Adam's POV
Halos bilisan ko na nga ang paglalakad palabas para makaiwas kay Scarlett but she won't let go. Still, pinagbuksan ko siya ng pinto.
When I was about to drive, hinila na lang niya ako bigla at hinalikan. Hindi ako nakagalaw sa gulat kaya nang makabawi ako ay itinulak ko siya.
"What the heck are you doing?!" singhal ko sa kanya.
"Kaw talaga AJ! Parang hindi natin ginawa ‘to kagabi ah?!" sabi niya sabay tawa.
I kissed her??
Si Arkisha lang ang laman ng isip ko kagabi.
Sh*t!
Nang maihatid ko siya sa bahay nila ay dumiretso agad ako sa opisina. Tinawagan ko si Arkisha to say sorry about what happened last time but she's not answering my calls.
Napapailing ako sa inis. Galit pa rin ba siya kaya hindi niya sinasagot?
Nagbukas ang pinto ng opisina ko at pumasok si Daddy.
"Dad?? Akala ko nasa Singapore ka?" taka kong tanong.
Ang alam ko ngayon ang alis niya. May aasikasuhin siya tungkol sa business namin. May importante siyang taong kakausapin.
"Hindi ako matutuloy,” sagot niya.
"But why? Sayang naman kung hindi natin makukuha ang deal na ‘yun,” pag-aalala ko.
"Don't worry, ako lang ang hindi matutuloy pero tuloy pa rin ang deal."
"Paano mangyayari ‘yun??"
"Pack your things, ikaw ang pupunta ngayon sa Singapore. Inaayos ko na ang flight mo."
Bakit ako??
‘Yan ang gusto kong itanong pero mukhang alam ko na ang sagot. Syempre sino pa ba ang pwedeng pumalit kay Daddy, eh di ako.
Inayos ko na ang gamit ko. Isang linggo daw ako sa Singapore at baka ma-extend pa ‘yon. Nagmadali akong nagpunta sa airport.
**
Arkisha's POV
Pinipilit kong imulat ang mga mata ko pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko nanghihina ako, idagdag pa ang gutom na nararamdaman ko.
Nagpa-flashback sa isip ko ang lahat. Ang tampuhan namin ni Adam. Ang pagbagsak ko ng pinto ng kotse niya nung bumaba ako. Ang pag-iyak ko dahil sa tampuhan namin. Ang panaginip ko. Ang pagbili ko ng paborito niyang chocolate cake. Ang pagpunta ko sa condo niya para mag-sorry. At ang eksenang nasaksihan ko.
Kitang kita ng dalawa kong mata ang pagtataksil sa akin ni Adam. Just when I thought na nagbago na siya saka nangyayari ito.
Gusto ko tuloy itanong sa sarili ko kung tama ba na nagkabalikan kaming dalawa? Mas magiging magaan at okay ba ang lahat kung nanatili kami sa safe side? ‘Yung walang commitment? Pero naisip ko, kahit yata anong side pa ‘yan, ako palagi ang talo. Ang mas nagmamahal ang palaging talo.
Nakakapagod na din ang masaktan paulit-ulit. Siguro nga manhid na din ako o immune na kaya ganito. Daig ko pa ata ang sinaksakan ng anesthesia dahil kahit alam kong masakit, hindi ako nagrereklamo.
Kahit naman noong una, wala siyang narinig mula sa akin. When we broke up, hinayaan ko siya sa gusto niya. Hinayaan ko siyang makalaya kasi ayokong ikulong siya sa isang relasyon kung saan alam kong hindi naman siya masaya. Mahal ko siya kaya pinalaya ko siya. Tingin ko, dapat ko ng ding gawin uli ‘yun ngayon.
Hindi naman siya mambababae kung mahal niya talaga ako di ba? Paulit-ulit na lang. Sabi nga nila, kung nagawa ka na niyang lokohin noon, magagawa niya uli ngayon. Sana pala naniwala ako sa kasabihan na ‘yon.
Pero wala eh. Malandi din ‘tong puso ko eh. Hindi nadadala.
Sa wakas, naimulat ko din ang mga mata ko. Bumungad sa akin sina Ella at Jane. Paano sila nakarating dito? Ang naaalala ko naglalakad ako tapos biglang..
"Thank God gising ka na! Pinag-alala mo kami. Arkisha, anong nararamdaman mo?" tanong ni Ella.
Hindi ako makasagot. Nanunuyo ang lalamunan ko.
"May masakit ba sa’yo? Sabihin mo,”nag-aalalang sabi ni Ella.
Pinapakiramdaman ko ang sarili ko.
"Arkisha, ano?" si Ella uli.
Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. I can't say a word.
"OH MY GOD! Na-trauma na siya! Hindi na siya nakakapagsalita!" sabi ni Jane.
Tiningnan siya ng masama ni Ella.
"Arkisha, please say something,” sabi ni Ella.
Pinilit kong sumagot.
"Asan ako?" tanong ko.
"OH MY GOD! Hindi nga siya na-trauma pero may amnesia siya!" sigaw ni Jane.
Tiningnan uli siya ni Ella ng masama.
"Isa pang ka-O.A.-yan, maco-confine ka dito!" singhal sa kanya ni Ella.
"Arkisha, don't tell me hindi mo na kami nakikilala? Ako si Jane, ang pinakamaganda mong kaibigan. Siya si Ella, siya ang.. nevermind,”pakilala ni Jane.
Hindi kaya siya nga ang dapat na i-confine dito?
I-confine? So nasa hospital ako. Tiningnan ko ang kamay ko and obviously, may swero ito.
"Anong nangyari?" tanong ko.
"Sabi ko na nga ba eh! Tama ako. May amnesia siya!" si Jane uli.
"Alam mo Jane, mabuti pa, tawagin mo ‘yung doktor at sabihin mong gising na si Arkisha,” utos ni Ella. Sumunod naman si Jane.
Tinanong ko si Ella kung anong ginagawa nila sa hospital at kung paano ako napadpad doon. Sinabi niya na pagkaalis ko daw sa boarding house sinundan na daw nila ako kung saan ako pupunta kasi napansin nila na mukhang hindi maganda ang pakiramdam ko.
Wala naman kaming klase dahil tapos na ang finals, and yes malapit na akong makatapos.
Nataranta na daw sila ng makita nilang umiiyak ako kaya lumapit na sila sa akin pero hindi ko naman sila nakita at ‘yun nga daw, bigla na lang akong nawalan ng malay.
Dumating agad ang doktor at sinabi niya na wala daw akong dapat ipag-alala. Binigyan niya din ako ng mga iba’t ibang reseta ng gamot.
"You have to be very careful kahit pa binigyan kita ng reseta na pampakapit sa bata. Don't skip your meal,”paalala pa niya.
"Doc, bata??" nauna pang nag-react sa akin ‘yung dalawa.
"Yes, congratulations, you are eight weeks pregnant and you don't have to worry because the babies are fine."
"BABIES??" sabay na naman silang dalawa.
Eight weeks? Pregnant? BABIES??
"Yes, kambal ang anak mo. Kaya kinakailangan mong mas mag-ingat at alagaan ang sarili mo kasi hindi lang kayo dalawa ngayon, kundi tatlo na." Parang gusto ko uli mawalan ng malay sa narinig ko.
Paano ako makikipaghiwalay kay Adam kung ganitong buntis ako?? Kambal pa.
Sinabi ko kina Ella na gusto ko ng umuwi, na hindi ko kayang magtagal pa sa hospital. Nasusuka ako sa amoy. Mabuti naman at pinayagan ako.
Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko? Part of me is happy kasi magiging isang pamilya na kami, at kambal pa!
Akalain mo ‘yun?!
Pero nalulungkot ako kapag naaalala ko ang sitwasyon namin ni Adam ngayon.
"O? Bakit parang hindi ka masaya? Arkisha, magkaka-baby na kayo ni Adam! Waaaahh! Ang saya!" sabi ni Jane.
"Anong baby? Babies? Plural! Dalawa eh! Gagraduate ka din ba talaga? Paano ka nakapasa?" tanong ni Ella kay Jane.
"Pakialam mo ba? Basta Arkisha, ninang ako ha."
"Tama, tutal kambal, ninang si Jane dun sa isa, tapos ako sa isa,” sabi ni Ella.
Pagtig-isahan ba naman ang mga anak ko??
Mga anak ko?
Parang hindi pa din ako makapaniwala na magkaka-anak na ako. Paano ko ‘to sasabihin kay Adam?
I checked my phone at puro missed calls ni Adam. Sakto naman na nag-ring ito. Unregistered number.
"Hello.." sagot ko.
"Hi Baby,” sabi sa kabilang linya.
I know it’s Adam. Galit ako sa kanya di ba? Pero boses pa lang niya tumatalon na ang puso ko. Hinahaplos ng boses niya ang sakit na nararamdaman ko.
Baby, baby?? Magkaka-baby ka na! Babies pala. Plural eh, baka magalit si Ella.
I miss the way he calls me baby. Kung bitawan niya ‘yon, parang wala siyang ginawang masama.
"Adam.. we need to talk,” mahina ang boses ko.
"Look babe, I'm sorry about our misunderstanding. Sorry kung pinairal ko na naman ang pagiging seloso ko. I'll make it up to you, I promise."
Naghuhugas kamay ba siya? Ayos ah, matapos dun sa babaeng ‘yon, ako naman ang lalambingin niya.
Okay. Kalma. Bawal akong ma-stress.
"May mahalaga akong sasabihin sa’yo. Magkita tayo,” sabi ko.
"Babe, I can't. Nasa Singapore ako ngayon, may mahalaga akong inaayos about our business.."
Nasa Singapore siya? Since when? Hindi man lang siya nagpaalam.
"..I'm sorry hindi ako kaagad nakatawag sa’yo. Sobra kasi akong busy. Ano ba ‘yung sasabihin mo?"
Ayokong sabihin sa kanya ang pagbubuntis ko through phone.
"Hanggang kailan ka ba dyan?"
"A week or baka ma-extend pa. Babe, gaano ba kahalaga ang sasabihin mo? Hindi mo ba pwedeng sabihin ngayon?" may paglalambing niyang tanong.
A week? Ang tagal naman!
"No. Tingin ko mas mabuting sabihin ko ‘to sa’yo sa personal."
"Okay, next week then. Pagbalik ko, I promise, mag-a-out of town tayo. Malapit na ang graduation mo di ba?"
"Oo,” tipid kong sagot.
"Babe, I have to go. I need to go back to work. I miss you babe and I love you."
Hindi ako makasagot.
"Baby? Are you still there? Sabi ko po, mahal kita,” malambing niyang sabi.
"Yeah.. I love you too,” mahina kong sagot. Halos bulong na nga ata. Hindi ako sigurado kung narinig pa niya ‘yon.
Litong lito na ako. Pagod na akong masaktan pero paano ako makikipaghiwalay kay Adam sa sitwasyon kong ito?
Buntis ako.
Oo, umpisa pa lang sinabi ko na di ba na ang pangarap ko ay makatapos ng pag-aaral, magkaroon ng magandang trabaho at magkapamilya.. kay Adam.
Eto na o. Etong eto na. Abot kamay na nga naming dalawa eh. Pero bakit ganito kahirap?
Wala bang shortcut?
Sabagay, kung may shortcut man, sigurado bang kami nga ni Adam sa huli?
"Good morning, Mommy!" bati sa akin nina Ella, Jane at Ate Gem kinaumagahan.
"Mommy talaga?" nakangiti kong tanong.
"Magiging mommy ka na pala. Mag-breakfast ka na dito,” yaya ni Ate Gem.
"Nga pala, bakit ka nga pala umiiyak nung nakita ka namin? Saka nasabi mo na ba kay Adam ang tungkol dyan?" tanong ni Ella.
Lumungkot ang mukha ko.
"I'm sorry, may nasabi ba akong masama?" tanong ni Ella.
Ikinuwento ko sa kanila ang tungkol kay Scarlett at kung ano ang nakita ko.
"Eh napakalandi naman pala talaga ng Scarlett na ‘yan!" sabi ni Jane.
"Ayoko na kay Brent!" tiningnan siya ni Ella.
"Bakit naman?"
"Wala akong balak maging hipag ang bruhang ‘yon ‘no!" sagot ni Jane.
"Sabagay. Arkisha, anong plano mo?" tanong ni Ella.
Nagkibit balikat ako. "Hindi ko na nga alam. Hindi ko pa nasasabi kay Adam kasi nasa ibang bansa pa siya. Hihintayin ko na lang ang pag-uwi niya,” sagot ko.
"Don't tell me iiwan mo si Adam dahil sa nakita mo?" tanong ni Ate Gem.
Natahimik ako. Tinitigan ako ni Ate Gem.
"Ngayon ka pa ba bibitaw? Kung kelan magkaka-anak na kayo?"
"May dapat pa ba akong panghawakan? Kitang kita ko naman na niloloko niya ako."
"Ang panghawakan mo ay ang karapatan mo bilang ina ng magiging anak niyo. Hahayaan mo bang mawalan ng ama ang mga batang ‘yan?" tanong ni Ate Gem.
"Oo nga Arkisha, lumaban ka. Ipakita mo dun sa Scarlett na ‘yun na ikaw ang mas may karapatan kay Adam. ‘Wag kang magpapatalo dun. Sa’yo may responsibilidad si Adam, hindi sa malanding ‘yun!" sabi ni Jane.
"’Wag mong hayaan na maagaw niya sa’yo si Adam,” sabi ni Ella.
"Pakinggan mo muna ang paliwanag ni Adam kung bakit sila magkasama ng babaeng ‘yun. Ako, naniniwala ako na mahal ka talaga ni Adam,” sabi ni Ate Gem.
"Oo nga Arkisha, baka ‘yung Scarlett lang na ‘yun ang nang-aakit kay Adam. Di ba sabi mo, nakita mo dati sa office na itinulak pa siya ni Adam,” sabi ni Jane.
Tumango-tango ako. Tama sila. Ngayon ko mas kailangang lumaban! Kahit para man lang sa kambal ko. Sa kambal namin ni Adam.