noveltoon logo noveltoon
Ex with Benefits 1

Chapter 62

Ch. 63 / 72 Feb 05, 2022

Arkisha’s POV

Nanalo ‘yung team nina Adam sa basketball. Malay ko ba na magaling talaga siyang maglaro. Kahit na wala siya doon buong laro. Eh sabi ko nga di ba, sa ibang basketball magaling ‘yan.

Sinamahan na niya ako pauwi sa bahay. Itinext ko na lang si Jam at sinabi ko na isabay na lang si Ian pauwi. ‘Yun ay kung sasabay sa kanya si Ian.

Paguwi namin sa bahay, ang daming kalat sa sala. Hindi ko alam kung saan nanggaling ‘yon.

“Ma, ano po ‘tong mga ‘to?” tanong ko kay Mama.

“Ah, eh kasi inilabas ko ‘yung mga gamit na hindi na kailangan para maitapon na. Pampasikip lang dito sa bahay natin eh,” sagot ni Mama.

Eh teka, saan matutulog nito si Adam? At may pagkamanghuhula yata si Mama kasi sinagot niya ‘yung tanong ko.

“Arkisha, sa kwarto mo na muna patulugin si Adam ha,” sabi ni Mama.

“PO? Bakit?”

“Hindi nga pwede sa kwarto ni Ian di ba? At saka ano bang inaarte mo?” tanong niya at pagkatapos tiningnan niya ang umbok ng tiyan ko. Nahiya naman ako bigla.

Wala akong nagawa kundi pumayag na sa kwarto ko matulog si Adam. Mas malaki nga ang kama ko kumpara kay Ian. Kinuha ko na ang unan at kumot ni Adam at dinala sa kwarto ko. Siguro sinabi na rin ni Mama kay Adam na sa kwarto ko siya matutulog kasi nung oras na ng pagtulog pumasok na siya sa kwarto ko.

“Okay lang kahit sa sahig ako matulog,” sabi niya.

“Ayaw mong tumabi sa’kin?” I asked sarcastically.

Ngumiti siya. “Syempre gusto! Ikaw lang ang iniisip ko.. baka..”

Tinalikuran ko na siya at niyakap ang unan ko.

“Pakipatay na lang ng ilaw,” sabi ko at natulog na ako.

No. Hindi pa pala ako tulog. Makakatulog ba ako? Naramdaman kong humiga na si Adam sa tabi ko.

Ilang minuto na ang lumilipas, hindi pa din ako nakakatulog. Si Adam kaya, tulog na?

Pssshh..

Pake ko ba?!

Isang oras. Isang oras na akong tulala. Lutang ang isip. Siguro naman tulog na ang katabi ko.

Bumangon ako ng konti at pinagmamasdan ko siya habang mahimbing na natutulog (kung natutulog nga siya?). Mas lalong na-emphasize ang haba ng pilik mata niya ngayong nakapikit siya. Ang matangos niyang ilong na kinukurot-kurot ko noon, ang labi niya na magaling humalik.

Nasabi ko na ba na magaling nga siyang humalik?

Hinaplos ko ang pisngi niya. Siya ang lalaking minahal ko ng sobra. Ng higit pa sa buhay ko. Siya din ang lalaking may dahilan ng lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Bakit ba siya nandito? Okay na ako di ba? Nakakaya ko na naman ang mag-isa. Nasasanay na ako. Bakit kailangan pa niyang magpakita? Bakit kailangan pa niya akong guluhin?

Hindi ko namamalayan, pumapatak na pala ang luha ko. Hindi ko alam kung para saan ang mga luhang ‘to. Isa lang ang sigurado ako.

MAHAL KO PA RIN SI ADAM.

Mahal ko pa rin ang lalaking ‘to. Kaya mas natatakot ako. Natatakot ako kapag malapit siya sa akin. Baka bumigay ang puso ko. Kailangan kong maging matatag. Para sa mga anak ko.

Sa totoo lang, ayoko din naman na nakikitang nahihirapan si Adam pero kailangan kong gawin ang lahat ng ‘to dahil kelangan niyang matuto. Hindi pwedeng paulit-ulit ang mga nangyayari. Kailangang may magbago.

Sa mga sinabi niya kanina, ramdam ko naman na sincere siya. Iba ang pagkaseryoso ni Adam kanina, halatang malalim ang pinaghuhugutan niya. Hindi ba niya alam na sa mga ginagawa niya, mas lalo ko siyang minamahal. Mas lalo akong nahihirapang kalimutan siya. Oo, sabi ko noon, kakalimutan ko na siya. Buburahin ko na siya sa buhay ko. Na hahanapin ko ang sarili kong kaligayahan ng wala siya. Ngayon ko lang na-realize na kahit baliktarin pa ang mundo, si Adam lang ang makakapagbigay ng kaligayahan na hinahanap ko.

Si Adam Jacob Castrences lang.

Ang lalaking nagpahayag ng wagas na pagmamahal sa akin. Ang lalaking minahal ko noon, minamahal hanggang ngayon, at mamahalin ko magpakailanman.

I am getting corny, I know.

Geez.

Nagising akong parang may katabi ako. Ah, oo nga pala, si Adam dito nga pala natulog. Pero hindi lang basta katabi eh. Parang nakayakap pa.

“Good morning!” bati ni Adam.

Ang aga-aga, ang gwapo-gwapo!

Lumayo ako ng konti sa kanya pero nahuli niya ang bewang ko.

“’Wag ka ngang malikot. Baka mahulog ka,” sabi niya. Kaya naman napalapit na naman ako sa kanya.

“Nagugutom ka na ba?” tanong niya. Tumango lang ako. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Masama ba ‘yon para sa buntis?

“Okay. Anong gusto mong breakfast? Magluluto ako.” I just shrugged.

“Libre magsalita,” sabi niya.

Eh bakit nga ba ako napipipi? Eh kasi kinakabahan nga ako. Diyos ko Adam, lumayo layo ka ng konti at baka biglang tumalon ang puso ko.

“Magluluto na ako ha?” sabi niya at hinalikan pa niya ang buhok ko. Napapikit naman ako sa ginawa niya.

“Kakain ka ha?” dugtong pa niya. Para naman akong robot at automatic akong tumango.

Napailing na lang ako paglabas niya. Ano bang nangyayari sa akin??

Pag-upo ko sa dining table, ang daming pagkain.

“Uubusin mo ‘yan lahat ha,” sabi ni Adam. Tinabihan niya ako sa upuan.

“Pero..” tutol ko.

Tumawa siya.

“Biro lang. Basta dapat kakain ka ng madami ha,” sabi niya at siya pa ang naglagay ng pagkain sa plato ko.

Nakatitig lang ako sa kanya habang nilalagyan niya ng pagkain ang plato ko.

“Nagagwapuhan ka na naman sa’kin ‘no?” bulong niya and he looked at me.

Ang yabang talaga! Pasalamat siya at gwapo talaga siya. Hindi na lang ako nagsalita at the same time hindi ko mapigilang mapahiya kasi nahuli niya akong tinititigan siya.

**

Habang nanonood ako ng t.v. mag-isa, tinabihan niya ako sa sofa. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang tiyan ko.

“Ang laki na. Excited na akong makita sila,” sabi niya.

Halata naman sa itsura niya na excited na talaga siya. Inilapit niya ang tenga niya sa tiyan ko at pagkatapos bigla siyang nagsalita.

“Babies, ‘wag kayong mag-aaway sa loob ha,” sabi niya.

Ano daw?? Nababaliw na ata ‘tong si Adam.

“’Wag nyong papahirapan si Mommy habang dinadala niya kayo ha. Andito lang palagi si Daddy. Hinding hindi niya iiwan si Mommy,” tumingin sa akin si Adam habang sinasabi niya ‘yon pero nasa tapat pa rin siya ng tiyan ko.

Bumalik na uli ang focus niya sa tiyan ko.

“Kahit na matigas ang ulo ni Daddy at pasaway kay Mommy, pinapatawad pa din ni Mommy si Daddy kaya naman alam ko dadating din ang araw na mapapatawad ako ni Mommy kaya love na love ni Daddy si Mommy eh and promise ni Daddy hindi na siya magiging pasaway.”

Habang sinasabi ni Adam ‘yon, hindi ko alam kung dala lang ng pagbubuntis ko ang emosyong nadarama ko ngayon o gusto talagang maiyak ng mga mata ko.

“Excited na akong alagaan kayo. Kung pwede ko lang pabilisin ang oras, gagawin ko para makita at mahawakan ko na kayo. I love you both, always remember that,” sabi niya at hinalikan pa nga ang tiyan ko eh.

Nag-angat na siya ng tingin.

“Umiiyak ka ba?” tanong niya sa akin.

“Hindi ah!” deny ko. Napuwing lang ako.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin.

“A-anong gagawin mo?” tanong ko.

“Sabi mo napuwing ka? Hihipan ko ang mata mo para mawala ang puwing,” sagot niya.

“Ah.. Okay na. Nawala na,” sagot ko.

**

“Sinong uuwi?” tanong ko pagpasok ko ng kusina. Narinig ko kasi na parang may pinag-uusapan sina Mama at Ian na uuwi daw.

Biglang sumulpot si Adam.

“Uuwi ka na?” normal kong tanong.

Lumungkot ang mukha niya at nilapitan ako.

“Gusto mo na ba talaga akong umuwi? Ayaw mo na akong makita?” malungkot niyang tanong.

I was speechless. I felt numb. Hindi naman ganun ang ibig kong sabihin. Masama ba ang dating sa kanya? Kitang kita ko ang lungkot sa mata niya. Nilagpasan na niya ako at lumabas na ng kusina.

Sh*t! Anong ginawa ko?? Tiningnan lang ako nina Mama at Ian.

Katulad kagabi, sa tabi ko uli natulog si Adam. Pagkahiga niya, hindi na niya ako kinausap. Sabagay, sino nga namang tao ang gaganahang makipagusap sa isang taong binibigyan ka ng cold treatment. Tiningnan ko siya. Nakapikit ang mga mata nya.

Galit ba siya sa sinabi ko kanina? Dapat ba akong mag-explain?

Kinaumagahan, nagising akong wala sa tabi ko si Adam. Ang aga naman niya magluto ng breakfast. Akala ko pa naman siya ang una kong makikita pagmulat ng mga mata ko.

Ano ba ‘tong iniisip ko, ang aga-aga!

Lumabas na ako ng kwarto ko at nagpunta sa kusina, pero nadatnan ko doon si Mama. Siya ang nagluluto ng breakfast. Akala ko…

Hindi ko mapigilang magtanong.

“Ma, bakit kayo po ang nagluluto? Nasaan po si Adam?” tanong ko.

Umaasa ako na isasagot niya “eh kasi nami-miss ko na ang pagluluto ng breakfast, si Adam? Nasa labas, kasama ni Ian.”

Tiningnan ako ni Mama at sumagot siya. Medyo kinakabahan pa nga ako sa sagot niya eh.

“Ang tagal ko na kasing hindi nagluluto ng breakfast eh at saka wala namang ibang magluluto,” sabi ni Mama.

Medyo close naman sa naisip ko. Anong walang ibang magluluto? Napakunot ang noo ko.

“Si Adam? Maaga siyang umalis. Lumuwas na ng Maynila. Hindi na nakapagpaalam sa’yo kasi nga tulog ka pa.”

“PO? BAKIT DAW PO??” halos sumigaw na ata ako.

“O? Akala ko ba gusto mo na ding pauwiin ang batang ‘yon?”

Psssshhh.

“Eh hindi naman ‘yon ang ibig kong sabihin kahapon, sino ba kasi ‘yung sinasabi nyong uuwi kahapon?”

“’Yung kapatid ko, uuwi galing ibang bansa. ‘Yun ‘yon.”

“Eh bakit nga daw po umalis si Adam? Babalik ba daw po siya? Kailan?” pangungulit ko.

“Hindi ko alam kung kailan siya babalik o kung babalik pa siya? Nag-away ba kayo? Hayaan mo na muna ‘yung tao. Kung mahal ka talaga niya, babalik ‘yon,” sabi ni Mama.

“Kung mahal niya talaga ako, hindi siya dapat aalis!” naiinis sagot ko naman.

“Nagagalit ka ba dahil umalis siya?”

“Hind po ako galit, Ma! Hindi po!”

“Sabi mo eh,” sagot ni Mama at iniwan ko na siya sa kusina.

Naiinis ako.

NAIINIS AKO KAY ADAM!

Sinungaling siya! Sabi niya hindi niya ako iiwan? Sabi niya mahal niya ako, eh bakit ganito? Lintek naman! Wala pa atang tatlong oras siyang wala, nami-miss ko na ba siya kaagad??

Ah! Imposible!

Kapag galit ka sa isang tao, hindi mo siya pwedeng ma-miss.

Pwede nga kaya?