noveltoon logo noveltoon
Ex with Benefits 1

Chapter 33

Ch. 34 / 72 Feb 05, 2022

"Arkisha! Andito na ang knight in shining armor mo!" sigaw ni Ate Gem. Pagkalabas ko ng kwarto, nadatnan ko si Adam sa sala.

"Hoy pogi, anyare sa’yo? Bakit may bukol ‘yang noo mo?" usisa ni Ate Gem kay Adam.

"Ah, ito ba?" at hinawakan ni Adam ang noo niya. "Na-in love eh. Nagkabukol tuloy,” biro niya.

"Hala! Nakakabukol na pala ang pagiging in love? Bakit si Harris, hindi naman nagkabukol?"

"Eh simple lang. Hindi ka love,” sagot ko.

Tumawa si Adam. "Let's go babe,” yaya ko kay Adam.

Lumabas na kami ng boarding house at sumakay sa kotse niya. Ihahatid niya kasi ako sa school.

"Hindi ka ba male-late nyan sa office?" tanong ko.

"I'm the boss, remember? Hawak ko ang oras ko. “Wag kang mag-alala."

"Yabang!" sabi ko.

"Okay lang. Mahal mo naman!" I blushed.

Last day na ng pasok ko, sembreak na kasi. Finally, isang sem na lang makaka-graduate na ako! At may bonus pa, akin na uli si Adam!

"Anong plano mo this sembreak?" tanong ni Ella.

"Wala pa nga eh. Ikaw?" sagot ko.

"Baka umuwi ako sa’min. Hindi ka ba uuwi sa inyo?"

Dahil sembreak, mas pinili namin na magbakasyon muna sa trabaho.

"Hmmm…gusto ko, pero gusto ko ring makasama si Adam eh."

"Oo nga pala. Back in each other's arms na nga pala kayo. I'm happy for you!" Ngumiti ako.

Nasa labas na ako ng school habang naghihintay kay Adam when my phone rang.

"Hi Babe!" sagot ko.

"I miss you,” sagot niya.

Agad-agad? Miss agad?!

"’Wag mo akong simulan ha,” banta ko sa kanya habang nakangiti.

"O? Bakit? Eh sa nami-miss agad kita eh. Babe, pwede bang ‘wag kang mag-blush, kapag di ako nakapagpigil lalapitan na kita dyan sa kinatatayuan mo," tumingin ako sa paligid.

"Asan ka ba?" Hindi ko talaga siya makita.

"Andito lang, pinagmamasdan ka."

"Saan nga kasi?"

"Papalapit na. Hindi ko na kayang makita na pinagtitinginan ka ng mga lalaki dyan. They should know that you are mine." Napansin kong palapit ng palapit ang boses and..

Naramdaman ko na lang na parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko.

5.. 6.. 7..

8.. seconds

Gaano katagal na bang nakalapat ang labi niya sa labi ko?

"Ngayon alam na nila na akin ka,” sabi nya pagkabitiw sa labi ko.

Pagkatapos nun ay sinama na niya ako papasok sa kanyang sasakyan. Paglingon ko sa backseat, may mga gamit.

"Adam, bakit nandito ang bag ko? Bakit nandito ang mga gamit ko? Itatanan mo na ba ako?" kinakabahang tanong ko.

Adam, say yes!

Joke lang. Hindi pa kaya ako handa. Gagraduate pa nga lang ako eh. Pero kapag pinilit niya ako. Ahmm.. Ano.. Ahmm..

"Masyado pang maaga para dun, baby,” sagot niya with a sexy smile.

Sabi ko sa inyo eh, maaga pa nga eh. Eh sa gabi kaya, pwede na?

Teka nga! Saan ba kami pupunta?

"Adam, eh san ba tayo pupunta?" usisa ko.

"Di ba sembreak mo na? Pinaayos ko ang gamit mo kay Ate Gem. Pupunta tayo sa isa sa mga villas namin."

Sounds exciting!

Sa haba ng byahe, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

"Baby, we're here," tinapik ni Adam ang balikat ko. Pagmulat ko ay bumungad sa akin ang isang napakalaking bahay.

Whoa! Anong gagawin naming dalawa dito ni Adam? Maghahabulan? Magtataguan?

"Damn!"

"Bakit? May problema ba?" pag-aalala ko.

"We need to get out of here,” sabi niya at nagsimula na siyang mag-drive palayo sa villa.

"Bakit ba? Akala ko dito tayo pupunta?"

"Hindi tayo pwede dito. She's here. I saw her car." Ah. May napansin nga akong pink na kotse.

She?

"Sino?" naguguluhan kong tanong.

"My sister,” sagot ko.

"Pero alam naman niya ang tungkol sa atin, hindi ba?"

"Yeah, but you don't understand. It’s complicated." Ano daw?? Complicated pa rin? Akala ko ba graduate na kami sa word na ‘yon?

At saka di ba sabi ng sister ni Adam, she likes me?

"Eh saan na tayo pupunta?"

"Okay lang ba sa’yo na sa resort namin tayo magpunta? Don't worry, it’s private."

"Syempre naman. Kahit saan, basta kasama kita." Hinawakan niya ang kamay ko.

"I'm sorry talaga. I didn't know she's here."

"Okay nga lang. Ano ba naman ‘yung nalipat na pala ‘yung Summer ngayong October, di ba? Okay lang ‘yun." Tumawa siya at kinurot ang pisngi ko.

**

It took us another two hours bago kami nakarating sa resort nina Adam. Nag-stop over pa kami sa isang restaurant para mag-dinner. Kaya naman 9 pm na kami nakarating.

"Did you like it?" tanong niya habang ibinababa ang mga gamit namin.

Iginala ko ang mga mata ko sa paligid. I can feel the fresh air.

Nakita ni Adam na hinuhubad ko ang suot kong sapatos. Kumunot ang noo niya.

"Babe, babatuhin mo na naman ba ako? Hindi pa gumagaling ‘to,” at tinuro niya ang bukol niya.

Tinawanan ko lang siya. Tuluyan ko ng nahubad ang sapatos ko at naglakad papunta sa buhangin. May phobia na ata si Adam kapag maghuhubad ako ng sapatos. Hahaha.

Nakatayo ako sa may pampang. Nararamdaman ko ang lamig ng tubig sa paa ko pero agad din akong nakaramdam ng init nang bigla na lang may yumakap sa bewang ko at hinalikan ako sa tenga.

"I miss you,” bulong niya sa akin at unti-unti nyang ipinapasok ang kamay niya sa damit ko.

Unti-unti akong humarap sa kanya at ngumiti.

"I miss you more,” sagot ko.

Hinalikan niya ako. This time, ramdam na ramdam ko na puno ng pagmamahal ang bawat halik niya. I kissed him back. Hinila niya ako papalapit sa kanya at patuloy pa din ang page-explore ng mga kamay niya sa katawan ko.

Adam the Explorer. Psshh!

Parang gusto ko ding maging explorer! Kaya naman itinaas ko ang suot niyang damit. Nanginginig ang mga kamay ko habang dinadama ang mga abs niya.

Ang hot ng boyfriend ko!

Boyfriend. Yes. Boyfriend.

Hindi ko namalayan na napaupo na pala ako. Patuloy pa din siya sa paghalik sa akin but this time sa leeg ko.

"Adam.."

"Hmmm.."

"Adam.."

"Yes, baby?"

"Nababasa na tayo,” sabi ko.

Basang basa na ang pants ko dahil sa alon ng dagat.

Eto na naman. Ngumiti na naman siya. ‘Yung ngiting may binabalak. And I was right. Hinubad niya ang pants ko at ganun din siya.

"See? Hindi na ‘yan mababasa,” sabi niya.

Tinulungan niya akong mahiga sa buhangin.

Yes. Sa buhangin.

Are we going to make love here sa buhanginan?

I think we are.

Tuluyan ng nabasa ang suot kong damit.

"You are so beautiful. I love you,” sabi niya.

Hinalikan niya uli ako at tuluyan na niyang hinubad ang damit ko. Sa tindi ng init na nararamdaman ko ngayon, natatalo nito ang paghampas ng hangin sa aming dalawa.

"I love you too,” sagot ko and he kissed me on my lips.

Binuhat niya ako at dinala sa dagat. Para na rin matanggal ang mga buhangin na kumapit sa katawan naming dalawa.

Oh my! Nararamdaman ko na ang lamig ng tubig. Ikaw ba naman ang maligo nang walang saplot?!

Umahon si Adam para kumuha ng robe ko. Agad siyang bumalik. Mabuti naman. Dahil kung hindi baka pulmonya ang abutin ko.