noveltoon logo noveltoon
29th of February

Chapter 31

Ch. 32 / 32 Feb 09, 2022
Prev Next

“ANO raw kaso niyan?”

“Rape at murder raw boss.”

“Ilang ang ni-rape?”

“Isa lang boss. Pero ang sabi, ni-rape at tinorture raw ng paulit-ulit bago pinatay ‘yung babae kasama ‘yung boypren no’n.”

“Nang-rape at torture?”

“Oo boss. Grabe raw ‘yung torture na inabot nu’ng lalake lalo na ‘yung babae. Wasak na wasak raw ang keps eh.”

“Tsk tsk tsk.”

Hindi alam ni Vernon kung anong sasabihin o kung kailangan ba ay magsalita pa siya upang ikwento ng paulit-ulit ang lahat na nangyari noong huling gabi ng buwan ng Pebrero apat na taon na ang nakakalipas. Sabagay, kahit naman magsalita siya ay wala na ring kahit na anong boses ang lalabas mula sa tinahing lalamunan niya. Nagsisisi siya kung bakit hindi na lamang siya namatay kagaya nang nagyari kay Phoebe. Bakit kailangan siya pa ang mabuhay? Siguro nga upang mas mapagsisihan niya ang kasalanang nagawa niya.

“Alam ninyo na ang gagawin ninyo.”

Napalunok siya nang may dalawang lalaki na bumuhat sa kanya mula sa kinahihigaan na matigas na katre. “Ahhhh!” Gustong niyang sumigaw at humingi ng tulong ngunit walang salita ang kayang lumabas mula sa bibig niya.

Malakas siyang itinulak at pinatuwad ng dalawang lalaki bago ibinaba ang pantalong suot niya kasama ang panloob. Sinubukan niyang magpumiglas ngunit mas malakas ang dalawang lalaking may malalaking tattoo sa malaking katawan. Bumilis ang tibok ng puso niya nang malingunan ang lalaking kanina pa nilang tinatawag na ‘BOSS’. Nagbaba na rin ito ng pantalon at nilaway-lawayan pa ang hawak na naghuhumindig na pagkalalaki.

“Rape pala ang kaso mo ah. Ngayon, tikman mo kung gaano kasarap ang ma-rape… ”

“Ahhhhhh!!!”

EPILOGUE

“JANINE, kumain ka na.. Baka malipasan ka ng gutom…”

Tinabig ko ang pagkaing inilagay nila sa puting kama na kinalulunan ko. “Ayoko... Ayoko… Papatulugin niyo lang ako!”

Niyakap ko ang mga tuhod ko bago sumiksik sulok ng kamang hindi kalambutan. Nasa loob ako ng isang maliit at puting kwarto. Hindi ko alam kung bakit ako nandito. Ang natatndaan ko lang ay tinanong nila ako kung anong nangyari sa bakasyon namin. Kung anong nangyari ng buong araw at gabi ng ikaw 29 ng Pebrero. Sinagot ko lamang ang tanong nila… Ikinuwento ko ang lahat-lahat ng nangyari. Pagkatapos ay may kung ano na lamang silang in-inejction sa akin na hindi ko alam. Nagsimula na namang akong mahilo at makatulog. Hanggang sa magising ako dito sa loob ng maliit na kwartong ito.

Ilang araw na nga ba ako dito?

Ilang buwan?

Ilang taon?

“M-miss, a-anong petsa na ngayon?”

Nakita kong tumingin ang babaeng nakaputi na pumupulot ng mga natapon na plato at kubyertos sa sahig sa isang lalaking nakatayo hindi kalayuan mula sa amin. Nakasuot rin ng puti ang lalaki at may stethoscope na nakasabit sa leeg. May katabi itong isang lalaking nakasuot ng sombrero at leather jacket. Tumango ang lalaking nakaputi sa babae na tila ba binibigyan siya ng pahintulot na sumagot sa tanong ko.

“28thof February po… Leap year po ngayon…”

Nanalaki ang mga mata ko. Muling bumilis ang tibok ng puso ko… Hindi pwede… Hindi pwede mangyari ito… 28thof February na ngayon?! Taon ng bisyesto! Makikita ko na naman siya… Mgapaparamdam na naman siya… Papatayin na naman niya ako…

“I-ilabas ninyo ko dito,” nagkukumahog akong bumaba ng kama ngunit pinigilan ako ng lalaking nakaputi.

“Janine, relax ka lang. Walang mangyayaring masama sa iyo…”

“H-hindi, kailangan kong makalabas dito.. Kailangan kong makatakas.. Kailangan kong magtago! P-please.”

Muling pumasok ang tatlong lalaking nakaputi na lagi nag-iinjection sa aking ng kung anu-ano. May dala silang straight jacket na pilit na pinapasuot sa akin.

“”B-bitawan niya ako… H-hindi ako baliw. Hhindi ako balaiw! Totoo lahat ng sinabi ko tungkol sa kanya… Totoo siya.. Pinatay niya ang mga kabigan ko.. Pinatay niya lahat ng mga tao sa resort. Babalik siya bukas para patayin ako. Please… Pakawalan ninyo ako…”

Naramdamna ko ang sakit ng karayom ng injection sa may braso ko na dahilan upang muli akong manghina… Muling manlabo ang paningin ko. Bakit ba walang naniniwala sa akin…Hindi ako baliw… Hindi ako ang pumatay sa kanila. Hindi ako… “M-maniwala kayo… Babalik siya.. Babalik siya bukas.. Babalik siya upang patayin rin ako… Please, maniwala kayo sakin.. Pakawalan ninyo ako.. Pakwalan ninyo ako!!!!: