Adam's POV
"Magsha-shopping shopping ka tapos hindi ka magdadala ng kotse,” singhal ko kay Paris. Paano ba naman gustong magpasundo sa akin sa isang mall.
"Sige na naman Adam. Malapit ka lang naman dito sa mall na ‘to."
"Pero susunduin ko pa si Arkisha sa school."
"Eh di sunduin mo siya. Isabay mo. Hihintayin kita,” then she ended the call.
Okay. Tutal on the way naman ‘yun. Pero himala, hindi pa siya nagte-text. Usually kasi pag ganitong susunduin ko siya, nire-remind pa niya ako through text. Baka busy.
"I know you'll come,” sabi ni Paris nang makita niya ako.
"Let's go?" sabi ko at pinagbuksan ko pa siya ng pinto sa passenger's seat.
"Wait, may kasama ako." And there she is, palabas ng mall. Hindi kaya sila talaga ang magkapatid? Sila ang palaging magkasama eh.
"Scarlett!" kaway ni Paris sa kanya. "Sasabay siya sa atin. Nasiraan kasi ‘yung kotse niya eh ‘yun ‘yung gamit namin pagpunta dito,” paliwanag niya.
"Sumakay ka na dito,” utos ko kay Paris para siya ang katabi ko. Mabuti naman sumunod siya.
"Hi AJ! Mabuti dumating ka,” bati ni Scarlett sa akin nang makalapit siya sa kotse ko.
Ngumiti lang ako. "Sakay ka na,” sabi ko at binuksan ko ang pinto sa backseat.
"Why don't we go out of town sometimes?" sabi ni Paris habang nagmamaneho ako.
Hindi ako sumasagot. Not interested.
"’Yung ganito, ‘yung tayong tatlo, or better yet, kayong dalawa. What do you think?" dugtong pa niya. Tapos ang dami pa niyang sinasabing plano ng gagawin daw pag nandun na kami. Si Scarlett, she's not talking.
Mas lalo akong hindi interesado.
"Adam?" tawag niya sa’kin.
"I think it’s better if you will shut your mouth,” sagot ko.
"OH MY GOD!" sigaw niya. I hit the brake sa pagsigaw niya.
"What??"
"Paris, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Scarlett.
"You're the best Adam Jacob!" sabi ni Paris.
"I know. Pero ano bang problema mo?" sabi ko.
"Bababa na ako. Thanks for reminding me, dear brother. Malapit na dito ‘yung dentist ko,” sagot niya. Binalingan niya si Scarlett. "Scarlett, ihahatid ka na lang ni Adam sa inyo ha. Bye!"
What??
Bago siya bumaba, bumaling uli siya kay Scarlett, "I think mas maganda kung dito ka maupo, para naman hindi magmukhang driver ‘tong kapatid ko di ba?"
Sabay silang bumaba ng kotse. Katulad ng sinabi ni Paris, sa tabi ko umupo si Scarlett.
Hindi pa din nagte-text si Arkisha, I'm still wondering why? Dadaanan ko na lang siya. Magalit kaya siya kapag nakita niyang kasama ko si Scarlett? Eh wala naman kaming ginagawang masama ah. Ipapaliwanag ko na lang sa kanya kapag nagtanong siya kung bakit kami magkasama.
Hindi na ako maiinip na maghintay sa kanya kasi bago ko pa mai-park ang kotse, nakita ko na siya. She's really pretty. Tawa siya ng tawa. Mukha naman siyang masaya.
"Kaya naman pala palaging wala sa bahay ang kapatid ko, mukhang may pinopormahan sa school na ‘to,” basag ni Scarlett sa katahimikan naming dalawa.
Teka, ano daw?
"Wait, is that Arkisha? Kaya naman pala,” sabi pa niya. Tumingin siya sa akin, "Oh I'm sorry."
Bumaba ako ng kotse. Bumaba din si Scarlett. Hindi ako natutuwa sa nakikita ko. Akala ko ba malinaw na kay Brent ang tungkol sa amin ni Arkisha? At bakit sumasama pa si Arkisha sa kanya?
Palagi bang ganito? Sandali nga. Kaya ba hindi ako itinitext ni Arkisha na sunduin ko na siya kasi nag-eenjoy pa siya dito? Nag-eenjoy pa siya sa company ni Brent?
**
Arkisha's POV
Susunduin nga pala ako ni Adam ngayon. Kung pwede ko lang hilahin ang oras para uwian na. Nakakatamad na dito sa school eh. Mabuti na lang malapit na akong maka-graduate.
"Brent?"
Si Brent nga ba ‘yun? Eh anong ginagawa niya dito sa school?
Papalapit siya sa akin habang nakangiti.
"Hey Arkisha! Long time no see!"
"Ikaw nga! Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Buo na kasi uli ‘yung banda ko at baka tumugtog kami dito."
"Talaga?? I'm so happy for you!" sabi ko habang nakangiti sa kanya pero nawala ang ngiti ko nang maalala ko ang huling pagkikita namin.
"Brent, sorry nga pala dun sa nangyari.. nung huli tayong magkita."
"It's okay. Naiintindihan ko,” sagot niya.
I just smiled.
"Pauwi ka na ba? Gusto mo ihatid na lang kita?" tanong niya habang papalabas na kami ng gate.
"Oo, pero susunduin naman ako ni Adam," tumango na lang siya. Sa paghihintay kay Adam ay nakipagkwentuhan muna ako kay Brent. Kinwento niya kung paano niya nabuo uli ang banda niya at kung saan-saan na sila tumutugtog.
Fifteen minutes ng late si Adam, siguro may inaayos lang ‘yun sa opisina. Hala! Naitext ko ba siya?
Pagtingin ko sa paligid ay nakita ko ang kotse ni Adam, sakto naman na bumaba siya. Nagbukas din ang isang pinto. Bumaba mula doon ang isang babae. Ang babaeng hindi ko pinangarap na makita kahit sa panaginip ko.
"Brent, I have to go. It was nice to see you again. Bye."
Pagkasabi ko noon, lumapit na ako kay Adam. I kissed him on the lips pero hindi siya ngumiti.
"Tara na,” walang kagana-gana niyang sabi.
Nakita kong binuksan ni Scarlett ang pinto sa backseat at pumasok na siya sa loob. Mabuti naman alam niya kung saan siya lulugar. Paglingon ko nasa loob na din si Adam. Hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto! Bakit? Porque andito si Scarlett?
Ano pa nga ba? Eh di ipinagbukas ko ang sarili ko at naupo sa passenger's seat.
Naiinis ako. Una, magkasama sila ng babaeng ‘to. Saan sila galing? Pangalawa, bakit biglang naging cold si Adam?
Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa daan. Hindi ko alam ang daan na ‘to, baka sa bahay ng babaeng nakaupo sa likod.
"Are you dating my brother?" may boses akong narinig mula sa likod. ‘Yung boses na kailanman ay hindi naging maganda sa pandinig ko.
Oo nga pala, kapatid nga pala niya si Brent. Eh bakit hindi na lang siya sa kapatid niya sumabay pauwi?? At anong sabi niya? Kung nagde-date daw kami ni Brent??
Can someone please remind me na magdala palagi ng tape, kahit anong tape, scotch tape, masking tape, o kahit electrical tape pa ‘yan para maipantapal sa bibig ng babaeng ito. O kahit na cassette tape, isasalpak ko sa bibig niya!
Pero syempre kalma lang ako. Nananahimik ako dito tapos babanatan niya ako ng ganun. Sige. Sinimulan niya ‘to eh, eh di sige, tatapusin ko.
Nilingon ko siya at nginitian.
"I AM DATING ADAM,” sabi ko. Malinaw na malinaw talaga ang pagkakasabi ko. ‘Yung kulang na lang isampal ko sa mukha niya.
Pansin ko na di na mapakali ang kilay niya.
"Kaw? Dating someone?" dugtong ko.
Ngumiti siya.
"Yes, of course. Someone really special,” sagot niya at dahan-dahan siyang tumingin kay Adam.
I know what she's trying to say. Kalma lang ako sa harap niya but at the back of my mind kanina ko pa siya nasipa palabas ng kotse.
Ibinalik niya ang tingin niya sa akin kaya naman nginitian ko rin siya. Oo, nagngingitian kaming dalawa at para na kaming tanga. Ay! Siya lang pala.
"Oh really?! Akalain mo ‘yun? Well, I'm just surprised!" I said with sarcasm tapos ibinalik ko na sa unahan ang tingin ko.
Sa wakas, narating din namin ang bahay nila. Masasabi kong maganda at malaki talaga ang bahay nila. Pero bakit ba hindi naman pagandahan at palakihan ng bahay ang usapan dito ah. Tinulungan pa nga siya ni Adam na ibaba ang mga pinamili niya.
So nag-shopping sila? Wow! How sweet? Lalong nagpupuyos ang galit sa dibdib ko. At isa pa ‘tong Adam na ‘to, kanina pa hindi nagsasalita. Samantalang dati kapag susunduin ako palaging sweet. Anyare??
Pumasok na siya sa loob ng kotse at nag-drive on the way sa boarding house ko. Tahimik pa din kami sa kotse.
"So how was your day?" tanong ko. Ako na ang unang nagsalita. Mapapanis laway namin dito.
"Okay naman,” sagot niya.
See? Sasagutin ako, two words lang. Wala namang bayad ang magsalita, ang tipid-tipid.
"Ikaw? How's your day? Mukhang masayang masaya ka ah? New company? Or should I say old?" Kaya naman pala niyang magsalita ng madami eh. Eh anong mga sinasabi nito?
Okay. Gets ko na. I'm with Brent nga pala kanina. Hanggang ngayon ba naman? Pinagseselosan niya pa din ‘yun?
"Adam, please pagod ako,” sagot ko na lang sa mababang tono. Ayoko din naman ng away pero siya ang nagsisimula. Ako ba narinig niya na nagtanong kung bakit sila magkasama ng babaeng ‘yun??
"Pagod ka? Ako ang pagod,” he paused. "Saan ka naman kaya napagod?" tanong niya at may halo pang tawa. ‘Yung tawang nangaasar. Mabuti na lang tanaw ko na ang boarding house. I wanna get out of his car!
"Oo nga naman. Muntik ko ng makalimutan, napagod ka nga pala sa pagbibitbit ng mga pinamili nung ex mo! Bye. Salamat sa paghatid,” sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya. Bumaba ako ng kotse niya at pabagsak ko ‘yung isinara.
Narinig ko ang pagharuruot ng sasakyan niya papaalis habang nagbubukas ako ng gate, pero hindi pa din ako lumilingon kasi kapag lumingon ako, baka tumulo ang luha ko.