Adam's POV
Napakabilis ng panahon. November na. Kabuwanan na ni Arkisha. Yung tiyan niya, sobrang laki na talaga. No wonder, dalawang bata ang nasa loob. Palagi ko siyang sinasamahan sa mga check-up's niya. At ngayon hinihintay na lang namin ang nalalapit na paglabas ng dalawang bata.
Papalapit sa akin si Arkisha ng mapansin kong parang may mali.
"Babe, okay ka lang ba?" tanong ko kay Arkisha.
Napansin ko kasi na parang hindi siya mapakali.
"A-adam, MANGANGANAK NA ATA AKOOOO!!" Tumayo ako at nagsimulang mataranta.
"ANO?? SAN-SANDALI!! IAN! TAWAGIN MO SI MAMA, SABIHIN MO MANGANGANAK NA ANG ATE MO!" utos ko kay Ian. Agad naman siyang lumabas ng bahay.
"ADAM! ANO BANG GINAGAWA MO? BAKIT BA PAIKOT-IKOT KA SA BAHAY! MANGANGANAK NA AKO!"
"Natataranta na kasi ako. ‘Wag mo kasi akong sigawan."
"ANONG GUSTO MO? BUMULONG AKO!? A-ARAYY! ANG SAKIT NA TALAGA!!"
Nilapitan ko siya.
"Sandali, kukunin ko lang ang mga gamit sa kwarto."
Dali-dali akong pumasok sa kwarto at kinuha ang mga gamit na matagal ng nakahanda. Natataranta pa rin ako habang kinukuha ko ang mga gamit. Ganito pala ang pakiramdam kapag magiging tatay ka na.
Lumabas na ako agad at nakita ko si Arkisha na nakaupo na siya sa sofa at nanonood ng t.v.
O.o
Hinawakan niya ang remote at inilipat-lipat pa ang mga channel.
"Ibalik mo na yan. O.A. ka,” sabi niya nang tingnan niya ako.
AKO PA ANG O.A.? Sino kaya ang sigaw ng sigaw kanina??
"Di ba manganganak ka na?" tanong ko at inilapag ko sa isang tabi ang mga gamit na bitbit ko. Tinabihan ko siya sa sofa.
"Nawala ang sakit eh. Hindi pa siguro. Hahahahaha!" sagot niya at tawa na siya ng tawa sa pinapanood niya.
"Alam mo ba kung gaano ako nataranta??"
"Oo, kita ko naman. Eh anong magagawa ko eh sa hindi pa pala ako manganganak? Alangan namang pilitin ko ang sarili ko na manganak ngayon eh hindi pa pala?"
Pinagtitripan ba ako ng buntis na ‘to?
Tiningnan niya ako.
"Galit ka ba sa akin? Bakit ganyan ka makatingin?" tanong niya.
Bigla namang dumating ang Mama niya.
"ASAN NA? ASAN NA ANG ANAK KO???!"
Mag-ina nga sila. Kung makasigaw eh.
"Akala ko ba mangaganak ka na?"
"Eh hindi pa daw po. False alarm,” sagot ko. Ako na ang sumagot, busy sa panonood ang buntis na ‘to eh.
Dinikit pa ni Arkisha ang katawan niya sa akin at inihilig ang ulo niya sa balikat ko tapos tinatawanan ang pinapanood niya.
Siguro pinagtitripan lang ako nito kanina. Ang sweet eh.
"Hay, akala ko naman manganganak na talaga ang batang ‘to. Halos madapa pa ako sa pagtakbo pauwi,” sabi ng Mama niya at dumiretso na siya sa kusina.
Tiningnan ko si Arkisha na nakahilig pa din sa balikat ko.
"Kita mo na? Kung nadapa ang Mama mo, naku,” sabi ko.
Lumayo siya ng konti sa akin para magtama ang paningin namin.
Nanlaki ang mga mata niya.
"WHOA?! You actually think na palabas ko lang ‘yung kanina?!"
"Hindi ba?"
"ADAM! I hate you!" sabi niya.
"Ayan, ayan, nagsisinungaling ka uli. You really hate me huh?" at pinisil ko ang ilong niya.
"Totoo naman kasi ‘yung kanina. Sumakit talaga, swear!" with hand gesture pa ‘yon.
Inakbayan ko na lang siya para manahimik.
"Okay. Okay. Maniniwala ako sa isang kundisyon."
Nagsalubong ang kilay niya.
"Ano naman ‘yon?!"
"Bawiin mo muna ‘yung sinabi mo kanina. Masakit sa pandinig eh."
"Alin??"
"Alam mo ‘yun."
Tumawa siya.
"’Wag mo akong tawanan. Seryoso naman kasi", sabi ko.
Tinakpan niya ang bibig niya. Halatang pinipigil niya ang tawa niya.
"Tawa ng tawa. Hahalikan kita dyan!"
"Eh nagagalit ka kasi. Nakakatawa ka. Hahahaha!"
"Sinabi mo ‘yon, alangan matuwa ako?!"
"O ayan, tumataas ang boses mo. Relax. Gusto mo ba akong ma-stress?"
"Babawiin lang kasi, ang tagal-tagal pa."
"Okay eto na. Ehem. Ehem. Adam Jacob Castrences, I don't hate you. Mahal kita."
Ngumiti ako. Matagal.
Tiningnan niya ako, nag-aabang. Pero nakangiti lang ako.
"Sagot??" sabi niya.
"Sagot? Bakit may tinatanong ka ba?" pang-aasar ko.
"Adam naman eeehhh!! HINDI MO NA AKO LOVE??!" Tinawanan ko siya. Katulad ng ginawa niya sa akin kanina.
Nakatitig siya sa akin. Alam kong hindi na siya natutuwa at ako ang natutuwa sa pang-iinis sa kanya.
"Arkisha.." tawag ko.
"ANO!?!" Galit nga ata. Nagseryoso na din ako.
"Kung iniisip mo na mahal kita, pwes mag-dalawang isip ka na,” sabi ko.
‘Yung mata niya lumulungkot na. Nagsalita uli ako. Inulit ko.
"Kung iniisip mo na mahal kita, pwes mag-dalawang isip ka.. kasi mahal na mahal na mahal kita." Biglang napawi ang lungkot sa mga mata niya. Napalitan ‘yon ng ngiti.
"O, ‘wag kang iiyak,” banta ko sa kanya. Nangingilid na kasi ang luha niya.
Hinampas niya ang braso ko.
"Sino namang may sabi sa’yo na iiyak ako? Hindi kaya,” sabi niya pero humihikbi naman siya.
Niyakap ko na lang siya.
"Pinakaba mo ako doun. Akala ko talaga.." sabi pa niya.
"Akala mo hindi na kita mahal?? Asa ka! Hindi mangyayari ‘yon!" sagot ko at niyakap na niya din ako.
Nung bandang hapon, naririnig ko na naman siya.
"ADAM!! ADAM!!"
Papalapit siya sa akin. Nanonood ako ng t.v. Hawak-hawak niya ang tiyan niya.
"ADAM! MANGANGANAK NA AKOOO!!"
Hindi ko siya pinapansin. Kuhh. False alarm na naman ‘yan.
"ADAM ANO BA?? MANGANGANAK NA AKOO!"
"Hindi pa ‘yan. Mag-relax ka lang,” sabi ko at ibinalik ko ang tingin ko sa t.v.
"AARRRAAAAYYYY!! ANG SAKIT NA TALAGA!! ADAM JACOB, ANO BA?!"
Pagtingin ko kay Arkisha. Pucha! Napatayo na ako. May parang tubig na lumalabas na mula sa kanya. Mabuti biglang dumating ang Mama niya at agad namin siyang dinala sa hospital.
Sobra ang kaba ko habang dinadala namin si Arkisha sa delivery room! Sigaw siya nang sigaw na masakit daw.
"AAAAHHHH! ANG SAKIT NA TALAGA!! IKAW ANG MAY KASALANAN NITO ADAM EH! I SWEAR ADAM JACOB, SIMULA NGAYON, PINUPUTOL KO NA ANG BENEPISYO MO!!"
WHAT!?!?!
Hindi makatarungan ‘yon!