noveltoon logo noveltoon
Ex with Benefits 1

Chapter 68

Ch. 69 / 72 Feb 05, 2022

Arkisha’s POV

“ATE!! Si Madison naglungad na naman!! “

“Eh di punasan mo!” sagot ko. Diring diri pa siya sa lungad ng anak ko.

Paglingon ko, si Papa na ang kumuha kay Madison. Nasa sofa ako at binibihisan ang panganay naming si Landon. Lumapit si Papa sa akin at kumuha ng pamunas kay Madison.

“BREAKING NEWS: Mr. Madrigal, one of the owner of Daily Routine Company is very happy to announce the engagement of his daughter Precious Scalett Madrigal to the CEO of Castrences Group of Companies, Adam Jacob Castrences. The said engagement will be held at…”

“What??” bulalas ni Papa.

Napatigil ako sa ginagawa ko ng marinig ko ang balita sa TV. Ipinakita pa nga ang pictures nina Adam at Scarlett. Akala ko ba naghahanap siya ng investor? Bakit kasal ang ibinabalita?

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Gulat na gulat talaga ako.

“Ate, si Kuya Adam ‘yon di ba?” sabi ni Ian. Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Naka-focus pa din ako sa balita.

Nalaman ko na ang Daily Routine ang tutulong sa company nina Adam. Tiningnan ko si Papa. Nakakunot ang noo niya. Mukhang nagtataka siya.

“Ate, hindi pwedeng magpakasal si Kuya Adam sa ibang babae kasi ikaw ang mahal niya at saka may babies na kayo,” sabi ni Ian.

Tiningnan ako ni Papa.

“So it’s him?” tanong ni Papa sa akin.

“Yes Pa,” malungkot kong sagot.

Noong tinanong ako ni Papa kung nasaan ang Daddy ng mga anak ko, sinabi ko na may inaayos lang ‘to sa Manila at babalik din naman kaagad. Pero ilang araw na ang nakakalipas, hindi pa din siya bumabalik. At mababalitaan ko pa na ikakasal siya?!

Pagkasagot ko sa kanya, tumango siya at kinuha ang cellphone niya. Maya-maya pa may kausap na siya sa cellphone.

Pinapakinggan ko lang siya. Pagkatapos niyang makipag-usap, kami naman ang nag-usap.

“Is that what you really want?” tanong niya.

Pinag-isipan ko din ang sinabi ko kay Papa. Ang desisyon ko.

“Yes Pa, that is the way I want.”

“Then go, call him,” sabi niya sa akin.

Kinakabahan man ako, I dialed Adam’s number.

Nakaka-dalawang ring pa lang, sinagot na niya.

"Invited ba ako sa kasal mo?" bungad ko sa kanya.

"Arkisha, it’s not what you think. I won’t marry her. Di ba nag-usap na tayo. Ikaw ang pakakasalan ko,” sabi niya.

"Kailangan pa talagang ibalita sa TV? Oh I forgot. You are the great Adam Jacob Castrences, the successor of Castrences Group of Companies and she is the daughter of the owner of Daily Routine Company. What a lovely couple! Bagay kayo. Sige magpakasal ka sa kanya!" galit na galit kong sabi.

"Wait! Baby. Arkisha. Sandali. Kung ano man ang napanood mo, hindi totoo ‘yun."

"What?! Di ba sinabi ko na? Marry her! Marry the daughter of the owner of Daily Routine Company! Goodbye Adam Jacob!" sinisigawan ko na talaga siya.

"Arkisha, uuwi ako dyan--"

"Don't you dare! Wala kang uuwian dito! Dyan ka na lang. Ayusin mo ang kasal mo!"

Then I ended the call.