Arkisha’s POV
Nagising ako at si Adam ang nasilayan ng mga mata ko.
“A-adam..”
“Babe, buti naman gising ka na.”
“Kamusta ang mga bata?” tanong ko kaagad.
“Okay na sila. In fact, may mga pangalan na nga sila.”
May pangalan na?! Agad-agad? Ako ang nanay tapos may pangalan na agad. Napansin ni Adam na nagulat ako. Napakamot siya sa ulo.
“Eh tulog ka pa kasi nung fill up-an ko ‘yung birth certificates nila,” sabi niya.
“Ano naman ang inilagay mo??”
Oh God! Please, sana naman matinong pangalan ang inilagay niya.
“Ano??!”
“Eh nagmamadali kasi ako sa pagiisip eh.. kaya..”
“Kaya ano?”
“Ang ipinangalan ko ay.. Scarlett at Brent.”
“ANO??!”
“Eh wala na kasi akong maisip eh.”
“Naman Adam! Ang dami-daming pangalan sa mundo, bakit naman ‘yon pa?!”
“Sorry naman.”
Umuusok ‘yung ilong ko sa galit, pero siya, nakatawa na.
“Dahil dyan, hinding hindi ko na talaga ibabalik ang benepisyo mo! Dahil kapag ibinalik ko at nakabuo na naman tayo, baka kung ano na naman ang ipangalan mo!”
“Babe, teka lang naman! Benepisyo ko ‘yun. Wag namang ganyan!”
“Tse! Kapapanganak ko lang, pinapaiinit mo ang ulo ko!”
“Babe naman, binibiro lang naman kita,” tiningnan ko siya. Seryoso na ang mukha niya.
Nagbukas ang pinto at dumating sina Ella at Jane.
“Arkisha! Kamusta ang mommy?!” Nagbeso sila sa akin.
“O? Bakit parang hindi ka masaya?” tanong ni Jane.
“Eh ‘yang si Adam kasi, pangalanan ba naman ng Scarlett at Brent ang kambal!”
“Binibiro nga lang kita. Ano ka ba?” Nilapitan niya ako at niyakap.
“Mukha ba akong nakikipagbiruan?”
Nagbukas ang pinto at dumating si Jam kasama si Ian.
“May dala akong prutas,” sabi ni Jam. Naiinis pa din ako kay Adam.
Nagbukas uli ang pinto at dumating ang kambal.
Not my twins. I’m talking about Venice and Paris.
“Where are the babies?” tanong ni Paris.
“Nasa nursery,” sagot ni Adam.
Siya namang pagpasok ng nurse kasama ang kambal ko.
Sobrang saya ko nang makita ko sila. Binigay ni Adam sa akin ang isa at buhat-buhat niya ang isa.
“Boy and girl. Nice!” sabi ni Ella.
“Ate, anong pangalan nila?” tanong ni Ian.
Tumingin ako kay Adam ang I rolled my eyes at him.
“May naiisip ako. Ano kaya kung Julio at Julia? O di ba?” sabi ni Jam at kumanta pa siya. “Si Julio at Julia, kambal ng tadhana. Di susuko sa pagsubok..”
Tahimik lang kaming lahat.
“Di niyo bet? Ano na lang, Barbie and Ken,” dagdag pa ni Jam.
“Ewww. That’s so gay,” bulong ni Paris.
“I am gay,” sagot ni Jam. Umi-english ang bakla. Tinabihan niya ako.
“Cash and Carrie kaya?” sabi naman ni Jane.
Wala na ba silang maisip? Ganun ba talaga kahirap magisip ng pangalan ng kambal?
Nagsalita si Venice.
“Why not Moroccan and Monroe? ‘Yun ang names ng twins nina Mariah Carey.”
“Or Max and Emme? Twins ni Jennifer Lopez,” sagot naman ni Paris.
“Or better yet, kay Angelina Jolie. Knox and Vivienne?” si Venice uli.
“I’d go for Julia Roberts’ twins. Phinnaeus and Hazel!” sabi ni Paris.
Bumulong sa akin si Jam.
“Girl, nahiya naman ako sa suggestion ko kanina. Walang wala sa kalingkingan ng dalawang ‘to. Ang sosyal magpangalan!”
“That’s Venice and Paris,” sagot ko sa kanya.
“Venice? Paris? Kahit pala pangalan nila, ang sosyal din!”
“I have a suggestion,” sabi ko at tumingin ako kay Adam. Hawak niya ang kamay ng baby namin. Oh di ba? Baby namin! Nasa kanya ‘yung baby girl.
Tiningnan niya ako.
“Para sa baby boy na ‘to,” at hinaplos ko ang ulo niya. “Landon Aidan,” sabi ko.
“Landon Aidan Castrences,” bigkas ni Paris. “I LIKE!!” tili niya.
“Ako naman magbibigay dito kay baby girl, since ikaw sa baby boy,” sabi ni Adam.
Tiningnan ko siya ng masama.
“Madison—“sabi niya. Sumingit ako.
“May ex kang Madison ‘no?!” sabi ko.
“Wala akong ex na Madison ano ka ba?”
“’Yung totoo?!”
“Wala nga promise!”
“Ang dami mo kasing babae kaya di mo na matandaan!”
“Ikaw lang ang babae sa buhay ko. Mali. Dalawa pala,” sabi niya.
I looked at him.
“Ikaw at ..” tumingin siya sa hawak niya. “..si Madison.”
“So, Madison na sa girl?” tanong ni Venice.
“Madison Sydney Castrences,” sabi ni Adam.
Maya-maya naiwan kami nina Ian, Jam, Ella at Jane sa kwarto. Hawak na ni Ella si Madison.
“Kamukhang kamukha ni Madison si Venice ‘no?” sabi ni Ella.
“Hindi kaya. Mas kamukha ni Madison si Paris,” sagot naman ni Jam.
“Si Venice ang kamukha niya, tingnan mo ang lips oh,” sabi ni Ella.
Biglang bumulong sa akin si Ian.
“Ate, bakit nagtatalo sila kung sino ang kamukha ng baby mo? Tapos ang pinagtatalunan pa nila ‘yung kapatid ni Kuya Adam, eh di ba kambal naman sila. Magkamukha. Eh di parehas nilang kamukha.”
Tumawa ako.
“Hayaan mo na sila, Hahahaha,” sabi ko na lang.
**
After a month, pinabinyagan na din namin ang twins. Syempre present ang mga ninang. Si Adam naman tinawagan ang mga friends niya. Madami-dami din ang ninong at ninang ang twins. Nag-alala nga ako, kasi sabi ko baka bawal ‘yon, pero ang sagot ni Jam..
“Ano ka ba? Mas mabuti nga ‘yung madaming ninong at ninang para maraming pera sa Pasko! Hahahaha!”
Baliw talaga siya.
Dumaan nga ang Pasko, New Year at ang daming natanggap ng regalo ng twins. Sobrang saya. Wala na nga ata akong mahihiling pa.
“Masaya ka ba?” tanong ni Adam habang pinapatulog namin ang kambal. Si Landon, dilat na dilat pa ang mata. Ang hirap kayang patulugin ng batang ‘yon.
“Oo naman. Sobrang saya,” sagot ko at hinalikan niya ako sa labi.
“I want to claim my benefits. Right here, right now,” sabi niya.
“Adam..”
“Ano? Ang daya-daya mo naman,” pagmamaktol niya.
“Sige, pero patulugin mo muna si Landon,” sabi ko.
“Pssshh! Daya talaga. Ang hirap kaya patulugin ni Landon,” sabi niya pero nagsimula naman siyang buhatin at ihele ito. Kinakantahan pa nga niya eh. Nakakatuwa talaga siya.
Then his phone rang.
Sinagot ni Adam ang phone niya.
“Venice, late na ah. May problema ba?” tanong niya at pinagmamasdan ko lang siya habang kausap niya si Venice.
Napansin kong kumukunot ang noo niya.
“Pero.. Susubukan ko,” then he ended the call. Hinarap niya ako.
“It’s about our company. May malaking problema,” sabi ni Adam. Bigla naman akong nag-alala.
“You can go,” sabi ko. Tiningnan niya ako.
“Arkisha…”
“I understand. Your company needs you right now. Okay naman kami dito saka babalik ka naman di ba?”
“Oo naman, but are you sure okay kayo dito? You can come with me sa Manila.”
“Pinagusapan na natin ‘to di ba? Gusto ko dito muna kina Mama.”
Inihiga na ni Adam sa crib ang tulog nang si Landon. Tinabihan na niya ako sa kama at niyakap.
“Sige, you’re the boss. Pero pagbalik ko, I promise, aayusin na natin ang kasal natin, okay?”
Tumango ako and he kissed me in my forehead.