noveltoon logo noveltoon
Ex with Benefits 1

Chapter 46

Ch. 47 / 72 Feb 05, 2022

Arkisha's POV

"Excited na talaga ako! Imagine, isang linggo na lang gagraduate na tayo!" si Jane.

"Oo nga eh. Pero bago ‘yun, alam kong mas excited ka para bukas,” sabi ni Ella.

Andito kami sa mall, namamasyal. Saka may bibilhin daw ‘tong si Ella.

"Bakit naman ako magiging excited para bukas, aber?"

"Eh kasi bukas na kaya tutugtog ang banda nina Brent,” sagot ni Ella.

Oo nga pala, bukas na nga pala ‘yung sinabi sa akin ni Brent nung huli kaming nagkita.

"Hindi ke ne nge kase sye crush eeeehhhhh,” maarteng sabi ni Jane.

"Sus! ‘Wag kang manonood bukas ha! Ikaw Arkisha, excited ka na din ba?" ako naman ang binalingan ni Ella.

Busy naman ako sa pagtingin ng mga damit.

"Syempre naman. Ang tagal ko kayang hinintay maka-graduate,” sagot ko.

"Alam ko naman ‘yun, ang tanong ko kung excited ka na sa pagtugtog nina Brent."

"Ah… Oo. Excited din. First time ko kasi siyang mapapanood pero narinig ko naman na siyang kumanta."

"Ah, eh nga pala. Luluwas ba ang mga magulang mo sa graduation?" Napatungo ako.

"Halata na ba?" tanong ko sa dalawa. Tukoy ko sa tiyan ko.

"Hindi pa naman. ‘Wag kang mag-alala,” sagot ni Jane.

"Eh paano mo nga pala ‘yan sasabihin sa mga magulang mo?"

"Hindi ko pa din alam eh. Pag-uusapan na lang siguro namin ni Adam pagdating niya."

"Speaking of Adam, malapit ng dumating ‘yun ah,” sabi ni Ella.

Oo, malapit na nga siyang dumating. Araw-araw naman siyang tumatawag, kinakamusta ako. Minsan nate-tempt akong sabihin ang kalagayan ko pero mas gusto ko kasi talagang ibalita sa kanya sa personal.

"Oo, ilang araw na lang dadating na siya,” sagot ko.

Hinila kami ni Ella sa mga damit ng pambata. Kumuha siya na isa, kulay pink.

"Arkisha, tingnan mo ‘to oh, siguradong bagay na bagay ‘to sa babies mo,” sabi ni Ella.

"Ella ano ka ba?! Eh pang one year old na ‘yang kinuha mo eh, anong akala mo sa mga anak ni Arkisha, ganyan na kalaki paglabas? Saka pink? Hindi bagay sa lalaki ang pink!" sabi ni Jane.

Nagtatalo na naman sila. Pero sa totoo lang naaaliw ako sa dalawang ‘to kapag nagtatalo sila.

"Lalaki? Sino naman ding may sabi sa’yo na lalaki ang magiging anak nila ni Adam? Babae ‘yan! Kaya nga pink eh!" sagot naman ni Ella.

"Baliw talaga kayong dalawa! ‘Wag niyo ngang pag-tripan ang kambal ko!" sita ko sa kanila sabay tawa.

**

Sabay-sabay kaming tatlo na pumunta sa school. Ngayon na tutugtog sina Brent. Balita ko ay may iba pang banda na inimbitahan ang school. Mahaba-habang gabi to.

Para hindi ako ma-conscious sa tiyan ko, isang pink dress na lang ang isinuot ko. Girl na girl ako tonight.

"Wow! Ang sexy mo pa rin kahit buntis ka na!" sabi ni Ella.

Glad You Came by The Wanted ang tugtog ng pumasok kami. Sobrang dami ng tao. ‘Yung mga ilaw nakakasilaw, but I'm sure everyone will enjoy the night.

"Na-miss kong sumayaw!" sabi ni Jane habang naglalakad papunta sa table na napili namin. Sumasayaw-sayaw pa nga siya habang naglalakad eh.

Sakto pagkaupo namin, lumabas na sa stage ang banda ni Brent at nagsimulang tumugtog.

Si Jane kahit sinabi niyang hindi na niya crush si Brent, hindi pa din naman niya maitago ang kilig. Sumasabay pa nga siya sa kanta eh. Napansin kong hindi tumitingin sa akin si Brent o baka naman hindi ko lang natyetyempuhan. Sabagay, baka nasisilaw siya sa ilaw.

Nang matapos silang tumugtog, lumapit siya sa table namin. ‘Yung ibang mga estudyante, habol ang tingin sa kanya. Ang gwapo niya nga naman kasi plus ang galing pang kumanta. Ang lapad pa rin ng ngiti ni Jane. Si Ella naman, asar na asar na sa pagpapa-cute ni Jane kay Brent.

"I'm happy for you,” sabi ko kay Brent.

"Thank you. Naisip ko din kasi na kailangan ko na ngang kumita,” sagot niya. Natatawa na lang ako. Mayaman na sila ah.

Ibang banda na ang tumutugtog and this time iba ang genre ng tugtog nila. Pang-senti at sweet. ‘Yung ibang estudyante tumatayo at nagsasayaw na sa gitna with their partners.

"Can I have this dance?" tanong ni Brent.

Teka, ako ba? Pagtingin ko sa kamay niya, sa akin nga nakalahad. Tiningnan ko sina Jane at Ella. They mouthed "Go". Kapag nakipagsayaw ako kay Brent, that doesn't mean na niloloko ko na si Adam di ba? It's just a dance.

Ayoko din namang ipahiya si Brent kaya pumayag na din ako.

Never thought I'd ever get the chance

To be so close to you like in a dance

I only watch you from afar

Moving like a distant star

So far away, away from me!

If I could reach you...

If I could touch you...

Would you please let your light

Illuminate this dark lonely life

And let me hold you in my arms tonight

Feel your body close to mine tonight

Let me kiss you let me hug you tight

Until we see the morning light

And let me hold you in my arms tonight

Feel your body close to mine tonight

And let me hold you in my arms tonight

And let me love you tonight

I never thought I'd ever get the chance

To be so close to you like in a dance

And let me hold you in my arms tonight

Feel your body close to mine tonight

Let me kiss you let me hug you tight

Until we see the morning light

And let me hold you in my arms tonight

Feel your body close to mine tonight

And let me hold you in my arms tonight

And let me love you tonight

Grabe lang ‘yung mga ilaw, nakakasilaw talaga.

"Ouch."

"Sorry,” paumanhin ni Brent. Naapakan niya kasi ang paa ko.

"Okay lang,” nakangiti kong sagot.

Kinabig niya ako palapit sa katawan niya at bumulong.

"I'm sorry, Arkisha,” uli niya.

"Ano ka ba? Okay lang, hindi naman masyadong masakit. Nagulat lang ako."

Nagulat ako ng tuluyan na niya akong niyakap.

Aalis na ba siya? Kung makayakap naman ‘to wagas.

Hanggang matapos ang party kasama namin si Brent.

“You know what, tutal maaga pa naman, why don’t we have a drink?” tanong sa amin ni Brent. “Di ba guys?” baling niya sa mga kabarkada niya.

"Ah, Brent, hindi kasi ako nag-iinom eh. Uuwi na lang siguro kami,” sagot ko.

"Juice, or kahit anong hindi alcohol. Sayang naman ang gabi. Minsan lang naman ‘to. Please?" Magpapaalam pa ba ako kay Adam? Sigurado namang busy ‘yun. Saka mabilis lang kami.

"Sige na nga pero mabilis lang kami ha,” sabi ko. Tutal kasama naman sina Jane at Ella.

"Great! Sumabay ka na sa akin, tapos ‘yung dalawang friends mo kina Caleb na lang sasabay,” tukoy niya sa kabanda niya.

So ganun na nga ang nangyari, kaming dalawa ni Brent sa kotse niya. Dumiretso kami sa condo niya.

"Hintayin na lang kaya natin sila dito sa baba,” sabi ko pagkababa namin ng kotse. Kasunod lang kasi namin kanina ‘yung kotse ng mga kabanda niya pero hanggang ngayon wala pa rin.

"Malamig dito sa baba, baka magkasakit ka. Sa taas na lang natin sila hintayin,” sabi naman ni Brent.

Sabagay, tama siya. Pumayag na lang ako. Pagkapasok namin sa loob, he offered me a drink.

"Mango juice na lang,” sabi ko.

Pagkabigay niya sa akin ng juice, nag-ring ang cellphone niya at sinagot niya ‘to.

"Caleb, asan na kayo? Kanina pa kami ni Arkisha dito.. WHAT? Nasiraan kayo?? Bilisan niyo, magpunta na kayo kaagad dito,” sabi ni Brent.

"Nasiraan sila pero gagawa naman sila ng way para makapunta kaagad dito,” paliwanag sa akin ni Brent.

"Ah ganun ba? Tatawagan ko na lang sina Jane."

"Hindi! ‘Wag na! I mean, okay lang sila. ‘Wag ka ng mag-alala,” pigil niya sa akin.

Tumango-tango na lang ako.

"Can I use your bathroom?" paalam ko.

"Sure, ‘yang pinto sa kanan,” sagot niya.

Tumayo ako at habang naglalakad, nakaramdam ako ng hilo. Dala na naman siguro ito ng pagbubuntis ko. Pinipilit ko pa ring maglakad ng tuwid pero umiikot na talaga ang paningin ko at nanlalabo na. Pero bago pa ako matumba sa sahig, naramdaman kong may sumalo sa akin at tuluyan na akong nawalan ng malay.