noveltoon logo noveltoon
Ex with Benefits 1

Chapter 49

Ch. 50 / 72 Feb 05, 2022

Adam's POV

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng walang galos ang aking katawan o ang sasakyan ko. Halos paliparin ko ‘yon pauwi. Pero ang puso ko, punong puno ng sugat.

Mali pala. Wala na pala akong puso, kasi pinatay na niya.

Ang sabi nila, ako ang manloloko. Ako ang playboy. Sabi pa nga, Adam Jacob Castrences, the number one heartbreaker in town.

KALOKOHAN!

Tao lang ako. Marunong din akong magmahal kaya naman nasasaktan ako ng ganito ngayon. Tao din ako na kayang lokohin. Pero bakit kailangang ganito?

Paano mo masasabing ako ang manloloko kung ilang beses na din naman akong niloko?

Si Scarlett. Minahal ko siya ng sobra-sobra pero iniwan niya ako dahil sa ibang lalaki. Sabi niya, kinailangan daw niyang lumayo dahil nagbuntis siya? Bullsh*t naman ‘yun!

Kung totoo man ‘yun, I said sorry for that.

At ngayon, si Arkisha, ang buhay ko. Ang babaeng gusto kong makasama habang buhay, niloko din ako.

Ang masakit nito, si Brent pa talaga! Oo, aaminin kong binigyan ko na noon ng meaning nang makita ko sila. Nag-sorry naman ako di ba? Pero tama nga pala ang hinala ko. I should've listened to my instincts.

Para nasiraan lang ng sasakyan ng konti ‘yung mga kaibigan niya, sinamantala na nila ang pagkakataon?!

DAMN!

Naihagis ko sa pader ang bote ng alak na hawak ko.

*tok tok tok*

"Adam, open this door! Ano bang ginagawa mo dyan?" boses ni Venice yun. Sunod-sunod pa din ang katok niya.

"Adam, ano ba?! OPEN THIS DOOR!!"

Bakit? Kapag binuksan ko ba ang pintong ‘yan, mawawala ba ang lahat ng sakit na nararamdaman ko??

Hindi ako gumagalaw sa kinauupuan ko. Nakaupo ako sa sahig, nakasandal sa kama sa loob ng kwarto ko. Nagbukas uli ako ng isa pang bote ng alak. Nagkalat pa nga sa sahig ang mga bubog ng bote na inihagis ko kanina.

Nawala na ang ingay sa labas ng kwarto ko. Mabuti naman at tumigil na siya sa pangungulit. Pero nagulat ako nang narinig ko na nagbukas ang pinto at tumakbo sa akin si Venice.

"ADAM! ANONG GINAGAWA MO?"

Drinking myself to death. Sagot ko sa sarili ko. Parang mali ‘yun, kasi nga patay na ako di ba? Kanina lang.

Hindi ko siya tinitingnan. Sunod-sunod lang ang inom ko.

"Yaya! Pakibuksan nga ang ilaw,” utos niya. "And please clean this mess."

Hinawakan niya ako sa braso.

"Adam, ano bang nangyayari sa’yo?!"

"Leave. Me. Alone." sagot ko.

"You are not yourself! Itigil mo nga ang pag-inom!"

"I SAID, LEAVE ME ALONE!!" sigaw ko sa kanya.

"Adam, andito ako. You can talk to me. Di ba ako ang kakampi mo?" sabi niya habang pilit na inaangat ang mukha ko na nakatungo.

"Sarili ko lang ang kakampi ko. Sarili ko lang ang pwede kong pagkatiwalaan,” sagot ko at tumingin ako sa kanya.

"Adam.. You know that's not true. Andito ako. Ako ang ate mo di ba? Since we were kids sa’kin ka na nagkukwento. Ano bang nangyayari?"

Ramdam ko ang awa sa mga mata at boses niya. Niyakap niya ako.

"I am willing to listen, Adam. I hate to see you like that. Si Arkisha ba ang dahilan?"

Dumilim ang paningin ko pagkarinig sa pangalang ‘yon.

"Don't you dare say her name!

Natulala siya sa sinabi ko. Mas lalo niya akong niyakap. Doon tumulo ang luha ko. Kanina ko pa nilalabanan ang mga luhang ‘to pero natalo ako.

"Adam.." malungkot na tawag niya.

"Please, I want to be alone", bulong ko.

"Pero Adam, I can't leave you like this--"

"Don't worry. Hindi naman ako magpapakamatay,” I assured her. Because I'm already dead.

"Siguraduhin mo lang, lagot ka sa akin! Mag-uusap tayo bukas ha."

Pagkasabi nya noon, lumabas na siya ng kwarto ko.

**

Arkisha's POV

"Magpahinga ka na Arkisha,” sabi sa akin ni Ella pagkadating namin sa boarding house.

Pagod na pagod ang buong katawan ko. Nakakaramdam na din ako ng antok. Sabagay, kailangan ko nga pala ng lakas para sa pag-uusap namin ni Adam bukas.

Late na ako nagising kaya naman tanghali na ako nang makapunta kina Adam. Gusto pa nga akong samahan nina Ella pero tumanggi ako. At tama akong dito ako unang nagpunta at hindi sa opisina niya. Nandito siya. I saw his car.

Pinapasok ako ng katulong. Itinanong ko kung nasaan si Adam, nasa kwarto daw niya, hindi pa daw bumababa at kumakain. Si Venice at ang Daddy ni Adam, nasa office daw at si Paris, hindi daw niya alam. Hinayaan niya na lang akong makaakyat sa kwarto ni Adam. Kumatok ako pero walang sumasagot. Sinubukan kong pihitin ang doorknob at hindi ‘yon naka-lock.

Hindi ko maintindihan pero kinakabahan ako. Alam kong wala naman akong ginagawang masama pero may takot akong nararamdaman sa puso ko. Natatakot ako sa pupuntahan ng magiging usapan namin ni Adam.

"Adam?" tawag ko. Then I saw him. Nakatayo siya, nakatalikod sa akin at nakatanaw sa bintana. Nakita ko ang mga nakakalat na bote ng alak. ‘Yung iba walang laman at ‘yung iba meron pa.

Unti-unti akong lumapit sa kanya pero bago pa ako tuluyang makalapit ay nagsalita siya na siyang ikinagulat ko.

"Umalis ka na,” sabi niya. Lumunok ako bago nagsalita.

"A-adam, mag-usap naman tayo please,” pakiusap ko sa kanya.

Hindi pa rin niya ako hinaharap.

"Tinapos ko na ang lahat kagabi di ba? Wala na tayong pag-uusapan. Makakaalis ka na,” sabi niya sa mababang tono.

This time, itinuloy ko ang paglapit sa kanya. Nasa likod na niya ako. Kinakabahan man pero dahan-dahan kong hinawakan ang braso niya.

"Adam, ‘yung kagabi--"

"’WAG MO AKONG HAWAKAN AND PLEASE HINDI AKO INTERESADONG MALAMAN ANG MGA PINAGGAGAWA NIYO KAGABI!"

Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa braso niya.

Nagulat ako sa sigaw niya kaya hindi ko napigilang umiyak pero pinipigilan ko pa din ang paghikbi. Hindi ngayon ang oras para maging mahina. I need to be strong!

"Adam, mali ang nakita mo kagabi--" pinipilit ko pa ring magpaliwanag sa gitna ng pag-iyak ko.

"Ayos ka rin ‘no? Aarte ka ngayon na ikaw ang nasasaktan. Iiyakan mo ako. Anong isusunod mo?" tanong niya habang matalim na nakatingin sa akin.

Mas lalo akong naiyak sa mga sinabi niya. Paano ako magpapaliwanag? He won't even listen!

"O? Ano? Wala na? Iiyak ka na lang? Umuwi ka na. HINDI KITA KAILANGAN DITO! HINDI MO NAMAN MATATANGGAL LAHAT NG SAKIT DITO!" sabay turo niya sa dibdib niya.

Mas nanlumo ako nang makita kong umiiyak na siya.

"Adam.." mahina kong tawag. Nagmamakaawa ang boses ko na tama na. Na ‘wag na siyang umiyak.

"Alam ko naman Arkisha na g*go ako, na niloko kita noon. Pero nagbago naman ako di ba? Ipinakita ko sa’yo na nagkamali ako sa ginawa ko sayo noon...” sabi niya sa gitna ng mga iyak niya.

Bawat patak ng luha niya mas nahihirapan ako.

"..ganito ba talaga dapat? Kailangan gag*hin mo din ako? Eh di sana pinatay mo na lang ako, literal!"

"Adam walang nangyari sa amin ni Brent, maniwala ka naman!"

"Ahhh, gin*go na nga ako, tanga pa, bulag pa?"

"Adam, walang nangyari,” mabagal kong ulit.

Pinunasan niya ang mga luha niya.

"Grabe ka talaga ‘no? Kitang kita na tumatanggi ka pa? Eto pa,” sabi niya at may iniabot siya sa aking puting sobre.

Nagulat ako sa nakita kong mga pictures.

"Sige nga Arkisha, tutal andito na lang din naman tayo at pinag-uusapan na natin ‘to, tell me, kailan mo pa ako niloloko?"

Ang pictures na hawak ko ngayon ay kuha sa party sa school. Nagsasayaw kami ni Brent at nakayakap siya sa akin ng mahigpit.

HAYOP KA TALAGA BRENT!

"Adam, hindi ‘to totoo. Mali ang nakikita mo,” garalgal ang boses ko.

"BULLSH*T NAMAN ARKISHA! Alam mo pagod na ako. Paulit-ulit lang tayo. NAKAKASAWA NA! Wala ng pupuntahan ang usapang ‘to. Umalis ka na! WE'RE DONE!" sigaw niya.

Hindi ako makagalaw. Hinawakan ako ni Adam sa braso at pilit na pinapalabas sa kwarto.

"Adam, hindi pwede! Please! Listen to me!" sumisigaw na din ako. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko. Nasasaktan na din ako.

"Adam, MAKINIG KA NAMAN KAHIT NGAYON LANG!...Please?" pabulong ang pagbitiw ko sa huling salita.

Tumigil siya sa paglalakad, sa may tapat ng pinto. Nakatitig lang siya sa akin. Matalim.

Pinunasan ko ang mga luha ko. Arkisha, kaya mo ‘to. Be strong, para sa mga anak mo, anak niyo ni Adam. Kalma ko sa sarili ko.

"Adam, hindi ta-yo pwe-deng mag-hi-wa-lay,” sabi ko sa gitna ng mga hikbi ko.

"Arkisha, kung hindi ka pa tapos sa pananakit sa akin, please tama na. Walang wala na ako. Wala ka ng makukuha sa akin. PINATAY MO NA AKO,” diin niya.

"Kahit kailan hindi kita ginustong saktan. Hinding hindi ko ‘yun magagawa sa’yo. Alam mo kung gaano kita kamahal--"

"SHUT UP!" sita niya sa akin habang umiiling siya. "’Wag na ‘wag mong babanggitin ang salitang mahal dahil hindi mo ‘yun alam!"

Humahagulgol na naman ako sa pag-iyak. Napahawak na ako sa damit niya, palapit sa kanya.

"Adam, mahal kita. Maniwala ka,” sabi ko. Tuluyan ko siyang niyakap habang nakasandal siya sa pinto, but he won't embrace me back. "Adam please.."

May naramdaman akong patak ng luha sa balikat ko. Nag-angat ako ng tingin and I was right, umiiyak na naman siya. When I was about to embrace him again, inilayo niya ako sa kanya ng dahan-dahan.

"’Wag na ‘wag mong sasabihin na mahal mo ako. Simula ngayon, ayoko ng maririnig ‘yan sa’yo, dahil mas lalo lang akong nasasaktan kapag naririnig ko ang isang bagay na alam naman nating hindi totoo."

Ang sakit sakit na. Ano bang ginawa ko para masaktan ako ng ganito?!

"Adam, bun-buntis ako!"

Pagkasabi ko noon, mas lalo akong napahagulgol. Hindi nga ako sigurado kung malinaw ang pagkakabitaw ko ng mga salitang ‘yon.

"Buntis ako",”ulit ko habang nakatungo. Kakaunting lakas na lang ang nasa katawan ko pero kailangan kong maging matatag. Narinig ko na lang na may ibinato siyang bagay na hindi ko alam.

Tumunghay ako at tiningnan si Adam. Unti-unti siyang napaupo mula sa kinatatayuan niya habang umiiyak. Umupo din ako at humarap sa kanya.

"Kita mo na, nagbunga pa ang kawalangyaan nyong dalawa ng lalaking ‘yon?! BAKIT KAILANGAN MO PANG IPAALAM SA AKIN ‘YAN?! MAS LALO MO LANG AKONG SINASAKTAN! Sabagay, nakalimutan ko, ‘yon nga pala ang gusto mo!"

Nagpanting ang tenga ko sa narinig ko. Bigla siyang tumayo. Nag-iinit pa din ang tenga ko sa sinabi niya. Tumayo din ako at hinarap siya.

"Adam, BUNTIS AKO! SA'YO ‘TO!" Tiningnan niya ako sa mata.

"At ngayon sa akin mo ipapaako ‘yan?! Bakit? Iniwan ka na niya? Malay ko ba kung ‘yun ang unang beses na ginawa niyo ‘yun ng lalaking ‘yon?!"

Hindi ako nakapagpigil. Sobra na! Sobra na talaga siya. Sinampal ko siya!

"Adam, alam mong ikaw lang. All my life, ikaw lang ang minahal ko,” sabi ko sa kanya habang nakatitig sa mga mata niya.

Alam kong nasaktan siya sa sampal ko. Pero hindi niya ininda ‘yon. Siguro nga sa kapal na din ng mukha niya, wala na siyang maramdaman.

"Pagod na ‘ko,” sabi niya. Binuksan niya ang pinto ng kwarto niya. "Get out. I'm done with you. I'm done with your lies."

Hindi ako makapaniwala na matatapos dito ang lahat. Iiling iling akong lumabas ng kwarto at bahay niya habang patuloy na umiiyak. Napakasakit. Kahit anong pagmamakaawa at paliwanag ang gawin ko, ayaw niya akong pakinggan. Ganun ba talaga ‘yon? Nang dahil sa maling nakita niya ay nagsara na ang tenga niya para sa mga paliwanag ko?

Pagod na siya? Bakit? Sino bang hindi napapagod??