Venice's POV
"Alam mo kung anong problema sa’yo? Masyado kang insecure sa sarili mo which is hindi naman dapat. Hirap na hirap ka dati na makuha ang tiwala ni Arkisha samantalang ikaw naman talaga ang hindi kayang magtiwala sa kanya. Alam mo kung bakit? Kasi iniisip mo na lahat ng tao katulad mo! Katulad mong mahirap pagkatiwalaan. Konting pang-unawa lang ang hinihingi sa’yo ni Arkisha noon pero ipinagdamot mo. Pwes magdusa ka ngayon, Adam Jacob!"
Matapos kong sabihin ‘yan kay Adam ay agad kong hinanap si Arkisha. Kailangan kong maunahan si Adam. Sisiguraduhin kong ako ang mauuna sa boarding house ni Arkisha.
May babaeng nagbukas ng gate ng dumating ako.
"Hi! Si Arkisha?" tanong ko. Siya yata ‘yung pinakamatanda sa kanila.
"Wala siya dito. Pinuntahan siya ni Jane eh, sa isang restaurant. Kani-kanina lang,” sagot niya.
"Pwede ko bang malaman kung saang restaurant?" Sinabi naman niya sa akin kung saan.
"Can I ask you a favor?" tanong ko uli sa kanya.
"Ano ‘yon?"
"Please, kapag nagpunta dito ang kapatid kong si Adam, don't tell him kung nasaan si Arkisha." Halatang naguguluhan siya sa sinabi ko.
"I know na ayaw mo na din namang makitang nasasaktan si Arkisha, right?" She nodded.
"Please?"
"Okay."
Umalis na ako. I just hope hindi niya talaga sabihin. Mabuti naabutan ko siya sa restaurant na ‘yon. We talked and I offered her na ako na ang maghahatid sa kanya. Umalis muna ako saglit at sinabi kong babalikan ko siya pero nang bumalik ako ay wala na sila ng kaibigan niya.
I called her at sinabi naman niya kung nasan sila. Dumiretso na kami sa boarding house niya and she packed her things. Tinutulungan siya ng mga kaibigan niya.
"Sigurado ka na ba sa gagawin mo?" tanong nung babae na napagtanungan ko kanina.
"Oo, Ate Gem. Salamat sa lahat ha,” sagot ni Arkisha.
"Nagpunta dito si Adam kanina." Saglit na napatigil si Arkisha sa pagiimpake pero nagpatuloy uli siya.
"I told you. Anong sinabi mo?" tanong ko.
"Sabi ko na hindi ko alam kung nasan siya."
"Thank you,” sagot ko. Tumingin pa sa akin si Arkisha at nginitian ko lang siya.
"Anong meron? OUTING? Sama ako!"
Bigla na lang may isang babae na sumulpot sa pinto. Must be one of her friends.
"Outing? Mga maleta?! Isip-isip din Ella,” sabi nung Jane.
"Malay ko ba kung feel niyong magbakasyon ng mga one week!"
"Hay naku Ella, saan ka ba galing?"
"Ate Gem talaga, na-miss mo kaagad ako? Dumuty lang,” sagot nung Ella.
Ah, Gem nga pala ang pangalan nun. Tiningnan ni Arkisha si Ella.
"DUMUTY ka?" nagtatakang tanong ni Arkisha. Parang may kakaibang dating ‘yung tanong niya. What's with DUTY?
"Biro lang. Kayo talaga! Wala naman akong trabaho,” at tumawa si Ella.
Pumikit si Arkisha at napailing.
"So ano ngang meron? Kung hindi outing, ano?" Napatingin sa akin ‘yung Ella.
"Oh, hi! May bisita pala tayo,” she smiled at me at nginitian ko din siya.
"Aalis na si Arkisha,” sagot ni Jane.
"Isasama ko siya,” sabi ko.
"Sa kaharian niyo?" tanong ni Ella. What?
"Di ba dyosa ka? Isasama mo na sa kaharian niyo si Arkisha?"
She's really funny. May sinabi pa siya kay Arkisha.
"Eh di ba waley na kayo ng Prince Charming mo? Bakit nandito ang hipag mong hilaw?"
Seriously? What the hell is that term? Natatawa na lang ako.
"Pagpasensyahan mo na si Ella ha, ganyan talaga ‘yan kapag may sapi,” sabi ni Gem sa akin. Nakangiti lang ako.
"Ate Gem, anong pinagsasasabi mo? Bulong ‘yon. Bumulong ako kay Arkisha!"
"BULONG? Eh rinig ng kapitbahay, tapos bulong? Ano pa kaya kapag sumigaw ka?!" sita ni Jane.
"Okay na ba lahat, Arkisha?" tanong ko kasi mukhang tapos na.
"Oo. Naimpake ko na lahat,” sagot niya. Bumaling siya sa mga kaibigan niya. "Ate Gem, Ella, Jane, salamat sa lahat. Masaya ako na naging kaibigan ko kayo."
"Eto naman kung makapagsalita parang hindi na babalik,” sabi ni Ella.
Tiningnan ko sila.
"HINDI KA NA BABALIK??!" sigaw ni Ella.
"I'm not sure. Pero hindi ko alam kung kailan. Pero tatawagan ko kayo."
After they said goodbye to each other, umalis na kami ni Arkisha.
**
It's been a week mula ng ihatid ko si Arkisha sa probinsya nila. I made sure na ayos ang kalagayan niya. Maganda ang lugar nila pati bahay nila maganda din. I'm sure they'll be okay. Lahat ng gamot, vitamins at kung ano pang kailangan niya, meron siya. Gusto ko kasing makasiguro na healthy silang tatlo.
I even called my Mom na nasa States kung ano bang pakiramdam niya nung ipinagbubuntis niya kami ni Paris. Nagkwento din siya. One of these days, gusto kong puntahan siya sa States at sabihin sa kanya ang mga nangyayari.
I'm sure she'll be happy kapag nalaman niya na magkaka-apo na siya. Kasama niya dun ang Mommy niya, ang lola ko. She's sick. Ilang buwan na din. Hindi kasi si Mommy katulad ng ibang anak sa States na kapag may sakit ang magulang hinahayaan na ang mga nurses ang mag-alaga. She wants to make sure na okay ang Mommy niya. I'm sure si Daddy, bumibisita din doon, setting aside the fact that's he's really busy with our company.
And speaking of company, andito ako ngayon, papasok sa office ni Adam.
"WHAT?! I HIRED YOU BECAUSE YOU ARE THE BEST! AND NOW YOU'RE TELLING ME NA HINDI MO PA RIN SIYA NAKIKITA? ILANG ARAW MO NA ‘YANG GINAGAWA AND UNTIL NOW WALA PA RIN? KAPAG BUKAS, WALA PA RIN, YOU'RE FIRED!"
"Whoa! Mainit yata ang ulo ng kapatid ko? What's wrong?"
Alam ko sinigawan ko siya sa hospital last week pero wala na ‘yun. Hindi naman nagalit sa akin si Adam and besides ako ang ka-close niya.
"Wrong? Everything is wrong! Hanggang ngayon hindi pa din makita si Arkisha!"
Ano bang dapat kong sabihin?
"Venice, you need to help me find Arkisha."
Huminga ako ng malalim. Kung titingnan niyo ang kapatid ko ngayon, maaawa talaga kayo. Pero mukhang mas naaawa ako sa mga empleyado namin.
Tumunog ang intercom.
"WHAT!?!" sigaw niya.
"Sir, ire-remind ko lang po ‘yung meeting niyo with Mr. V-Valdez,” takot na takot ‘yung boses ng secretary niya.
"Sh*t! May meeting pa nga pala!" sabi niya.
See? Natatakot na sa kanya ang mga empleyado niya.
"Adam Jacob! What are the updates?" biglang pumasok si Paris sa loob. Updates? Kelan pa siya naging interesado sa pagpapatakbo ng kumpanya?
"Paris, if you're interested with the updates regarding our company, ask my secretary for the files,” walang ganang sagot ni Adam.
"Company? I am asking about the updates sa paghahanap kay Arkisha. Nakita na ba siya?"
Tinitigan ko si Paris. Seriously? She's concern?!
"Oh! Why are you here? Hindi ka naman tumutulong sa paghahanap,” sabi niya sa akin.
Maldita pa rin. Inaaway pa din ako.
"Says who?" sabi ko.
"Venice, don't pretend. Ayaw mo bang maging masaya si Adam? Bakit hindi ka mag-hire ng detective or whatever na makakahanap kay Arkisha?" hamon niya sa akin.
"Ayoko nga. Magtatapon lang ako ng pera dyan!" sagot ko.
It’s true. Why should I hire eh alam ko naman kung nasaan siya. Ako pa nga ang naghatid di ba? Gusto ko silang tawanan.
"Teka nga, bakit mo ba tinutulungan si Adam? Akala ko ba ayaw mo kay Arkisha noon?" tanong ko kay Paris.
"Noon ‘yon. But when I found out na niloko lang tayo ni Scarlett--" I stopped her.
"Niloko ka. Ikaw lang ang nagpauto,” pagtatama ko.
"Whatever!" She rolled her eyes. "From the start, gusto ko lang maging happy si Adam, kaya nga tinulungan ko si Scarlett di ba? And now that Arkisha is carrying their babies, I need to help her."
Thank you Paris. Thanks for making me feel ngayon na ako ang masama dito, sa pagtatago ko kay Arkisha. But I have my reasons kung bakit ko ‘yon ginawa.
About dun sa sinabi ko kanina, na magtatapon lang ako ng pera kapag nag-hire ako, ang totoo nyan, malaki na din ang nagagastos ko.
You know why?
Sabi nga ni Adam, he hired THE BEST. Dapat first or second day pa lang alam na ni Adam kung nasaan si Arkisha pero after mag-usap nina Adam, kinausap ko din ‘yung hinire niya. I paid him, triple sa ibinayad ni Adam. Money is not a problem here, his loyalty is. At sa tingin ko, sumusunod naman siya sa akin. Kung tutuusin, he's lucky. Kumikita siya ng wala naman siyang ginagawa. He receives money to do something and receives triple of that amount to do nothing. ‘Yun nga lang, being THE BEST is questionable now here. But I don't care. He just have to do his job. Ang sabihin kay Adam na hindi pa din niya nalalaman kung saan nagpunta si Arkisha.
I know na sinubukan na din ni Adam na tanungin ‘yung friends ni Arkisha but I'm pretty sure hindi sila magsasalita.
"I thought you hired the best?" naiiritang tanong ni Paris kay Adam.
"Yes, but maybe he's not the best. I think I need to hire another one,” sabi ni Adam.
WHAT??