Arkisha's POV
"So ibig mong sabihin may kakambal si Venice? ‘Yung magandang kapatid ni Adam na nagpunta dito??" tanong ni Ella.
"Ano ba?! Kakasabi lang eh. Paulit-ulit??" si Jane.
"I just wanna make sure na tama ang kinukwento ni Arkisha!"
"Yung totoo? Taga-Slovenia ka ‘no?!"
"Magtigil nga kayong dalawa! Palagi na lang kayong magkaaway,” saway ni Ate Gem.
"So bakit daw ayaw sa’yo ng kakambal ni Venice?" tanong ni Ella.
"Ewan ko nga ba. Wala naman akong ginagawa sa kanya eh. First time ko nga siyang makita eh,” sagot ko.
"Hay naku. Ganyan talaga ang life, madami talagang kontrabida,” sabi ni Jane.
"Kuh. Reklamo ka ng reklamo na madaming kontrabida, eh sino ba kasing may sabi na bida ka??" tanong ni Ella kay Jane.
"OO! KONTRABIDA AKO! AT AKO ANG KONTRABIDA SA BUHAY MO! GUSTO MONG MASAKTAN??!" sigaw ni Jane kay Ella.
"SINISIGAWAN MO AKO?? BAHALA KA! HINDI KITA ILILIBRE MAMAYA!" bawi ni Ella.
"Oy! Eto naman, hindi na mabiro. Sino ba kasi ang totoong kontrabida sa buhay mo? Tara, tambangan na natin!" Tawa naman kami ng tawa ni Ate Gem sa kanilang dalawa.
Nakapag-enrol na kami para sa second sem. Excited na talaga akong maka-graduate. Para naman makahanap na ako ng trabaho. I mean, ‘yung hindi lang pagpa-part time job sa coffee shop. Para mapatunayan ko kay Paris at sa kahit na kanino na karapatdapat ako kay Adam.
Malaki laki na din ang naipuhunan ko para sa pagmamahal ni Adam. Hindi ako papayag na may makasira nun. Wala sa bokabularyo ko ang malugi!
**
Dumiretso kami sa condo ni Adam pagkatapos naming kumain ng dinner sa labas. Naupo kami sa couch. My head is resting on his shoulder habang pinaglalaruan niya ang kamay ko.
"Adam.."
"Yes baby?" he kissed my hair.
"’Yung kapatid mong si P-Paris, bakit siya nagagalit sa akin?" Tumawa siya ng mahina.
"Hindi ‘yon. Ganon talaga ‘yun kahit kanino. Kung makikita mo lang kapag inaaway niya si Venice, mas grabe,” sagot ni Adam.
Hinarap ko siya.
"Eh bakit siya ganun? Tama pala si Venice, baliktad nga sila. Gusto ako ni Venice, ayaw sa akin ni Paris,”malungkot kong sabi.
"Don't mind her. Wala namang dahilan para hindi ka niya magustuhan. And besides, you don't have to please everybody. Mahal kita bilang ikaw. For me, you're enough."
ENOUGH.
Tatandaan ko ‘yan. Sinabi niya sa akin na sapat na ako para sa kanya!
"Ikaw din. Mahal din kita bilang ikaw,” sagot ko.
Hinalikan ko siya. Smack lang. Mahirap na. Si Adam pa! Adik ‘to sa halik eh.
"Mahal kita kahit na seloso ka,” sabi ko.
Kumunot ang noo niya.
"Sino namang may sabi sa’yo na seloso ako?"
"Walang nagsabi."
"Wala naman pala eh. Pssh."
Pinisil ko ang matangos niyang ilong habang nagsasalita.
"Walang nagsabi kasi.. hindi kailangang sabihin kasi.. ramdam na ramdam ko naman kasi.. obvious na obvious po!" binagalan ko talaga ang pagsasalita. Nang bitiwan ko ang ilong niya, agad niya ‘yung hinawakan.
"Ang sakit!"
Tinawanan ko lang siya. Ang pula-pula ng ilong niya.
"Sige tawa! Hahalikan kita dyan. Balak mo ba akong patayin? Ang hirap kayang huminga! Hindi ka ba nanghihinayang mawalan ng gwapong gwapong boyfriend??"
"Mas manghihinayang akong mawalan ng pagtitripan!" sagot ko.
"Ah ganon?!"
He gave me a ‘humanda ka look,’ kaya naman agad akong tumayo sa couch at nagsimulang tumakbo!
Tumakbo ako sa kusina at para kaming tanga na paikot-ikot sa dining table.
"Magsisisi ka kapag nahuli kita!" banta niya.
"Bakit? Anong gagawin mo?" tanong ko with matching taas ng isang kilay.
"Paparusahan talaga kita!"
Punishment?
Ulit?
Di nga?
Magpapahuli ba ako?