noveltoon logo noveltoon
Ex with Benefits 1

Chapter 63

Ch. 64 / 72 Feb 05, 2022

Arkisha's POV

Kahit masarap ang nilutong ulam ni Mama, hindi ako nakakain ng madami. In fact, paborito ko pa nga ang niluto niya, na siyang niluto na din ni Adam nung nandito siya. Oo, alam ko na si Adam pala ang naging cook dito. Siya ang matyagang nagpe-prepare ng breakfast ko. Kaya naman nagulat ako kanina nang makita ko na si Mama ang nagluluto.

"Nami-miss mo si Kuya Adam ‘no?" biglang sumulpot si Ian habang nanonood ako ng t.v.

Sinulyapan ko lang siya at itinuon na uli ang atensyon ko sa t.v.

"Ayaaan, kaseeee, pinauwi uwi tapos--"

"Hindi ko siya pinauwi!" sita ko sa kanya.

Umupo siya sa tabi ko.

"Eh di ayaw mo siyang umuwi?"

"Pwede ba Ian, nanonood ako. ‘Wag ka ngang maingay!"

"Nanonood daw, hindi naman niya naiintindihan ang pinapanood,” bulong niya.

I just rolled my eyes.

"Gusto mo bang malaman kung bakit umalis si Kuya Adam?" tanong niya.

Napalunok ako at tumingin sa kanya.

"Gusto mo ‘no?" nangaasar niyang tanong. Nakangiti pa siya.

"Eh ano naman ngayon?" mataray kong tanong. Sana sabihin niya kung bakit.

Nagtitigan kaming dalawa. Nakangiti pa din siya.

"Gusto mo ngang malaman??" ulit niya.

"OO NA NGA!" sigaw ko.

Huminga siya ng malalim.

"Haaay. Ako din,” sagot niya.

Naisahan ako ng batang ‘to ah! Hindi din pala niya alam??

"Bakit nga kaya, ano Ate?"

"Ewan ko sa’yo! Kung makapagtanong ka naman dyan, akala mo alam mo ang sagot!"

**

Dati naman sakto lang ang size ng kamang hinihigaan ko pero mula ng matulog dito si Adam pakiramdam ko ngayon malaki na ‘to para sa akin.

Sinubukan ko ng ipikit ang mga mata ko pero hindi talaga ako dinadalaw ng antok. Iniisip ko pa din si Adam. Bakit ba siya umalis? Babalik pa ba siya? Bakit ba ako nag-aalala ng ganito?

Kasi nga mahal ko siya.

11:45 PM.

Dilat na dilat pa din ang mga mata ko nang may marinig akong parang may nagbubukas ng pinto.

Mararanasan ko na naman ba ang manakawan??

Alam kong hindi dapat pero tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto. Alam kong delikado ang gagawin kong ‘to lalo na at buntis ako pero may nag-uutos sa akin na gawin ko ‘to.

Nang makalabas ako ng kwarto ko, nagpunta ako sa kwarto ni Mama at magsisimula na sana akong kumatok ng magbukas ang front door.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa nakita ko. Hindi na ako nag-dalawang isip pa sa gagawin ko. Lalakasan ko na ang loob ko at papawiin ang takot.

Halos tumakbo ako papalapit sa taong iniluwa ng pinto. Niyakap ko siya ng mahigpit. Agad naman niya akong niyakap pabalik.

"A-akala ko h-hindi k-ka na b-babalik,” sabi ko sa gitna ng yakap ko sa kanya.

Hindi ko namamalayan, umiiyak na pala ako.

"Bakit ka ba umalis? Bakit mo ba ako iniwan? Akala ko ba mahal mo ako? Sabi mo lagi ka sa tabi ko?" Hinawakan niya ang mukha ko. Nakita ko na nakangiti siya pati na ang mga mata niya.

"Kaya nga ako bumalik agad, di ba? Kasi nga mahal kita. Nag-alala ka ba?" tanong niya.

Marahan akong tumango.

"I'm glad,” sabi niya.

Kumunot ang noo ko. Tiningnan ko siya.

"I mean I'm glad that you care about me. Am I right?"

Niyakap ko uli siya.

"Adam please, ‘wag mo na uli akong pagaalalahanin ng ganun. Buntis ako, baka nakakalimutan mo." Hinalikan niya ang noo ko.

"Kaya nga. Buntis ka and why are you still awake?"

Napatungo ako sa tanong niya. Hinawakan niya ang baba ko at iniangat ang mukha ko.

"Look me in the eyes, baby,” utos niya.

Wala akong nagawa kundi sundin siya. And the next thing I know, I am under his spell.. again.

"I miss you,” sabi ko.

"I miss you more,” sagot niya.

Hinalikan niya ang buhok ko. Tumulo ang luha ko at pinahid niya ‘to.

"Stop crying. Madami ka ng nailuha. Ayoko ng nakikita kang umiiyak, understand?" Tumango na lang ako.

"Ibig bang sabihin nito, pinapatawad mo na ako?"

"Oo, pinapatawad na kita,” sagot ko.

Niyakap niya uli ako.

"Again, I'm really sorry. Hinding hindi na mauulit ‘yon. Bati na tayo ha?" Tumango ako.

"Basta. Wala ng bawian ‘yan ha?"

Nginitan ko siya at niyakap niya uli ako ng mahigpit.

"You need to sleep. Bawal mapuyat ang baby ko,” sabi niya at pumasok na kami sa kwarto ko.

Yakap-yakap niya ako habang magkatabi kami sa kama. Nakatitig lang kami sa isa't isa.

"Sleep,” utos niya. Ginamit pa niya ang kamay niya para ipikit ang mata ko.

"Tutulog ako kapag sinagot mo ang tanong ko,” sabi ko.

"Bakit may kondisyon pa?"

"Eeehh pumayag ka na lang."

"Oo na. You're the boss. Shoot."

"Bakit ka ba umalis?" tanong ko.

"Venice called me yesterday, it’s about our company. But we don't have to worry. Okay na naman. Sinabi ko na sa kanya kung anong dapat gawin. I even told her na hindi ako pwedeng umalis sa tabi mo."

"Pero Adam, kailangan ka ng kumpanya nyo,” sabi ko.

"Keep this in your mind. Walang ibang mas mahalaga sa akin kundi ikaw at ang mga magiging babies natin."

Ano ba?! Wala na ba siyang ibang gagawin kundi pakiligin ako? Hindi ba niya alam na mas lalo ko siyang minamahal?!

Hinawi niya ang buhok na napapunta sa mukha ko at magkatapat na ngayon ang mga mukha namin.

"Hindi ko akalain na magmamahal ako ng ganito katindi,” sabi niya. "Hindi ko akalain na mamahalin kita ng sobra-sobra. Basta ang alam ko na lang, ayoko ng mawalay sa’yo. Ayokong maagaw ka ng iba. I may sound selfish but it’s true."

"A-ako din naman,” sagot ko.

Tinitigan niya ako.

"Ikaw din? Alin dun? ‘Yung ayaw mo din akong maagaw ng iba o mahal mo din ako ng sobra?" at ngumiti siya ng nakakalokong ngiti.

Hindi ako sumagot.

"Say something,” sabi niya.

"I think it’s really time to sleep,” sabi ko.

"Hepp! Madaya ka. Sagutin mo ang tanong ko, hahalikan kita sige ka!"

O.o

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Eto na, papalapit na ang mukha niya.

"Both,” sagot ko.

Tumigil siya sa pagtatangkang paghalik at nakita ko siyang ngumiti pero…

"I love you,” sabi niya.

“I love you too,” sagot ko at hindi na siya nagaksaya pa ng pagkakataon. He kissed me passionately.

Ah. Heaven.