Brent's POV
"Bumili ba si Daddy ng bagong kotse? Saan galing ‘to?" tanong ko sa katulong sa bahay namin.
"Hindi po, Sir Brent. Ang alam ko po si Ma'am Scarlett ang nagpa-deliver nyan."
Tiningnan ko ang kotse. Si Scarlett, bibili ng kotse? Bakit? Maganda pa naman ang kotse niya ah. Saka hindi na naman siya dito nakatira ah, bakit dito niya pina-deliver?
"Nandito ba siya?"
"Wala pa po, Sir."
Umakyat na ako sa kwarto ko para maligo. Pupuntahan ko si Arkisha para magpaliwanag sa kanya. Nakokonsensya na ako. May anak siya at naaawa ako sa kanya. Pagbaba ko, wala na ang kotse.
"Nasaan na ‘yung kotse?"
"Sir, kaaalis lang po ni Ma'am Scarlett."
Napakagaling talaga ng kapatid kong ‘yun. Hindi na naman kami nagpang-abot.
Pinuntahan ko si Arkisha sa boarding house niya pero eksakto pasakay na siya sa jeep ng makita ko siya. Sinundan ko na lang ang sinasakyan niya.
Nang makababa siya at patawid na siya sa kalsada, nakita ko ang kotseng pina-deliver daw ni Scarlett. Bumaba ako sa kotse ko. Tinted man ang salamin, alam ko kung sino ang may dala nun. Hindi pa ako nakakahakbang palapit kay Arkisha, humarurot na ang sasakyan.
"Arkisha!!" sigaw ko.
Pagkasigaw ko, nag-preno ang sasakyan. Mabuti hindi niya nasagasaan si Arkisha. Pagtingin ko, nakahandusay na sa daan si Arkisha. Nilapitan ko kaagad siya. Siya namang harurot ng sasakyang nagtangkang bumangga sa kanya palayo.
Isinakay ko kaagad siya sa kotse ko at dinala sa hospital.
**
Paris' POV
Kitang kita ko kung paano niya pagtangkaan ang buhay ni Arkisha. Wala nga pala talaga siyang puso! Mabuti na lang at may tumulong sa kanya.
Wait. I know who that guy is. Siya ang kapatid ni Scarlett. Sinundan ko ang kotse niya. Dinala niya sa hospital si Arkisha. Pinili kong hindi magpakita sa kanya.
Wala pa rin sigurong malay si Arkisha. Nasa labas ng kwarto ‘yung lalaki at nilapitan siya ng doktor.
"Ikaw ba ang asawa niya?" tanong ng doktor.
"Hindi po. Pero mag-k-kaibigan po kami,” nag-aalangan pa niyang sagot. "Kamusta po siya? Ang baby niya?" Sinabi ng lalaki ang nangyari.
"Nawalan siya ng malay sa sobrang takot sa nangyari but you don't have to worry, okay na siya and the babies as well", sabi ng doktor.
"BABIES??" kasabay ng utak ko ang pagtatanong niya.
"Yes, kambal ang ipinagbubuntis niya. Mamaya lang magigising na din siya."
Pagkarinig ko noon, agad akong umuwi. I was really in shock. Nanginginig ako while driving. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa pagpapaliwanag kay Adam.
Pagdating ko sa gate, nandon si Scarlett sa labas. Oo nga pala, sinabi ko nga palang ‘wag siyang papapasukin. Bumaba ako sa kotse ko. Pero bago ‘yun, tumawag na ako ng pulis.
"PARIS! Oh! God you're here! Anong nangyayari sa kanila? Ayaw nila akong papasukin!!" sabi niya at kumapit pa siya sa braso ko. Sisiguraduhin kong hindi siya makakatakas.
Ngumiti ako sa kanya.
"Its okay, papasukin niyo na siya. Andito na ako,” sabi ko sa guard. "Let's go,” baling ko kay Scarlett.
"Anong ginagawa ng babaeng ‘yan dito?" tanong ni Venice ng makita niyang kasama ko papasok sa bahay si Scarlett.
I need to calm down. Relax Paris, everything will be okay.
"It’s okay Venice, leave this to me,” sabi ko.
"Hindi ko nakausap si Arkisha, wala siya sa tinutuluyan niya pero may mga nalaman ako--,” sabi ni Venice.
I know wala siya doon dahil alam ko kung anong nangyari.
"Later Venice,” putol ko sa kanya. "We have to deal with this first,” sabi ko.
"But Paris--,” pamimilit ni Venice.
"Where is Adam Jacob?" tanong ko.
"As usual, nasa kwarto niya. Ayaw akong kausapin. I know everything but he won't listen!" sagot ni Venice.
"Paris, asan na ang bata?" singit ni Scarlett.
Tiningnan ko lang siya. Kinakabahan ako.
"PARIS?! ANSWER ME!" sigaw niya.
Lumabas si Adam mula sa kwarto niya.
"WILL YOU PLEASE SHUT UP! ALL OF YOU!--"
Magsasalita pa sana siya pero pinigilan ko siya.
"Adam Jacob, you need to come down here!" utos ko sa kanya.
"I'm not in the mood, Paris!"
He was about to enter his room again ng akyatin ko siya at hilahin pababa.
"What the heck is your problem?!" sigaw niya.
"My problem? Ikaw! Ikaw at ang sarado mong utak! Just this once Adam Jacob, makinig ka!" sigaw ko sa kanya.
"AJ,” sabi ni Scarlett.
"Don't call him AJ!" sigaw ko kay Scarlett.
Si Adam, nakatayo lang siya. Nakasandal sa pader. Nakatungo. Walang kagana-gana. Hindi ko nga alam kung kumakain pa ba ‘to. But I don't care. Kailangan niya lang marinig ang sasabihin ko.
Na-shock si Scarlett sa inasal ko sa kanya.
"I thought you're on my side, Paris?" pagtataka niya.
"I was wrong. Nang dahil sa’yo, nagulo ang buhay ng kapatid ko. ‘Yung totoo kong mga pamangkin, muntik ng mawala ng dahil sa’yo!"
"What do you mean?" tanong ni Adam.
Sa wakas, nagsalita din siya.
"That woman Adam, she tried to kill Arkisha. Binangga niya at muntik na siyang makunan!"
"How dare you!" sigaw ni Venice kay Scarlett. "I knew it from the start na wala kang gagawing mabuti!!"
"I don't care. They're not mine anyway,” walang kagana-gana niyang sagot.
Sinampal ko siya.
"Kailan ka ba magigising, Adam Jacob?!" sigaw ko sa kanya.
"Adam, ganyan ka na ba katigas?!" sigaw sa kanya ni Venice.
I can't believe na pinagtutulungan namin siyang magkapatid.
"She deserves it! Mang-aagaw siya!" sabi ni Scarlett.
"Wala siyang inagaw sa’yo Scarlett, ikaw ang bumitaw kay Adam!" sabi ni Venice.
Venice was about to attack Scarlett pero pinigilan ko siya.
"Venice, ‘wag mo na lang siyang saktan!" sabi ko kay Venice.
"Ano? Ipinagtatanggol mo na uli siya ngayon?" Tiningnan ko ng matalim si Scarlett.
"NO! Dahil kung ako ang papapiliin, hindi lang ‘yung gagawin mo sa kanya ang aabutin niya sa akin!"
"Paris?" nagtatakang tanong ni Scarlett.
"Shut up Scarlett! At this point, wala kang karapatang magsalita!" singal ko kay Scarlett.
"Mabuti na lang nandon ‘yung kapatid ni Scarlett. She saved her and her babies,” paliwanag ko kina Adam at Venice.
Naningkit ang mata ni Scarlett
"Si Brent?!"
"Babies?" takang tanong ni Adam. Nag-angat siya ng tingin sa akin.
"Yes, my dear brother. Kambal ang anak mo kay Arkisha and don't you dare think that they're not yours!" sigaw ko sa kanya.
"But--," sabi niya.
"NO BUT'S ADAM JACOB! Ano ba ang problema mo Adam?! Wala kang dapat ipagduda. Those babies are yours! Gusto mo bang iuntog pa kita sa pader na ‘yan?!"
"Where are they?" tanong ni Adam. Mukhang nagsisimula na siyang mag-alala.
Sinabi ko kung saang hospital.
"Sasama ako,” sabi ni Venice.
Bago sila umalis, pinisil ni Adam ang braso ni Scarlett at galit na galit siya.
"Kapag may nangyaring masama sa mag-iina ko, I SWEAR, AKO MISMO ANG PAPATAY SA’YO!" galit na galit na sabi ni Adam at umalis na sila ni Venice.
"AJ!!" sigaw ni Scarlett. She was about to follow them nang pigilan ko siya. Hinawakan ko siya sa braso.
"Awww! Let me go!" sigaw niya.
"You are not going anywhere, btch!" sabi ko kay Scarlett.
Nagulat siya.
"The cops are on their way!" sabi ko.
"NO! Paris, you can't do this to me!"
"I just did!"
Then the cops arrived.