noveltoon logo noveltoon
Ex with Benefits 1

Chapter 51

Ch. 52 / 72 Feb 05, 2022

Paris’ POV

"We need to talk,” sabi ko kay Venice, isang umaga. Nilapitan ko siya habang busy sa laptop niya.

Nag-angat siya ng tingin at inayos ang eyeglasses niya. Ganyan ‘yan kapag kaharap ang laptop niya, naka-eyeglasses pa.

"Himala! Ano namang pag-uusapan natin? Paris, magkamukha tayo. Hindi ako si Scarlett, baka nakakalimutan mo,” sabi niya.

Hindi ko siya papatulan ngayon.

"I need your help,” sabi ko.

"YOU'RE ASKING FOR MY HELP? Are you sick?"

"Please Venice, kahit ngayon lang."

"Please talaga? Ano ba ‘yan? Siguraduhin mong hindi masasayang ang oras ko cause as you can see busy ako. ‘Yan kasing si Adam, hindi pa makausap, kapag nalaman ni Daddy na hindi ‘yan pumapasok sa office, he'll be dead."

I know. Wala na naman si Daddy sa bansa, and Adam Jacob is miserable right now.

"Alam mo ba kung bakit nagkakaganyan si Adam?" tanong ko.

"Ayaw niyang sabihin sa akin. Siguro pag lumamig ang ulo niya, mag-oopen din ‘yan. I think its about Arkisha."

"Kailangan mo akong tulungang malaman ang dahilan ng breakup nila."

"So break na nga sila? At alam mo?" tanong niya sa akin.

"Oo, sinabi sa akin ni Scarlett. And I'm wondering how did she know?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Magtataka ka pa ba? Di ba magkaibigan kayo, bakit di mo alam kung paano niya nalaman?"

"I know she wants Adam back, pero parang may mali eh,” sabi ko.

"Paris, matagal ng may mali. Ang pagbawi ni Scarlett ang mali. Idagdag pa ang pagkampi mo sa kanya."

"I know,” sagot ko.

Oo, ngayon alam ko na. Alam ko na ang totoo.

"Seriously? Alam mo na ngayon? Wow! Buti naman! Thank God!"

Sinabi ko kay Venice ang nalaman ko these past few days.

"I knew it!" galit na galit niyang sabi. "Kailangan kong puntahan si Arkisha ngayon. I need to know what is happening. Kung ayaw magsalita ni Adam, si Arkisha ang tatanungin ko,” sabi pa niya.

Umalis na siya kaagad. Pag-alis niya, eksakto namang dumating si Scarlett sa bahay namin at dala-dala niya ‘yung batang nakita ko sa condo niya. This time silang dalawa lang.

"Scarlett!” bati ko. "Come in. Bakit mo kasama ang batang ‘yan?"

"Please Paris, I need your help."

"S-sure!"

"Sa’yo muna ‘tong batang ‘to, kahit ngayong araw lang. May pupuntahan lang ako,” sabi niya.

"Ha? Eh asan ba ang Mommy ng batang ‘to?"

"Ah eh wala eh. Umalis. Please sa’yo muna siya, at ‘wag na ‘wag mo siyang ibibigay kahit kanino. Aalis na ako,” pagmamadali niya.

Iniwan na niya sa akin ang bata. Tinatanaw ko pa siya sa gate, tinawag ko kaagad ang katulong namin.

"Bakit po Ma'am Paris?"

"Yaya, alagaan mo ang batang ‘to. ‘Wag na ‘wag mong palalabasin ng bahay, at ‘wag na ‘wag nyong papasukin si Scarlett dito. Kahit anong mangyari. Naiintindihan mo? ‘Wag mo siyang ibibigay sa kanya. Aalis na ako,” bilin ko sa katulong.

Dali-dali akong sumakay sa kotse. Hindi ‘yung pink na kotse ko ang ginamit ko.

Habang nagmamaneho ako, tumawag sa akin ang taong kanina ko pa hinihintay tumawag. And I was right. Tama ang hinala ko.

**

Arkisha's POV

Kinabukasan pagkatapos ng graduation ko, umuwi na din si Mama.

"Sayang, sana nandito ang Papa mo. Sana nakita niya ang pagtatapos mo,” sabi pa niya sa akin bago siya umalis.

"Ma naman, hanggang ngayon ba naman umaasa pa din kayong babalik si Papa? Matagal na ‘yon. Maging masaya na lang tayo sa kung anong meron tayo ngayon,” sabi ko. At madadagdagan pa nga kami ngayon, hindi lang isa kundi dalawa.

"Shak--,” sabi ni Mama pero pinigilan ko siya.

"Ma, tama na please? ‘Wag mo ng banggitin ‘yan. Mag-move on na lang tayo, sa lahat, sa lahat-lahat,” sabi ko.

Hangga’t kaya ko, sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako iiyak. Simula ngayon, ang kambal at ang sarili ko ang iisipin ko, tutal may plano na din naman ako.

"Bakit hindi mo na lang hintayin sina Ella, kesa lalakad ka ng mag-isa?" sabi ni Ate Gem. Inaayos ko ang bag ko, papunta ako sa school, may kukunin kasi ako. Kakailanganin ko ‘yun sa pag-aapply ko ng trabaho.

"Hindi na. Sigurado mamaya pa ang mga ‘yun eh di traffic na. Sige na Ate Gem, aalis na ako,” paalam ko.

**

Venice's POV

Sa rebelasyon na sinabi sa akin ni Paris, ang una kong gustong gawin ay sugurin si Scarlett pero makakapaghintay ‘yun. Kailangan ko munang puntahan si Arkisha at alamin ang mga nangyari.

"Si Arkisha?" tanong ko sa isang babae pagkadating ko sa tinutuluyan niya. May lumabas pang isang babae.

"Di ba ikaw ‘yung kapatid ni Adam?"

"Ako nga,” sagot ko.

Napansin kong may ibinulong ‘yung isa sa katabi niya.

"Kung nandito ka para rin pagdudahan ang pagbubuntis ni Arkisha, mas mabuti pa sigurong umalis ka na lang. Hindi ka makakatulong,” sabi niya sa akin.

"Buntis si Arkisha??" nagulat akong talaga. Pero bakit sila naghiwalay ni Adam gayong buntis pala ito?

"Oo, buntis siya at wala siya dito."

"I'm Venice,” pakilala ko. Para kasing nalilito ‘yung mga mukha nila.

"Ah! Ikaw pala ‘yun! Sabi ko na eh! Nakapunta ka na dati dito di ba? Akala kasi namin ikaw ‘yung kakambal,” sabi nung isa.

I knew it. Nalito nga sila.

"Pasok ka,” yaya nila.

"Nasaan si Arkisha?" tanong ko.

"Nauna ng pumunta sa school. Hindi mo na siguro kami naaalala. Ako si Jane,” pakilala nung isang babae.

"Ako si Ella, siya si Ate Gem,” pakilala naman nung isa.

"Nagpunta ako dito para alamin ang nangyayari kina Arkisha at sa kapatid ko. May alam ba kayo? Ayaw kasing magsalita ni Adam eh. Galit na galit pa siya."

Nagkatinginan silang tatlo. ‘Yun bang parang nag-iisip kung may magsasalita ba sa kanila.

"Please, kailangan ko na kasing makialam sa kanila. Katulad ng sinabi nyo kanina, buntis si Arkisha, we need to help them,” pamimilit ko.

"Pinagdududahan ng kapatid mo ang ipinagbubuntis ni Arkisha, nakita niya kasi na magkasama sa kwarto sina Brent at Arkisha. Pero na-set up lang siya, sigurado. Walangya kasi ‘yung si Brent, at sigurado kaming may kinalaman ang kapatid niya dun,” sabi nung Ella.

That btch! Hindi talaga siya titigil!

"Alam naming masakit para kay Adam ang nakita niya pero sana man lang binigyan niya ng pagkakataon si Arkisha na magpaliwanag pero hindi eh. Itinaboy niya ito,”, sabi nung Jane.

Napapikit ako sa sinabi niya. Adam Jacob, I'm gonna kill you! Kinakain na naman siya ng galit niya.

"Ikaw? Naniniwala ka ba anak ni Adam ang dinadala ni Arkisha?" tanong nung Gem.

"Of course! Naniniwala ako. I have to go. I need to fix this. Salamat,” nagpaalam na ako at agad na umalis.

**

Scarlett's POV

This can't wait. Kailangan ko ng gawin ‘to. Maaga kong kinuha sa katulong ko ang anak ni Brent. Kailangang ipagkatiwala ko ang bata sa taong mas kilala ko. Kay Paris.

Pumunta ako kaagad sa kanila. Mabuti siya lang ang tao bukod sa mga katulong.

"Scarlett!" bati niya. "Come in. Bakit mo kasama ang batang ‘yan?"

"Please Paris, I need your help."

"S-sure!"

"Sa’yo muna tong batang ‘to, kahit ngayong araw lang. May pupuntahan lang ako."

"Ha? Eh asan ba ang Mommy ng batang ‘to?"

At least hindi na niya itinanong kung saan ako pupunta.

"Ah eh wala eh. Umalis. Please sa’yo muna siya at ‘wag na ‘wag mo siyang ibibigay kahit kanino. Aalis na ako,” pagmamadali ko.

Lumabas kaagad ako ng gate at sumakay sa kotse ko. Mabilis kong pinatakbo ang kotse ko. Sa tinutuluyan pa lang niya, sinundan ko na siya. Napangiti ako ng makita ko siyang sumakay ng jeep. Pasasaan ba't bababa ka din dyan.

Sinundan ko pa rin ang sinasakyan niya. Nang makababa siya, naglakad na lang siya. How lucky can I get? Wala masyadong tao sa binabaan niya. Patawid siya sa kalsada nang paandarin ko ang kotse ko.

This is it. Katapusan na niya!

One. Two. Three.

"Arkisha!!" a man shouted. Then I hit the brake.

Am I not the only who's following that girl?

That girl? Where is she?

Pagtingin ko sa harapan ng kotse ko, andun siya, walang malay, nakahiga sa daan.

Sh*t! Pinaandar ko ng mabilis ang sasakyan ko at nagmadaling umalis.

Did I hit her?

Sana.