice.

"Uuwi ako kay Arkisha. Hindi ako magpapakasal kay Scarlett! NEVER!"

Nilapitan niya ako at pinigilan sa pag-iimpake ng mga gamit ko.

"Hindi ka pwedeng umalis, Adam. Bukas na ang engagement party. Hindi ka pwedeng mawala."

Mas ikinagulat ko ang sinabi niya.

"Venice, totoo ba ang mga naririnig ko mula sa’yo? Pinipigilan mo ako sa pag-alis? What is happening to you? You used to be on our side? Dahil ba ‘yan kay Mommy? You know how much I love Arkisha and our babies. Kailangan ko siyang makita. Kailangan kong makaalis dito as soon as possible."

"No, Adam. Please. Makinig ka na lang. Paano na ang company natin?"

"Pati ba naman ikaw ‘yan pa rin ang iniisip? Alam mo Venice, kung meron mang isang tao na inaasahan kong kakampi ko, ikaw ‘yun. Pero mukhang mali ata ako.”

Nakita ko ang lungkot sa mata ni Venice. Biglang pumasok si Paris sa kwarto ko.

“Anong nangyayari? Adam, where are you going?” tanong ni Paris.

“Aalis ako. Kailangan kong puntahan sina Arkisha at ang kambal ko. Hindi ako magpapakasal kay Scarlett,” sagot ko kay Paris pero kay Venice ako nakatingin habang sinasabi ko ‘yon.

Kumunot ang noo ni Paris nang tingnan ko siya.

“Sino namang may sabi sa’yo na magpapakasal ka sa kriminal na ‘yon?!” galit na galit na sabi ni Paris.

“Paris, can you please get out,” utos ni Venice kay Paris.

Nanlaki ang mata ni Paris sa sinabi ni Venice.

“Venice, ano ba? Mukhang si Paris na nga lang ang kakampi ko ngayon!”

“Ako ang pinakamatanda kaya sumunod ka na lang Paris,” sabi ni Venice.

“Venice, ano bang problema mo? Bakit ba kumakampi ka kay Mommy? Bakit mo ba pinipilit ang gusto mo? Eh ayaw nga ni Adam magpakasal kay Scarlett di ba?”

“Venice, alam mo bang galit sa akin si Arkisha because of that news! Hindi ako papayag na mawala ang mag-iina ko. Alam mo ‘yan,” sabi ko at ipinagpatuloy ko ang pagiimpake.

"I'm sorry, Adam,” sabi na lang ni Venice at hinila na niya palabas si Paris.

“VENICE, LET ME GO!!” sigaw ni Paris. Hindi ko na lang sila pinansin. Ang tanging gusto ko lang ay makaalis.

Palabas na ako ng may mga lalaking dumating.

"Anong ibig sabihin nito?? Venice?! Bakit may mga guards?" tanong ko.

"’Wag nyo siyang hahayaang makaalis,” bilin ni Venice sa mga gwardya. Nakita ko na lang na mas dumami pa sila. Kung saan-saan sa parte ng bahay namin sila nakabantay.

Pero wala akong pakialam sa kanila. Dirediretso lang ako palabas nang bigla akong harangin ng isa.

“Sir, hindi po kayo pwedeng umalis,” sabi niya.

“Gusto mo bang mawalan ng trabaho? Bitiwan mo ako,” sabi ko dahil hinawakan niya ako bigla sa braso.

“Anong ginagawa mo kay Adam ha?” dali-daling tumakbo si Paris papalapit sa akin.

“Ma’am, pasensya na po pero utos lang po eh,” sagot nung guard.

“Bitiwan mo siya!” utos ni Paris.

Bigla kong sinuntok ‘yung lalaking hawak-hawak ang braso ko. Inawat naman ako ng iba pang guards.

Lumapit si Venice sa akin at sinapak ako ng isa. Akalain ko bang mabigat pala ang kamay ng babaeng ‘to. Masakit ang sapak niya.

Nakita kong may ibinulong si Venice sa isang lalaki. Tapos bigla na lang nila akong dinala sa kwarto ko. Isinara nila ang pinto.

“BUKSAN NIYO ANG PINTO!! VENICE! ANO BANG KALOKOHAN ‘TO?! KAILANGAN KONG MAKITA SI ARKISHA!! VENICE!!”

Pero kahit magsisigaw ako, wala namang nangyayari. Hindi nila binubuksan ang pinto. Nang kukunin ko ang phone ko, wala na ‘to sa kama. Baka kinuha ni Venice. Ano ba talagang nangyayari sa kanya.

“ANO BA?! I NEED TO TALK TO MY BROTHER!” boses ni Paris ‘yun.

“Ma’am, pasensya na po pero hindi po naming pwedeng buksan ang pinto,” may sumagot na lalaki.

“Adam..”

“Paris, do something please. I need to get out of here!!”

“I’ll see what I can do. Pero masyadong madaming guards. Hindi ko din alam kung anong nangyayari kay Venice.”

Mababaliw na ata ako sa loob ng kwarto ko. Nagbukas ang pinto pero para dalhan lang ako ng pagkain. Daig ko pa ang kriminal na ikinulong. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ang lahat ng ‘to.

Bukas na ang engagement? No way! Hindi ako magpapakasal kay Scarlett. Mamamatay muna ako. Pero hindi din ako pwedeng mamatay. Hindi pwedeng mawalan ng ama ang kambal ko.

Si Arkisha. Ano kayang iniisip niya ngayon? Galit pa kaya siya? Siguradong nasasaktan na naman siya. Kung sino man ang nagpalabas ng balitang ‘yon sa TV, I swear kapag nakaalis ako sa kwarto kong ‘to, papatayin ko siya!

Hindi ko namalayang nakatulugan ko na pala ang pagiisip. Nagising ako pero nakasara pa rin ang pinto. Maya-maya pumasok si Venice. May dala-dala siyang damit.

“Wear this. Maligo ka na. Hindi tayo pwedeng ma-late sa sarili mong engagement,” utos niya.

“Patayin niyo na lang ako,” walang kagana-gana kong sagot.

“Trust me, hindi mo gugustuhin ‘yang sinasabi mo,” sabi niya.

I know.

“Adam, just this once, pwede sumunod ka na lang sa akin? Ate mo ako, remember?”

“’Yun na nga eh, Ate kita, but what the hell are you doing??”

“Go. Change,” matigas nyang utos.

Sa sinabi nyang ‘yon, nakabuo ako ng plano. Tama. Sasama ako sa kanya sa hotel kung saan gaganapin ang engagement. Doon, madali akong makakatakas at makakapunta kina Arkisha.

Dali-dali akong nagbihis. Magkasama kami sa sasakyan nina Venice at Paris. Si Daddy at Mommy, hindi ko alam kung nasaan. Wala din naman akong pakialam. Mas iniisip ko ang pagtakas ko.

Katabi ko si Paris. Bumulong siya sa akin.

“I’m sorry Adam Jacob, wala akong nagawa to help you.”

“It’s okay. Thanks anyway.”

Pagdating namin sa hotel, ang dami ng tao. Sobrang dami talaga. Pati ang media nandito. Well, what do I expect. Isang malaking engagement ang magaganap. ‘Yun ay kung may engagement ngang magaganap.

Pasensya na lang kayo pero masasayang lang ang oras niyo sa pagpunta dito.

Hindi humihiwalay sa akin sina Venice at Paris. Lalong lalo na si Venice, I mean. Nahihirapan tuloy akong humanap ng tiempo.

Tapos niyaya na ako ni Venice sa gitna. Ia-announce na daw.

Pucha! Hindi pwede ‘to! Teka! Tatakas pa ako!!

“Just smile Adam Jacob,” bulong ni Venice.

“Smile? How will you smile kung ipakakasal ka sa isang taong kriminal,” sagot naman ni Paris na katabi ni Venice. Nakita ko na din sina Mommy at Daddy. They are all smiling, while me, eto unti-unti nilang pinapatay. Up to the last minute, I am still thinking kung paano tatakas. Kung hindi man ako makatakas ngayon, hinding hindi pa rin ako magpapakasal kay Scarlett.

“Ladies and Gentlemen, we are gathered here today to announce the engagement of the successor of Castrences Group of Companies, Adam Jacob Castrences and the daughter of Daily Routine Company.”

Hell yeah!

Mag-excuse kaya akong na magbabanyo?

Adam Jacob, mag-isip ka nga! Sita ko sa sarili ko.

“Smile Adam Jacob,” paulit-ulit na paalala ni Venice. Napansin niya siguro na magkasalubong na naman ang kilay ko.

"And now the daughter of the owner of the Daily Routine Company, and the Aragon Group of Companies. The only daughter of Mr. Victor Aragon, Ms. Shakira Aragon!"

SINO DAW??

"Shakira Aragon? Venice, what happened to Scarlett? Who is she--?" tanong ko kay Venice habang nakatingin ako sa kanya.

Hindi ako tinitingnan ni Venice. Nakangiti lang siya habang diretso ang tingin. Sinundan ko ang tinitingnan niya at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

NO WAY!

PAANO NANGYARI ‘TO??

Wala akong ibang nasabi at nakita kundi si..

"ARKISHA??"