noveltoon logo noveltoon
Ex with Benefits 1

Chapter 56

Ch. 57 / 72 Feb 05, 2022

Arkisha's POV

Tahimik lang ako habang nagmamaneho si Venice. Mahigit tatlong oras din ang byahe pauwi sa probinsya namin. Sinabi ko sa kanya ang address.

"Gusto mo bang matulog? Or nagugutom ka ba?" tanong niya. Sinulyapan niya ako pero agad din niyang ibinalik ang tingin niya sa daan.

"Okay lang ako. Ayokong matulog,” sagot ko. Kailangan ko din kasing sabihin sa kanya ang direksyon kahit pa sinabi ko sa kanya ang address. Mahirap na baka maligaw pa kami.

"Venice,” tawag ko sa kanya.

"Hmmm?"

"Thank you."

"Ano ka ba? This is nothing. Gusto ko naman ‘tong ginagawa ko." Hindi na ako sumagot.

"Alam mo bang galit na galit si Paris?"

"Matagal na naman siyang galit sa akin di ba?"

"No. Hindi sa’yo. Kay Scarlett. In fact, siya pa nga ang nagpakulong dun eh,” tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Paanong?"

"Would you believe na siya ang unang nakaalam ng lahat? I mean, ‘yung totoong pagbubuntis ni Scarlett and ‘yung panloloko nito na si Adam daw ang ama. Pinaimbestigahan niya."

"Si P-Paris?" Hindi ata ako makapaniwala.

"Yes. Akalain mo, natuto din. Akala ko nga forever na siyang magpapauto dun kay Scarlett eh."

Hindi pa rin ako makapaniwala. I can still remember how mean she was to me tapos ngayon ito pa daw ang nagpakulong kay Scarlett?

Nang makarating kami sa bahay. Bumaba muna kami sa kotse. I invited her in.

"ATE!" Sumalubong sa akin si Ian, remember him?

"Bakit ka nandito? Ang taba mo!" Ginulo ko ang buhok niya.

"Hindi ako mataba ‘no!"

Tumataba na ba ako?

"Si Mama?" tanong ko.

"Nasa kapitbahay lang ‘yon. Teka tatawagin ko." Tumakbo na siya palayo.

"Kapatid ko, si Ian,” sabi ko kay Venice at umupo kami sa sofa.

"All this time akala ko only child ka, may kapatid ka pala,” sabi niya.

"Oo, dalawa lang kaming magkapatid."

Dumating na si Mama. Niyakap ko siya.

"Ma!"

"Arkisha, bakit ka nandito? Akala ko--"

"Ma, si Venice--,” pakilala ko. Paano ba ‘to?

"Kaibigan po niya,” sagot ni Venice. Tumayo siya at nagpakilala. "Inihatid ko lang po si Arkisha dito."

Tiningnan ako ni Venice at nakuha na niya siguro ‘yung tingin na ‘hindi-pa-alam-ni-Mama.’

"Teka nga, bakit biglaan ang pag-uwi mo? Hindi ka man lang nagpasabi?"

"Oo nga po eh. Dito po muna sana ako magbabakasyon."

"Ah, mabuti naman at nami-miss ka na din namin ng kapatid mo."

"Ate, nasaan na ang pasalubong ko?"

Lagot. Mangungulit ‘to.

"Ano kasi, nakalimutan ko sa boarding house. Napasama ata sa gamit nung ka-boardmate ko. Babawi ako, next time,” pagsisinungaling ko.

"Ang daya mo. Pero ate alam mo, ang taba mo talaga. Para kang buntis,” sabi niya.

My brother and his big mouth!

"IAN! Ikaw talagang bata ka! Ang bata-bata mo pa, kung ano ano ng nalalaman mo!" sita sa kanya ni Mama.

Napatungo ako. Tiningnan ako ni Mama.

"Arkisha, hindi ka naman buntis di ba?" tanong ni Mama.

Nag-angat ako ng tingin. Tiningnan ko si Mama at unti-unting tumulo ang luha ko.

Tinitigan lang ako ni Mama sa mata tapos hindi na siya nagsalita. Wala na akong narinig sa kanya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako kasi hindi niya ako minura o matatakot kasi wala siyang sinabi. Sinolo niya ‘yung nararamdaman niya.

"Ma, I'm sorry."

"Nasaan ang ama ng baby mo?" tanong ni Mama. Hindi ko maipaliwanag ang tono niya. Mabagal na mataas tono ng pagkakatanong niya.

Babies, Mama. Magagalit si Ella. Pero syempre hindi ko yata magagawang magbiro sa ganitong sitwasyon.

"Ah Tita, kapatid ko po ‘yung ama ng babies ni Arkisha..” singit ni Venice.

Thanks to her. Di ko pa alam ang isasagot ko eh.

"Babies?" si Mama.

"Opo. Kambal po ang ipinagbubuntis ni Arkisha--.”

Hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari. Hindi ko na alam ang pinag-usapan nina Mama at ni Venice. I collapsed.

"Ma! Gising na si Ate!" sigaw ni Ian.

"Kumusta ang pakiramdam mo? Alam mo bang tinakot mo kami? Bigla ka na lang nawalan ng malay,” sabi ni Mama.

"Ma, ang mga baby ko?" nag-aalala ako.

"Okay sila. ‘Wag ka ng masyadong mag-isip. Sabi ng doktor, masyado ka daw naiistress. Ano bang ginagawa mo sa Maynila at naiistress ka? Mabuti nga at dito ka na lang. Mas maalagaan pa kita."

"Si Venice po?"

"Umuwi na kahapon."

"Kahapon?"

"Aba oo. Mabuti nga at nagising ka na. Ilang oras ka ng walang malay. Magdamag. Alalang alala nga siya. Ayaw man niyang umuwi kailangan daw, dahil baka daw magtaka sila. Ah ewan, hindi ko naman naiintindihan. Pero oras-oras tumatawag siya, tinatanong kung gising ka na ba daw. Tawagan mo nga at ng matigil ang pag-aalala ng batang ‘yon."

Tinawagan ko nga si Venice. Sinabi ko na okay na ako at nagpasalamat na rin.

"Alam mo ba, bayad na ang gastos mo dito sa ospital. Binayaran niya. Napakabait na bata."

Lumabas na din ako sa hospital noong hapon.

**

"Ate, totoo ba na dalawa ang baby dyan sa tiyan mo?" tanong ni Ian.

Mahigit tatlong linggo na din ako dito at lumalaki na ang tiyan ko. Ganun pala ‘yon, kapag nalaman na buntis ka, automatic 'tong lalaki. Sabi nila.

Kapag nagtatanong ang mga tao kung nasaan ba daw ang ama ng ipinagbubuntis ko, sinasabi ni Mama na nasa Manila. Ewan ko lang kung naniniwala sila. Wala din naman akong pakialam sa sasabihin nila. Ang alam ko lang pinoprotektahan ako ni Mama. Hindi na siya nagtanong pa. Hindi ko na nga rin tinanong kung anong pinag-usapan nila ni Venice. Ayoko ng malaman.

"Oo, kaya dalawa ang aalagaan mo,” sagot ko.

"Ang galing ‘no? Dalawa. Bakit hindi tatlo? Pwede pa lang dalawa."

I told you. Makulit siya. Madaming tanong.

"Eh kasi dalawa ang binigay ni Lord,” sagot ko na lang. Hindi ata ako mananalo sa batang ‘to.

"Ahhhh,” sagot niya at tumatango-tango pa. Kuntento na siguro sa sagot ko.

"Eh nasan ang daddy nila? Sabi ni Mama, nasa Manila daw. Eh bakit di siya pumunta dito?"

Ang kuleeetttt talaga!

"Eh.. Ewan ko. Yaan mo na siya. ‘Wag mo na lang banggitin. Isipin mo na lang patay na siya,” iwas ko.

"Patay daw? Baka patay na patay ka?" pang-aasar niya.

"Anong sabi mo?!"

"Wala. Eh bakit naka-save pa din ‘yung picture niya sa cellphone mo?"

"HOY! BAKIT MO PINAPAKIALAMAN ANG CELLPHONE KO? Saka nakalimutan ko lang ‘yung burahin ‘no!" sabi ko.

Totoo. Binura ko na lahat ng messages at pictures ni Adam. Aba't may naligaw pa pala? Pati nga number binura ko na. Kaso memorized ko eh pero makakalimutan ko din ‘yun, tiwala lang.

"Binura daw lahat? Hindi naman! Gwapo ate, parang ako! Eh di hindi ko na pala siya makikita? Sabi mo patay na eh", nakikipag-asaran talaga siya ha! Tapos tumawa pa siya. Nakakainis talaga!

Naalala ko tuloy ‘yung sinabi ni Venice nang ihatid niya ako.

"Arkisha, expect to see my brother sa bahay niyo after ahmmm.. two months."

"Why?"

"Di ba sinabi ko nga, you can run, but you can't hide. I'll give you two months para makapag-isip ng wala si Adam. Mahahanap at mahahanap ka niya. Gagawan ko na nga lang na paraan para di ka niya mahanap AGAD di ba?"

I got her point.

Two months. So kailangan ko pa pa lang ipagpasalamat ang pagtatago ng two months.

Sa totoo lang, medyo okay na ako. Hindi ko na naiisip si Adam, well except now kasi tinanong ng makulit kong kapatid.

Parang kaya ko na ng wala siya. Kaya ko naman sigurong maging single mother to a twin.

"Dyan ka na nga ate, tulala ka na naman! Epekto ba ‘yan ng pagiging buntis?"

Lumabas na si Ian ng bahay. Mabuti nga ‘yon, wala ng makulit. Pero wala pang sampung minuto, bumalik siya at tumatakbo.

"ATE! ATE!"

"Ano? Bakit ka ba tumatakbo? Para kang nakakita ng multo!" sabi ko.

"MULTO NGA ATE!"

"Ano? Huminahon ka nga!"

"’Yung sabi mong patay na? ‘Yung lalaki sa picture sa cellphone mo?"

"O?"

"Hinahanap ka. Nasa labas. Sabi niya bayaw ko daw siya?"

Oh My God! He's here!

There's a huge difference between two months and three weeks, right?