noveltoon logo noveltoon
29th of February

Chapter 17

Ch. 18 / 32 Feb 09, 2022

“HAPPY monthsary, babe!”

Napatayo si Vernon mula sa kinauupuan bago inilibot ang paningin sa paligid. Pumasok saglit sa kwarto at dumiretso sa may banyo. Kaagad siyang bumalik sa kinatatayuan ni Janine, kinuha ang hawak nitong plato ng pesto para sa munting selebrasyon nila at inilagay sa ibabaw ng lamesa. Ikinulong niya sa mga palad ang mukha ni Janine, hinaplos ng hinalalaki ang makinis nitong pisngi pababa sa may leeg bago itinuloy na yakapin ng mahigpit. “Oh God! Thank you, she’s safe!”

“B-babe? Are you okey? What happened?” nagtatakang tanong ni Janine. Bigla na lang kasi natulala si Vernon ng lapitan nya itong upang batiin ng monthsary nila at ngayon ay may kakaibang ikinikilos.

Isang napakalalim na buntong hininga ang binitawan ni Vernon bago pinalaya ang katawan ng nobya mula sa sariling mga bisig. Tumalikod siya bago tinuloy na inihilamos ang mga palad sa buong mukha.

“B-babe?” humakbang si Janine palapit sa nobyo at humawak sa braso nito. Sinalat pa niya ang leeg at noo nito pero normal naman ang temperature ng binata.

Humarap si Vernon kay Janine. “Janine, tell me you love me.”

“I-I love you,” tugon ni Janine. Ngayon lang ult siya tinawag ng nobyo sa pangalan niya.

Mas mahigpit na niyakap ni Vernon si Janine ngayon. “Sabihin mo sa akin na mamahalin mo pa rin ako kahit ano pa man ang mangyari.”

“V-vernon, ano ba ‘to? Hindi na kita maintindihinan.”

“Just tell me na mamahalin mo pa rin ako kahit ano pa man ang mangyari,” lumayo si Vernon ng bahagya bago muling ikinulong sa mga palad ang pisngi ng dalaga. “O kahit ano pa mang malaman mo…”

Napalunok si Janine ng maramdaman na humihigpit na ang hawak ng nobyo sa mukha niya. Marahas na… Parang… Parang isa lang ang nais nitong marinig na maging sagot niya. “Y-yes, I will stay to love you babe.”

Napalingon sila pareho sa may pinto kung saan may malakas na kumakatok na tila nais ng wasakin ang pinto ng kwarto nila. Lalo kinabahan si Janine, pakiramdam niya ay may mga susunod na hindi magandang mangyayari.

***

INILAPAG ni Rency ang hawak na pocketbook sa may katabing lamesa bago tinanggal ang headset sa magkabilang tainga. Bigla kasing bumukas ang bintana kung saan pumapasok ang malamig na hingin at umiihip sa makapal na kurtina. Hindi na niya namalayan ang oras dahil sa pagbabasa ng mga dalang pocketbook. Tumayo na siya mula sa kama at lumapit sa may bintana upang isara iyon. Medyo mahina na ang ulan pero malakas pa rin ang hangin. Napapitlag siya ng maisara ang bintana dahil sa ingay ng lumalangingit na pinto ng malaking cabinet na nakapwesto sa isang sulok ng kwarto. Napalingon siya bago napalunok ng makitang bahagya na iyong nakabukas.

Kinakabahang naglakad siya palapit sa cabinet na malaki pa sa kanya na hindi na niya makita ang mga gamit sa loob sobrang dilim. Akmang dahan-dahan na niyang isasarado iyon upang matapos na ang kaba niya.

“Fvck!”

Isang duguang kamay na may mahahaba at maiitim na kukong tila patay na ang mahgipit na kumapit sa braso ni Rency. Tumutusok pa ang mga kuko niyon sa balat niya. Nagsimulang magpatay bukas ang ilaw na sinasabayan ng malakas na kulog at kidlat sa labas.

“L-let me go!” naiiyak na sigaw ni Rency. Nasasaktan na siya sa higpit sa braso niya na nagsisimula ng mamula.

“Rency!”

Isang pares ng mga kamay ang naramdaman niya sa may balikat at hinila siya mula sa duguang kamay na nasa loob ng cabinet. Bumitaw naman sa wakas ang duguang kamay kasunod ang pagpasok muli sa loob at malakas na pagsara.

“M-marvin…” Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya ng mapaharap sa namamay-ari ng pares ng mga kamay na tumulong siya kanyang bawiin ang braso niya. Kasunod ng paghakbang niya paatras ay ang panunumbalik ng maayos na liwanag ng ilaw.

“Rency, makinig ka sa akin…”

“S-sino kaba talaga? A-ano…Ano bang gusto mo?”

“Rency, gusto lang kitang iligtas. Kailangan mo ng umalis dito!”

Nabakasan niya ang pag-aalala sa mukha n Marvin . “Marvin, a-ano ka ba talaga?” napapaluok na sabi niya. “Are you a ghost?”

Hindi sumagot ang binata at nanataling nakatitig sa mukha ni Rency.

“Rency! Rency, open the door!”

Napalingon si Rency sa may pinto kung saan may malakas na kumakatok at naghahalo-halo ang mga boses nina Phoebe, Janine at Gabby sa labas na tumatawag sa pangalan niya. Mabilis niyang tinungo ang pinto.

“H’wag!”

Napahinto siya sa gagawing pagpihit sana ng seradura dahil sa malakas na sigaw ni Marvin.

“H’wag kang magtitiwala kanino man sa kanila…”

Hindi na nakinig si Rency at tuluyan ng binuksan ang pinto.

“Oh God!” mahigpit na niyakap ni Janine si Rency. “Akala ko kung ano nang nangyari sa iyo!”

Nagtatakang napatingin si Rency sa mga taong nasa may likuran ni Janine. Lahat ay bakas ang pag-aalala sa mukha. Kaagad na napunta ang tingin niya kay JC na nasa pagitan nina Mon at Vernon, maputla kasi ang mukha nito na tila nakakita ng kung ano. “Anong nangyari kay JC?”

“Nakita niya ang katawan ni Emma…. Nakahiwalay ang katawan ni Emma sa ulo niya. Pupuntahan namin si Madz sa Sauna and we need to stick together, Rency,” si Phoebe ang sumagot.

“Nasaan sina Tims at Claud?” muling tanong ni Rency.

“Wala sila sa kwarto sa kwarto,” sagot ni Janine. “Anong nangyari sa iyo? Bakit ang tagal mo buksan ang pinto? Akala namin ay may masama na ring nangyari sa iyo.”

Wala sa loob na naibalik ni Rency ang tingin sa loob ng kwarto. Bukas na ulit ang bintana at hinihipan ng malamig na hangin ang kurtina. Ngunit wala ng kahit na anong bakas na may kasama o kausap siya doon kanina. Wala man ang bakas ni Marvin, tila naririnig pa rin niya ang huling sinabi nito.

‘H’wag kang magtitiwala kanino man sa kanila…’

***

“OH my God!” Natutop ni JC ang bibig ng mabuksan ang pinto ng Sauna room at tumabad sa kanya ang katawan ni Madz. Si Madz na nasa bangungot niya kanina lang. Si Madz na wala na ring buhay.

Nanlaki ang mga ni Kiko sa nakita.

Napakapit si Rency sa kamay ni Phoebe.

Mabilis na niyakap ni Vernon si Janine.

“Sweety!”

Sabay-sabay halos lahat napatingin ang lahat sa sumigaw na si Mon. Nasa mga bisig na ng binata ang walang malay na si Gabby. Kaagad namang binuhat ni Mon si Gabby at naglakad pabalik sa sala at inihiga ang walang malay na dalaga sa sofa.

“I told you guys, hindi magandang ideya ang pagbalik natin dito,” halos hindi maghiwalay ang mga ngipin ni Mon sa sinabing iyon. Mula kay Gabby ay ibinaling niya ang matalim na tingin kay Kiko. “Kasalanan mo lahat ng ‘to.

“Whoa! Pare, nag-suggest lang ako ng place. Kaya h’wag mo akong sisisihin!”

“Tama si Mon. Noong umpisa pa lang ramdam ko ng ikaw ang may pakana ng lahat ng ito. Nasaan si Claud, Kiko?! Ilabas mo si Claud!”

“P*tang ina, isa ka pa JC! Sabi ng wala akong alam dito!”

“Pare, tama na!” awat ni Vernon ng akmang manunugod na si Kiko upang suntukin si JC.

Napatingin si Kiko sa braso k niya kung saan nakahawak ang kamay ni Vernon. Ito lang talaga ang nakakapagpakalma sa kanya kahit paano.

“H-hindi kaya si mang Potpot ang may kasalanan?” nanginginig na sabi ni Phoebe habang hawak ng mahigpit ang kamay ni Rency.

“Oh c’mmon, Phibs!”

“Kiko, can’t you see… Hindi na siya nagpakita buhat ng ibigay niya sa atin ang mga susi at gamit na kailangan natin,” hindi na napaigilan ni Phoebe na sarili na mapataas ang boses.

“Pero bakit niya naman gagawin ang mga ito?! B-bakit niya papatayin sina Emma?” ngayon lang nagawang magsalita ni Rency. Inipon pa niya ang lakas upang mabuka ang bibig at makapagsalita.

Hindi na sumagot si Phoebe kahit may gusto pa siyang sabihin. Ayaw niyang pagsimulan siya ng mas magulong usapan ng nangyayari.

“Bakit kasi hindi mo pa aminin Kiko na ikaw ang may kasalanan at kagagawan ng lahat ng ito!”

“Sigurado ka bang ako ang may kasalanan ng mga nangyayaring ito ngayon, Mon?” gumuhit na ang ngisi sa mga labi ni Kiko. “Gusto mo bang sabihin ko sa kanila kung ano ang posibleng dahilan ng mga nangyayaring ito, Mon Sario?”

“Francis, tama na,” hindi na napigilang saway ni Vernon.

“May dapat ba kaming malaman?” tanong ni Janine. Hindi na niya nagugusuhan ang batuhan ng salita ng Perwisyo Boys. Lalo lang siyang pinapakaba ng mga ito.

“Why don’t you ask Vernon, Janine?”

Saglit na naghari ang nakabibinging katamihikan. Hindi magawang salubungin ni Vernon ang nagtatanong na tingin ni Janine.

“Sweety?”

Napalingon ang lahat sa may sofa. Pinanumalikan na ng malay si Gabby.

“Sweety, magpahinga ka muna,” mabilis na lumapit si Mon kay Gabby at umupo sa may tabi nito.

“What happened?” may pagtatakang tanong niya ng makitang nakatayo hindi kalayuan mula sa kanila ni Mon ang mga kasama. Biglang nanlaki ang mga mata niya ng magsimulang maalala ang lahat… Ang katawan ni Emma na nakahiwalay na ulo nito at ngayon ay ang halos sunog na katawan ni Madz sa Sauna room. Nagsimulang manginig ang katawan niya. “O-oh my…. S-sina….” Hindi na niya nagawang ituloy ang sasabihin at nagsimula ng humagulhol.

“Shhh.. Sweety, tama na…” niyakap na ni Mon ang dalaga. Pinipilit niyang labanan ang takot na nararamdaman.

“I-I can’t… Headless body, Madz’s dead body and killers… Nasa paligid lang sila… We’re gonna die… We’re all gonna Ahhhh!!!”

Umalingawngaw ang halo-halong sigawan dahil sa biglang pagkamatay ng mga ilaw. Nagdilim ang buong mansion at tanging liwanag ng kidlat sa labas ang saglit na nagbibigay liwanag.

Muling napahawak ng mahigpit si Rency sa kamay ni Phoebe. Kanina pa niya gustong magsalita pero pinipigilan na niya ang sarili… Ang katawan ni Emma na walang ulo at lapnos na katawan ni Madz, nakita na niya ang mga iyon…. Nakita na niya sa panaginip niya. Tama si Gabby, mamatay silang lahat…

“Guys, relax humawak kayo sa isa’t isa. We need to stay together!” sigaw ni Vernon na nagpahinto sa tilian ng mga babae. May hawak siyang lighter na sa wakas ay nagbigay ng pansamantalang liwanag.

Nilabas na rin ni Phoebe ang cellphone upang makapagdagdag ng liwanag.

“JC, saan ka pupunta?” tanong ni Janine ng mapansing naglalakad na ang binata patungo sa may pinto na palabas ng mansion.

“Hahanapin ko si Claud.”

“JC, you can’t leave! Mas safe kung magkakasama tayong lahat,” matigas na sabi ni Vernon.

“Mag-stick kayo together kung gusto niya at wala akong pakialam. Gagawin ko kung anong gusto ko!”

“Tsk! Babe, stay here. H’wag kang hihiwalay kina Phobe kahit anong mangyari. Susundan ko si JC, kailngan bumalik siya dito!” bilin ni Vernon na hindi na nahintay pang makasagot ang kausap at naglakad na palabas ng mansion upang sundan si JC.

“Mapatunayan ko lang talaga na si mang Potpot ang may kagagawan nito, mananagot siya sa akin!” Halos hindi naghiwalay ang mga ngipin ni Kiko sa sinabin iyon.

“Cis, saan ka pupunta?” tanong ni Phobe ng magsimulang ilabas ni Kiko ang cellphone at gawing pang-ilaw sa nilalakaran nito.

“Sabi ni Vernon hindi tayo dapat maghiwa-hiwalay,” sabi ni Janine.

“Wala akong pakialam sa sinabi ng boyfriend mo, Janine. Kung nakita ni JC ang ulo ni Emma, ako ang hahanap sa ulo ni mang potpot!”

Isang buntong hininga ang binitawan ni Phobe habang nakahatid tanaw sa nobyong nilalamon na ng dilim.

“Kukuha lang ako ng mga kandila sa may kusina,” paalam ni Janine ng maalala ang mga nakitang kandila kanina habang nagluluto ng pesto.

“Okey lang ba kung hindi na kita samahan? I’ll stay here with Phoebe, medyo natatakot kasi ako,” ani Rency.

Ngumiti naman si Janine at tumango bilang tugon. Ramdam niya ang takot ni Rency dahil sa nangyayai. Gusto niya tuloy na sisihin ang sarili dahil pati ito ay nadadamay ngayon. Nagpatuloy na siya sa paglalakad patungong kusina habang hawak ang cellphone bilang pang-ilaw.

“Sweety, I need to get my cellphone. Kailangan kong tawagan sina Papa at kuya,” naiiyak na sabi ni Gabby.

“I’ll get it for you.”

“No!” Mabilis n hinawakan ni Gabby ang braso ng papatayong si Mon upang pigilan. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay maaaring may masamang mangyari sa kanya anumang oras. Pakiramdam niya ay isa sa mga kasama niya ang salarin sa mga nangyayari. At isa lang ang maaari niyang pagkatiwalaan…. Tanging ang nobyong si Mon lamang. “Sasama ako…”

“Paano sina Phoebe?” bumaling ang tingin ni Mon sa dalawang dalagang nakaupo sa may sofa.

“G-gusto ninyo bang sumama?” may pag-aalilangang tanong ni Gabby.

“Sige sasama –” napahinto si Rency sa sasabhin ng maramdaman ang mahinang pagpisil ni Phoebe sa kamay niya. Nakuha kaagad niya ang ibig nitong ipahiwatig. “We’ll stay here. We’ll be fine, don’t worry.”

“Are you sure, guys?” nag-aalalang tanong ni Mon. Hindi man siya malapit sa mga ito ay mga babae pa rin ang mga ito na kailangan niyang bantayan bilang nag-iisang lalaki na natira.

“Yes, pabalik na rin naman sina Janine and Vernon,” si Phoebe ang sumagot.

“Sige, babalik rin kami kaagad,” muling paalam ni Mon bago inalalayan ang nobyang maglakad patungo sa may hagdan.

Habang nilalalmon ng dilim ang dalawa ay unti-unti na ring nawawala ang ngiti sa mga labi ni Rency. Batid niyan hindi rin sila nais isama ni Gabby, na wala itong tiwala sa kanila at iyon ang nais ipahiwatig ni Phoebe sa kanya. Kahit mahigpit ang hawak ng katabi sa kamay niya ay muli pinanunumbalikan ng takot ang katawan niya. Ang duguang katawan ni Emma na nakahiwalay sa ulo nito… Ang lapnos at wala na ring buhay na katawan ni Madz… At anong susunod na mangyayari? Parang ayaw na niyang isipan pa. Mas nakakadagdag ng kaba niya ang batuhan ng salita ng mga Perwiyo Boys kanina. Ano bang hndi nila alam? Ano ang dapat nilang malaman? At paano nga kung… Kung isa sa mga kasama niya ang may kagagawan ng lahat g nangyayari?

“Rency, okey ka lang?”

Ngumiti na lang si Rency bilang tugon sa tanong na iyon ng katabi niya. Sabay pa silang napapitlag ni Phoebe ng biglang bumukas ang pinto kung saan lumabas si Vernon. Walang sinoman ang naandoon o pumasok kung hindi ang isang malakas at malamig na hanging yumakap sa katawan ni Rency. Napalunok siya ng tila may naririnig na kung anong sumasabay sa ihip ng hangin na dumadaan. Pamilyar na boses at bulong.

H’wag kang magtitiwala kanino man sa kanila…’

****

“Pare, teka nga!” Sa wakas ay napigilan ni Vernon si JC bago pa tuluyang makalabas ng balkonahe ng mansion.

“What?” paasik na tanong ni JC na humarap kay Vernon.

“Saa ka ba pupunta?”

“Hahanapin ko si Claud!”

“Saan mo siya hahanapin? Paano kung –“

“Shut up Vernon! Alam kong buhay si Claud! Nararamdaman kong buhay siya kaya kailangan ko siyang hanapin!” malakas na sagot ni JC. Labis siyang nako-konsyensya kapag naaalala ang nakitang bangkay ni Madz. Hindi niya ito nailigtas kaya kailangan niyang mailigtas si Claud sa kung ano pa mang kapahamakan ang naghihintay dito.

“Pero mas safe kung magkakasama tayong lahat. Hintayin nating mag-umaga at sabay-sabay nating hahapin si Claud,” ani Vernon. Ayaw na niyang may mapahamak pa sa mga kasama niya.

“No Vernon! Hindi ako papasok d’yan para lang magpalipas ng gabi ng walang kahit na anong ginagawa. Paano kung nasa panganib nga ang buhay ni Claud ngayon? Paano kung anumang oras ay maaari siyang mamatay?! Vernon,” hinawakan ni JC sa magkabilang balikat ang kaharap na binata. “Paano kung si Janine ang nawawala ngayon? Sigurado ako na mas malala pa sa ginagawa ko ngayon ang magagawa mo.”

Batid ni Vernon na tama ang kaibigan. Kung ang nobya niya ang nawawala ay hindi niya hahayanang magpalipas ng gabi ng hindi kumukilos upang hanapin ito. Mukhang hindi na niya talaga makukumbinsi pa si JC na bumalik sa loob. “I’ll go with you.”

“No, balikan mo na sina Janine. Hindi ko alam pare, pero feeling ko hindi sila safe kapag kasama nila si Kiko.”

“Kiko?” takang ulit niya.

“Ayokong mag-bintang dahil wala naman akong kahit na anong katibayan. Pero pare, alam nating lahat na ideya niya ang pagbalik natin dito sa resort na ‘to.

Vernon, hangga’t maaari ay ilayo mo sila kay Kiko.”

Hindi na nakasagot pa si Vernon sa sinabing iyon ni JC. Wala siyang makapang salita at mas lalong hindi siya makapniwala. Kaibigan niya si Kiko at kilala niya ito. Kilala niya nga ba ang kaibigan na halos kapatid na ang turing niya?

“Sige na pare, aalis na ako.”

Naiwang nakatulala at nakahatid ng tanaw si Vernon kay JC.

Tumuloy naman ng lumabas si JC at sumugod sa malakas na ulan. Mabilis niyang kinuha ang susi mula sa bulsa at binuksan ang pinto ng van na nilapitan. Saglit pa niyang pinagpagan ang nabasang ulo at jacket na suot ng makapasok bago sinimulag buhayin ang makina ng sasakyan. Hindi niya alam kung tama ang pupuntahan niya ngunit gusto niya pa ring subukan. Wala sa buong mansion si Claud at isa lang ang lugar na alam niyang maaaring pagdalhan dito ng kung sino mang nanggugulo sa kanila ngayon. Ang luma at maliit na bahay sa may gubat.

“Bahala na,” bulong niya bago tumingin at hinawakan ang rearview mirror upang ayusin ang pwesto. Pero nanlaki ang mga mata niya ng makitang may tao sa likuran niya. At bago pa siya nakakilos ay may kung anong matigas na bagay na ang malakas na pumalo sa ulo niya. Nagsimula ng umikot ang paningin niya… Hanggang sa tuluyan ng nagdilim ang lahat sa kanya…