29th of February
3:00 A.m.
BASANG-basa na ng magkahalong luha at pawis ang mukha ni Rency. Nagising na lamang siya na nakatali sa isang upuan na nasa loob ng isang maliit na bahay. Ang maliit na bahay na hinding-hindi niya makakalimutan.
Tanging isang maliit na kandila lamang sa may kalapit na lamesa ang nagbibigay liwanag sa paligid. Kanina pa siya sumisigaw at humihingi ng tulong ngunit mga kulog at kidlat lamang ang sumasagot sa kanya.
Napalingon siya sa may sira-sirang bintana dahil sa kaluskos na narinig. Isang malabong pigura ng tao ang nakita niya. Hindi siya maaaring magkamali… Kilala niya iyon. “M-marvin.. Marvin tulungan mo ako…”
Naglakad palapit si Marvin sa may liwanag na sapat lamang upang makita ito ni Rency. Malungkot na umiling. “Patawad pero hanggang dito na lang ako…. Binalaan na kita… Dapat nakinig ka sa akin… Dapat noong una pa lang ay umalis ka na…”
Lalo siyang napaiyak sa sinabing iyon ni Marvin. Mamatay na ba siya kagaya ng nakita niya sa bangungot niya?
Sabay silang napalingon sa pintuang lumalangitngit at dahan-dahang bumubukas. At sa pagluwa ng pinto sa isang babaneg nakapula na may sako sa ulo ay ang tuluyan ng paglaho ni Marvin sa hangin.
“O-oh m-my G-God! You’re real!” naginginig na kahit ang boses niya. “P-please…. M-maawa k-ka s-sa a-akin.”
Lumapit ang babae sa lamesa kung nasaan ang isang tool box.
“N-no… N-no… Please….” Nanginig na ang buong katawan niya ng makita ang kinuha ng babae mula sa loob ng kahon. Isang plais!
“Tsk. Tsk. Tsk. Ikaw naman kasi Rency… Sumama-sama ka pa…” Nagsimulang maglakad palapit ng babae sa kinauupuan niya.
Nanginginig na ang lahat sa kanya. Pamilyar ang boses ng babae sa kanya pero ayaw na niyang isipin kung sino ito… Mas gusto niyang isipin kung mabubuhay pa ba siya.
“Ang hirap kasi sa ‘yo, mas’yado kang pakialamera at ususera… Makikita po ang napapala ng isang kagaya mong sabit sa barkada!”
“P-please…. K-kung sino ka man… W-wala akong kasalanan sa iyo…” Hindi niya lubos maisip kung paano at bakit ba siya nadamay. Okey lang sa kanya kahit habang buhay siyang walang love life basta… Basta mabuhay lang siya… “Bitawan mo ako!”
“Ah!” dumugo ang kamay ng babaeng nakapula dahil sa madiing pagkagat na ginawa ni rency. Kaagad nitong hinampas ng hawak na plais ang kaharap na dalaga.
Nagsimulang umikot ang paligid ni Rency.
Napangisi ang babae. “Hindi naman kita dapat papahirapan eh. Pero dahil gusto mo ng laro, sige pagbibigyan kita.”
Hindi na nagawa pang muling iiwas ni Rency ang baba ng hawakan ng babaeng nakapula dahil sa matinding pagkahilo.
“Let’s play a game, Rency…”
Ramdam niya ang malapot na dugong tumutulo na ngayon sa mukha niya mula sa pumutok na noo.
“Kapag nasagot mo ng tama ang tanong ko…. Makakaalis ka na…”
Kilala niya ito… Kilala niya ang babaeng ito pero bakit ayaw gumana ng isip niya para maalala pa kung sino ito. Muli niyang itinuon ang nalalabong paningin sa mabahong sako na nasa ulo nito.
“Sagutin mo ng tama ang tanong ko para mabuhay ka…”
Kaya pa ba niyang sumagot? Kaya pa ba niyang mag-isip ng tama? Kailangan niyang kayanin para mabuhay siya…
“Kilala mo ba kung sino ako?”
“H-hindi kita kilala… Wala akong kasalanan sa iyo… Hindi ako parte ng buhay mo… P-parang awa mo na… P-pakawalan mo na ako…”
“Tsk. Tsk. Tsk. Sigurado ka?”
Hindi na siya nakapagsalita pa. Hindi siya sigurado sa sinagot na iyon pero hindi pwedeng maging tama ang hinala niya sa pagkakakilala sa boses nito. Napakaimposible na maging tama ang hinala niya.
“Well… You’re absoulutely wrong!” tinanggal ng babae ang mabahong sako na nakatakip sa ulo at ngumisi kay Rency.
Nanlaki ang mga mata niya. Kahit nanlalabo ang paningin niya ay kaagad niyang nakilala ang mukha ng babaeng kaharap niya. Paanong nangyari na siya? Bakit siya?!
“At dahil mali ang sagot mo… Simulan na natin ang parusa mo!” mahigpit na hinawakan ng babae ang baba niya bago inipit nga plais ang isa sa mga ngipin niya sa harapan.
“H-h’wag…. P-please... Parang awa – Ahhh!!!”
Malakas na humalakhak ang babaeng nakapula ng madurog ang ngipin ni rency. Kaagad niyang inilipat ang plais sa katabing ngipi nito at malakas na binunot.
“Ahhhh!!!” sobrang sakit… Napakatinding sakit ang naramdaman niya ng sa wakas ay mabunot ang ngiping mula sa gilagid niya. Hindi pa iyon kaagad nahiwalay dahil sa kawad ng brace na nakakabit doon. “Parang awa mo na!!! please…. Maawa ka sa akin…”
Gumuhit ang malademonyong ngiti sa mga labi ng babae. “Rency, nagsisimula pa lang tayo…”
***
29th of February
8:36 A.M.
“Babe… Babe, wake up…”
Pupungas-pungas na bumangon si Vernon mula sa kinahihigaang sofa bed. Tuluyang nawala ang antok niya nang makita ang mukha ni Janine na umiiyak. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Mataas na ang sikat ng araw na pumapasok ang liwanag mula sa bukas na bintana at pinto. Ang lahat ay kababakasan ng pag-aalala sa mukha. “What happened?”
“Babe,” nakahawak si Janine sa kwelyo ng nobyo at wala pa ring tigil sa pag-iyak. “Babe, nawawala si Rency.”
Ngayon lang tuluyang nagising ang diwa ni Vernon bago muling inilibot ang paningin sa paligid. Hindi nga nila kasama si Rency…
“Kasalanan ko ‘to…” Napaupo na muli si Janine sa sofa na kaagad na tinabiha ni Phoebe.
“Janine, hindi mo ‘to kasalanan. Walang may kasalanan sa atin,” alo ni Phoebe.
““Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya…” muling iyak ni Janine.
“Kailangan ko ng matext sina papa… Kailangan ko ng maipaalam sa kanila ang nangyayari dito!” pati si Gabby ay nagsimula na ring umiyak.
“Sweety, nandito lang ako sa tabi mo. H’wag kang matakot,” sabi ni Mon.
“Sweety, umalis na lang tayo.”
“Walang van Gabby. Sinira ng kung sinomang psycho ang van na tanging sasakyan na pwede nating magamit,” ani Kiko.
“Kailangan kong hanapin si Rency! Kailangan ko siyang mahanap!”
“Janine wait!” Hinawakan ni Vernon sa kamay ang nobya ng akmang aalis ito. “Hindi safe na lumabas ka mag-isa. Hindi natin alam kung sino siya. O kung ano siya…”
“B-babe, tell me… Ano bang nangyayari na ito?! Sino bang may kagagawan nito?!”
Hindi magawang makapagsalita ni Vernon sa tanong na iyon ni Janine.
“Yung red lady ba?” tanong ni Phoebe. Siguro nga masyado na siyang napaparanoid, pero wala na siyang ibang maisip na salarin kung hindi ang multong paulit-ulit nilang nagpapakita at nagpaparamdam.
Napalunok si Janine sa tanong na iyon ni Phoebe. Maaari nga kayang totoo ang red lady sa kwento ni Kiko? Wala sa loob na napatingin siya sa bawat isang kasama. Ang alam niya ay maaaring makabalik ang isang kaluluwa ng isang patay mula sa kabilang buhay kung may pinanghahawakan itong matinding galit. Maaari rin itong makagamit ng katawan ng isang taong konektado sa buhay nito. Paano kung… Paano kung isa sa mga kasama niya ay konektado sa red lady? Maaari kayang mangyari na ang isa sa mga kasama niya ang may kagagawan ng lahat?
“Tama na ‘yan Phibs! Walang pupuntahan ‘yang ka-praningan mo!” saway ni Kiko. “Mabuti pa ay maghiwa-walay tayo upang hanapin si Rency.”
“No! Hindi ako hihiwalay kay Mon!” matigas na sabi ni Gabby na humawak sa kamay ni Mon.
“Okey fine!” Kiko rolled his eyes. “Look guys, if you really want to find Rency kailangan nating gumawa ng paraan. Ganito na lang, maghati tayo sa dalawang grupo. Janine, Vernon and Phibs, kayo ang magkakasama. Hanapin ninyo sa buong mansion na ito si Rency. Kami naman ni Mon at Gabby ang magkakasama, sa labas kami maghahanap. Sa may gubat...”
Sabay-sabay na nagkatingininan ang tatlong Perwisyo Boys na hindi nakaligtas sa pansin ni Phoebe. Ramdam niyang may tintagong sikreto ang mga ito, kung ano man ngayon ay wala siyang ideya. Pero alam niyang malalaman at malalaman niya rin iyon.
“Agree ba kayo guys?” muling tanong ni Kiko.
“Okey sa akin,” sagot ni Vernon na sinang-ayunan ng lahat.
“Lalabas na kami nina Mon,” paalam ni Kiko bago saglit na humalik kay Phoebe at lumabas kasunod sina Mon at gabby.
“Napakagat labing muling napaupo si Janine. Naiyak na naman siya nang makaramdam ng guilt. Walang sinoman ang may kasalanan kung bakit nawawala ngayon si Rency kung hindi siya. Kung hindi niya ito niyaya sa bakasyon na ito ay walang masamang mangyayari dito.
“Babe… Babe, stop crying… Makikita natin siya… Makikita natin si Rency. You stay here with Phoebe. Ako nang maghahanap sa buong mansion,” sabi ni Vernon.
Hindi na sumagot si Janine na hinalikan sa noo ng nobyo. Umalis naman na ang binata at tumaas.
Tumabi si Phoebe kay Janine at hinagod ang likod nito. “H’wag kang mag-alala Janine, naniniwala ako na okey lang si Rency,” sabi niya lang ‘yun pero hindi talaga siya sigurado.
“Phoebe,” hinawakan ni Janine ang kamay ng kausap. “Naniniwala ka ba na ang red lady talaga ang may kagagawan ng mga ito? Paano kung…”
“Paano kung?”
Hindi alam ni Janine kung paano niya sasabihin ang laman ng isipan niya ngayon. Ayaw niyang mas lalong magulo ang magulo ng isipan ni Phoebe. Tumayo na siya. “Tutulong ako sa paghahanap kay Rency. Ako ang responsible sa kanya kaya ako ang pinaka kailangang maghanap sa kanya.”
Hindi na napigilan ni Phoebe si Janine nang magsimulang maglalakad papasok sa may mahabang pasilyo ng mansion. Naiwan siyang napayakap nalamang sa sarili. Ano nga ba itong nangyayari sa kanila?
***
29th of Frebruary
10:10 A.M.
NANGINGINIG ang mga kamay ni Gabby habang nakataas at hawak ang cellphone na hinahanapan ng signal. Ilang beses nagpe-failed ang text niya sa papa niya. Isang text lang. Kahit isang text lang ang mag-send alam niyang darating na ang mga ito kaagad.
Samantalanag palapit na sa may pinto ng maliit ng bahay sina Mon at Kiko. Nagtinginan pa ang mga ito bago ibinalik ang mga tingin sa may sira-sirang pinto.
“Sweety, kayo na lang ang pumasok d’yan sa loob. Maghahanap lang ako ng signal dito,” ani Gabby.
“Sige sweety,” sagot ni Mon bago tumingin muli kay Kiko. “Buksan mo na pare.”
“Ha? Bakit ako?”
“Alangan ako?!” lalong tanggi ni Mon. “Sige ganito na lang, magjack-en-poy na lang tayo Kung sino ang matalo, siya magbubukas.”
“Go! Jack… En… Poy… Sh*t! bakit ako ang talo?!” bulalas ni Kiko.
Napangisi naman si Mon. “Go pare, buksan mo na!”
“Oh my God!”
Sabay na napalingon ang dalawa sa kinatatayuan ni Gabby. Naluluha itong nakatingin sa kanila.
“Nagsend na ang text ko,” naiiyak na sabi ni gabby. Nasa text niya ang lahat ng kailangan niyang ipaalam upang dumating ang daddy niya ay sunduin siya.
Napatiim bagang si Kiko. “Anong sabi mo?”
***
29th of February
2:17 P.M
Nagising si Mon dahil sa tubig na biglang bumuhos sa mukha niya. Tubig nga ba? Parang may kakaibang amoy. Ilang saglit pa niyang ipinilig ang ulo bago nagsimulang luminaw ang paningin niya.
“Sweety!”
Nanlaki ang mga mata ni Mon nang makitang nakatali sa isang puno hindi kalayuan mula sa kanya si Gabby. Mataas ang sikat ng araw na dahilan ng pawis sa mukha at katawan niya. Basang-basa ng luha ang mukha nito. Tuluyan nang nalukob ng takot ang katawan niya nang mapagtantong pati siya ay nakatali sa isang malaking puno.
“Sweety, tulungan mo ako.. Ayoko pang mamatay.. Please… Tulungan mo ako…” Iyak ni Gabby.
“S-sweety, hindi ka mamatay!” Sinimula niyang alalahanin ang lahat nangyari. Isang pukpok mula sa likuran niya kanina ang nagpadilim ng paningin niya bago siya matali ngayon sa malaking puno. Napatingin siya sa may paanan ni Gabby, may mga kahoy na basa ng… Gas!
“Sinong may sabing hindi siya mamatay?”
Napatingin si Mon sa nagsalitang babae na naksuot ng pamilyar na pulang pantulog. May maduming sako itong tumatakip sa ulo. Sako na nilalangaw at bakas ang sariwang dugo. Bigla niyang naalala si Kiko na kanina lang ay kasama niya. “Nasaan si Kiko!? Anong ginawa mo sa kanyang hayop ka!”
Ngumisi ang babaeng nakatakip ang mukha ng sako. “Kailangan mo pa bang malaman ‘yun?”
“Tulong!!! Tulungan ninyo kami!!!!”
“Tulong! Tulungan ninyo raw sila!!!” sinabayan ng babae ang malakas na sigaw ni Mon bago tumawa. “Nasa gitna tayo ng gubat, g*go! Kahit gaano ka pa sumigaw ng malakas, walang makakarinig sa iyo. Hahaha!”
“Sino ka bang p*tang ina ka!? Anong gusto mo!”
“Anong gusto ko?” naglakad ang babae palapit kay Gabby at marahas na sinabunutan ito. “Ang mamatay kayong lahat!”
“Ahhhh!”
“Bitawan mo si Gabby! H’wag mo siyang sasaktan!”
Natatawang tumalima ang babae. “Bakit Mon, hindi ba gustung-gusto mo ng babaeng sinasaktan? ‘Yung umiiyak ng malakas. At halos lumuha na ng dugo sa pagmamakaawa? Hindi ba ‘yun ang gusto mo?!” Muling tumawa ng malakas ang babae bago nilabas ang isang maliit na bagay.
“S-sweety… Aweety tulungan mo ako…”
“P-please, h’wag mong idamay si Gabby! Ako na lang, ako na lang ang patayin mo!” pagmamakaawa ni Mon ng mkita ang hawak na lighter ng babae.
“Marunonng ka rin palang magmakaawa… Pero sabi mo nga dati, hindi ka marunong maawa,” binuksan na ng babae ang lighter at nilgyan ng apoy. “Say good bye to your sweety, Mon.”
“Sweety, tulungan mo – Ahhhhh!” Kaagad na kumalat ang apoy sa may paanan ni Gabby, Umakyat iyon sa mga binti niyang basa ng gas. Ramdam niya ang sakit ng apoy na matinding pumapaso at sumusunog sa balat. “ Ahhhhhh!!!”
“Sweety! Sweety!!! Parang awa mo na, Melissa. H’wag mo na siyang idamay! Please!!!!” nagsimula na ring umiyak si Mon. Wala siyang magawa kung hindi ang magmakaawa at panuorin kung paano tupukin ng apoy ang sumisigaw niyang nobya. Umabot na sa may ulo ni Gabby ang apoy at unti-unti ng humihina ang pagsigaw. Hanggang sa tuluyan na itong ng malagutan ng hininga. “Melissa, patawad… Patawarin mo na kami… Patawarin mo na ako….”
Gumuhit ang mapait na ngiti sa labi ng babaeng nagsimulang maglakad palapit kay Mon. Sinimulan nitong kalasin ang sinturon ng pantalon ng binate. “Ito ang tatandaan mo, Mon Sario… Kahit kailan,” inilabas ng babae ang pagkalalaki ng binata bago muling binuksan ang lighter.
“Ahhh!!!” sigaw ni mon. Sinusunog ng babae ang pagkalalaki niya na parang barbeque.
“Kahit kailan ay hindi-hindi kita mapapatawad. Sino man sa inyong Perwisyo Boys!!!” malakas na sigaw ng babae bago binitawan ang lighter at naglakad paatras. “Oopps, sorry nabitawan ko…”
“Ahhhhh!!!” si Mon naman ang sinimulang tupukin ng apoy ang katawan. Mula sa paanan na kaagad na umakyat sa katawan.
“Papatayin ko kayong lahat,” may ngisi sa mga labing bulong ng babaeng nakapula bago inalis ang sako sa ulo.
Nasa may tyan na ni Mon ang apoy ng muling maimulat ang mga mata sa abot ng kanyang makakaya. Naaninag pa niya ang mukha ng babaeng nakapula. Nakilala pa niya ito. Pero paanong nangyari na siya ang nakasuot ng damit na iyon?
***
29th of February
4:38 P.M.
“WALA siya kahit saan… Hindi ko siya makita kahit saang sulok ng bahay,” naiiyak na sabi ni Janine ng sa wakas ay muli silang magtagpo-tagpo nina Vernon at Phoebe sa sala.
Niyakap ni Vernon ang nobya. Wala siyang maapuhap na salitang itutugon dito. Pakiramdam niya kasi ay may masama na ring nangyari kay Rency.
“Hintayin lang natin silang makabalik subukan nating maglakad patungo sa bayan. Mas safe kung magkakasama na lang tayong lahat,” ani Phoebe.
Saglit namayani ang katahimikan bago sabay-sabay silang biglang napapitlag dahil sa malakas na pagbukas ng pinto. Iniluwa niyon ang pawisan at humihingal na si Kiko.
“She attacked me!”
“Who?” kinakabahang tanong ni Phoebe.
Napatingin si Kiko kay Vernon na bumitaw na mula kay Janine. “Melissa… She’s here… She’s real… She’s back…”
“Melissa? Sinong Melissa?” naguguluhang tanong ni Janine na kay Vernon nakatingin.
Iniiwas ni Vernon ang mga tingin.
“Vernon, samahan mo ako sa taas. Kunin natin ang baril ni daddy. ”
“Babe, dito ka lang kay Phoebe. Babalikan kaagad kita,” bilin ni vernon.
“Babe, saglit lang –” pinutol na ng mga halik ni Vernon ang sinasabi ni Janine.
“Mahal na mahal kita, babe.”
Hindi na nakapagsalita pa si Janine at nakahatid tanaw na lang sa dalawang binatang umakayat sa may hagdan.”
“Ano ba ‘tong nangyayari sa atin? Sino baa ng Melissa na ‘yun?! Bakit niya tayo ginaganito?!” iyak ni Janine.
Niyakap naman ni Phoebe ang umiiyak na dalaga. Hindi niya alam pero parang may kaba siyang nararamdaman buhat ng dumating si Kiko. Ni hindi niya ito magawang tingnan. Parang may kakaiba sa iknikilos nito buhat ng makabalik mula sa labas.
“A-ano ‘yun?” bulalas ni Janine ng may marinig na malakas na kalabog mula sa taas. Parang may mabigat na kung anong na bumagsak.
Lalong kinabahan si Phoebe. “Janine, d-dito ka lang. Titingnan ko sila sa taas.”
Kinakabahang tumango si Janine bilag tugon.
Nagismula ng tahakin ni Phoebe ang baitiang ng mataas na hagdan. Dahan-dahan hanggang sa makarating siya sa pinakataas. Dinala siya ng mga paa sa pinakamalaking kwarto kung saan bahagyang nakabukas ang pinto. “C-cis, nasaan kayo?” Natakpan niya ang ilong dahil sa matinding amoy na umalingasaw ng itulak niya ang pinto. Nanginginig ang mga paang itinuloy niyang ihakbang papasok. “V-vernon!”
**
29th of February
8:16 P.M.
NANGINGINIG na inilibot ni Phoebe ang paningin sa buong paligid. Bigla siyang nawalan ng malay nang makapasok kanina sa loob ng malaking kwarto kung saan nakita pa niya ang nakataling si Vernon na may busal sa bibig bago nagdilim ang lahat. Nasa loob sila ng maliit na bahay, nakatali silang tatlo nina Vernon at Janine sa kanya-kanyang upuan. Mabaho at malansa ang amoy sa loob dahil na rin sa mga naaagnas na katawan ng taong nakapaligid sa kanila. Ang inuuod at nilalangaw na ulo ni mang Potpot na nasa ibabaw ng lamesa, ang katawan ni Emma na laslas ang leeg, ang malaking katawan ni Juggy na puro taga, ang sunog na bangkay nina Mon at Gabby, ang duguang katawan ni Rency na walang na kahit na isa mang ngipin sa gilagid ng nakaawang na bibig at ang iba pa nilang mga kasama na halos hindi na makilala.
“Ano ba talagang gusto mo Kiko?! Bakit mo ginagawa ang lahat ng ito!” umiiyak na sigaw ni Janine kay Kiko na pabalik-balik na naglalakad sa harapan nila. Magulo ang buhok nito, namumula ang mga mata dahil kasisinghot lang ng ipinagbabawal na gamot na sinasabayan ng alak at hawak ang isang matalim na bolo.
Huminto sa paglalakad si Kiko at tumingin kay Janine na basang-basa na ng luha ang mukha. Ngumisi. “Gusto mo talagang malaman?” ibinaling ang tingin kay Vernon na kanina pa matalim ang tingin sa kanya. “Bakit hindi mo itanong sa babe mo, baka alam niya.”
“G*go ka talaga Kiko! Bakit kailangan mo pang paabutin ang lahat sa ganito!?”
“Dahil hindi mo alam kung anong pakiramdam ng inuusig ng konsensya!”
“Ikaw ang walang konsensya! Mga kaibigan natin sila, paano mo nagawa ang mga ito sa Perwisyo Boys!”
“Hindi ko sila mga kaibigan!”malakas na sigaw ni Kiko. Nagsimulang mamuo ang mga luha sa mata nito. “Wala akong mga kaibigan na kasing hayop nila! T*ng ina Vernon! T*ng ina! Hindi moa lam kung paano usigin ng totoong konsesnya...” Napaluhod na si Kiko at napasabunot sa sariling buhok. “Hindi ninyo alam kung anong pakiramdam ng gabi-gabi niyang dalawin sa panaginip. Pauli-ulit ko silang pinapatay pero paulit-uli pa rin silang ngapaparamdam sa akin… Siya…”
“S-si Melissa?” nangangatal ang mga labing sabi ni Phoebe. Tama ang lahat ng hinala niya sa kwento noon ni Kiko.
Biglang muling tila bumalik a sarili si Kiko at tumayo. “Oo Phibs. Si Melissa na pulit-ulit naming ginahasa ng Perwisyo Boys. Si Melissa na ilang beses naming pinahirapan bago namin pinatay. Si Melissa na nag-iisa at nawawalng kapatid…” Tumingin si Kiko kay Janine. “Ni Janine.”
“Francis!” malakas na saway ng bakatiim-bagang na si Vernon.
“C’mon, Vernon. Don’t you ever tell me na hindi mo alam. Dahil hinding-hindi ako maniniwala. Bilib na rin talaga ako sa iyo, naunahan mo akong hanapin siya…”
Naluluhang napalingon si Janine sa katabing nobyo na hindi makatingin sa kanya.
“Ginamit mo lang ako… Ikaw ang tumulak sa kabit ni Daddy sa may hagdanan para kunwari ay concerned ka sa akin pero ang totoo gusto mo lang talaga akong utuin at kunin ang loob ko. Binuyo mo ako kay Melissa kahit ang totoo ay ikaw ang may gusto sa kanya! Ikaw ang patay na patay sa kanya! Ikaw ang may gustung-gustong agawin siya mula kay Marvin! At ang totoo ay ginamit mo lang ako para makuha siya… Para matikman siya… Para maghiganti sa kanya dahil siya ang kauna-unahang babaeng sumoplak sa iyo! At ikaw Vernon… Ikaw ang pumatay sa kanya dahil hindi mo matanggap na may isang kagaya niya na kahit kailan ay hindi ka magagawang mahalin.”
“Tama na Kiko! Tama na!!!” sigaw ni Vernon.
“Bakit!? Dahil ayaw mong marinig ni Janine?! Si Janine na ipinalit mo sa babaeng kahit kailan ay hindi mo nakuha ang puso!? Ayos ka rin tumuhog ‘no, magkapatid talaga!”
“Hindi totoo ang mga sinasabi mo! Wala akong kapatid!” iyak ni Janine.
“Kapatid mo siya Janine… Kapatid mo si Melissa, o si Jhade Castillo bago ang aksidente. Bakit hindi mo alalahanin ang lahat? Second year highschool ka at nasa fourth year siya, aksidenteng nahulog ang school bus na sinsakyan ninyo sa tulay. Nakaligtas ka pero hindi na nakita ng parents mo ang katawan ni Jhade. Parehas kayong nawalang ng alaala sa mga nangyari pero hindi ang kapalaran na sinapit ninyo. Napadpad si Jhade sa isang bayan at naging palaboy bago ampunin ng isang mag-asawa na may demonyong tatay at pinangalanan siyang Melissa. Samantalang ikaw, tinamasa mo ang lahat ng sarap sa buhay. Nabuhay ka bilang unica ija at tinanggal nila sa alaala mo ang kapatid mo upang mas mabilis kang maka-recover… Ang unfair hindi ba? Lalo na ngayon na alam mo na ang pina-master mind sa pagga-gang rape at pagpatay sa kanya,” lumingon si Kiko kay Vernon. “Ay ang na-iisang lalaking minahal mo. Na ginamit ka lang para palitan si Melissa sa puso niya…”
“Tumahimik ka na Kiko! Hindi totoo lahat ng sinasabi mo! Minahal ko si Janine at mahal ko siya! Hindi ko siya ginamit para ipalit kay Melissa!”
Patuloy naman sa pag-iyak si Janine na hindi na alam ang iisipin. Masyadong maraming rebelasyon ang sabay-sabay na sumabog sa harapan niya ngayon.
Naglakad si Kiko palapit kay Janine na nasa pagitan ni Vernon at Phoebe, bahagyang yumuko upang maidikit ang ilong sa ulo ng dalaga. “Ang bango mo talaga Janine… Parehas na parehas kayo ng amoy ng kapatid mo…”
“P*tang ina mo Kiko! H’wag na h’wag mo siyang hahawakan!”
“Pinatay mo sila dahil sa lahat ng ito?” sa wakas ay nagawang magsalit ni Phoebe. “Ikaw ang pumatay sa kanilang lahat?”
Ngumiti si Kiko at lumapit naman kay Phoebe at umupo sa harapan nito. “What do you think Phibs?” Inilapit niya ang mga labi sa mga labi ng nobya. “Ah!”
“F*ck you, Kiko!” sigaw ni Phoebe na kinagat ng mariin ang labi ni Kiko.
Malaks na sinampal ni Kiko si Phoebe bago umatras at muling suminghot ng pulbos. Tumawa siya ng malakas na malakas… Ilang saglit lang ay nagsimula namang umiyak bago muling tumawa.
“Kiko, member ka ng Perwisyo Boys… Bakit? Bakit kailangan pati ang mga inosente ay idamay mo?” tanong ni Vernon.
“Dahil iyon ang paulit-ulit na sinisigaw ni Melissa sa isipan ko! Iyon ang paulit-ulit niyang pinaparamdam sa bangungot ko! Ang patayin ang Perwisyo Boys at ang mga taong mahalaga sa buhay nila… Sa buhay ninyo… Sa buhay natin…” Muling inabot ni Kiko ang nabitawan na bolo at naglakad palapit kay Vernon. “So Vernon, sinong gusto mong mauna? Ang babaeng kapatid ng babaeng sobra nating minahal? O ikaw?!”
“T*ng ina mo!” Malakas na inumpog ni Vernon ang ulo sa noo ni Kiko na ikinbagsak nito. Ibnuwelo niya ang katawan at itinumba sa nakahandusay na si Kiko. Kaagad namang nasira ang luma ng upuan na dahilan upang lumuwag ang makapal na lubid. Nakakita ng pagkakaton si Vernon at mabilis na kumilos upang makawala sa pagkakatali. Saglit niyang tinapunan ng tingin ang nakahndusay na si Kiko bago inabot ang bolo at lumapit kay Janine na kaagad na pinutol ang tali. “Babe.. Babe, I’m sorry…’
“Mamaya na tayo mag-usap Vernon,” inagaw ni Janine ang bolo upang pangproteksyon sa sarili. “Kalasin mo na ang tali ni Phoebe.
“Vernon, bilisan mo… Baka magising na si Kiko!” iyak ni Phoebe.
“Eto na… Eto na…”
Samantalang masakit ang ulong dahan-dahang bumangon si Kiko. Ipinilig pa niya ang ulo bago namulatan si Vernon na pinapakawalan si Phoebe. ‘Sh*t! Hindi ito Pwede!’Kaagad siyang bumangon kahit medyo hilo pa pero bago pa siya nakarating sa kinauupuan ni Phoebe ay bigla siyang napahinto. Namuo ang butil ng mga pawis sa noo niya, nabitawan ang plastic na shabu na hawak at namimilog ang mga matang napatingin sa kaharap ni Janine. Napalunok siya bago ibinaba ang mga tingin sa bolong nakasaksak ang talim sa dibdib niya.
Lalong pang idiniin ni Janine ang bolong nakasaksak kay Kiko at iniikot pa iyon na tila nais durugin ang puso ni Kiko.
Nagsimulang mangatal ang mga labi ni Kiko. Kumalat ang malamig na pakiramdam sa katawan niya. Hindi niya na ramdam ang sakit pero nahihirapan na siyang huminga. Ganito ba ang pakriamdam ng mamatay na? Ibinalik niya ang tingin kay Janine na basa pa rin ng luha at pawis ang mukha. Nangangatal na ibinuka niya ang mga labing nagsimula ng bumulwak ng dugo pero pinilit niya pa rin makapagsalita. Kahit isang salita lang… Isang tanong lang… “B-bakit?”
***
29th of February
10:38 P.M.
UMINOM si Phoebe ng tubig mula sa basong inilapag ni Janine sa harapan nila ni Vernon. Patay na si Kiko at mula sa bulsa nito ay nakita nila ang cellphone ni Gabby kung saan may text ang papa ng dalaga na papunta sa resort ksama ang mga pulis upang ilagtas sila. Ngayon ay naghihintay na lamang sila ng tulong mula sa paparating na pamilya ni Gabby na hindi alam na wala na ang dalaga.
“Babe,” hinawakan ni Vernon ang kamay ni Janine.
“Vernon, again please… H’wag muna ngayon,’ ani Janine na binawi ang kamay.
Sinubukan namang magpaliwanag ni Vernon kay Janine. Totoong pinahanp niya ang totoong pamilya ni Melissa o Jhade Castillo noon. Iyon ang totong dahilan upang makilala niya si Janine, pero minahal niya ito ng totoo at hindi ginamit upang ipalit kay Melissa na lihim niya ring minahal. Hindi naman siya kaagad pinakinggan ni Janine at sinabing pag-usapan nalamang nila iyon pagkabalik nila ng Maynila.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Phoebe. Nasapo niya ang noong nagsisimulang kumirot at nakagat ang pang-ibabang labi. Mariin niyang ipinikit ang mga mata bago muling idinilat. Sobra yata siyang napagod kaya siya nakakaramdam ng pagkahilo. “Sana tapos na ang lahat ng ito…”
“Para sa kanilang mga patay na.. Tapos na…” mahinang sabi ni Janine. “Pero para sa inyong mga buhay pa, magsisimula pa lang tayo…”
Nabaling ang nalalabong paningin ni Phoebe kay Janine. May hawak itong baso ng tubig at umiinom. Sa tabi nito ay nakaupo si Vernon, na nakabagsak ang ulo sa ibabaw ng ng lamesa na tila walang malay.
“A-anong –” bago pa matapos ni Phoebe ang sasabihin ay muling nagdilim ang lahat sa kanya.
***
29th of February
11:41 P.M.
MULING sumalubong sa ilong ni Phoebe ang masangsang at napakabahong amoy ng imulat ang mga mata. Kung paanong nakabalik sila sa loob ng luma at sira-sirang maliit na bahay ay hindi niya alam. Nabaling ang tingin niya sa katabing si Vernon na nakaboxer lang, at kagaya niya ay mahigpit at doble-dobelng nakatali sa kinauupuan. Pero marami itong sugat sa katawan na tila kanina pa pinahirapan dahil kababakasan na ng panghihina ang binata. Hindi sila masyadong makakakilos dahil sa mga talim ng bolong nakalapit halos sa may leeg nila. May tali sa hawakan ng mga bolo na ang dulo nasa hawakan ng sira-sirang pinto. Sinomang maglakas loob ng buksan ang pinto siguradong babaha ng dugo mula sa lalamunan nila ni Vernon.
“Gising ka na pala…”
Nanlaki ang mga mata ni Phoebe ng makita ang naglalakd na babaeng nakapula. Nakasunod ang mga langaw sa ulong nitong natatakpan ng madumi at duguang sako. Hawak nito ang isa pang bolo na halata na ang pagkaluma dahil sa pangangalawang. Paanong.. Paanong nabuhay ang babaeng ni-rape at pinatay na ng perwisyo Boys? “S-sino ka?!”
Naglakad naman ang babae patungo sa parte ng maabot siya ng liwanag bago dahan-dahang inalis ang sako sa ulo.
Hindi makapaniwala si Phoebe ng makilala ang babae. Kung ganoon ay hindi si Kiko ang pumatay sa lahat ng bangkay na nasa harapan nila ngayon. Kaya hindi sinagot ni Kiko ang taong niya kanina dahil hindi ito ang pumatay. “Bakit mo sila pinatay, Janine?!”
Tumawa ng malakas si Janine… Malaks na malakas bago inihagis ang nilalangaw na sako sa isang tabi. Magulo ang buhok nitong nanlalagkit na rin sa dugo at hinahabol-habol ng may apat na langaw. “Hindi ako si Janine… Ako si Melissa… Ginamit ko ang katawan ng kapatid ko para makapaghiganti ako.. Para mapatay ko sila… Para mapatay ko kayo..”
Pinilit na Vernon na gisingin ang nagdidilim na niyang diwa.
Bumilis at lumalim ang kaba sa dibdib ni Phoebe. Mas malakas na ang kaba niya ngayon.
“Bago ko magawa ang paghihiganti ko ay kakailanganin ko ng dalawang tao… Ang tulay kung paano ako makakabalik at ang katawan ng tao na dapat ay kadugo ko. Hindi ako nagkamali na parehas nilang pinaimbestigahan ni Kiko ang buhay ko at hinanap ang tunay kong pamliya. Unang nakita ni Vernon si Janine kaya kaagad akong nagparamdam kay Kiko na kailangan niyang bumalik sa resort… Na kailangan niyang ibalik sa resort ang Perwisyo Boys. Pinaramdam ko na kailangan ko ng tulong niya. Gumawa siya ng paraan para makabalik ako… Gumawa siya ng dasal upang matawag ako mula sa kabilang buhay… At noong unang gabi ninyo dito sa resort, si Kiko rin ang gumawa ng paraan upang makapasok ako sa katawan ni Janine noong mabagok ang kapatid ko sa loob ng banyo,” natatawang kwento ni Melissa na nasa katawan ni Janine. “Ako rin ang dahilan kung paano at bakit nagakgulo sina Claud at Tims, dahil ako mismo ang nagparinig kay Tims ng mga nakita kong kababuyan nina JC at Claud. Para magkagulo silang lahat at umayon ang lahat sa plano ko. Akalin mo ‘yun, lahat ay sadyang umayon.”
“Melissa, patawarin mo – Ahhhh”
“Tumahimik ka!” tinaga ni Melissa ng hawak na bolo ang balikat ni Vernon kung saan kaagad na sumambulat ang dugo. “Pagkatapos ninyo babuyin ang katawan ko at ilibing kasama ng katawna ng taong mahal ko sa likod bahay naming na parang aso?! Pgakatapos ninyong ibaon kami sa limot?! Sabihin mo, paano, paano kita mapapatawad?!”
Nagismulang lumandas ang mga luha sa magkabilang pisngi ni Phoebe. Nagsisimulang mag-flashback sa isipan niya lahat. Alam ni Janine na nakikinig sa kanila noon si Tims kaya sinadya nitong iparinig ang tungkol kina Claud at JC, madalas na nawawala si Janine sa tuwing magkakasama sila. Palagi na lamang itong umaalis ng walang pasabi kagaya ng nangyari kanina bago nila makita ang sunog na katawan nina Mon at Gabby. Bakit hindi niya iyon kaagad napansin?!
“M-melissa… J-Jhade… please, h’wag mo nang idamay si Janine,” nahihirapang pakiusap ni Vernon. Marami na siyang tinamong saksak at nakakaramdam na ng matinding panghihina.
“At bakit?! Para siya lang ang masaya? Sa napakaraming taon na ako lang ang naghirap… Samantalanmag siya, pinaramdam sa kanya ang sobra-sobrang pagmamahal na dapat sa akin ang kalahati!”
“Walang kasalanan si Janine, Melissa!” lakas loob na sabi ni Phoebe. Alam niyang sa lahat sa kanila si Janine ang pinakainosente at nadamay lang.
“Phoebe, wala rin naman akong kasalanan pero bakit ako lang ang naghirap!?”
“May dahilan ang lahat, Melissa. Anuman ang masasakit at paghihirap na nangyayari sa buhay natin ay may dahilan ang D’yos kung bakit iyon nangyari.” Hindi rin naman nabuhay si Phoebe sa marangyang buhay. Hindi rin naging madali ang buhay para sa kanya. Maraming sakit at hinagpis na rin siyang pinagdaanan pero alam niyang hindi iyon dahilan upang gumawa siya ng masama. “Hayaan mo ang D’yos ang magparusa –‘
“Tumahimik ka na! Mamatay ka lang rin naman ang dami mo pang sinasabi!” marahas na sinabunutan ni Melissa si Phoebe bago idiniin ang hawak na bolo na gumawa ng munting sugat sa leeg ng dalaga.
“Melissa…”
Bumilis ang tibok ng dibdib ni Melissa ng marinig ang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya.
Sabay na naptingin ang dalawang nakatali kung nasaan ang mga tingin ni Melissa. May isang malabong pigura ng tao ang nakita nila na pamilyar kay Vernon.
“M-mahal…” nagsimulang mangilid ang mga luha sa mata ni Melissa.
“Mahal, tama na ‘yan… Tama si Pheoebe,” ani Marvin na may malungkot na ngiti sa mga labi.
“Pero mahal… Wala tayong kasalanan kanila… Dapat maghirap rin sila kagaya ng paghihirap na naransan natin.”
Umiling si Marvin. “Hayaan na lang natin ang D’yos ang magparusa sa mga taong gumawa sa atin ng masama…”
“Kung sino man ang nand’yan sa loob, buksan ninyo ang pinto! Mga pulis kami!”
“Gabby anak, ako ito ang papa mo. Nand’yan ka ba?! Nandito kami ng mga kuya mo. Tutulungan ka namin!”
Namilog ang mga mata ni Phoebe ng marinig ang mga boses mula sa labas ng maliit na bahay. Dumating na ang tulong na kanina pa nila hihintay.
“Melissa, napatawad ko na sila… Kung talagang mahal mo ako, mapapatawad mo na rin sila… Hindi tayo D’yos para magpataw ng kaparusahan sa kanila. H’wag mong hayaan na ankinin ng pooot at galit ang dibdib mo. H’wag mong hayaang lamunin ka ng kadiliman at kasamaan.”
Sa unti-unting pagkawala ng poot sa dibdib ni Melissa ay ang paglinaw ng pigura ni Marvin. Ang poot na iyon ang dahilan kung bakit hindi magawang magpakita ni Marvin sa kanya noon.
“Mahal halika na… Hinhintay na tayo ng liwanag…”
Tuluyan ng gumaan ang pakiramdam ni Melissa. Ang pagpapakita lamang pala ni Marvin na iyon ang maaaring maging dahilan upang matuto siyang magpatawad. Tuluyan na niyang nabitawan ang buhok ni Phoebe at sa wakas ay tuluyan ng lumabas sa katawan ni Janine. Umiiyak siyang lumapit at yumakap kay Marvin. “Mahal na mahal kita…”
Kitang-kita nina Vernon at Phoebe ang paglabas ng isang malabong pigura ng babae mula sa nakatigil na katawan ni Janine.
“Buksan ninyo ang pinto o wawasakin namin ito!”
“Gabrielle anak. Sumagot ka kung nand’yan ka.. H’wag ka nang matakot… Nandito na kami. Ligtas ka na…”
“N-nasaan ako? A-ano ‘to?!” gulat na sambit ni Janine ng mamulatan ang sariling nakasuot ng manpis, madumi at duguang pulang pantulog at hawak ang duguan at kinakalawang na bolo. Muntik na siyang matumba sa kinatatayuan ng mailibot ang paningin at makita ang nagkalat na mga bangkay ng mga kabigan. “R-Rency!”
“Janine! Janine, tulungan mo kami, kalagan mo na ang tali sa amin!” sigaw ni Phoebe.
“Isa!” malakas na boses mula sa labas ng bahay.
“Oh my God! Bakit kayo nakatali?!” bulalas ni Janine.
“Dalawa!”
“A-ano bang nangyarai!?” naguguluhang tanong ni Janine. Wala siyang maalala buhat ng magdilim ang lahat sa kusina ng malakingmansion kung saan kumuha siya ng tubig para sa kanilang tatlo nina Vernon at Phoebe. Ano na naman bang nangyayari ngayon. Sino ang mga tao sa labas? Bakit nasa loob na naman sila ng maliit at mabahong mabahay? Bakit duguan si Vernon at nakatali pati si Phoebe? Bakit siya nakasuot ng pulang damit na laging nasa bangungot niya at hawak ang isang duguang bolo?
“Babe, tulungan mo na kami bago pa nila mabuksan ang pinto…”
“Tatlo!”
At bago pa man makakilos si Janine upang tulungang kalasin ang mga tali ng dalawa ay bigla ng bumukas ang pinto dahilan upang makalas ang mga lubid na nakatali sa dalawang bolong kaagad na pumunit sa mga lalamunan nina Vernon at Phoebe.
Pumulandit ang malapot na dugo sa mukha ni Janine na napaatras habang hawak pa rin ang bolo.
Tatlong sunud-sunod na putok ng baril ang narinig niya na kung saan nanggaling o kanino tumama ay hindi niya alam… Nakaramdam siya ng biglang panghihina ng katawang at bumagsak sa kahoy na sahig. Nahagip ng tingin niya ang isang babaeng nakapula sa may sulok. Nakatingin ito sa kanya… Nakangiti. Kumakaway…
Umalingawngaw sa buong mansion ang tunog ng luma at antigong orasan. Sensyales nang pagtungtungon ng unang minuto ng araw para sa buwan ng Marso… Tapos na ang huling araw ng Pebrero para sa taon ng bisyesto.