Arkisha's POV
Nung sinabi ko kay Adam na ayokong makita ang pagmumukha niya, kabaliktaran ‘yon ng totoo kong nararamdaman. Dahil ngayon, gustong gusto ko siyang makita at hindi ko maintindihan kung bakit.
Sumilip ako sa sala at nakita ko na natutulog na si Adam. Dahan-dahan ko siyang nilapitan. Ayoko kasing makalikha ng ingay. Umupo ako para magkapantay na ang mga mukha namin.
Pinagmasdan ko siyang mabuti. Gustong gusto kong kurutin ang pisngi niya kaso sigurado magigising siya. Pero isa lang naman eh? Pwede kaya?
“Hoy Ate, anong ginagawa mo dyan?" ang makulit kong kapatid.
"Eehh ikaw? Bakit gising ka pa? Alam mo ba kung anong oras na?" sabi ko.
"Naiihi ako eh,” sagot niya.
Bakit naman ngayon pa sumigla ang pantog ng batang ‘to, nahuli pa tuloy ako.
Pagkalabas niya sa banyo, nilapitan pa niya ako.
"Bakit ka nandyan, Ate? Anong ginagawa mo kay Kuya Adam?" may himig na pambibintang niyang tanong.
Tumayo ako at bumulong.
"Pwede ba, hinaan mo nga ‘yang boses mo. Kapag ‘to nagising lagot ka sa akin. Wala akong ginagawa sa kanya ‘no! Matulog ka na nga!" utos ko sa kanya.
Papasok na siya sa kwarto niya ng may naalala ako.
"Ian, ‘wag na ‘wag mong sasabihin kay Adam ang nakita mo ngayong gabi ha!"
Hindi siya nagsasalita. Aba't nagbabalak nga?!
"Sumagot ka,” sabi ko.
Tumango naman siya at tuluyan ng pumasok sa kwarto niya.
**
Kinaumagahan, nagising akong ang ingay-ingay sa kusina. Nagpunta ako para malaman ang ingay na ‘yon. Sina Ian at Adam kumakanta habang nagluluto.
Teka, nagluluto??
Kelan pa siya natutong magluto??
"Maawa naman kayo sa mga kapitbahay. Kanta pa kayo ng kanta, wala naman sa tono,” singhal ko.
Hindi nila pinansin ang pagsaway ko at ipinagpatuloy ang pagkanta.
"Itanong mo sa akin, kung sinong aking mahal,” kanta ni Adam.
"SINO??" sigaw naman ni Ian.
Baliw na ‘tong mga ‘to. Nahahawa ang kapatid ko eh.
"Itanong mo sa akin, sagot ko'y di magtatagal,” patuloy ni Adam.
"SINO NGA??" tanong uli ni Ian.
Nilapitan ako ni Adam at hinawakan ang baba ko.
"Ikaw lang ang aking mahal. Ang pag-ibig mo'y aking kailangan. Pag-ibig na walang hangganan. Ang aking tunay na nararamdaman,” kanta ni Adam.
"Uyy si Ate, namumula,” dinagdagan pa ng pang-aasar ni Ian.
"Tigilan niyo nga akong dalawa. Ano ba ‘yang niluluto niyo?" pag-iiba ko ng topic at lumapit ako sa niluluto nila. Mukhang masarap, ang bango eh. Nakakapanibago nga. Dati ayoko ng amoy ng mga pagkain.
Nilapitan naman ni Adam ang niluluto niya kaya ang nangyari nasa likod ako ni Adam.
Hindi ko na tuloy alam kung alin ang gusto kong amuyin. Kung ang niluluto o ang nagluluto. Hindi ko namamalayan, unti-unti ko na pa lang nailalapit ang mukha ko sa likod ni Adam. Ang bango kasi!
"Inaamoy mo ba ako?" biglang tanong ni Adam.
"Hindi ah! Bakit naman kita aamuyin? Kapal ha! Kung feeling mo mabango ka palagi? Kung feeling mo gustong gusto kitang amuyin? Kung feeling mo naaadik ako sa amoy mo? Kung feeling mo nanggigil ako sa amoy mo? PWES, FEELING MO LANG ‘YON! HMP!" sinigawan ko siya at umalis na sa kusina. Iniwan ko na silang dalawa. Pero naririnig ko ang tawa nina Ian at Adam.
**
"Babe, aalis muna ako ha,” biglang paalam sa akin ni Adam.
Babe daw? Bati ba kami? Hindi naman di ba?
"Uuwi ka na?" nakangiti kong tanong.
Ngumiti din siya at hinawakan ang mukha ko.
"Sasama ka na?" nakangiti niya ding tanong.
"Magba-basketball kami. Kinuha kasi nila akong player eh,” sabi niya.
Sabagay. PLAYER naman talaga siya eh.
Ayun, naghubad na naman sa harapan ko at nagpalit ng pambasketball. Kailangan ba talaga laging sa harapan ko maghuhubad?? Nagsuot na rin siya ng sapatos.
"Kuya, tara na!" yaya ni Ian. "Babalikan ko na lang si Ate tapos isasabay ko siya."
Anong isasabay?
"Hindi ako manonood ‘no! Magsasayang lang ako ng oras!" sabi ko.
Pero hindi ko pa talaga napapanood mag-basketball si Adam. Eh ibang basketball naman ang alam nyan eh!
Umalis na nga sila. Makalipas ang ilang minuto, siya namang dating ni Jam at may dala siyang pompoms.
"Arkisha, tara na!"
"Bakit may pambugaw ka ng langaw? Nagtitinda ka na ba ngayon sa carenderia?" tanong ko.
"Pompoms ‘to!" sagot niya.
Alam ko.
"Halika na! Nagsisimula na ang game. Baka mawalan tayo ng upuan. Saka baka gabihin tayo sa daan."
Magsasalita pa sana ako pero pinigilan niya ako.
"Subukan mong tumanggi, magagalit talaga ako sa’yo! Pagkakataon ko na ‘to. Ang daming lalaki dun. Halika na!"
Wala akong nagawa kundi samahan siya. Pero sinabi ko kay Jam na hindi kami dapat makita ni Adam. Ayoko ngang malaman niya na manonood ako. Baka isipin nun, atat akong panoorin siya.
Nagsisimula na nga ang game ng dumating kami. Dun lang kami sa isang sulok pero kita naman namin ang mga naglalaro.
"Ang daming boys!" tili ni Jam.
Tahimik lang akong nanonood.
"Ang gwapo talaga ni AJ ‘no?" sabi ni Jam.
AJ. AJ.
"Jam, bakit ba laging AJ ang tawag mo kay Adam? ‘Wag mo siyang tawaging AJ,” sabi ko.
"Bakit? Di ba Adam Jacob ang pangalan niya, kaya AJ."
"Oo nga, pero basta, ‘wag mo siyang tawaging AJ,” utos ko. Eh kasi naaalala ko si Scarlett. Siya lang kasi ang tumatawag na AJ kay Adam.
"Okay, sabi mo eh,” sagot ni Jam at pagkatapos sumigaw siya.
"GO, AJ!!" I just rolled my eyes. Ang kulit.
Dahil sa pagsigaw niya, napatingin sa amin si Adam. Ayan tuloy, nakita kami. Did he just smile? Wala na kaming choice kundi umupo sa bleachers, katabi ni Ian.
Natapos ang second quarter, lumapit sa amin si Adam. Pawis na pawis siya. Ewan ko ba habang tumutulo ‘yung pawis niya sa kanyang noo pababa sa mukha niya, mas lalo siyang nagiging hot.
Erase. Erase.
I don't wanna think about it.
May iniabot na towel sa akin si Jam. I gave her an ‘anong-gagawin-ko-dito-look.’ And then I got his message na punasan ko daw ang pawis ni Adam.
Tumabi naman bigla sa akin si Adam. Ang bango-bango pa rin niya kahit pinagpapawisan na siya. Tiningnan ni Adam ang hawak kong towel.
Unti-unti kong itinaas ang kamay kong may hawak na towel at pinunasan ang noo ni Adam. Tiningnan niya ako sa mata. Nag-iwas ako ng tingin at itinigil ko na ang pagpupunas. Tiningnan ko uli siya at nakatingin pa rin siya sa akin.
"Ikaw ba eh lalaro pa o makikipagtitigan ka na lang dyan?" tanong ni Jam kay Adam.
Hindi iniiwas ni Adam ang tingin niya sa akin.
"I'll choose option number two,” sagot niya.
"KUYA ADAM, MAGSISISMULA NA ULI ANG GAME!" sigaw ni Ian.
Tumayo na uli si Adam pero bago siya umalis, nagsalita siya.
"Thank you."
What the hell?! Anong nangyayari sa akin? Lumalambot na ba ako??