noveltoon logo noveltoon
29th of February

Chapter 6

Ch. 7 / 32 Feb 09, 2022

“SALAMAT mang Potpot ah. Heto po ang bayad namin,” sabi ni Jason, ang may-ari ng itim na pick up na nakaparada hindi kalayuan sa sasakyan nang bagong dating na sina Kiko. Inabot niya ang sampung papel na tig-iisang libo sa matandang kausap.

“Pasensya na kayo at napaaga ang dating nina sir Francis,” paumanhin pa ni mang Potpot bago tinanggap ang pera na inaabot ng kausap.

“Okey lang po ‘yung mang Potpot, nag-enjoy naman po kami sa tatlong araw namin dito,” nakangiting sagot ni Grace, ang girlfriend ni Jason na nag-aayos ng tent.

Na-trip-an ng magbabarkadang sina Jason, Eric at Jhunel na mag-outing sa Sarao’s White Paradise kasama ang kanya-kanyang girlfriend na sina Grace, Kristen at Milly. Nagtayo pa sila ng tent malapit sa may dagat at nagbaon ng maraming pagkain. Balita kasi sa bayan na may magandang resort na kung tawagin at Sarao’s White Paradise. Kailangan nga lamang tahakin ang tatlong oras na byahe mula sa bayan bago marating ang resort. Hindi man sila sigurado kung papapasukin sa loob ng resort ay itinuloy pa rin nila ang trip na iyon at sa usapang sampung libo ay pinayagan sila ni mang Potpot na mag-outing doon. Limang araw ang usapan pero dahil napaaga nang dating ang may-ari ng resort kasama ang barkada nito ay wala silang magagawa kung hindi ang umalis. Ayaw naman nilang bigyan ng problema so mang Potpot nang dahil sa pakiusap nila.

“Okey na ba ang mga gamit?” tanong ni Eric.

“Yep, nasa pick up na halos lahat,” si Kristen ang sumagot.

“Teka, nasaan sina Jhunel at Milly?” takang tanong ulit ni Eric habang buhat–buhat ang mga lalagyan ng pagkain.

“Making out somewhere?” maarteng patanong na sagot ni Grace na sinindihan na ang hawak na sigarilyo.

“Again and again!” Kristen rolled her eyes. Sa tatlong araw at gabi nila sa resort ay halos hindi nila nakakasama ang dalawang tinutukoy. Palagi na lamang nagsosolo kung saang sulok ng resort o kahit sa loob pa ng gubat.

“Oh sige na, kailangan ko nang balikan ang mga bisita ni sir Francis sa mansion. Kayo nang bahala mag-ayos ng gamit ninyo. At h’wag na h’wag kayong mag-iiwan ng kahit na anong kalat, okey?” bilin ni mang Potpot pagkatapos maibulsa ang pera.

“Sige mang Potpot. Kami na po ang bahala. Salamat ulit,” ani Jason.

Tumango si mang Potpot bilang tugon bago naglakad pabalik ng mansion.

“Milly?” ani Kristen. Naagaw ang atensyon niya ng isang babaeng naglalakad palampas sa kanila. Napakuno’t noo pa siya nang makitang nakasuot ito ng isang pulang bestidang tila pantulog. Manipis na nightdress. Sinundan niya ito nang hindi man lang siya lingunin. Ayaw na kasi niyang magtagal pa sa resort na iyon. Sa tatlong araw na pamamalagi nila, palagi na lamang siyang may nararamdamang kakaibang lamig… Lamig o takot na hindi niya alam kung anong dahilan. “Milly, saan ka pupunta? Aalis na tayo. Saka bakit ganyan ang damit at buhok mo?”

Huminto ang babae sa paglalakad. Nakatalikod ito mula kay Krystel.

“Milly, halika na. Para makaalis na tayo dito. Ang creepy na kasi ng pakiramdam ko dito eh. Tara -” mabilis na nabitawan ni Kristen ang braso ng kausap na hinawakan niya. Napatingin siya sa sariling mga kamay na ngayon ay nanginginig na. Nababalot iyon ng malansa at mapulang likido na galling sa hinawakang braso. “M-milly…”

‘Papatayin kita!’

Tuluyan nang napaupo si Kristen sa buhanginan at napaatras nang humarap sa kanya ang kausap. Hindi ito si Milly. Isang babaeng magulo at makapl ang buhok na tumatakip halos sa duguang mukha nito.

“Kristen?”

Napalingon si Kristen kay Jayson na tumawag sa pangalan niya.

“Kristen, okey ka lang?” mabailis namang lumapit si Eric sa nobya nang mapansing namumutla ang mukha nito.

Ibinalik ni Krystel ang tingin sa babaeng kanina lang ay sinusundan at kinakausap niya. Pero wala na iyon sa harapan niya. Wala na rin ang mga dugong bumabalot sa kamay niya kanina lang. Tumayo na siya nang alalayan ni Eric. “O-oo… O-okey lang ako…” Inilibot pa niya ang mga tingin. Wala na talaga siya… Wala na ang duguang babaeng nakapula…

***

“HIHIHI… Teka… Teka… Nakikiliti ako… Hihihi,” malanding tawa ni Milly sa gingawang paghalik ni Jhunel sa may leeg niya.

“Milly, bilisan na natin… Hindi ko na kaya… Saka baka hinahanap na tayo nina Jayson,” ani Jhunel na sinimulan nang buksan ang butones ng blouse na suot ng nobya. Pumasok silang dalawa sa loob ng gubat at tumigil sa isang luma at sira-sirang maliit na bahay na tila abandonado na.

“Ikaw lang naman ang matagal eh,” ani Milly na tinatanggal na ang sinturon ng pantalon na suot ng nobyo.

Parehas na silang hubo’t-hubad at handa nang pag-isahin ang mga katawan nang biglang mapapitlag dahil sa malakas na ingay na narinig mula sa isang sulok.

Madilim sa loob ng maliit na bahay at tanging ang liwanag ng cellphone nilang nakabukas ang nagbibigay liwanag sa sulok kung nasaan silang dalawa.

“A-ano ‘yun?” Naramdaman ni Milly na tumitinding ang mga balahibo niya sa katawan sa hindi niya malamang dahilan.

“B-baka daga lang,” tugon ni Jhunel na nakakaramdam rin ng munting takot. Nilibot kasi nila ang buong bahay bago sinimulan ang mainit na halikan at wala silang kahit na anong nakitang peste na nakakalat. “Tara ituloy na natin…”

“A-ayoko na… W-wala na ako sa mood eh...” tanggi ni Milly. Tatayo na sana siya upang abutin ang namatay na cellphone sa may tabi at buksan para magliwanag nang marahas na hilahin ni Jhunel

“Anak ng p*tsa! Ano, ibibitin mo pa ako?”

“Eh wala na nga ako sa mood eh!” Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Milly mula sa nobyo.

“H’wag mo akong binibitin ng ganito Milita ha!” halos sigaw ni Jhunel.

Nagsimula namang humagulhol si Milly. Sa kabila nang pananakit na ginagawa sa kanya ni Jhunel ay hindi niya pa rin ito maiwan-iwan dahil na rin sa matinding pagmamahal niya dito. Ang binata kasi ang una niyang naging nobyo at ayaw na niya sanang magkaroon pa ng iba.

“Tumahimik ka d’yan, ayoko ng maingay!”

Tumalima si Milly at huminto sa pag-iyak.

“Bilisan na natin at baka iwanan pa tayo nina Jason.”

“O-oo,” nauutal na tugon ni Milly bago nagsimulang humalik muli sa leeg ng binata. Dinila-dilaan pa niya ang tainga nito upang mapalitan ang mood at manumbalik ang init sa katawan.

Muli namang napapikit si Jhunel at dinama ang ginagawang paghalik-halik ni Milly sa kanya. Nararamdaman niya ang muling pagtigas ng pagkalalaki niya at nawawala na ang kakaibang lamig na nararamdaman niya.

Pinagbuti ni Milly ang ginagawa hanggang sa maramdaman na niyang muli nang ipinapasok ng nobyo ang pagkalalaki nito sa kanya. Sabay na muling namatay ang cellphone nilang dalawa at dumilim ang paligid na hindi nila inalintana.

Isa iyon sa pinakagusto ni Jhunel sa nobya, sinusunod nito ang lahat ng gusto niya. Malapit na niyang maipasok ang kabuuan niya nang may bilga siyang maramdaman na matigas na bagay na tila bumaon sa may likod niya.

Patuloy naman sa ginagawa si Milly habang nakapikit kahit naramdaman niya ang tila biglang paghinto ni Jhunel sa pagsabay nang pagkilos niya.

“Arrkkkk…” Naramdaman ni Jhunel ang lalong pagdiin ng matalim na bagay na sumasaksak sa likod niya. Gusto niyang magsalita pero hindi niya magawa. Tila may kung anong malaking bagay ang nakabara sa lalamunan niya. Hanggang sa maramdaman niya ang tila pagtaas nang kung ano mula sa tyan niya palabas sa may bibig niya.

“O-oh my God!” Mabilis na naitulak ni Milly ang binata nang bigla itong sumuka ng dugo sa mukha niya. Kinapa niya ang cellphone niyang alam niyang nakakalat lang sa madilim na paligid. “Sh*t! J-Jhunel, a-anong nangyari!?”

Inalalayan ni Milly sa isang tabi ang nobyo na patuloy sa pagsuka ng dugo bago mabilis na isinuot ang mga panloob na napulot. “Oh-oh my God! J-jhunel may saksak ka!” Lalo siyang napasiksik sa sulok nang makapa ang malaking sugat sa may likod ng nobyo. Iginalaw-galaw niya ang hawak na cellphone, walang kahit na sino ang naabot ng liwanag nang cellphone na hawak niya.

Hirap na hirap naman nang makahinga si Jhunel na patuloy ang pagbulwak ng dugo mula sa bibig. Ramdam niya ang matinding sakit ng sugat sa may likuran niya. Pinilit niyang muling imulat ang mga matang bumibigat na ang mga talukap. Nag-aalalang mukha ni Milly ang kaagad niyang nakita.

“J-jhunel, a-aalalayan kita… L-lalabas tayo d-dito… H-hihingi tayo ng tulong,” naginginig ang boses na sabi ni Milly.

Pakiramdam ni Jhunel ay napalitan ng takot ang sakit na nararamdamamn niya nang makita ang isang bulto ng tao sa may likuran ng nobya.

“M-milly, sa likod -” Hindi na natapos ni Jhunel ang sinasabi ng biglang tumaga ang isang matalim na bolo sa may ulo ni Milly. Umabot ang talim niyon hanggang sa may kanang mata nito. Nalasahan na niya ang magkahalong dugo niya at dugong tumilabsik mula sa biak na ulo ni Milly. Namamanhid na ang katawan niya sa sakit at takot.

Muling binalot ng dilim ang buong paligid nang humagis sa kung saan ang cellphone na kanina lang ay hawak nang wala ng buhay na katawan ni Milly at bumagsak hindi kalayuan mula sa kinasisiksikan niya niya.

“P-Put*ng ina… K-kung s-sino ka man! M-magpakita ka sa akin!” hirap at naginginig niyang sigaw. Nagsimula siyang maglakad habang nakadikit sa butas-butas na dingding ang katawan. Napakadilim ng paligid. Ngunit bago pa man niya marating ang isa pang sulok ay muli niyang naramdamamn ang isang taga na tumama sa may binti niya… Naramdaman niya ang matinding sakit nang humiwalay iyon mula sa katawan niya. “Ahhh!!!!”

Hindi na niya nagawa pang bumangon nang mabilis na masundan ang taga sa may braso niya… Sa kabilang binti… Sa isang braso pa…

“Mamamatay kayong lahat….”

Pinilit niyang muling imulat ang mga mata… Wala na siyang kahit na anong nararamdaman kung hindi takot…

“M-maawa k-ka s-sa a-akin…”

Itinaas ng taong may hawak na lampara ang isang kamay kung nasaan ang bolo. Gumuhit ang malademonyong ngiti sa mga labi bago umakmang tatagain na sa mukha ang lalaking kaharap. “Papatayin ko kayong lahat…”

****

“Milly! Jhunel” malakas na tawag ni Kristen.

Bumalik muli sila sa loob ng gubat upang hanapin ang dalawang kaibigan. Sila nang nobyong si Eric ang magkasama at sina Jason at Grace naman ang magksama na bumalik sa may maliit na bahay na nadaanan nila kahapon.

“Guys, tama na ang making out. Ihahanap ko na lang kayo ng motel, pero umuwi na muna tayo!” si Eric naman ang suimigaw.

Biglang napalingon si Krysten sa may likuran. Batid niyang nasa may gitna na sila ng gubat at masyado ng malayo mula sa mansion ng mga Sarao.“E-eric, n-narinig mo ‘yun?”

“Alin?” kuno’t noong tanong ni Eric na hindi nililingon ang nobya at abala sa paghahanap ng signal nang hawak na cellphone upang matawagan ang mga kaibigan na hinahanp.

“Parang… Parang may umiiyak na babae…” kinikilabutang sagot ni Kristen habang palinga-linga. Hinahanap niya kung saan nanggagaling ang iyak na naririnig niya. Napalunok siya nang wala siyang kahit na sinong makita… Lalo siyang kinilabutan nang maramdaman na tila kasabay ng malamig na hanging yumayakap sa kanya ang mga iyak na naririnig.

“Paranoid ka Kristen, wala naman akong naririnig na kahit ano,” kunwa’y natatawang sagot ni Eric. Kahit naman kasi siya ay nakakaramdam ng malamig na hangin. Naagaw ng bilog na bilog na buwan ang mga tingin niya at wala sa loob na naibaba ang kamay na may hawak na cellphone. Kahit ang buwan ay may kakaibang takot na idinudulot sa kanya.

Napatingin si Kristen sa sariling braso. Kitang-kita niya ang pagtindig ng mga balahibo niya.

“Kristen!”

Muntik nang mapasigaw si Kristen nang may kamay na mahigpit na humawak sa may balikat niya. “Oh my God!” mabilis siyang napaatras nang makita si Jason. Duguan ang mukha at buong katawan at kababakasang hirap na sa paglalakad.

“J-jason, a-anong nangyari sa iyo?” Kahit si Eric ay hindi makalapit sa duguang kaibigan dahil na rin sa takot.

“S-si Grace… P-pinatay niya si Grace...” Nahihirapang sabi ni Jason.

“A-anong s-sinasabi mo? A-anong nangyari?!” tanong ni Eric.

“P-pinatay n-niya si Grace… N-nandyan na siya…. Nand’yan -”

“Eeeehhhh!!!” Hindi na napigilan ni Kristen ang mapatili nang bigla na lamang may lumabas na talim ng bolo mula sa nakaawang na mga labi ng duguang binata.

At bago pa magawang tumakbo ni Eric palapit sa nobya ay may malakas ng taga ang naramdaman niya sa may balikat niya. Babae? Hindi… Parang lalaki… Hindi niya mawari kung sino ito. Isang taong nakasuot ng pulang bestida at makapal ang mahaba at nanlalagkit sa dugo na buhok ang may hawak ng matalim na bolo. “Kristen, takbo!!!”

Nagsimulang mangatal ang mga labi ni Krysten. Nakita niya ang muling pagtaga ng taong nakapula sa nobyong mabilis na bumagsak sa damuhan at kumulat ang dugo mula sa iba’t-ibang malaking sugat sa katawan.

“Kristen, t-tumakbo ka na! T-takbo!!!!”

Nangangatog ang mga tuhod na kumilos si Kristen. Tumakbo siya nang tumakbo. Hindi malinaw sa isipan kung saan siya sa maaaari at dapat na pumunta. Hanggang sa matanaw niya ang itim na pick-up. Magulo ang isip na sumakay siya doon at kinuha ang susi mula sa bulsa bago binuhay ang makina ang sasakayan. Mabilis niya iyong pinatakbo. Kailangan niyang makalayo. Kailangan niyang makatakas sa taong nakapula… Kailangan niyang iligtas ang sarili niya… Kailangan niyang mabuhay.

Nabaling ang tingin niya sa side mirror nang minamanehong sasakyan. Hindi niya na tanaw ang Sarao’s White Paradise…. Nakatakas na siya! Mabubuhay na siya!

Pero nanlaki ang mga mata niya ng subukin na pabagalin ang sasakyan. “Sh*t! A-ayaw gumana ng preno!?”

****

MABIGAT at masakit ang pakiramdam ni mang Potpot nang imulat ang mga mata. Inilibot niya ang nanlalabong pang mga paningin sa paligid.

“N-nasaan ako?” Kasunod nang tuluyang paglinaw nang paningin niya ay ang pagtantong nakatali siya mula sa kinauupuan. Sapat lamang ang liwanag mula sa lamparang nasa ibabaw ng lamesang hindi kalayuan mula sa kanya upang malaman niya kung nasaan siya. Isang pamilyar na kwarto o tila maliit na bahay na labis ang takot na dulot sa kanya. Katabi ng lampara ang isang tila lumang tool box ngunit puno ng gamit. Kasunod nang pamimilog ng mga mata niya ay ang malakas na kabasa may dibdib niya nang mapansin ang ilang putol-putol na parte ng katawan ng tao. Nagkalat sa paligid ng mga iyon ang nanlalagkit at nilalangaw na dugo.

“Nakalimutan mo na pala ang lugar na ito mang Potpot…”

“S-sino ‘yan?” Hindi niya gusto ang matinding takot na nararamdaman na nagpapanginig ng buong katawan niya.

“Ang bilis mo namang makalimot…”

Narinig niya ang mga yabag mula sa may likuran niyang hindi niya magawang lingunin. Naglakad ang may-ari ng boses babae patungo sa harapan niya. Napalunok siya nang makita ang isang babaeng nakasuot ng matingkad na kulay pulang bestidang tila pantulog. Magkahalong putik at dugo ang bumabalot sa paa nito hanggang sa may binti na halos umabot sa may tuhod. May sako ito sa may ulo na may mantsa ng dugo kung saan may sumusunod at dumadapo na mga langaw.

Nagsimulang tumawa ang babae. Malakas… Malakas na malakas… “Hindi mo pa rin ba natatandaan mang Potpot? Parang kailan lang…”

“A-ano bang sinasabi mo? W-wala akong maalala… Sino ka ba? K-kaninong mga paa at kamay ‘yan!?”

Huminto sa pagtawa ang babae at nakatigil lamang sa kinatatayuan na tila nakatitig sa nakagapos na si mang Potpot. “Wala kang matandaan? Sige… Ipapaalala ko sa iyo lahat…”

“A-anong gagawin mo?” nanginginig na tanong niya nang makita ang tila panyong hawak ng babae na naglakad palapit sa kanya.

“Naalala ko ‘yung narinig ko noon… Hindi mo mararamdaman ang sakit kapag hindi mo nakikita.”

Tuluyan ng dumilim ang paningin ni mang Potpot nang itali ng babae ang panyo sa may mga mata niya. “W-wala akong k-kasalanan…”

Muling tumawa nang malakas ang babae. Ngunit sa oras na iyon ay mas nakapangingilabot… Tila nanggagaling sa ilalim ng lupa. “Oh bakit parang bigla kang may naalala mang Potpot? Hindi ko pa nga sinisimulang ipaalala sa iyo eh…”

“P-please… Maawa ka sa akin... W-wala akong kasalanan,” pagmamakaawa niya. Narinig niya ang pagkalikot ng babae sa toolbox na tila may hinahanap.

“Here we go…” Nagsimulang muling maglakad ang babae patungo sa may likuran ni mang Potpot kung saan nakatali ang mga kamay ng matanda. Iginuhit niya ang nakakatakot na ngisi sa mga labi.

“Ahhhh!!!” Naramdaman ni mang Potpot ang pagplais ng babae sa hinlalaki ng kanang kamay niya. Narinig pa niya ang pagkadurog ng buto niyon sa loob.

“Aw, masy’ado yatang mabilis… Bagalan natin para mas maramdaman mo mang Potpot ha?”

“Ahhh! Tama na!!!!” Naramdaman niya muli ang pag-ipit ng palis sa may hintuturo niya. Ngunit ng mga oras na iyon, mas mabagal ang paghigpit ng plais. Mas ramdam niya ang sakit lalo na nang dahan-dahan ang ginawang pagdurog ng babae sa hintuturo niya. “Tulungan ninyo ako!!! Ahhhh!!! Tama na!!!”

“Sige!!! Sigaw!!! Sumigaw ka pa!! ‘Yung malakas!!! Malakas na malakas!!!”

Tuluyan nang napaihi sa kinauupuan ang matanda. Kinakapos na siya ng hininga dahil sa sakit na nararamdaman at sa sigaw na ginagawa. “Ahhh!!! Ayoko na parang awa mo na!!!” Nasa may palasinsingang daliri na niya nakaipit ang plais ngunit sa halip na durugin agad ang daliri niya ay ilang beses iyong pinilipit ng babae. Naramdaman niya ang pagpunit ng balat ng daliri niya at pagkalas ng buto niyon hanggang sa tuluyan nang nahiwalay mula sa kamay niya.

Mabilis at malalim na ang paghinga ni mang Potpot. Nagsisimula nang mamanhid ang kanang kamay niya nang mapunta sa may hinlalaki ng kaliwang kamay niya ang plais na hawak ng babae. Muli iyong nagsimulang pumilipit at umikot pa nang makailang ulit. Dahan-dahan… Hanggang sa mapunit na ang balat ng hinalalaki niya mula sa kamay niya. “Tama na!!! Parang awa mo na!!! Patayin mo na lang ako!!!”

Huminto ang babae sa ginagawa. Gumuhit ang ngiting demonyo sa mga labi niya. Bigla niyang binatawan ang plais at pinunasan ang mukhang may bahid na ng dugo mula sa kamay ng matanda. Tingggal niya ang piring sa mga mata ni mang Potpot bago inilipat sa may bibig at tumungo sa harapan nito. Dahan-dahan niyang tinanggal ang sako na tumatakip sa ulo niya.

Nanlaki ang mga mata ni mang Potpot. Hindi siya makapaniwala nang makita ang mukha ng babae. Maraming iba’t-ibang taong ang namuo sa isip niya. Hindi na niya alam kung ano pang iisipin. Siya? Paanong nangyari? Bakit?

Tumayo ang babae at kinuha ang pala sa hindi kalayuan bago dahan-dahang naglakad muli palapit sa matanda habang hila-hila ang mabigat at malaking pala.

Halos mabingi ang matanda sa ingay na ginagawa ng mabigat na palang kumikiskis sa sementadong sahig.

“Para mas maramdaman mo ang sakit. Kailangan makita mo kung paano kita papatayin, mang Potpot.”