noveltoon logo noveltoon
29th of February

Chapter 8

Ch. 9 / 32 Feb 09, 2022

SAGLIT na napahinto si Janine sa pagpasok sa kusina nang mabuksan ang switch ng ilaw. Nagsimula kasing kumurap-kurap ang liwanag na dulot niyon. Ramdam niya pa rin ang lamig na dala mula sa labas kahit nakapatong na ang malaking tuwalya sa katawan niya. Nagpatuloy siya sa paglalakad palapit sa malaking refrigerator kung saan kukunin ang mga pagkain na iihawin ng barkada. At bago pa siya tuluyang makalapit ay bigla nang namatay ang ilaw sa kusina.

“Paranoid na naman ako.” Binuksan niya ang cellphone na hawak upang gawing pang-ilaw. Ngunti hindi na niya nagawang ituloy ang paglalakad nang mailawan ang tiles na sahig na may mga bakas ng dugo. Napapalunok na sinundan niya ang mga bakas na iyon hanggang sa mailawan ang pares ng mga paa na ilang hakbang lamang ang layo mula sa kanya. Nagkalat ang dugo sa kinatatayuan nitong sahig. Naghahalo naman ang putik at dugo sa mga paa nito. Nanginginig ang kamay na dahan-dahan niyang itinaas ang liwanag ng cellphone na hawak sa mga binti nito na kababakasan ng mga sugat at dugo. Dahan-dahang muling tumaas ang liwanag sa katawan niyon. Isang babae na nakatalikod sa kanya at nakasuot ng matingkad na pulang bestida. May makapal itong buhok na nanlalagkit na rin dahil sa dugo. Gumapang na ang kilabot sa katawan niya nang marinig ang mga hikbi nito. Mga hikbi na aakalain mong mga tawa na nagpapanginig sa katawan niya.

“S-sino ka?”

“Hihihi…. Hihihi… Hihihi…”

Masakit na sa tainga ang maliliit na tawang ginagawa nito. Ilang saglit pa bago unti-unting gumalaw ang ulo ng babae. Dahan-dahang lumingon sa kinatatayuan niya habang ang katawan ay tila estatawa na nakatayo lamang.

Hindi pa man niya tuluyang nakikita ang mukha ng babae pakiramdam niya ay hihimatayin na siya. Kung pwede lang sana… Sana mahimatay na lang siya… “Oh my God…” Tuluyan nang nakaikot ang ulo ng babae sa kanya at nakaharap ang mukha na hindi na halos maaninag dahil sa makapal na dugong bumabalot dito.

“Hihihi… Mamamatay kayong lahat… Hihihi… Papatayin ko kayong lahat…” Bumubulwak ang mas maraming dugo sa pagbuka ng nagnanaknak nitong mga labi kung saan umalingasaw ang magkahalong lansa at amoy ng tila nabubulok na karne. “Papatayin ko kayong lahat…”

Isang kamay ang naramdaman ni Janine na kumapit sa braso niya na muntik nang magpsigaw sa kanya. Kasabay nang paglingon niya sa nagmamay-ari ng kamay ay ang pagbalik ng liwanag sa kusina.

“Janine, are you okey?” nag-aalalang tanong ni Phoebe nang makitang tila namumutla ang kausap.

Mabilis na ibinalik ni Janine ang tingin sa likuran. Wala na ang babae.

“Heto, uminom ka muna ng tubig,” alok ni Gabby na may hawak na baso ng tubig.

Kaagad namang inabot ni Janine ang baso at ininom ang tubig. Tuluyan na rin siyang napaupo sa kalapit na upuan.

“What happened?” muling tanong ni Phoebe.

“N-nakita ko na naman ‘yung babae…”

“B-babae?” biglang kinabahan si Gabby sa narinig mula sa namumutlang si Janine.

Ipinilig ni Janine ang ulo bago inihilamos sa mukha ang mga palad. “Paranoia…. Napa-paranoid na naman ako…”

“May nakikita rin akong babae… Sa bahay pa lang naming bago kami pumunta ni sweety sa bahay ni Kiko…”

“A-ako rin… May nakikita rin akong babae… Na nakapula,” ani Phoebe nang marinig ang sinabi ni Gabby. Natatakot siyang isipin na baka iisa lang ang babaeng nakikita nila.

Hinimas naman ni Janine ang isang kamay sa may leeg kasunod ang isang malakas na pag-inat doon kung saan halos may lumagutok na buto. Sumasakit na ang ulo niya. Hindi niya alam kung dahil ba sa mga kababalaghang nakikita o nararamdaman niya. “Guys, I’m not sure kung dapat kong sabihin ito sa inyo but about JC and Claud,” wala sa loob na sabi niya. Hindi na niya napigilan ang bibig nang biglang pumasok sa isipan niya ang nakita niya kagabi. Isang mainit at makasalanang na eksensa sa pagitan ni JC at Claud. “Nakita ko silang naghahalikan kagabi…”

“W-what?!” halos sabay na bulalas nina Gabby at Phoebe na hindi makapaniwala sa narinig. Kaagad na nabaling ang atensyon nila sa sinabing iyon ni Janine.

“I’m sure hindi alam ni Tims o ni Madz ang tungkol sa kanilang dalawa,” ani Janine.

“Sa tingin mo ba dapat mong sabihin sa kanila?” tanong ni Gabby.

“I’m not sure… Ayokong pagsimulan ng gulo nila…”

***

“OH, nasaan na sila?” takang tanong ni Rency nang makalabas ng C.R. at walang maabutang tao sa kusina. Ihing-ihi na kasi siya kaya nagpaalam siya na saglit na magbabanyo.

Maglalakad na sana siya nang mapahinto dahil sa kamay na humawak sa braso niya. Bahagya siyang napangiti nang malingunan ang nagmamay-ari ng kamay. “M-marvin?”

“Hi Rency! May gusto sana akong sabihin sa iyo.”

‘Oh my… Hindi ba parang mas’yadong mabilis?’ Sa kabila nang pagiging weird ng binata ay hindi niya pa rin maalis sa sarili ang kiligin. “A-ano ‘yun?”

“You need to get out of here.”

“Ha?” Napaawang ang mga labi niya sa narinig. “Anong sinasabi mo? Teka nga, paano ka pala nakapasok rito eh diba sabi mo hindi mo kilala si Kiko o si mang Potpot. Don’t tell me… magnanakaw ka?!” biglang tanong niya. Nagsisimula na siyang maguluhan at maghinala sa kakaibang ikinikilos nang kausap.

“Rency, no! Hindi ako magnanakaw,” maagap na hinawakan ni Marvin muli ang braso ni Rency nang akmang tatalikod na ito. “Makinig ka muna sa akin. Hindi ka nila kasama. Hindi ka dapat madamay. Malapit na mag-29, kaya bago pa mahuli ang lahat kailangan mo nang umalis… Kailangan mong makaalis…”

Hindi na alam ni Rency ang iisipin. Bumabalik ang takot at kaba sa dibdib niya dahil sa ka-weirduhang ipinapakita ng binata. Bakit kailangan niyang umalis? Bakit siya madadamay? Saan? “S-sino ka ba talaga?”

“Rency?”

Naramdaman niya ang pagbitaw ni Marvin sa braso niya nang lingunin ang nagmamay-ari ng boses na tumawag sa pangalan niya.

“Bakit ang tagal mo? Naiinip na kami nina Gabby sa labas?” tanong ni Janine nang makalapit kay Rency. May hawak pa itong lalagyan ng hotdog at mga karneng nakatuhog sa barbeque stick. “Kasya na siguro sa atin ito ano?”

Mabilis na ibinalik ni Rency ang tingin sa binatang kanina lang ay kausap niya. Pero kagaya ng nakaraan… Wala na si Marvin.

“J-janine?”

Napatunghay si Janine sa nag-aalalang mukha ni Rency.

“N-nakita mo ba ‘yung kausap ko kanina?”

“May kausap ka ba? Sino? Wala naman akong nakita.”

Napalunok si Rency sa narinig na sagot ng kaibigan. Hindi siya naniniwala sa mga multo o anu pa mang kababalaghan pero bakit natatakot siya ngayon. Bakit pakiramdam niya ay hindi tao ang kausap nya kanina lang. “W-wala. Let’s go…”

***

“PARE, gusto ninyo?” alok ni Kiko sa mga kasama sa hawak na maliit na plastic na may lamang puting pulbos. Shabu…

“Pare hindi mo pa rin ba tinitigilan ‘yan?” concern na tanong ni JC.

Silang lima na perwisyo boys na lamang ang natira na nakaupong magkakalayo at paikot sa may bon fire habang ang mga sosyalerang babae ay naglalangoy sa dagat at ang iba pang babae naman ay nasa loob ng mansion upang kunin ang mga pagkain na iihawin nila.

“Oh bakit? ‘Di ba kayo nagturo sa akin gumamit nito? Bakit ngayon, parang natanggi na kayo?” nakangiting sagot ni Kiko habang nilalaro sa palad ang mga pulbos. “Tama kayo, masarap nga ‘to. Nakakaadik. Bakit hindi ninyo ulit subukan para hanap-hanapin ninyo kagaya ng dati?”

“Matagal na naming tinanggal ang drugs sa mga bisyo namin,” seryosong sabi ni Mon na may hawak na sigarilyo habang nakatingin sa kawalan. Hindi pa rin kasi naaalis sa isip niya ang nakita sa salamin ng banyo ng kwarto nila ni Gabby, pero wala pa siyang lakas ng loob na ipaalam iyon sa Perwisyo Boys. Natatakot siya. Natatakot siya sa maaaring malaman o mangyari.

Bahagyang tumawa si Kiko.

“Bakit hindi mo rin subukan na itigil ang paggamit ng drugs? Hindi lang ‘yan ang way para makalimutan mo ang lahat ng nangyari,” ani Joel.

“Wow… As in wow…” napapailing na sabi ni Kiko na may sarkastikong ngiti sa mga labi. “Nagtataka talaga ako sa inyo kung paano ninyo nasasabi ang lahat ng ‘yan. Paano ninyo nagagawang matulog nang mahimbing sa gabi? Paano ninyo nagawang kalimutan siya?!”

“Shut the f*ck up, Farncis! H’wag mo nng subukang ibalik ang nakaraan!” mahina pero seryosong sabi ni JC.

Napatawa na lalo si Kiko bago lumagok ng alak mula sa katabing bote ng Black Label kahit pa may may baso sa tabi na pwedeng gamitin. “Mga wala talaga kayong kwenta.”

“Anong sabi mo!”

“Pare, tama na… Nandyan na sila,” awat ni Vernon sa akmang pagtayo ni Mon. Kanina pa siya tahimik at nakikiramdam. Hangga’t maaari ay ayaw niyang patulan si Kiko. Napakalaki nang pinagbago nito mula ng huli silang magkita-kita. Napakalayo sa dating Kiko na nakilala niya.

“Oh, why so serious?” nakangiting tanong ni Madz nang makaupo sa tabi ng nobyo. Ang tahimik kasi ng limang binata na tila nag-iiwasan pa ng mga tingin sa isa’t-isa.

“Nothing, mukha kasing may tama na si Kiko,” tugon ni JC.

“Ako pa talaga ang may tama?” ani Kiko na may ngiti sa kalahati ng mga labi. Sarkastikong ngiti.

“Teka, where is bhie?” takang tanong ni Claud habang inililibot ang tingin sa paligid na tanging ang bon fire sa gitna ang nagbibigay liwanag. Nagpaalam kasi si Tims sa kanya kanina na kukuha lang ng towel.

“Ayan na oh,” turo ni Emma sa papalapit na lesbian. Kababakasan nangg kaserysohan ang muka nito.

“Wala pa ba ang iba-barbeque natin? Gutom na ako eh,” tanong ni Juggy na nagkakamot ng tyan.

“Lagi namang gutom ‘yang malaki mong tyan eh,” si Madz ang sumagot.

“Nagsalita ang may maliit na tyan.”

“Hmp!” irap ni Madz sa sinabing iyon ni Juggy.

“Bhie, where is my towel?” nakalabing tanong ni Claud na kanina pa nakakaramdam ng lamig.

“I forgot,” malamig na tugon ni Tims na umupo na sa tabi ni Claud na hindi man lang tinapunan ng tingin.

“You can use my towel Claud, here,” abot ni JC kay Claud kung saan nakapagitan ang tatlong tao.

“Bakit, mas mag-iinit ba siya kapag towel mo ang ginamit niya, JC?” diretso ang tingin ng mga seryosong mata ni Tims kay JC.

“H-hindi na JC. Hindi naman ako nilalamig. Thanks anyway.” Biglang nakaramdam ng tension si Claud sa pagitan ng dalawa. Hindi niya nagugustuhan ang kabang nagsisimula niyang maramdaman dahil sa malamig na inaasal ng nobya.

“Sorry, medyo natagalan kami,” sabi ng bagong dating na si Gabby kasunod ang tatlong dalagang may kanya-kanyang dala na lalagyan ng pagkaing iihawin. Hindi man nila nakita si mang Potpot na pinaghihinalaan nilang nasa lakwatsa ay nakahanda na naman ang halos lahat ng kailangan nila.

“Okey, food trip na!” masayang sabi ni Juggy na kaagad na kumuha ng tatlong stick ng barbeque.

Nagkanya-kanya ang halos lahat sa pagkuha ng mga sariling iihawin habang si Kiko ay patuloy lamang sa pag-inom ng alak sa hawak na bote na nangangalahati na kaagad ang laman.

“Ang ganda talaga dito ‘no. Pag-uwi ko, I will tell dad that I want to have also this kind of paradise,” sabi ni Madz na may hawak na dalawang stick ng hotdog at isang stick ng barbeque sa isang kamay. May tatlo pa siyang stick ng barbeuque na iniihaw at dahil sa inip ay iniipit na lamang niya iyon sa may maliliit na batuhan habang nasa malapit sa apoy.

“Buti walang ghost dito ‘no kahit si mang Potpot lang nakatira. Sabi kasi nila, ang malaking bahay raw na wala masyadong tao eh nalulungkot, kaya minsan pinamamahayan ng multo,” ani Emma.

“Oo nga, buti walang ghost na naiisipang tumira sa mansion mo, Kiko,” sabi naman ni Claud na pinipilit iwaglit ang kabang nararamdaman dahil sa mood na ipinapakita ni Tims.

“Sinong may sabing wala?”

Napatunghay si Rency sa sinabing iyon ni Kiko. Magkahalong kaba at excitement na hindi niya maintindihan ang bigla niyang naramdaman. Hindi niya rin alam kung magugustuhan niya ba ang susunod na sasabihin ni Kiko. May mga bagay siyang ibinubulong sa isipan. Sana hindi totoo. Sana hindi tama ang nasa isip niya. Sana hindi multo ang Marvin na nakakausap niya…