Arkisha's POV
I've got nowhere to go. Magulong magulo ang isip ko. Ayoko pa rin namang umuwi sa boarding house pero ayoko din namang mag-isa. Buntis ako at baka kung anong mangyari sa akin. Kinuha ko ang phone ko and I dialed Jane's number.
"Puntahan mo ako dito ngayon,” sinabi ko sa kanya kung saang restaurant ako naroroon. "Dito ko na lang sasabihin sa’yo ang nangyari."
Mabilis namang nakarating si Jane.
"Isasama ko sana si Ella pero wala siya eh,” sabi niya pagkaupo niya. I told her what happened.
Nanlaki ang mata niya ng marinig niya ang sinabi ko.
"Ang bruhang ‘yon! Nagawa niya ‘yon sa’yo?! Nasaan na siya? Kriminal siya! Okay ka lang ba? Are you sure?" nagaalala niyang tanong.
"Medyo okay. Well I have to be okay for my babies. I need to be strong."
"Si Adam? Alam na ba niya ang nangyari?" Tumungo ako.
"I don't know. I'm sure wala naman siyang pakialam,” pinipigilan kong humikbi.
Nag-angat ako ng tingin and I looked at her.
"Jane, pagod na ako. Ayoko na. Alam mo ‘yung pakiramdam na lahat naman ginawa ko, lahat binigay ko pero kahit anong gawin ko kulang pa rin? Lagi akong talo. Just when I thought na okay na ang lahat, ayan na naman, may bagong pagsubok na naman. Minsan tinatanong ko, wala ba talaga akong karapatang sumaya?"
Hinawakan niya ang kamay ko. Pinipigilan kong hindi umiyak kasi nasa public kami pero buti na lang kokonti ang tao ngayon sa restaurant.
"Sabi ko noon na si Adam ang happiness ko but then I realized, na tayo talaga ang gumagawa ng sarili nating happiness. Hindi natin pwedeng iasa sa iba kaya naman mula ngayon, gagawa ako ng sarili kong happiness. ‘Yung hindi siya kasali. ‘Yung walang taong makakapanakit sa akin."
"What do you mean?" tanong ni Jane.
"Arkisha!"
Sabay kaming napalingon sa tumawag sa akin.
"Thank God I found you,” sabi niya at niyakap niya ako.
"How are you?" ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya.
"Okay naman,” sagot ko.
I invited her to sit down.
"Bakit mo ako hinahanap?" tanong ko.
"Kailangan kong maunahan si Adam sa paghahanap sa’yo eh,” sagot niya.
Naguluhan ako sa sagot niya. Si Adam, hahanapin ako?
Napansin niya siguro na parang may pag-aalinlangan ang reaksyon ko sa sinabi niya.
"Okay. Adam knows everything. Alam na niya na anak niya ang dinadala mo. Alam na din niya walang nangyari sa inyo ni Brent."
Honestly, habang sinasabi ni Venice ang lahat ng ‘yon, wala akong pakialam. Wala akong maramdaman. Not interested. Hindi na rin ako na-curious kung paano naniwala si Adam. Wala na talaga. Parang mula ng lumabas ako ng kwarto niya, noong araw na pinagtabuyan niya ako, nilagyan na niya ng tuldok ang lahat.
"Arkisha, are you listening?" tanong ni Venice.
"Okay,” walang gana kong sagot.
"Okay? What okay?"
I took a deep breath.
"Okay as in I heard it and I don't care."
"Oh Arkisha.."
"Naiintindihan mo naman siguro ako di ba?" tanong ko kay Venice habang nakatingin ako sa kanya. Nagulat ako ng bigla na lang niya akong niyakap.
"I'm sorry. I'm sorry kasi sinaktan ka ng kapatid ko, na hanggang ngayon nasasaktan ka, but I wanna help you. Kayo ng mga magiging pamangkin ko,” sabi niya habang yakap niya ako.
"Thank you", bulong ko.
"I know Adam deserves to be punished,” sabi niya.
Punished. Gusto kong matawa. Lahat nga siguro nagbabago. Maging ang kahulugan ng salitang ‘yan para sa amin ni Adam, nagbago na din.
"What are your plans?" tanong niya.
"Oo nga Arkisha, ano nga bang plano mo?” tanong ni Jane. Ngayon lang uli siya nagsalita. Baka na-mesmerized na naman sa ganda ni Venice.
"I wanna go home,” sagot ko.
"O siya, tara na sa boarding house,” sabi ni Jane.
"No. What I mean is gusto kong umuwi sa probinsya namin. Tingin ko, mas magiging okay ako doon,” sabi ko. Nakita kong tumatango-tango naman si Venice. Gusto niya rin?
"I think tama nga ‘yan,” sabi ni Venice.
"Venice, ayokong malaman ni Adam."
I know it’s impossible. He has the money para ipahanap ako but still I am hoping. Venice smiled.
"That is the reason kaya inuunahan ko si Adam na makita ka. Honestly, ayokong makita ka niya,” she said.
Nakakapagtaka talaga siya.
"I mean, ayokong makita ka niya kaagad. Kung kinakailangan ngang ako mismo ang magtago sa’yo, I'll do it, maturuan ko lang ng leksyon ang kapatid ko."
I get it.
"Look Arkisha, kung nakita mo lang ang itsura niya nung sinabi niya sa akin na kailangan ka niyang hanapin, na kailangan ka niyang makita, I swear kung kinakailangan niyang pumatay, he will do it. He wants you back really bad. And to your part, naiintindhan kita. Pero alam natin na hindi magtatagal, malalaman niya rin kung nasaan ka di ba? My point is, you can run, but you can't hide at hindi pwedeng forever kayong maghabulan."
She's right.
"Tutulungan kita sa plano mo, sa gusto mong mangyari. Ako mismo ang maghahatid sa’yo today sa probinsya mo kasi hindi kita pababayaang bumyahe with your condition. Lahat ng kailangan mo financially sa pagbubuntis mo, ako ang bahala--,” sabi ni Venice.
"Venice, you don't have to. Ako na lang ang bahala,” tanggi ko.
"No. Hindi ako papayag. After all, anak pa rin ‘yan ng kapatid ko. Please kahit ‘yon lang ‘wag mong ipagkait sa akin?"
Hindi na lang ako nagsalita.
"Venice, what if ayoko na pala,” sabi ko.
Tinitigan niya ako.
"Change of plans?" tanong niya.
No. Change of heart.
Pero hindi ‘yan ang isinagot ko.
"What if hindi ko na pala kayang tanggapin si Adam?" Lumungkot ang mukha niya. Hinawakan niya ang kamay ko.
"What if kaya mo pa?" tanong niya.
Hindi na lang ako nagsalita. Hindi niya rin siguro ako maiintindihan.
Ngumiti na siya.
"One more thing, nakakulong na si Scarlett. She deserves it. Pati kami niloko niya. Hindi naman pala si Adam ang ama nung nakunan siya at dahil sa miscarriage na ‘yon, hindi na siya magkaka-anak,” sabi niya.
Kaya ba ganun na lang siya ka-desperada na banggain ako?
"Mabuti naman!" sabi ni Jane.
"Arkisha, may aayusin lang ako, babalikan kita dito, we'll get your things and ihahatid na kita, okay?"
Tumango na lang ako. Kung tutuusin, ayoko na ng kahit anong koneksyon kay Adam pero mukhang malabo ‘yun. First, I am carrying his babies. Second, eto ang ate niya at walang ibang gusto kundi maging okay ang kalagayan ko.
"Ah Venice, saan nakakulong si Scarlett?" tanong ko bago siya umalis. Sinabi naman niya kung saan and we exchange numbers.
"Let's go, Jane."
"Saan? Di ba sabi nung magandang ‘yun, dito ka niya babalikan?"
"Oo, babalik din tayo dito. May kailangan lang tayong bisitahin."
Pagkadating ko sa presinto, kinakabahan ako. But I need to see her. I need to see her suffering in jail.
"Anong ginagawa mo dito?!" tanong niya at lumapit siya sa rehas.
"What a perfect view!" sabi ko. "Bagay na bagay ka dyan, alam mo ba ‘yon?"
Alam kong galit na galit na siya.
"Magpasalamat ka at nakakulong ka ngayon, dahil kung ako ang papapiliin, wala ka sa kulungan ngayon, nasa morgue ka na! Dahil ang dapat sa mga kriminal na katulad mo, pinapatay!" singhal ko sa kanya.
"Hindi man kita napatay pero napatay ko ang puso mo! Wala na sa’yo si AJ! Wala na siyang tiwala sa’yo!" Tinawanan ko siya sa sinabi niya.
"Si Adam? Kahit magsama pa kayong dalawa sa kulungan ngayon, wala akong pakialam. Bagay nga kayong dalawa, parehas na makitid ang utak niyo! Ngayon alam ko na kung bakit ka nakunan dati, cause you don't deserve to be a mother!"
I know medyo below the belt ang sinabi ko. Masyadong sensitive pero kumpara sa mga ginawa niya sa akin, that's nothing. She was about to hurt me pero hindi siya nagtagumpay dahil sa rehas na nakapagitan sa aming dalawa.
"Sa ugali mong ‘yan? Matatakot ang Diyos na biyayaan ka ng anak. Eh kung sarili mo nga hindi mo matrato ng maayos! Nakikita mo ‘tong tiyan ko. Sooner or later, magkakaumbok ‘to because of the babies. Ang bagay na kahit kailan ay hindi ka magkakaroon. Akalain mong dalawa agad ang ipinagkaloob ng Diyos sa akin. Eh sa’yo ilan? Wala. So ano ang uunahin mong ipanalangin? Ang magka-anak o ang magkaroon ng normal na pag-iisip? Parehas yatang imposible!"
"I'm gonna kill you, Arkisha! You'll be dead!" banta niya.
"MAUUNA KA!" sagot ko.
"Hindi pa tayo tapos, Arkisha!"
"Bakit? Sino bang nagsabi na tapos na ako sa’yo?! Eh hindi pa nga ako nagsisimulang maningil!" pagkasabi ko noon, tinalikuran ko na siya.
"Halika na Jane,” yaya ko.
Bumulong si Scarlett. She looks really irritated.
"I think I'm gonna be sick!"
Sinagot siya ni Jane.
"Then call the doctor very quick!! Hmp!"
Mas lalong nairita si Scarlett pero sumunod na si Jane sa akin palabas.