noveltoon logo noveltoon
Ex with Benefits 1

Chapter 34

Ch. 35 / 72 Feb 05, 2022

Three days din kaming nag-stay ni Adam sa resort. Dapat nga one week kami dun eh kaso kinailangan na ni Adam na bumalik sa trabaho.

Sobrang alagang alaga ako ni Adam nung nag-stay kami sa resort. Daig pa nga yata namin ang newly weds. Sobrang sweet niya. Pero simula nang may tumawag sa kanya, nabadtrip na siya. Isang umaga ‘yun, akala niya siguro natutulog pa ako.

"Hello.. I'm on vacation.. Hindi ba sinabi sa’yo ng sekretarya ko na ayokong magpaistorbo?!.. You don't need to remind me na mas matanda ka sa akin, alam ko ‘yun since birth.." Galit talaga ang boses niya. Kapatid niya yata ang kausap niya. Eh bakit niya sinisigawan si Venice?

"What?! I don't care kung kasama mo siya! Wala naman kaming dapat pag-usapan. Nagtataka nga ako say’o kasi pinag-aaksayahan mo pa siya ng panahon.."

Sino??

"Then tell her that she can go back to Europe at kung gusto mo sumama ka pa sa kanya! I don't need her. Masaya ako sa buhay ko ngayon.." Lihim akong napangiti. Masaya ako na napapasaya ko siya.

Matagal na hindi nagsalita si Adam, mukhang nakikinig lang siya sa kausap niya.

Pagkatapos nun, umuwi na kami. Tumawag na din kasi ang Daddy niya. Hindi ako nakatiis, sinabi ko kay Adam na narinig ko ang pag-uusap nila kanina.

"Basta Arkisha, ipangako mo sa akin that no matter what happen, mahal kita. Ikaw ang mahal ko. Tatandaan mo ‘yan ha. You need to trust me. Alam kong may issue tayo sa trust noon, but this time please sana magtiwala ka sa akin."

"I trust you Adam and I love you,” sagot ko.

"I love you more,” sagot niya at hinalikan niya ako.

May tiwala ako kay Adam. Alam ko na this time hindi na niya ako sasaktan. Masyado na akong maraming pinagdaanan para saktan niya lang uli. Alam ko din na nag-mature na siya. To ease my boredom, I decided na mag-shopping. Pero sa totoo lang, sa National Bookstore lang ang punta ko. Solo flight. Wala nga kasi sina Ella. Kami lang ni Ate Gem ang nasa boarding house.

Si Adam, siya ang madalas kong kasama. But this time, busy siya sa trabaho eh. Kapag maluwag ang sched niya, he always make sure to spend time with me.

"Hi!"

Paglingon ko, I saw Adam's sister. Si Venice. She smiled at me at ngayon ko lang napansin na may maliit na dimple pala siya sa kanang pisngi and she just got a haircut. Hanggang balikat na lang ang buhok niya eh.

"Hi! Long time no see,” sagot ko.

Tumango siya. Alanganin pa nga yata eh.

"What's your name again?" tanong niya.

May amnesia ba ‘to? How come she forgot my name? Ganun ba kahirap matandaan ang pangalan ko?

"Ar-Arkisha,” sagot ko.

"Arkisha? That's weird,” bulong niya. "Anyway, I heard you are the latest flavor of the month of my brother? If I were you, habang maaga pa, hiwalayan mo na siya."

What?! I thought Venice likes me? Bakit niya sinasabi ‘yon?

"Venice, I love your brother and--" bigla na lang siyang tumawa. Pinagtatawanan niya ang pagmamahal ko sa kapatid niya?

"You may love him, but does he really love you?" nanghahamon niyang tanong.

"Yes, sigurado akong mahal ako ni Adam,” matigas kong sagot.

"Yeah. In your dreams maybe."

"Venice, I.. I thought you like me for your brother?" mahina kong tanong.

"Sorry to disappoint you my dear, but no. If you think I'm nice, then think again. Hindi ang isang katulad mo ang gugustuhin ko para sa kapatid ko."

Umalis na siya pagkasabi niya nun. Iniwan niya akong naguguluhan. Bakit bigla siyang nagbago sa akin? She became mean.

Pero mahal naman talaga ako ni Adam di ba?

"Hindi ang isang katulad mo ang gugustuhin ko para sa kapatid ko." Bakit? What's wrong with me? I am doing my best to be the right girl for him.

Dahil ba sa isang Castrences si Adam?

I got my phone from my bag and dialed his number.

"Babe, miss me?" bungad niya.

"Adam.. Mahal mo naman ako di ba?" halos paiyak ko ng tanong.

"Babe, oo naman. Mahal kita and you know that. What's wrong? Are you crying? Nasaan ka? Pupuntahan kita."

"I'm fine."

"No, you're not! Where the hell are you?"

"’Wag na. Busy ka, alam ko."

"Alam kong hindi ka okay. You need me now. Pupuntahan kita. Wait for me."

Ilang minuto lang nandito na si Adam. Pagkakita niya sa akin, niyakap na niya ako kaagad.

"Babe, what's wrong. Sinasabi ko na nga ba umiiyak ka eh."

"Hindi naman ah,” sagot ko habang humihikbi.

"What happened? At bakit hindi mo sinabi na pupunta ka dito? Sana sinamahan kita."

"I know you're busy. Si Venice kasi…"

"Venice? Why?"

"Nakita niya ako dito kanina and may mga sinabi siya sa akin."

"Wait, Venice was with you kanina??" Tumango ako. Umiling siya.

"No, baby. I'm with Venice kanina sa office."

"No! Nandito talaga siya kanina. Magkausap pa nga kami dyan sa bookstore--"

‘Yung mala-dyosang babae na papalapit sa amin made me stop sa pagsasalita. This time iba na ang damit niya and her hair! Extension? Agad-agad??

"Arkisha!" binati niya ako at nagbeso pa siya.

"She decided na sumama sa akin when I told her na pupuntahan kita dito."

Naguguluhan na ako. Kung hindi si Venice ang kausap ko kanina then sino siya?

"You mean, sinundan niya si Arkisha dito?" tanong ni Venice kay Adam.

Well I'm pretty sure na this time ay si Venice na ang kaharap ko. I told them what she told me.

Okay. Okay. I got it.

"You have a twin sister?" tanong ko.

"Unfortunately, yes. She's Paris."

"Unfortunately?" tanong ko.

"Hmmm.. Let's just say na we're complete opposite,” sagot ni Venice.

Gets ko.

"So ibig mong sabihin, siya ‘yung sister mo na nasa villa?" tanong ko kay Adam.

"Oo, at siya rin ang kausap ko sa phone sa resort."

"Magkaaway kayo? Bakit mukhang galit ka sa kanya?" I can hear Venice laughing.

"Ganun lang talaga ka-protective si Adam sa’yo. Blame him. He loves you so much,” nakangiting sabi ni Venice.

Saan niya ako pinoprotektahan?

"Let's go,” yaya ni Adam at umalis na kami ng mall.