noveltoon logo noveltoon
Ex with Benefits 1

Chapter 53

Ch. 54 / 72 Feb 05, 2022

Paris' POV

Nang madampot ng mga pulis si Scarlett, sumunod ako sa hospital. Isinama ko ang anak ni Brent.

When I saw this kid, nagtaka na ako. Sino nga ba ang batang ‘to? Bakit wala namang nabanggit sa akin si Scarlett tungkol sa kanya?

Mula noon, I decided na magpa-imbestiga. Nalaman ko ang lahat. Magaling ang private investigator na binayaran ko. Nalaman ko na nabuntis nga noon si Scarlett, nakunan nga siya pero hindi si Adam ang ama. Inis na inis ako noon sa sarili ko dahil naniwala ako sa kanya. Nalaman ko rin na dahil sa miscarriage niya, hindi na siya maaaring magkaroon ng anak. Well, at that point, nakaramdam ako ng awa para sa kanya pero niloko niya pa rin ako at ang pamilya ko. I helped her to win Adam back, ‘yun pala wala namang point ‘yun. Madami tuloy kaming nasaktang tao lalong lalo na sina Adam at Arkisha.

Sinabi ko ang lahat ng ‘yan kay Venice kaya naman galit na galit siya at agad niyang pinuntahan si Arkisha para alamin ang mga nangyari.

Nang ibinilin niya sa akin ang bata pagkaalis ni Venice, naramdaman ko na noon na may binabalak siya. Kaya naman sinundan ko siya at that time tumawag uli sa akin ang private investigator at nalaman kong anak ni Brent ang bata. Tama ang hinala ko. Kaya ibinilin ko noon sa katulong na ‘wag na ‘wag ibibigay kay Scarlett ang bata at ‘wag na ‘wag siyang papapasukin sa loob.

Pagkadating namin sa hospital, I saw Adam, he's facing the wall at nakasubsob. Daig pa niya ang nalugi. Pero di ba okay naman ang mag-iina niya? What happened?

"Venice!"

**

Brent's POV

Nang madala ko si Arkisha sa hospital at sinabi ng doktor na okay na ang lagay niya at ng mga bata, nakahinga ako ng maluwag.

"BABIES?"

Hindi ko akalaing kambal pala ang ipinagbubuntis niya. Mas lalo akong nakonsensya at naawa sa nalaman ko.

Pinuntahan ko siya sa kwarto niya. Pagpasok ko ay nagmulat ang mga mata niya.

"Arkisha.." tawag ko.

She looked at me.

"Ano na namang ginawa mo sa akin? Bakit ako nandito?!" galit niyang tanong.

Nilapitan ko siya.

"Arkisha, please calm down, makakasama sa mga anak mo."

Nag-alala ang ekspresyon niya.

"Ang mga baby ko? Anong ginawa mo sa kanila?!" sumisigaw pa rin siya habang hawak niya ang tiyan niya.

"Maayos ang kalagayan nila. You don't have to worry,” pinipilit ko siyang pakalmahin.

"Bakit ka nandito? Sasaktan mo na naman ako ha?! Hayop ka talaga!!"

Hinahampas niya ang braso ko habang umiiyak na siya. Pinipigilan ko naman siya.

"Arkisha listen!" sumisigaw na din ako. Alam kong nasa hospital kami pero ayaw niya kasi talagang kumalma.

"No! Wala kang karapatang utusan ako! Magsama kayo ng kapatid mong walang puso!"

Iyak pa din siya ng iyak. Niyakap ko siya pero pilit niya akong inilalayo sa kanya. Masakit marinig ang salitang binitawan niya pero may karapatan nga ba akong masaktan sa puntong ‘to?

"Please, makinig ka muna and please stop crying. Baka makasama sa babies mo. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag nangyari ‘yun,” sabi ko at unti-unti na siyang kumakalma.

"I'm sorry na nagawa ko ‘yun sa’yo. Tinakot niya ako, baka kung anong gawin niya sa anak ko,” panimula ko.

Nag-angat siya ng tingin at talaga namang nagulat siya sa sinabi ko.

"Nito ko lang din nalaman na may anak pala ako,” kinuwento ko sa kanya ang lahat-lahat.

Hindi siya nagsasalita. Nakikinig lang siya pero patuloy pa din ang pagtulo ng luha niya.

"Ako ang nagdala sa’yo dito sa ospital. Sinundan kasi kita dahil gusto ko ngang ipaliwanag sa’yo ang lahat. Pero nagulat ako ng bigla ka na lang nawalan ng malay sa daan."

"Ang naaalala ko lang tatawid ako pero biglang may mabilis na sasakyan. Balak yata akong sagasaan, natakot ako, tapos hindi ko na alam ang sumunod na nangyari."

"It's my sister,” mahina kong sabi.

Napapikit siya kasabay ng pagtulo ng luha niya.

"Yeah right. Sino pa nga ba ang gagawa nun? Isa siyang kriminal! Wala siyang awa! Akala ko ba nawalan na siya ng anak dati? Sa tingin ba niya babalik ang anak niya pag napatay niya kaming mag-iina?! Napakasama niya!" Humagulhol na naman siya ng iyak at panay naman ang alo ko sa kanya.

"I have to go,” sabi niya.

"What?! Hindi pwede. Baka mahilo ka na naman sa daan. Dito ka muna sa hospital, babantayan kita,” sabi ko.

"Hindi kita kailangan, Brent. What made you think na pagkakatiwalaan pa kita?"

"Arkisha.. Hindi mo na ba ako mapapatawad?"

"Aalis na ako. Tawad? Sige, tulungan mo akong makaalis dito,” sabi niya.

"Pero Arkisha, baka hindi pa kaya ng katawan mo."

"Katawan ko ‘to kaya alam ko. Just let me leave."

Inayos na niya ang sarili niya para umalis.

"Arkisha, ihahatid na kita pauwi,” pigil ko pa rin.

"Sinong may sabi sa’yo na uuwi ako?"

Nagulat ako.

"Huh? Saan ka pupunta?"

"Hinding hindi ko sasabihin sa’yo! ‘Wag mo akong susundan, and.. thank you sa pagdala sa akin dito."

Pagkasabi niya nun, umalis na siya. I let her leave. Ayaw din naman niyang papigil. Binayaran ko na lang sa ospital ang dapat bayaran.

**

Venice's POV

Mabilis ang pagda-drive ni Adam papunta sa ospital.

"Adam, can you please slow down!" sigaw ko sa kanya. Natataranta na din kasi ako. Ang dami-daming nangyayari. Kinakabahan ako. Kahit na ligtas na si Arkisha at ang babies nila ng kapatid ko, hindi ko pa rin maiwasang hindi mag-alala.

"Baka tayo ang dalhin sa ospital nyan kapag hindi mo binagalan ang pagmamaneho!" I warned him.

Tiim ang bagang ni Adam habang nagmamaneho.

"Kapag may nangyaring masama sa mag-iina ko, hindi ko mapapatawad ang sarili ko,” bulong niya.

Ayan kasi hindi nakikinig!

Gustong gusto kong isigaw kay Adam ‘yan kaso baka lalo lang siyang mataranta.

"Ang g*go g*go ko!" sigaw niya.

"Mabuti alam mo,” bulong ko. Not sure kung narinig niya. Nakakainis naman kasi si Adam! Sana lang hindi pa huli ang lahat para sa kanila ni Arkisha.

Pagkadating namin sa hospital, naabutan namin si Brent. Paalis na siya.

"Adam?" nagulat pa siya ng makita si Adam.

"Where is Arkisha?" tanong ni Adam.

"Wala na siya."

"Anong wala?!" sumisigaw na naman si Adam.

"Adam, calm down!" sabi ko.

"Umalis na siya,” sagot ni Brent.

"Pero di ba dapat naka-confine siya ngayon dito?"

"Hiniling niya sa akin na tulungan ko siyang makaalis dito. Bilang ganti sa mga nagawa ko sa kanya, I helped her leave at hindi ko alam kung saan siya pupunta."

"Damn!"

"I'm sorry Adam, walang katotohanan ‘yung nakita mo noon. Naipit lang ako sa sitwasyon. Sorry kung nasaktan ko kayo ni Arkisha. Mahal na mahal ka niya Adam,” paliwanag nung Brent.

Hinawakan niya sa damit si Brent and was about to punch him, pinigilan ko lang. Isa pa nasa ospital kami. Ayoko ng gulo.

Nasuntok na lang ni Adam ang pader.

"Venice!" may tumawag sa akin, then I saw Paris with a kid.

Lumapit siya sa amin.

"Luigi!" tawag ni Brent.

"Brent, eto na ang anak mo,” ibinigay ni Paris kay Brent ang… what? Anak niya?

Kinarga naman niya ‘to at niyakap.

"Salamat. Salamat talaga. Finally, nabawi ko na siya,” at hinalikan niya ang anak niya.

"Si Scarlett? Asan siya?" tanong ni Brent.

"I'm sorry to say this Brent, pero ipinakulong ko ang kapatid mo,” sagot ni Paris.

"She deserves it! Para magtanda siya!"

"Adam, saan ka pupunta?!" sigaw ko. Bigla na lang siyang lumabas ng ospital.

"Hahanapin ko si Arkisha,” sagot niya. Binuksan niya ang pinto ng kotse niya.

"Ahhh so hahabol-habol ka ngayon?!" sabi ko sa kanya. Gusto ko lang ipamukha sa kanya ang maling ginawa niya noon. Hindi kasi marunong makinig!

Napikon ata siya, isinara niya ng malakas ang pinto at hinarap ako.

"Oo, hahabulin ko siya! Kahit nasan pa siya hahanapin ko siya! Masaya ka na?!"

Teka nga, bakit ba sa akin niya ibinubuhos ang galit niya? Ako ba ang makitid ang utak at hindi nakinig noon?! Ang dapat sa lalaking ‘to tinuturuan ng leksyon dahil kung hindi ay mauulit lang ng mauulit ang mga pangyayari.

"Alam mo kung anong problema sa’yo? Masyado kang insecure sa sarili mo which is hindi naman dapat. Hirap na hirap ka dati na makuha ang tiwala ni Arkisha samantalang ikaw naman talaga ang hindi kayang magtiwala sa kanya. Alam mo kung bakit? Kasi iniisip mo na lahat ng tao katulad mo! Katulad mong mahirap pagkatiwalaan. Konting pang-unawa lang ang hinihingi sa’yo ni Arkisha noon pero ipinagdamot mo. Pwes magdusa ka ngayon, Adam Jacob!" singhal ko sa kanya at iniwan ko siya.