Arkisha's POV
Maaga akong nag-out sa coffee shop. Naiwan si Jane sa loob. Papara na ako ng sasakyan nang tumigil sa harap ko ang pink na kotse.
Bumaba mula doon si Paris. I know it’s her. Kotse pa lang, malalaman mo na.
"Paris?" taka kong tanong. Anong ginagawa niya dito? Magkakape ba siya? Di hamak naman na mas maraming coffee shop na mamahalin kesa sa Cup of Chinos.
Nilapitan niya ako.
"I'm glad you recognized me,” sabi niya.
Eh syempre naman. Ngayon pa. Naniniwala na ako na malaki nga ang pagkakaiba nila ni Venice kahit pa kambal sila. From the hair to dimples.
"I need to tell you something. Come with me,” yaya niya.
Nabasa niya siguro ang ekspresyon sa mukha ko na nagtataka sa biglaan niyang pagyayaya.
"You don't trust me, do you?" tanong niya.
Tell me, why would I trust someone who doesn't like me in the first place? Kahit pa sabihing kapatid siya ng boyfriend ko. Plus she told me na layuan ko na si Adam.
She took a deep breath ng mapansin niyang hindi ako sumasagot.
"Okay. I got it. Dito na lang tayo sa coffee shop na ‘to mag-usap. Let's go,” at pumasok na siya sa loob.
Umupo ako sa upuan na katapat niya. Napansin ko pang nanlaki ang mata ni Jane nang makita kaming dalawa. Hindi ko na lang pinansin. It can wait, pero ang sasabihin ni Paris, mukhang hindi.
"Are you a masochist?" tanong ni Paris.
"Excuse me?" sabi ko.
"Para kasing nag-eenjoy ka na sinasaktan ang sarili mo eh."
Kailangan pa bang i-explain ang meaning nun sa mukha ko? Eh ilang beses na nga ‘yang sinabi sa akin ni Ate Gem eh.
Yes, I WAS a masochist. Past tense.
"No, I'm not a masochist,” sagot ko. Not anymore.
"Kung ganon bakit ipinagpapatuloy mo pa din ang pakikipagrelasyon sa kapatid ko? Binigyan na kita ng advice dati di ba?"
Advice? More like a threat.
"Saan ba pupunta ang usapan na ‘to?" mababa lang ang tono ng boses ko. I don't want to sound rude. Kapatid pa rin siya ni Adam.
"Alam mo ba kung bakit bumalik si Scarlett dito?" tanong niya.
The hell I care! Kailangan ko pa bang i-Google kung bakit siya bumalik??!
"She wants Adam back,” simple kong sagot. Pinakamalapit na sagot sa tanong niya.
"Wrong. She needs Adam back."
Hindi ako sumagot. Para sa akin, walang ipinagkaiba ‘yon. Parehas lang na si Adam ang laman nun. She's after Adam, that's why.
"She needs the father of her child."
NO!
Mali siguro ang narinig ko. Pagod na siguro ako from school to work kaya mali-mali na ang naririnig ko.
"Itinago ‘yon ni Scarlett kay Adam for some reasons. Naghiwalay silang dalawa nang hindi nalalaman ni Adam ang totoo. Unfortunately, she had a miscarriage." Halos tumayo ang mga balahibo ko sa mga sinasabi ni Paris. All this time, nakabuo pala sila?
Bakas sa mukha ko ang pagkagulat. Who wouldn't?
"Oh my God!" bulalas niya. "Seriously?? Hindi sinabi sa’yo ni Adam ang tungkol dito?" tanong niya na nagulat din.
Parang slow motion ‘yung pag-iling ko. Kasabay ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.
"How sad. At least ngayon alam mo na, di ba? Wala ng galit na nararamdaman ngayon si Adam kay Scarlett kasi alam na niya na hindi naman talaga siya niloko. She loves my brother so much. At ikaw, paningit ka lang, at hindi magtatagal itatapon ka na niya. Siguro naman ngayon, you'll gonna take my advice?"
Pagkasabi niya noon, tumayo na siya at nagpaalam. Ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang tumulo ay nararamdaman ko na sa pisngi ko. Hindi ko na rin alam kung ano ba ang iniiyakan ko? Kung ‘yung sakit ba dahil nagkaroon pala sila ng koneksyon o ‘yung paglilihim sa akin ni Adam na alam na niya ang dahilan ng paglayo ni Scarlett?
Nilapitan ako ni Jane.
"Arkisha, anong problema? Okay ka lang ba? Di ba kapatid ni Adam ‘yun? Bakit ka niya pinaiyak?" Ang dami niyang tanong pero walang silbi ang bibig ko ngayon sa pagsagot. Magulo ang utak ko.
"Sabay na tayong umuwi, gusto mo ba?" tanong pa ni Jane.
"Salamat na lang pero may kailangan akong puntahan."
**
Paningit. Rebound. Ano pa ba? Ano pa nga bang pwedeng itawag sa akin? Parang kailan lang ang tapang-tapang ko pero ngayon umiiyak na naman ako?
Gaano na ba katagal alam ni Adam ‘yun? Bakit hindi niya sinasabi sa akin? Kung ganon may posibilidad nga na napawi na ang galit ni Adam kay Scarlett at mapalitan ng pagmamahal.
I need to see Adam. Alam niyo ‘yung feeling na minsan kailangan mo ng assurance, ng guarantee. Na hindi siya mawawala sa akin. At the same time gusto ko din siyang awayin. Gusto ko siyang sigawan kung bakit may hindi siya sinasabi sa akin.
"BABE?" bungad niya pagkabukas ng pinto ng condo niya. Nagulat siya? Bakit? May itinatago ba siya? "Umiiyak ka ba?"
"No. Bakit naman ako iiyak di ba?" tanggi ko. "Pwede ba akong pumasok?"
Agad siyang kumilos at mas binuksan ang pinto. Pagkapasok ko, nakatigtig lang ako sa kanya. Papalapit siya sa akin ng pigilan ko siya.
"’Wag kang lalapit! May takong ang sapatos ko ngayon, hindi lang bukol ang aabutin mo,” banta ko.
Ewan ko ba, may galit na nangingibabaw sa akin. Kung nagulat siya sa pagdating ko, mas nagugulat siya sa mga sinasabi ko.
"Magkaaway ba tayo?" taka niyang tanong.
"Mag-aaway pa lang,” sagot ko.
Mas lalong naguluhan ang ekspresyon niya.
"Kailangan ba talagang sa iba ko pa malalaman? Bakit hindi mo sinasabi sa akin ang totoong dahilan ng pag-iwan sa’yo ni Scarlett?"
"Kailangan mo pa bang malaman? Importante pa ba ‘yon?" tanong niya.
Hindi ko din alam. Pero nakakainis lang na naglilihim siya sa akin tapos sila pang dalawa ni Scarlett ang involved.
"I think so, because the last time I checked I am your girlfriend."
Honestly, ayoko ng ganitong sitwasyon. Parang nauulit lang lahat dati eh. Kaya ba ganun na lamang kalakas ang loob ni Scarlett na bawiin sa akin si Adam? Ang tapang-tapang ko tapos hindi ko naman pala alam ang buong kwento. Ang puhunan ko sa tapang kong ‘yon ay ang pagmamahal ni Adam, tapos kukunin pa niya?Ano pang matitira sa’kin?
"Okay, I'm sorry kung hindi ko nasabi sa’yo,” sabi niya.
Sorry? Sorry na naman? Tapos mamaya, gagawa na naman siya ng kasalanan? Papalapit na naman siya.
"’Wag kang lalapit! I swear masasaktan ka! Ibabato ko talaga ‘to sa’yo!" Pero hindi niya ako pinansin. Tuloy-tuloy siya sa paglapit sa akin.
"Sige, do what you want. Okay lang kahit pumutok pa ang ulo ko sa gagawin mo, malapitan lang kita,” sabi niya.
Next thing I know, nakapulupot na ang kamay niya sa bewang ko.
Teka. Asan na ‘yung galit ko??
Nararamdaman ko na lang na pahigpit ng pahigpit ang yakap niya sa akin. Humarap siya sa akin. Hinalikan niya ako at pagkatapos ngumiti.
"’Wag ka ngang ngumiti dyan!" singhal ko sa kanya. "Ganitong nagtatampo ako sa’yo!" bulong ko.
Mas lalo pa siyang ngumiti. Nang-aasar talaga!
"Bakit ba? Masama bang ngumiti?" tanong niya.
"Eh ang hirap kayang kiligin habang nag-iinarte ako dito!" Tumawa siya.
"’Wag ka na kasing magtampo at mag-inarte, kiligin ka na lang,” tapos ayun, hinalikan na naman ako.
I respond to his kisses, to his touch. Tuluyan nang nabura ang galit ko at mukhang lumipat sa kanya. I mean, GALIT talaga siya. If you know what I mean.
Natuloy na nga ang away namin. Ginalit ko daw siya eh.
Pero sa kama naman.
And that is what you call, MAKE UP SEX.