noveltoon logo noveltoon
Ex with Benefits 1

Chapter 59

Ch. 60 / 72 Feb 05, 2022

Arkisha's POV

If you could only see Adam's face nung sinabi ko sa kanya na ayoko na nung kambal na saging. Imagine, ang tagal niyang nawala tapos pagdating niya ayoko na pala!

Honestly, I am not craving for that. Sinabi ko lang ‘yon kasi tinitingnan ko kung anong gagawin niya.

Sa loob ng dalawang linggo na pamamalagi ni Adam sa bahay, nakakapagtaka talaga kasi nakakatagal siya. Ayaw pa kasing umuwi eh!

Nagpunta ako sa terrace para magpahangin, muntik na akong mapaatras nang makita ko na nakaupo doon ‘yung dalawang mahangin.

Tinapunan ako ng tingin ni Adam. Umupo ako sa upuan na hindi naman kalayuan sa kanilang dalawa.

"Kapag lumabas na ang baby niyo, tuturuan ko din siyang mag-basketball,” narinig kong sabi ni Ian kay Adam.

Ginulo naman ni Adam ang buhok ni Ian at tumawa.

"Kapag kasing edad mo na ang mga kambal ko, eh di binata ka na,” sagot niya.

"Kahit na, tuturuan ko pa din sila."

"Sigurado may girlfriend ka na nun,” sabi ni Adam.

"Girlfriend? Masaya ba magka-girlfriend?" tanong ni Ian.

Hindi pambata ang pinag-uusapan nila ah!

"Oo, masaya magka-girlfriend, lalo na pag ang Ate mo ‘yon,” sagot ni Adam at sinulyapan na naman niya ako. Ngumiti siya.

Inaasar talaga ako ha!

"Ahhh,” sabi lang ni Ian.

"May crush ka na ba?" tanong ni Adam.

"Crush? Ano ba ang crush?" tanong ng inosente kong kapatid.

"Crush, ‘yung kapag may gusto ka sa isang babae. Kapag palagi mo siyang iniisip. Kapag masaya ka na makita mo lang siya. Minsan hindi ka pa nga makatulog kasi siya lang ang laman ng isip mo,” sagot ni Adam habang..

Asar talaga ‘to!

Habang nakatingin sa akin.

"Ah ‘yun pala ‘yon, eh paano kapag may crush na ako?" tanong uli ng inosente kong kapatid.

"Eh di liligawan mo siya."

"Niligawan mo din si Ate, ganun ba?"

"Ah hindi. Siya ang nanligaw sa akin."

"Talaga?! Ibig sabihin si Ate ang my crush sa’yo?!"

"PWEDE BA ADAM, ‘WAG MO NGANG TURUAN ANG KAPATID KO NG MGA KALOKOHAN MO SA PAMBABAE MO,” singhal ko kay Adam.

Pumunta si Adam sa pwesto ko at inilalapit na naman niya ang kanyang mukha sa akin.

"Hindi kalokohan ‘yon. Techniques ang tawag dun. Tumatalab naman di ba?" mas lalo niyang nilapit ang mukha niya.

Kinakabahan na naman ako. Wala na bang gagawin ang lalaking ‘to kung hindi patalunin ng patalunin ang puso ko??

"Pweda ba? Lumayo-layo ka nga sa akin at ayokong nakikita ‘yang mukha mo!"

"O? Ayan na naman. Ayan na naman. Naglalapit na naman kayo!" sigaw ni Ian.

Lumayo na si Adam at bumalik sa tabi ni Ian.

"Kuya, natakot mo ata si Ate. Tingnan mo siya o, hindi ata mapakali. Ganun pag may crush?? Ayoko na pa lang magka-crush."

Biglang nag-ring ang phone ko.

"Hello,” sagot ko.

"Hi Arkisha! Kamusta ka at ang magaling kong kapatid?"

It’s Venice.

"I'm sorry ngayon lang ako nakatawag. Kamusta ang mga magiging pamangkin ko?"

Sinulyapan uli ako ni Adam. Maybe he's wondering kung sino ang kausap ko.

"Okay kami,” sagot ko at pumasok ako sa kwarto ko. Naramdaman kong habol ang tingin sa akin ni Adam.

Nagkwentuhan pa kami ni Venice. Sinabi niya na gusto daw niya akong puntahan dito pero hindi pwede kasi busy siya sa ipinasang responsibilidad ni Adam sa kanya, ang company nila.

"Arkisha, may bad news at good news akong sasabihin,” sabi niya.

"Ano ‘yon?"

"Si Scarlett, matagal na pala siyang nakalaya. Noong araw na ipinakulong siya ni Paris, nakalaya din siya nung gabing ‘yon. Well, I am not surprised. May pera sila and besides I'm sure hindi siya hahayaan ng Daddy niya na matulog doon."

What the?? Nakalaya na pala ang kriminal na ‘yon? Siguro ‘yon ang una niyang ipinanalangin noong pinapili ko siya.

"Arkisha, are you still there?"

"O-oo."

"The good news is wala naman na siya dito sa bansa. Bumalik na siya sa Europe kasi ‘yon ang utos ng Daddy niya sa eskandalong ginawa niya."

Somehow nakahinga ako ng maluwag. At least malayo siya sa akin, sa amin ng mga magiging anak ko.

**

At dahil summer, nagkayayaan kaming mag-beach.

Okay. Si Adam at si Ian ang nagyaya. Idea nila ‘tong dalawa at syempre ang balitang ‘yan ay nakarating agad sa kaibigan kong si Jam.

Lahat ng babaunin namin, si Adam ang bumili. Aba dapat lang, siya ang may pakana nito eh.

Hindi na kami lalayo pa. Sa probinsya namin madami talagang beach.

Malayo pa lang ay kitang kita ko ng naglalakad papunta sa bahay namin si Jam. Ang laki ng sumbrero niya. Malaki pa sa mukha niya. Kahit nga tumabi pa ako sa kanya eh siguradong kasya pa kami dun. Tapos lahat ata ng gamit panswimming/kaartehan niya, dala-dala niya.

"Pasensya na, hindi ako prepared!" sabi ni Jam.

Inayos na namin ang mga gamit at inilagay sa sasakyan ni Adam. Umupo na sa loob sina Mama at si Ian sa backseat. Akmang tatabi na si Jam sa likod ng pigilan ko siya. Nakaupo na din si Adam sa driver's seat.

"Ayaw mo ba akong pasamahin? Kitang kita mo naman ang aura ko ngayon! Feel na feel ko magpa-tan tapos pipigilan mo akong sumakay??" sabi ni Jam.

"G*ga! Gusto mo bang makatabi si Adam?" nakangiti kong tanong kay Jam.

Ngumiti din siya. ‘Yung mas malaki sa ngiti ko.

"Tinatanong pa ba ‘yan? Sa tingin mo tatanggihan ko ang grasya?"

"Arkisha, hindi pa ba tayo aalis? Sumakay ka na sa unahan,” utos ni Mama.

"Sandali lang po,” sagot ko at tiningnan ko uli si Jam.

"Uy girl, sigurado ka ha? Wala ng bawian ‘yan!" kinikilig na sabi niya.

"Oo nga! Sakay na kasi. Dami pang sinasabi."

Sumakay na nga kaming dalawa.

"O? Eh bakit nandito ka at nasa unahan si Jam?" tanong ni Mama.

"Eh kasi Ma, mas alam ni Jam ang daan, di ba Jam?"

"Oo naman, kahit nga nakapikit saulado ko ang dadaanan natin,” sagot ni Jam.

"'’Yun naman pala eh, eh di pumikit ka na lang buong byahe", sabi ni Ian. Bumaling sa akin si Ian. "Ate naman kasi, paano kung kagatin niya si Kuya Adam?"

"Hoy bubwit ka! Baka gusto mong ikaw ang kagatin ko?!" singahal ni Jam.

Mabilis naman kaming nakarating sa beach. Ang bilis kasi magpatakbo ni Adam. Parang walang buntis na pasahero.

Madami na ding tao nang dumating kami. Ang daming naka two-piece na babae. Sayang, kung hindi lang ako buntis, makikipagsabayan ako sa kanila. Pero alam ko, hot pa din ako kahit buntis ako. Hahahaha!

Speaking of two-piece, titig na titig si Adam sa mga babaeng nandito. Ano? Sabik lang? Eh di hamak naman mas sexy ako sa mga ‘yan!

"Mabuti na lang nagpunta tayo dito! Ang daming chicks!" sabi ni Adam. Tumabi pa talaga siya sa akin para iparinig ‘yon.

Kita niyo na? Nambababae pa rin?! Magiging tatay na nga! Pero teka, care ko ba?!

"Mas sexy kaya ako sa kanila,”naiinis kong bulong.

Kinuha niya ‘yung mga barbecue na iihawin.

"Ano ‘yon? May sinasabi ka?" tanong ni Adam.

"Sinasabi? Wala akong sinasabi? Bakit naman kita kakausapin?" pagtataray ko.

Inakbayan niya ako.

"Ano ba?!" pinipilit kong tanggalin ang kamay niya pero ang higpit ng kapit eh. Inilapit pa niya ang katawan niya sa akin.

"’Wag kang mag-alala. Kahit gaano pa kadaming babae na nakatwo-piece ang nakikita ko, ikaw pa rin ang pinaka-hot at pinaka-sexy para sa akin! Kahit buntis ka pa. Kaya ‘wag ka ng magselos okay?"

Did he just say the word selos?

Bakit naman ako magseselos aber? Iniwan na niya ako at nag-ihaw na siya ng barbecue. Ang kapal para sabihin na nagseselos daw ako?? Ang kapal talaga!

"Ang sweet niyo pala? Ngayon ko lang kayo nakitang ganun,” bigla na lang sumulpot si Jam.

"Hindi kami sweet ‘no. Ang lalaking ‘yon ay puro kayabangan ang katawan! Sweet-sweet? Leche flan lang ang sweet! Leche!"

Nabu-buwisit pa rin ako kay Adam. Nakakainis, ang galing mang-inis!

"Kumain ka na ba ng baboy?" biglang tanong ni Jam.

"Paano naman napasok ang baboy sa usapan natin? Ganun na ba ako kataba?!"

Tumawa siya.

"Wala akong sinabing mataba ka. Eh high blood ka kasi eh, ilang taba na ba ang nakain mo?"

"Naiinis kasi ako kay Adam!"

"Bakit? Dahil pa rin ba sa nangyari noon?"

Ikinuwento ko na rin nga pala kay Jam ang mga nangyari at kung bakit sa amin nakatira si Adam.

"Ewan ko ba, basta naiinis ako sa kanya!"

"Ah alam ko na! Pinaglilihian mo siya! Naku sigurado kapag labas ng anak niyo, kamukhang kamukha niya!"

Ganun ba ‘yon??

Di namin namalayan, nakabalik na pala si Adam sa cottage namin. Nagulat ako ng bigla na lang siyang nagsimulang maghubad ng sando niya.

"O-oy! Anong ginagawa mo?! Bakit ka naghuhubad??!" sigaw ko sa kanya.

"Kaya nga tayo nandito di ba? Para maligo. Maliligo ako,” sagot niya.

Kailangan sa harap ko maghuhubad? Napatitig ako sa katawan niya. Parang naglilihi nga ako.. sa tinapay.

Nakakapagpa-NGANGA naman kasi ang view na nakikita ko. Hanep ang abs! Kanino nga uling idea ang pagbi-beach na ‘to?

"Uy, Arkisha!"

May tumatawag ba sa pangalan ko?

"B-bakit?"

Si Jam pala. Teka asan na ‘yung abs? Este si Adam pala??

Pinahid ni Jam ang tabi ng labi ko.

"Tumutulo ‘yung laway mo, kanina pa."

Syempre hindi ‘yon totoo. Makaasar lang din.

"Wow! Nagsalita ang inosente! O eto baso, sahurin mo ‘yang laway mo,” sabi ko kay Jam.

"Sabihin mo nga babae ka, paano mo nagawang pakawalan ang ganung ka-hot na lalaki??"

Hindi ko siya sinagot, instead hinanap ng mata ko si Adam.

Nakanang! ‘Yung mga babae, nakatingin sa kanya! Pwede bang hilahin pabalik dito si Adam? Pwede bang magsuot siya ng damit kasi konti na lang baka sunggaban na siya ng mga babae.

Ayun, naligo na siya. Kasama niya si Ian.

"Hindi ka ba maliligo?" tanong ni Jam. Kumakain siya ng barbecue. Hindi pa rin ako sumasagot. Kumuha ako ng barbecue.

"OH MY GASH!" sigaw ni Jam.

"Bakit??"

"SI AJ, NALULUNOD ATA?!"

Ano?! Marunong naman yung lumangoy ah? Pano malulunod? Ang galing pa nga niyang sumisid!

Nakita ko na lang na may mga taong lumalapit na sa kanya. Mukhang nalulunod nga siya.

"ATE! ATE! SI KUYA ADAM, NALULUNOD!" sigaw ni Ian.

Lumapit na kami kung saan inihiga si Adam.

"Pinulikat ‘yan, sigurado,” sabi nung isang sumagip. Pina-pump nila ang dibdib ni Adam pero hindi pa rin ito nagigising.

Nakakaramdam na din ako ng takot.

"Anong gagawin natin?" tanong nung isa.

"Mouth-to-mouth dapat,” sagot nung isa.

"Oo, napag-aralan na nga namin sa school’ yon. Ate, i-mouth-to-mouth mo na siya,” sabi ni Ian. "Siya po ang girlfriend,” dagdag pa nito.

Ayan, ang natutunan ni Ian kay Adam.

"Sige na, i-mouth-to-mouth mo na,” sabi ng mga tao.

SERIOUSLY??

"Ate, sige na! Kapag namatay si Kuya Adam, mawawalan ng Daddy ang babies mo!"

Kailangan isigaw???

"Ay, may asawa na pala siya? Sayang ang gwapo pa naman!" bulong ng mga babae sa tabi.

Mamatay na nga, kailangan pang pagtsismisan??

Ahaaa! Mouth-to-mouth pala ha!

"JAM! Halika dito, dali!" sigaw ko. Dali-dali namang lumapit si Jam.

"Bakit friend?"

"Kailangan ni Adam ng mouth-to-mouth, bigyan mo dali!"

"AKO?" tuwang tuwa niyang tanong.

"OO, dali na! Baka mamatay pa ‘yan!" sabi ko.

"Sige, sabi mo eh,” kinikilig niyang sabi.

Bigla na lang akong may narinig na umuubo.

"Gising na siya Ate!" sigaw ni Ian.

Umupo si Adam.

"O-okay na ako. Ehem! Okay na,” sabi niya.

Tumayo na ako at iniwan siya. May pa-mouth-to-mouth pang nalalaman eh kita ko naman, bigla niya minulat ‘yung isa niyang mata kanina!

Kung inaakala niya na maiisahan niya ako, nagkakamali siya! Hahahaha!