Arkisha's POV
Aaminin ko, kinakabahan ako and I can't explain why. Anong nangyari? Akala ko two months? Mali ba ang kalendaryo nina Venice?
"Ate, ano ba? Nakatulala ka na naman dyan! Takot ka din ba sa multo? Ang tanda-tanda mo na natatakot ka pa sa multo!" sabi ni Ian.
Hindi ko na tuloy alam ang sasabihin sa batang ‘to.
"Ahh.. Eehh.. Tsk. Sigurado ka ba na nakita mo siya?" tanong ko na lang.
"Ate, bata pa ako. Malinaw pa ang mata ko. Sigurado akong siya ‘yon! Sige para makasigurado, pupuntahan ko, tatanungin ko pa siya kung gusto mo!" at tumakbo na siya palabas.
"HOY IAN! TEKA--" Wala na. Nakatakbo na palabas ang makulit kong kapatid. Kasabay naman niya ang pagpasok sa bahay namin ni Jam.
Si Jam ay kababata ko. Schoolmates kami noong elementary at high school. First section ako, lowest siya. Pero kahit slow ‘yang friend ko na ‘yan, love ko pa rin ‘yan. Nagkalayo nga lang kami kasi nag-college ako sa Manila.
"ARKISHA!! ARKISHA!!" sumisigaw siya papasok ng bahay namin.
"Ano?? Nakakita ka din ng multo?!"
"Multo? Hindi ako nakakita ng multo! Nakita ko na ang lalaking itinadhana para sa akin!" kinikilig na sabi niya habang nakalagay pa ang kamay sa kanyang dibdib.
Oh. I forgot. Hindi babae si Jam. Beki siya at kung malandi ako, mas malandi siya. Go, figure.
Kumunot ang noo ko.
"Jam, lahat ng lalaki sinabihan mo ng ganyan and please ‘wag mong isabay sa kaba ko ang paglalandi mo please!"
"Anong kaba? Bakit ka naman kakabahan? This time sigurado ako, siya na ang lalaking para sa akin! Ang GWAPOOOOOO!"
"Nabasa ko sa telescope ko na ngayon dadating ang taong para sa akin at nakita ko na nga siya!" sabi ni Jam.
"Teka, ano? Saan? Sa telescope? Baka naman horoscope?" sabi ko.
"Eehh basta ‘yun na ‘yon! Magkatunog din naman. Pareparehas lang ‘yon! Teka di ba magkaparehas tayo nung mga sign-sign na ‘yun?"
"Zodiac sign,” sagot ko.
"Oo, ‘yun. Tama. O eh di parehas tayo ng kapalaran ngayong araw!"
"Jam, ‘wag ka ngang magpapaniwala sa mga ganyan. Kasamahan lang ‘yan ng hula. Hindi totoo."
"Halika po. Pasok po kayo,” naririnig ko ang boses ni Ian. Papalapit.
"Ate! Andito na siya oh! Sabi ko sayo eh, siya nga daw ang bayaw ko!"
Iniluwa ng front door namin ang bayaw na tinutukoy ni Ian. Mas lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko.
"O di ba Ate? Sabi ko sa’yo eh, andito na ang ama ng mga baby mo!" dagdag pa ni Ian.
Nanlaki ang mata ni Jam at napa "ooooohhhhhh" sa sinabi ni Ian.
Ayaw ko mang tingnan si Adam pero hinahanap talaga siya ng mata ko at hindi ako natutuwa. Masasabi kong gwapo pa rin siya kaso parang pumayat ata siya, pero konti lang naman. Baka sa kakaisip sa trabaho.
"Hi!" sabi ni Adam. Natatakot ba siya? Kinakabahan? Eh bakit ganun ang boses niya?
He smiled. Damn Adam! Don't you dare smile at me!
I didn't smile back. Matigas pa din ang anyo ko.
"Ate, hi daw! Bingi ka ba?" sabi ni Ian. Pwede bang palayasin niyo ‘tong batang ‘to!
"Hi! I'm Jam!" salo ni Jam and he.. she.. ah basta inilahad niya ang kamay niya.
Nakipag-shakehands naman si Adam. "Adam Jacob,” pakilala niya.
Kailangan ba talaga pati second name?
"Upo ka, upo tayo,” yaya ni Jam. "Arkisha, upo ka rin, halika,” at hinila-hila ako ni Jam paupo sa sofa. Pero hindi kami magkatabi ni Adam ha, asa kayo!
Nakatitig lang ako sa sahig namin pero ramdam ko na may isang pares ng mata na kanina pa nakatingin sa akin and it feels really awkward.
"Ate, tatawagin ko muna si Mama ha,” lumabas uli si Ian.
"Sasabay na aketch! Ian, wet lang,” sigaw ni Jam at tumayo na siya.
"Hoy bakla! Di ba may ikukwento ka pa, teka, bakit aalis ka na? Hoy!" pigil ko sa kanya.
"Nice to meet you, AJ! Aalis na muna ako at mukhang hindi na kailangan ang beauty ko dito. Hoy Arkisha,” bumaling siya sa akin at bumulong "Girl, ‘wag mo namang ubusin ‘yan, tirhan mo naman ako ha. May utang kang chika sa aken, naku!"
Tuluyan na siyang umalis. Pero di ba si Ian lang naman ang gusto kong umalis. Sinong may sabi na iwan kaming dalawa dito? SINOOO?
"K-kamusta ka na?" binasag ni Adam ang katahimikang pumapagitan sa aming dalawa. Kapag ba buntis, nagiging malalim ang salita? Tell me.
Sinulyapan ko siya.
"O-okay naman,” sagot ko.
Okay ako kanina, ngayong dumating ka, hindi na!
"Mabuti naman. Nag-aalala kasi ako.. sa inyo."
Nag-aalala? Inyo? Plural di ba?
"Arkisha, sino ba daw ang dumating at panay kuwento nitong si Ian--"
Kasunod ni Ian na dumating si Mama.
Tumayo si Adam at bumati sa Mama ko.
"Good afternoon po. Ako po si Adam at nandito po ako para makipag-ayos kay Arkisha."
"Ikaw pala ‘yon. Ikaw pala ang sinasabi ni Ian na ama ng babies ni Arkisha. Kung ako ang tatanungin, ang tanging nais ko lang ay mapabuti ang lagay ng anak ko at ng mga magiging apo ko. Kung makikipag-ayos ka ay mabuti nga ‘yon pero si Arkisha ang dapat sumagot nun."
Winner talaga ang mudra ko! Ang bait! Sana ako din.
Makikipag-ayos? Ano? Ganun na lang ‘yon? Matapos ang lahat ng sakit at stress na dinanas ko, pupuntahan niya ako dito para sabihin na makikipag-ayos siya!
"Ano bang plano mo hijo?" tanong ni Mama kay Adam.
"Kung papayag po kayo, sasamahan ko po dito si Arkisha at hindi po ako titigil hangga't hindi niya po ako napapatawad,” sagot ni Adam.
ANO? DITO SIYA TITIRA?! Ang laki laki ng bahay nila, dito pa siya titira?
Tiningnan ko siya ng masama. Anong pakana ‘to Adam?
"Okay lang po kahit dito ako matutulog sa sala."
Aba! Paawa effect pa!
"Naku, hindi naman maaari ‘yon. Tumabi ka na kay Ian,” sabi ni Mama.
"Ma, maliit ang kama ni Ian,” tutol ko.
"O? Eh anong gusto mo? Sa kwarto mo matulog ‘tong si Adam?" tanong ni Mama.
Ay grabe! Na-misinterpret pa ang sinabi ko! Sabi na eh. Mas mabuti talaga kapag hindi nagsasalita. Less talk, less mistake.
Nahuli ko si Adam na patingin-tingin sa akin at pinipigil ang ngiti. ‘Yung ngiti na nakaisa siya.
GRRRRR!
"Ma, ang ibig kong sabihin ay maliit po ang bahay natin tapos dadagdag pa ng isa!" diin ko habang nakatingin kay Adam.
"Okay lang po talaga sa akin kahit dito ako sa sala,” pilit ni Adam at patingin-tingin pa din siya sa akin.
"Ah hindi. Basta gagawan natin ng paraan ‘yan,” sabi ni Mama.
Ang Mama ko? Gagawa ng paraan para kay Adam?? Totoo ba ‘to??
"Dyan muna kayo at magluluto lang ako,” at nagpunta na si Mama sa kusina.
"Kung ikaw ang daddy ng babies ni Ate, eh di Kuya na kita, di ba?" sabi ni Ian kay Adam. Mag-usap silang dalawa! Binuksan ko na lang ang t.v.
"Alam mo ba Kuya Adam, sabi ni Ate patay ka na daw."
Tiningnan ko si Ian ng masama. Natatawa naman si Adam.
"Pero sabi ko naman sa kanya baka patay na patay sa’yo,” bulong niya.
Binato ko si Ian ng throw pillow. Mas lalong tumawa si Adam. Mukhang nag-eenjoy ang lalaking ‘to ah!
"Aray naman, Ate! Kung di ka lang buntis, ibinato ko ‘to pabalik sa’yo!" sabi ni Ian sa akin tapos tumingin siya kay Adam. "Joke lang."
Tumayo ako at pumasok na lang sa kwarto ko. At least dito nababawasan ang kabang nararamdaman ko.
Handa na ba akong makaharap si Adam? I mean sabi niya dito muna siya? Pero mukha namang wala akong choice, mukhang hindi papapigil ‘tong si Adam.
"Arkisha,” boses ni Adam ‘yun.
Kumatok siya sa pinto.
Nakahiga ako sa kama. Feeling naman niya pagbubuksan ko siya? Teka, nai-lock ko ba ang pinto?
"Arkisha, kakain na. Lumabas ka na dyan,” tawag niya.
Hindi pa rin ako nagsasalita at kumikibo.
"Papasok ako ha?"
HA??
Nagbukas ang pinto. Nakapikit ako pero ramdam ko na nasa loob na siya. Umupo siya sa kama ko.
"Arkisha, halika na. Kumain ka na."
"Bakit ka ba nandito?" tanong ko habang nakapikit ako. Actually nakataklob nga ng unan ang mukha ko eh. Parang bata lang.
"Eh ayaw mong lumabas kaya kinatok na kita dito sa kwarto mo."
"Bakit ka nandito??" diin ko. Hindi naman ‘yun ang sagot sa tanong ko.
"Sinabi ko na kanina di ba? Nandito ako para makipag-ayos sa’yo. Gusto kong humingi ng sorry sa lahat ng nagawa at nasabi ko sa’yo."
Narinig ko ang buntong hininga niya.
"Arkisha, I know I've been a jerk at pinagsisisihan ko ‘yun. Alam mo bang hinanap kita since the day you left? ‘Yun pala itinago ka ng kapatid ko."
So alam na pala niya?
"Kumain ka na please, hindi ka ba naaawa sa dalawang bata sa tiyan mo? Maawa ka naman sa mga anak ko."
Pagkasabi niya nun, tumulo ang luha ko. For the first time, he finally claimed na anak niya ang nasa sinapupunan ko. Ang bagay na pilit kong isinasaksak sa utak niya noon.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Gusto kong matuwa, mainis, matawa.
"Sa tingin mo anong magandang pangalan? Pagsamahin kaya natin ang mga pangalan natin?"
I rolled my eyes kahit hindi niya kita. Pinahid ko ang luha ko sa ilalim ng unan.
"Or better yet--" dagdag niya.
"SHUT UP!" singhal ko sa kanya.
Bumangon ako. Hindi ko alam kung halata ba na umiyak ako. Bahala na.
"Kakain ako hindi dahil sa sinabi mong kumain ako. Kakain ako dahil sa mga anak ko,” pagkasabi ko nun, lumabas na ako ng kwarto ko. At sumunod na din siya kaagad.
Umupo na kami sa dining table. Tumabi sa akin si Adam. Asar talaga ‘tong lalaking ‘to!
"Ang dami mo namang dalang prutas Adam, iba't iba pa,” sabi ni Mama.
"Hindi ko po kasi alam kung anong prutas ang gusto ni Arkisha kaya dinamihan ko na po ang dala. Hindi ko po alam kung saan siya naglilihi,” sagot ni Adam.
Naglilihi? Hmmmm.. Parang may bumbilyang umilaw ah! Humanda ka Adam!
"Ewan ko nga ba dyan sa batang ‘yan, wala namang pinaglilihian. Wala namang ipinapabili sa akin eh,” sabi ni Mama.
Sa inyo Mama wala, pero sa lalaking ‘to, magkakaroon!
"Arkisha, gusto mo ba ng mangga?" tanong ni Adam at inabot niya ang mangga.
"Hindi ako kumakain nyan!" mataray kong sabi.
"Hindi daw? Eh di ba paborito mo ‘yun?" singit ni Ian.
"Dati ‘yon. Ian, gusto mong mag-summer class? Or gusto mong magbakasyon kina Lola?" tanong ko, mawala lang sa bahay na ‘to ang madaldal na batang ‘to.
"Kuh, gusto mo talagang umalis ako dito ‘no?!" sabi niya.
OO!
"Gusto mo Ate, kasi gusto mo lang ma-solo si Kuya Adam ‘no? Umamin ka na!" dugtong niya.
"HINDI AH! Concern lang ako kay Lola kasi baka nami-miss ka na niya. ‘Yun ‘yon!" depensa ko.
"Mas gusto ko dito. Saka sabi ni Kuya Adam, magba-basketball kami, di ba Kuya?"
"Oo. Mamaya,” nakangiting sagot ni Adam.
"Ate, bakit ba ang sungit mo? Ang taba-taba mo na nga masungit ka pa!"
"Ma si Ian oh!" sumbong ko kay Mama.
"Totoo naman! Tingnan mo kami ni Kuya Adam, gwapo lang o!"
Nag-high five pa ‘yung dalawa. Pagkatapos kong kumain, nagpahangin na lang ako sa terrace. Tumabi na lang kaya ako sa kanilang dalawa, mas mahangin pa sila eh!
**
Dalawang linggo na din sa bahay si Adam at pinanindigan niya na sa sala nga siya matutulog.
Minsan kapag lumalabas ako ng kwarto ko sa gabi, hindi ko mapigilang tingnan siya. Minsan nga inayos ko pa ‘yung unan niya kasi malalaglag na pero syempre dahan-dahan baka magising siya eh.
Minsan naman, ‘yung kumot niya. Basta, nagtataka nga ako kung paano niya napapagkasya ang sarili niya sa sofa. Tapos siya ang naglilinis ng bahay minsan, sila ni Ian actually. Para nga kaming may instant katulong. Baliw talaga ang lalaking ‘to!
Napapailing ako pag naiisip ko na bakit ba siya nagpapakahirap dito eh mas komportable sa kanila.
"Hindi ka ba nahihirapan dito?" tanong ko sa kanya minsang naglilinis siya ng bahay namin. Sinigurado kong malayo si Ian kung hindi barado na naman ako doon.
Siguro nagulat siya kasi bigla ko siyang kinausap. Hindi ko kasi talaga siya kinikibo unless kailangan ko talagang sumagot kasi inaasar nila ako ni Ian.
Hawak niya ang martilyo at may inaayos yata siya. Nilingon niya ako. Ngumiti siya kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Concern ka na sa akin?"
"Iba ang concern sa nagtatanong!" sabi ko.
"Ganun na din ‘yon. So concern ka nga?"
"Hay naku! Sabi ko na eh, dapat di na lang kita kinakausap eh,” paalis na ako ng hawakan niya ako sa braso.
"Hepp! Teka, minsan lang ‘to, susunggaban na kita,” sabi niya.
"ANO?"
"Ah sabi ko, minsan lang ‘to, ‘yung chance na kakausapin mo ako kaya susunggaban ko na. Arkisha, gusto kong malaman mo na kahit anong pahirap at parusa pa ang ibigay mo sa akin, kakayanin ko, mabawi lang kita. Bumalik ka lang sa akin."
"So nahihirapan ka na nga?"
"Hindi naman masyado,” sagot niya.
"Eh di umuwi ka na!" sigaw ko sa kanya.
"O sige, uuwi ako,” sabi niya.
Akalain mo ‘yun? Mapapauwi ko na siya! Ang sayaaaa!
"GO!" sabi ko.
"Uuwi ako kung kasama kita, naiintindihan mo,” inilalapit na niya ang mukha niya sa akin.
This time nakatingin siya sa labi ko. Hindi na ako mapakali. Parang may binabalak ‘tong lalaking ‘to ah.
"Ikaw? Natatakot ka ba?" nang-aasar niyang tanong.
"B-bakit naman ako m-matatakot aber?" nagtatapang tapangan lang ako pero kinakabahan talaga ako.
"Tayong dalawa lang ang nandito, do you have any idea how much I miss you?"
Konting konti na lang. Malapit na talaga. Naririnig ko na ‘yung heartbeat ko.
Teka, ano? Miss daw?
"Ikaw? Do you miss me?" tanong pa niya at hinawakan niya ang bewang ko.
Sh*t! This is not good. This is bad. Really bad.
"Halikan mo na kasi! Ang tagal-tagal eh!"
Sabay kaming napalingon sa nagsalita. Kumakamot pa siya sa ulo niya.
It's Ian.
Agad kaming naghiwalay na dalawa. Tama, dito na nga lang sa bahay si Ian.