noveltoon logo noveltoon
Ex with Benefits 1

Chapter 70

Ch. 71 / 72 Feb 05, 2022

Arkisha’s POV

"And now the daughter of the owner of the Daily Routine Company, and the Aragon Group of Companies. The only daughter of Mr. Victor Aragon, Ms. Shakira Aragon!"

Yes. You read it right. Shakira Aragon. Isa akong Aragon.

Noong ipinanganak ako, ang gusto daw talagang ipangalan ni Papa sa akin eh Shakira pero si Mama, Arkisha ang gusto. Eh ayun si Mama ang nasunod pero kapag tinatawag ako ni Papa, kadalasan Shakira.

Pero ano nga ba ang nangyari before the engagement?

(flashback)

“BREAKING NEWS: Mr. Madrigal one of the owner of Daily Routine Company is very happy to announce the engagement of his daughter Precious Scalett Madrigal to the CEO of Castrences Group of Companies, Adam Jacob Castrences. The said engagement will be held at…”

“What??” bulalas ni Papa.

Napatigil ako sa ginagawa ko ng marinig ko ang balita sa TV. Ipinakita pa nga ang pictures nina Adam at Scarlett. Akala ko ba naghahanap siya ng investor? Bakit kasal ang ibinabalita?

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Gulat na gulat talaga ako.

“Ate, si Kuya Adam ‘yon di ba?” sabi ni Ian. Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Naka-focus pa din ako sa balita.

Nalaman ko na ang Daily Routine ang tutulong sa company nina Adam. Tiningnan ko si Papa. Nakakunot ang noo niya. Mukhang nagtataka siya.

“Ate, hindi pwedeng magpakasal si Kuya Adam sa ibang babae kasi ikaw ang mahal niya at saka may babies na kayo,” sabi ni Ian.

Tiningnan ako ni Papa.

“So it’s him?” tanong ni Papa sa akin.

“Yes Pa,” malungkot kong sagot.

Noong tinanong ako ni Papa kung nasaan ang Daddy ng mga anak ko, sinabi ko na may inaayos lang ‘to sa Manila at babalik din naman kaagad. Pero ilang araw na ang nakakalipas, hindi pa din siya bumabalik. At mababalitaan ko pa na ikakasal siya?!

Pagkasagot ko sa kanya, tumango siya at kinuha ang cellphone niya. Maya-maya pa ay may kausap na ito.

“Hello Mr. Carbonel, I already bought the Daily Routine, ano ‘tong balitang lumalabas sa TV? We both know na hindi niyo na pag-aari ang company… What?.. Mabuti pa sabihin mo na kay Mr. Madrigal ang totoo… I know. I know, ikaw ang may mas malaking share between the two of you. Ayusin mo ang balitang ‘yan. Alam ko ang lagay ng mga Castrences and I am sure hindi matutulungan ng mga Madrigal ang company nila. Okay. Aasahan ko yan. Bye.”

Pinapakinggan ko lang siya. Pagkatapos niyang makipagusap, kami naman ang nag-usap.

“So hindi na kina Scarlett ‘yung Daily Routine?” tanong ko kay Papa.

“No. Nabili ko na ‘yon. Last week, I decided na tuluyan nang bilhin ang Daily Routine. Marahil nagtataka sila na maganda ang takbo ng Daily Routine.”

“Pero paano nangyari ‘yon?”

“Mas malaki ang shares ni Mr. Carbonel kesa kay Mr. Madrigal..”

“You mean ipinagbili ni Mr. Carbonel sa’yo ang Daily Routine without Mr. Madrigal’s consent? Is it legal?” nagtataka kong tanong.

“Yes, of course it is legal.”

“Okay. Pa, since sa atin na pala ang Daily Routine, I have an idea.”

“Ano ‘yon?”

“Hayaan na lang natin ang news na ‘yon. I want to surprise Adam,” nakangiti kong sabi.

“Is that what you really want?” tanong niya.

Pinag-isipan ko din ang sinabi ko kay Papa. Ang desisyon ko.

“Yes Pa, that is the way I want.”

“Then go, call him,” sabi niya sa akin.

Kaya tinawagan ko kaagad si Adam. Nagpanggap akong galit.

"Invited ba ako sa kasal mo?" tanong ko sa kanya.

Sinadya kong tarayan ang boses ko.

"Arkisha, it’s not what you think. I won’t marry her. Di ba nagusap na tayo. Ikaw ang pakakasalan ko,” sabi niya.

I know.

"Kailangan pa talagang ibalita sa TV? Oh I forgot. You are the great Adam Jacob Castrences, the successor of Castrences Group of Companies and she is the daughter of the owner of Daily Routine Company. What a lovely couple! Bagay kayo. Sige magpakasal ka sa kanya!" galit na galit kong sabi.

"Wait! Baby. Arkisha. Sandali. Kung ano man ang napanood mo, hindi totoo ‘yun."

"What?! Di ba sinabi ko na? Marry her! Marry the daughter of the owner of Daily Routine Company! Good bye Adam Jacob!" sinisigawan ko na talaga siya.

Inutusan ko na nga eh. Hahahaha.

"Arkisha, uuwi ako dyan--"

"Don't you dare! Wala kang uuwian dito! Dyan ka na lang. Ayusin mo ang kasal mo!"

Then I ended the call.

Wala talaga siyang uuwian dito kasi luluwas na kami ng Manila, eh sino pa dadatnan niya dito eh wala na nga kami. Hahaha.

I called Venice and sinabi ko sa kanya ang plano ko. Tuwang tuwa siya sa idea ko. Game daw siya. Kasabwat din namin ang Daddy niya.

Poor Adam and Paris. They have no idea. Pinili kong ‘wag ng ipaalam kay Paris para naman kahit papaano, may kakampi si Adam.

**

Scarlett’s POV

Habang papasok ako ng office ni Daddy, may naririnig akong dalawang lalaking nag-uusap. Malakas pareho ang mga boses nila.

“Business partners tayo. How could you do this to me?!” sigaw ni Daddy. So si Mr. Carbonel pala ang kausap niya.

“Mas malaki ang shares ko kesa sa’yo, kaya pwedeng pwede kong gawin ‘yon. And besides, I just learned na malaking pera na ang nailalabas mo mula sa kumpanyang ‘yon without my consent. What? Akala mo hindi ko nalaman? Tapos na ang lokohan nating dalawa,” matapang na sabi ni Mr. Carbonel.

Hindi ako nakatiis, tuluyan na akong pumasok sa loob.

“Dad, what are you talking about?” tanong ko.

“Scarlett, I’ll fix this. Hindi mo na kailangang marinig pa. Umuwi ka na lang,” utos ni Dad.

“Natatakot ka bang ipaalam sa unica hija mo ang totoo?” sabi ni Mr. Carbonel.

“Dad, ano ba talagang nangyayari?? Mr. Carbonel?” naguguluhan kong tanong.

Huminga muna ng malalim si Daddy bago ako sinagot.

“We lost our company,” mahina nyang sabi.

“WHAT?! You’re kidding right?”

“I sold the company,” sabi ni Mr. Carbonel.

“It’s our company, how could—“

“Forty percent lang ang shares ng Daddy mo at kung susumahin, ‘yung shares nyang ‘yon eh matagal na niyang nakuha dahil sa mga perang inilalabas niya mula sa kumpanya. Gumaganda lang talaga ang takbo ng Daily Routine dahil sa investors na nakukuha ko, I mean ng pinagbentahan ko, kaya hindi na napapansin ang ginagawa ng Daddy mo.”

“But Dad, how about my wedding??!” nagiging hysterical na ako.

“Don’t worry, matutuloy ang kasal,” sabi ni Mr. Carbonel. Nanlaki ang mata ko sa gulat at sa tuwa.

“Really? Thank you!”

“No. You don’t understand, hija. Hindi na sa’yo magpapakasal si Mr. Castrences.”

Nanlaki na naman ang mga mata ko. But this time, sa gulat at sa galit.

“THAT’S IMPOSSIBLE! Ako lang ang dapat pakasalan ni Adam! Dad! Do something!” Tahimik lang si Dad samantalang ako galit na galit na.

“And who is that btch na magpapakasal kay Adam ko?!”

“I’m sorry, but that thing is very confidential. I have to go,” sagot ni Mr. Carbonel.

No way! I need to know kung sino ang babaeng ‘yon! Pupunta ako sa araw ng engagement and that’s final!!

**

Arkisha’s POV

"And now the daughter of the owner of the Daily Routine Company, and the Aragon Group of Companies. The only daughter of Mr. Victor Aragon, Ms. Shakira Aragon!"

I saw him. The love of my life. The father of my twins. My Adam Jacob Castrences.

I saw shock in his eyes and I can’t blame him. I kept this to him. Pero ang ngiti ko, abot tenga. Lumapit ako sa kanya. Ramdam ko ang lahat ng tao eh nakatingin sa akin.

“Missed me?” nakangiti kong tanong sa kanya.

“Arkisha??” may himig ng pagtataka sa tanong niya.

Hinawakan ko ang tabing parte ng labi niya.

“What happened to your face?” nag-aalala kong tanong.

“She’s the suspect,” turo niya kay Venice na nakangiti. “Do you have any idea how much I want to escape this engagement? Tapos kung sakali pa lang nakatakas ako, I’ll miss this very special moment of my life.”

“I know. Kaya nga pinabantayan kitang maigi eh. I know you enough,” sagot ko.

“Tatakasan ko naman talaga ang engagement na ‘to. I will never ever marry Scarlett. Sa’yo lang ako magpapakasal. Sa’yo lang at wala ng iba.”

After ng ilang ceremonies and announcement about our engagement, Adam and I got the chance to talk to our visitors.

“Wait, where are my kids?” tanong ni Adam.

Itinuro ko kung nasaan at agad naming nilapitan sina Mama at Papa. Andito din sina Jane, Ella, Ate Gem, ang boyfriend niyang si Harris, si Jam at si Ian. Ipinakilala ko si Adam kay Papa. Hawak nila sina Madison at Landon. Kinuha namin ni Adam ang kambal at lumapit kami sa Mommy at Daddy niya.

“Hija, congratulations!” bati ng Daddy ni Adam.

“Shakira, right?” tanong naman ng Mommy ni Adam sa akin.

“I prefer Arkisha, Ma’am,” sagot ko ng nakangiti.

“Call me Mommy. Magiging anak na din kita. I know I’ve been hard to Adam nung sinabi ko na kailangan nyang pakasalan si Scarlett, I’m sorry about that. Binabawi ko na. Iba pala talaga kapag nakita mo na ang mga apo mo,” at kinuha niya sa akin si Madison. “Look, Dad kamukhang kamukha siya ni Paris,” sabi niya sa Daddy ni Adam.

“Mas kamukha siya ni Venice,” sagot naman ng Daddy ni Adam.

Lahat ba talaga ng tao ‘yun ang pagtatalunan?

I excused myself para pumunta sa powder room. Nagulat ako nang makita ko ang babaeng kasalubong ko.

“I don’t remember inviting you here,” sabi ko sa kanya. Natatandaan ko pang ‘yan ang unang sinabi niya sa akin nang puntahan ko siya sa isang restaurant noon.

Magsasalita pa sana siya nang pigilan ko siya.

“Shhhh!” habang nakatapat ang palad ko sa mukha niya. “I understand. Balita ko naghihirap na daw kayo? Tsk. Tsk. How sad? Don’t worry. Hindi naman kita ipapakaladkad sa guards kahit na pinagtangkaan mo ang buhay ko at buhay ng mga anak ko. May puso kasi ako. Enjoy yourself here. May mga free food naman.”

“Until now, iniisip ko pa din kung paanong ikaw ang papakasalan ni Adam?!” sabi ni Scarlett.

“First, ako ang anak ng may-ari ng Daily Routine. Second, daddy ko ang mag-iinvest sa company nila and third, ang pinaka-importante sa lahat, just in case hindi pa din naa-absorb ng kakapiranggot mong isip, ako ang mahal ni Adam.”

Okay. Seriously, ayokong maging mean. I know hindi ako ganung ka-bad. Pero pinipilit niya ako. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya sa akin at sa mga anak ko. Siguro mapapatawad ko naman siya. Pero hindi ngayon. It will take a lot of time. Lumunok muna siya bago siya nagsalita.

“Hindi siya magiging masaya sa’yo,” banta niya.

Kalma lang ako. Pagdating sa babaeng ‘to, sinusubukan ko na talagang habaan ang pasensya ko.

“Uhhmm.. oo tama ka,” sabi ko. “Hindi kami magiging masaya. Kasi magiging masayang masayang masaya kaming dalawa. Pero may isang tao akong siguradong hindi magiging masaya.”

Tiningnan niya ako ng matalim.

“Tama ka. It’s none other than you,” sabi ko. “As long as puno ng galit ang puso mo, hindi ka magiging masaya, Scarlett. Bibigyan uli kita ng advice ha. This time iba naman, and sana sundin mo na para naman maging masaya ka na. Two words. MOVE ON.”

Iniwan ko na siya pagkasabi ko nun. Wala sa bokabolaryo ko ngayong gabi ang ma-stress.

**

BIG DAY TODAY! My wedding day.

Everyone is really excited. Lalong lalo na ako.

This is my dream. A dream come true.

Abay sina Ella at Jane. Abay din si Paris pero ayaw ni Venice eh. Kailangan daw nyang maging busy sa pag-aasikaso nitong kasal namin ni Adam. She wants to make sure that everything will be perfect. Tapos ‘yung mga lalaki, sa kaibigan ni Adam at saka si Ian syempre. Andito din si Jam. Tinulungan nga niya ako sa pagpili ko ng wedding gown eh. Natutuwa ako na dumating si Brent.

Oo, invited siya. Alam ko naman na hindi niya ginusto ang mga nangyari noon kaya Adam and I decided na padalhan din siya ng invitation. Kasama niya ang anak niya. ‘Yung sister naman niya, bumalik na daw ng Europe. Who knows, baka nga sinunod na ang advice ko?

Of course my twins are present. Since hindi pa naman nila kayang maglakad ng solo, palagi silang karga. Minsan Mama ko, minsan Mommy ni Adam. Si Madison, siya ang little bride and Landon is our little groom.

At nagsimula na ang ceremony.

“Arkisha, I take you to be my faithful partner, my best friend, and my one true love. I promise to inspire you and to love you truly through good times and bad. I will forever be there to lift you up when you are down and to love you unconditionally. I will dream with you and walk beside you through whatever our lives may bring. You are my person—my love and my life, today and always,” sweet na sabi ni Adam.

“Kahit walang benefits?” super hina kong bulong. ‘Yung tipong siya lang talaga ang makakarinig at makakaintindi.

Kumunot ang noo niya. Pinigilan ko ang tawa ko.

“Just kidding,” I mouthed.

It’s my turn to say my vow.

“Adam, today I become your wife and you become my husband. I will make great efforts to give you the best of myself, while accepting you the way you are. I promise to respect you with your own interests, desires, and needs. I promise to grow old with you, to be willing to face every challenge,to keep our relationship alive and exciting. And of course, I promise to love you in good times and in bad, with all I that I can offer and all that I am, in the only way I know how—completely and forever.”

Nang sinabi ng pari na “You may now kiss the bride,” mabilis pa sa alas-kwatro, hinalikan agad ako ni Adam kasabay ng palakpakan ng mga tao.

Hindi pa rin nagbabago ang dating ng halik ni Adam sa akin. I always wanted more. Pero syempre mamaya na lang ‘yon. Hihihihi.

Teka, nasabi ko na bang magaling siyang humalik?