Arkisha's POV
"Arkisha.." narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Pamilyar sa akin ang boses. Iminulat ko ang aking mata.
"A-adam??" tawag ko.
Totoo ba ‘to? Nandito na siya! Nandito na si Adam! Pero nasaan ba ako? Tiningnan ko ang paligid ko. Kasabay nun ang pagsugod ni Adam sa..
OH MY GOD! Bakit katabi ko si Brent? Anong nangyari? Bakit naka-underwear lang ako? Nasaan na ang damit ko?
"HAYOP KA BRENT! AKALA KO G*GO AKO, MAS G*GO KA PALA! P*TANG INA!"
Panay ang suntok ni Adam kay Brent. Natatakot na ako. Pero hindi naman lumalaban si Brent.
"Arkisha!" sina Jane at Ella. Nandito din sila!
"Adam, tama na! Ano bang nangyayari?" sigaw ko! Ayoko na ng gulo.
"Arkisha, magbihis ka,” sabi nina Ella at tinulungan nila akong magbihis.
Ako naman ang binalingan ni Adam. Masama ang tingin niya sa akin. Galit na galit.
"AKO PA ANG PAPATIGILIN MO? TALAGANG IPINAGTATANGGOL MO ANG LALAKI MO ‘NO?! MAGSAMA KAYONG DALAWA! TAPOS NA TAYONG DALAWA! TAPOS NA, TAPOS NA!!"
Ano?? Wala akong ginagawang masama!!
Magsasalita na sana ako pero lumabas na siya ng kwarto kaya naman hinabol ko siya at hinawakan sa braso.
"Adam wait! Wala kaming ginagawang masama! Please!" pagmamakaawa ko.
Hinawakan ko ang kamay niya, umaasang papakinggan niya ako.
"Adam, please. Magpapaliwanag ako!!"
Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Ramdam na ramdam ko ang galit niya.
"Wala na tayong dapat pag-usapan,” pagkasabi niya noon, tuluyan na niya akong iniwan.
Wala akong nagawa kundi umiyak habang paulit-ulit na tinatawag ang pangalan niya. Nilapitan ako nina Jane.
"Arkisha, halika na, umuwi na tayo,” sabi ni Ella.
"Ano bang nangyari?" tanong ni Jane.
Anong nangyari? Ano nga bang nangyari?
Pinuntahan ko si Brent kung saan siya iniwan ni Adam. And there he is, putok ang labi niya sa mga suntok ni Adam.
Tiningnan ko siya ng masama.
"Nagtiwala ako sa’yo. Itinuring kitang kaibigan, tapos ito pa ang igaganti mo sa akin?" sabi ko sa kanya habang tumutulo ang luha ko.
"May ginawa ba akong masama sa’yo ha Brent? Sinaktan ba kita?"
"I'm sorry,” bulong niya.
"SORRY? MAIBABALIK BA NG SORRY MO ANG TIWALA NI ADAM? HA??!" Hindi ko na napigilan ng sigawan ko siya.
"Akala ko ba malinaw na sa’yo na si Adam ang mahal ko?"
"Arkisha, this is not about my feelings,” sagot niya.
"Kung ganun bakit? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito?" malumanay kong tanong. Nanghihina na din ako.
"I-I'm really sorry,” paulit-ulit niya lang na sinasabi.
"Alam mo Brent, nung nakilala kita at nalaman kong kapatid mo si Scarlett, ipinakita mo sa akin na magkaiba kayo. Pero ngayon, pinatunayan mo lang na iisa nga ang dugong nananalaytay sa inyong dalawa. Nagpapasalamat na lang ako na hindi kita minahal!"
Unti-unting lumalapit sa akin si Brent. Umiiyak na din siya. Bakit siya iiyak? Di ba dapat matuwa siya dahil nakipaghiwalay na sa akin si Adam!
Nang makalapit na siya sa akin ay sinampal ko siya. Nanghihina man ako pero sinigurado kong malakas ang pagkakasampal ko sa kanya.
"Eto ba ang gusto mo? Ang mawalan ng ama ang magiging anak ko?!" Gulat na gulat siya sa sinabi ko. Pero matalim pa din ang tingin ko sa kanya.
"Kinasusuklaman kita Brent! Nagsisisi ako na nakilala kita!" pagkasabi ko nun ay umalis na kami nina Jane.
"Arkisha, sandali, dahan-dahan. Baka kung anong mangyari sa’yo. ‘Wag ka ngang magmadali!" pigil sa akin ni Ella.
"Hoy! Ano ka ba, dito ang sakayan pauwi. Saan ka ba pupunta?" tanong ni Jane.
Hindi ako mapakali. Naghihintay ako ng taxi. Lahat naman ng dumadaan, may sakay na. Nakakainis.
"Pupuntahan ko si Adam. Kailangan naming mag-usap,” sabi ko. Panay pa rin ang para ko ng taxi.
"Arkisha, alam mo ba kung anong oras na? Kailangan mo ng umuwi."
"Hindi. Hindi ako uuwi hangga’t hindi kami nag-uusap ni Adam. Kailangang malaman niya na walang nangyari. Hindi ako papayag na mawala siya. Hindi ko kakayanin,” sabi ko sa gitna ng mga hikbi ko.
Tuluyan na akong napaupo mula sa kinatatayuan ko at humagulgol ng iyak.
"Arkisha, enough. Makakasama sa mga baby mo ang pag-iyak. Kung gusto mo, ganito na lang, uuwi na muna tayo ngayon tapos bukas, kausapin mo si Adam,” sabi ni Ella.
Nakinig ako sa kanya dala na rin ng pagod na pagod na ako. Umuwi na kami.
**
Brent's POV
Hindi madali ang plano niyang ito. Pero wala akong choice. I need to do this.
Tutugtog ang banda ko sa school nina Arkisha. Sakto.
Gumawa ako ng way para ma-solo ko si Arkisha, sinadya kong pasabayin ‘yung dalawa niyang kaibigan kina Caleb. Kinasabwat ko din sila. Kasama din sa plano namin ang kunwaring pagkasira ng sasakyan nila para hindi na sila makasunod sa condo.
"Mango juice na lang,” sagot niya ng tanungin ko siya kung anong drink ang gusto niya.
Nilagyan ko ng pampatulog ang inumin niya at makalipas nga ng ilang minuto, nawalan siya ng malay. Agad ko naman siyang sinalo nang hindi na siya makalakad ng ayos.
Labag man sa kalooban ko pero kailangan kong gawin ang lahat ng ito. Inihiga ko siya sa kama sa aking kwarto. Tinanggal ko ang suot niyang damit pero hindi ko pinakialaman ang undies niya. Kinumutan ko siya pagkatapos.
Sinadya kong hindi i-lock ang pinto at ikinawang ang pinto sa kwarto ko. Kasama ang lahat ng ‘to sa plano niya. Alam niya kung kailan ang uwi ni Adam. Sigurado din siya na hahanapin agad ni Adam si Arkisha kaya ganito ang pinlano niya.
Alam kong pagkatapos ng eksenang ito, magiging matindi ang galit sa akin nina Adam at Arkisha pero paulit-ulit kong sasabihin na kailangan kong gawin ‘to.
Nagpanggap akong natutulog at niyakap ang wala pa ring malay na si Arkisha. At tama ang plano niya, ilang minuto lang ay dumating na nga si Adam.
Tinawag niya ng mahina ang pangalan ni Arkisha. Next thing I know, sinugod na niya ako.
"HAYOP KA BRENT! AKALA KO G*GO AKO, MAS G*GO KA PALA! P*TANG INA!" sabi niya sa akin sabay suntok sa mukha ko.
Pinili kong hindi lumaban because I deserve all of this. I deserve his punch in my face. Binalingan niya si Arkisha at sinigawan. Sa totoo lang, kaawa-awa na ang itsura ni Arkisha. Nagsisisi na ako na ginawa ko ‘to pero wala eh, andito na. It’s happening.
Nang matulungan ng mga kaibigan niya si Arkisha na magbihis sinundan nito si Adam. Ramdam ko ang sakit ng mga suntok ni Adam. Tama ka Adam, g*go nga ako. Pero kailangan kong maging g*go. Kailangan ko.
Mula sa kwarto, rinig ko ang mga hikbi ni Arkisha at ang pagtawag niya sa pangalan ni Adam.
Pinuntahan ako ni Arkisha sa kwarto at ibinuhos ang lahat ng galit niya. Awang awa na ako sa kanya pero wala na akong magagawa. Sinigawan niya ako at sinampal. I deserve it, I know.
Wala siyang tigil sa pag-iyak. Wala akong ibang masabi kundi sorry pero alam kong tama siya. Hindi naman maibabalik ng sorry ko ang tiwala ni Adam sa kanya. I even told her that this is not about my feelings, dahil hindi naman talaga. Alam ko, sira na ang pagkakaibigan naming dalawa.
"Eto ba ang gusto mo? Ang mawalan ng ama ang magiging anak ko?!"
WHAT THE??
Buntis siya?!
Sh*t! I didn't know!
Pero kung alam ko ba, itutuloy ko pa rin ba ‘to? Hindi ko din alam.
"Kinasusuklaman kita Brent! Nagsisisi ako na nakilala kita!"
Masakit na marinig. Pagkasabi niya nun ay umalis na sila ng mga kaibigan niya.
Kinabukasan, nagpunta kaagad ako sa unit ng magaling kong kapatid. Binuksan niya ang pinto pero kalahati lang ng katawan niya ang inilabas niya.
"Papasukin mo ako,” utos ko sa kanya.
Sa halip na papasukin ako, lumabas siya.
"Oh! Look at you, what happened to your beautiful face?" tanong niyang may himig na concern pero fake.
"Papasukin mo ako!" ulit ko sa kanya.
"No you can't!"
"Ano pa bang gusto mo? Hiwalay na sila. Nabugbog pa ako! Sinunod ko na ang gusto mo kaya ibigay mo na sa akin ang kailangan ko!"
Akma kong bubuksan ang pinto nang humarang siya. She smiled. Her evil smile.
"Ah-Ah. Not yet. Gusto kong ako mismo ang makarinig na hiwalay na sila, saka mo makukuha ang gusto mo!"
"Kung hindi lang kita kapatid, pinatay na kita! Give me my son, Scarlett!" Pagkasabi ko nun, itinulak ko siya at binuksan ang pinto. Sumunod siya sa loob. Hinalughog ko ang buong unit.
"Go ahead, kahit ikutin mo pa ‘yan, hindi mo makikita ang anak mo,” sabi niya.
Hinawakan ko ang braso niya.
"Where is my son?!"
"He's somewhere you won't find!"
Yes. I have a two year-old son. I didn't know na may anak pala ako kay Clarisse, my ex, Scarlett's bestfriend. Matagal kaming nawalan ng communication, hindi ko alam kung paano nahanap ni Clarisse si Scarlett. Before she died two weeks ago, dito niya ibinigay ang anak ko, which I really don't understand. I saw him on pictures at sigurado akong anak ko nga siya. Magkamukha kami.
Alam kong ako ang mas may karapatan sa anak ko pero kilala ko si Scarlett. You have no idea of what she's capable of kaya ginawa ko ang lahat ng ‘to.
Gagawin ko ang lahat makuha ko lang sa kanya ang anak ko. Hindi pa alam nina Daddy ang tungkol dito. Natatakot ako dahil baka kung anong gawin niya sa anak ko, to think na pamangkin niya ‘yun.
Pero ganun talaga si Scarlett, basta gusto niya, gagawin niya. Wala siyang sinasanto. I never thought na aabot sa ganito ang obsession niya kay Adam.
Kapag nakuha ko ang anak ko, kapag nahanap ko siya, sisiguraduhin kong hindi na siya mahahawakan ni Scarlett.
"GIVE ME MY SON!" sigaw ko sa kanya.
"Sige, saktan mo ako!" pagbabanta niya.
"Wala ka ba talagang puso? Sarili mong pamangkin, ginagamit mo? ‘Wag mong sabihin na palalabasin mong anak niyo ni Adam ang anak ko?! Nakakaawa ka!" Tumawa siya.
"Of course not! Hindi ako tanga! Nakunan nga ako di ba? Bakit ko palalabasin na may anak kami. Brent, nag-iisip ka ba?!"
"Alam mo, siguro kailangan mo ng magpatingin sa espesyalista!" sabi ko.
Tumawa lang siya.
"Hindi mo naman pala kailangan ang anak ko, then give me my son!"
"Soon. Ibibigay ko din naman siya sa’yo. And don't worry, he's in good hands,” sabi niya ng nakangiti.
Good hands? Nasa puder niya tapos good hands? Kalokohan!
"Bukas, babalikan kita, at ibibigay mo na sa akin ang anak ko!" sabi ko sa kanya tapos iniwan ko na siya.