“H’wag po… H’wag po… Ayoko… Please… Paran awa ninyo na po… H’wag po..
Naalimpungatan si Marvin dahil sa mga iyak na naririnig. Mabilis siyang humarap kay Melissa na katabi niya sa matigas na katre.
Pawisan ang noo ni Melissa, panay ang iling nito at walang tigil ang paglandas ng luha sa magkabilang pisngi.
“Mahal… Mahal…” Tulyan nang napabangon si Marvin at ginigising si Melissa. Sinimulan niyang tampal-tamapalin ng mahina ang mga pisngi nito ng hindi pa rin agmulat ang mga mata. “Melissa… Melissa… Gising…”
Nanlalaki ang mga matang nang magising si Melissa at bumangon na sa wakas. Bahagya pa itong napasiksik sa sulok ng katre at inilibot ang paningin sa loob ng kwartong kinaroroonan. Napapalunok itong huminto ang mga tingin sa nag-aalalang mukha ni Marvin.”M-mahal…” Bigla itong yumakap ng mahigpit sa binata at muling umiyak.
“M-mahal… Tahan na… Walang mangyayaring masama sa iyo hangga’t kasama mo ako… Walang mananakit sa iyo…”
“N-napaginipan ko na naman sila… Nand’yan lang raw sila… Sasaktan nila ako... Sasaktan nila ako Marvin…”
Hinagod ni Marvin ang likod nang nakayakap na dalaga. Isang buntong hininga ang binitawan niya. “Tandaan mo mahal, walang sinoman ang makakapanakit sa iyo hangga’t kasama mo ako… Pangako.”
***
“SIR FRANCIS…”
Minulat ni Kiko ang mga mata nang marinig ang boses na iyon ni mang Potpot mula sa labas ng kwarto niya na sinundan nang mahihinang katok sa may pintuan.
“Sir Francis, nand’yan po sa ang daddy ninyo. Gusto raw po kayong makausap.”
Napatiim-bagang si Kiko sa narinig kasunod ang pagbitaw ng isang malalim na buntong hininga. Ano na naman ba ang gusto ng daddy niya at bumalik pa ito ng resort. Ang ipahiya siya sa mga kaibigan niya?!
“Sir Francis –”
“Oo! Narinig ko!” bulyaw niya.
“P-pasensya na po sir. Sasabihin ko na lang po na lalabas na rin kayo.”
Hindi na siya tumugon pa at narinig ang papalayong yabag ni mang Potpot. Ilang saglit pa siyang tumulala bago bumangon upang ayusin ang sarili. Gaano man kalaki ang kasalanan sa kanya ng mga magulang niya sinabi niya sa sarili na kahit kailan ay hindi sya dapat mawalan ng respeto sa mga ito. Pero kahit kailan ay hiding-hindi siya magkakaroon ng anumang respeto sa kerida nitong si Sandy.
Tumungo na siya sa pinakamalaking kwarto ng mansion kung nasaan ang daddy niya at ang kabit nito.
“Hon… Honey, ano ba…. Tama na... Nakikiliti na ako. Ay… Hihihi…”
Tumiim ang bagang niyang napahinto sa gagawin sanang pagkataok sa pinto ng malaking kwarto. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya rinig niya ang malalanding tawa ni Sandy mula sa loob.
Personal secretary ng daddy niya si Sandy at batid niyang hindi sila nagkakalayo ng edad. Sa madaling salita, halos anak na rin ito ng daddy niya.
“Daddy,” mahinang tawag ni Kiko na sinundan ng mga katok.
“Honey, mamaya ka na lumabas… Binibitin mo naman ako ih.”
“Saglit lang ito Sandy…”
“Honey, mamaya na siya. Ako na lang muna.”
“Dad…” Naiinis na muling tawag ni Kiko.
“Sige na hon, saglit lang ito promise.” Hindi na hinintay pa ni Albert na makasagot ang kausap at tinungo na ang pinto. Nagulat pa ang ito nang makita bahagya iyong nakabukas kaya panigaradong narinig ng anak ang malanding pakikipag-usap kay Sandy. “A-anak, pasensya ka hindi kaagad kita napagbuksan –”
“Gusto mo raw akong makausap,” malamig na tugon ni Kiko. Gusto a niyang matapos ang pag-uusap na iyon.
“Ah oo. I heard na malapit na raw ang graduation mo. Baka kasi hindi ako –”
“It’s okey, dad. ‘Yun lang ba?” aniyang nakasandal sa may dingding na kahoy.
“Francis –”
“Dad, I said it’s okey. Besides, sanay naman na ako. Kinder, Elementary, High School and now College. What’s the difference, ‘di ba?”
“I’m sorry Francis, Hindi naming guso ng Mommy mo ang mga nangyayari.”
Napangiti si Kiko. Sarkastikong ngiti. “C’mon dad, h’wag na nating idamay si Mommy. Wala naman siya dito. Iba ang nandito, right? So, can I leave now? My friends are waiting.”
“Francis…”
“Dad, its fine. I’m gonna leave.” Tinalikuran na niya ang daddy niya na akmang magsasalita pa. Wala rin naman patutunguhan makinig man siya o hindi sa sasabihin nito. Dumiretso siya sa may balkon ng bahay at tumingin sa may dagat. Napatiim ang mga bagang niya sa naiisip. Okey naman sila dapat. Kung hindi lang umeksena ang malanding Sandy na iyon. Wala naman sanang problema ang pamilya nila. Hindi sana matutukso ang daddy niya na gumawa ng kasalanan kahit pa nagkukulang ang mommy niya. Hindi sana nasasaktan ang mommy niya. Kasalanan ito ng mga kabit na naglipana sa mundo. Ksalanan ito ng Sandy na iyon!
Hindi niya napansin na basa na pala ng luha ang magkabilang pisngi niya. Mas nararamdaman talaga niya ang sakit kapag ganitong nag-iisa siya. Pero mas okey na ‘yung ganito, ayaw naman niyang idamay ang mga kaibigan niya sa problema niya. Ayaw niyang andamay ng iba sa sakit na nararamdamanan niya.
Hindi kalayuan sa kinatatayua niya ay nakatayo si Vernon at lihim siyang pinagmamasdan. Lumaki si Vernon na malayo sa mga magulang kaya naging totoong malapit ito kay Kiko na itinuring ng totoong kapatid. Ayaw nitong nakikitang naaapi ang binata kaya nga ito mismo ang gumawa ng paraan na magkaroon ng kaibigan si Kiko. Ang pinakaayaw ni Vernon sa lahat ay ang makitang nasasaktan ang kinakapatid.
***
IBINUGA ni Sandy ang usok ng sigarilyong kanina pa nilalaro sa loob ng bibig. Nakangiti siyang pinagmamasdan ang asul na dagat mula sa terasa. Napakaswerte niya talaga dahil pinatulan ng matandang si Albert ang paglalanding ginawa niya. Hindi naman masyadog matanda ang boss niya na ngayon ay boyfriend na niya sa edad nitong quarenta y dos. Bata pa nga itong tingnan para sa edad pero hindi niya nakikita ang sarili niyang nakatali dito sa habang buhay. It’s either magde-demand siya na hiwalayan nito ang asawa at pakasalan siya o hahanap siya ng mas bata at mas mayaman dito na kaya siyang pakasalan.
Napangiti siya ng maalala ang mga kaibigan ng weirdo nitong anak na si Francis. Lahat ng iyon ay paniguradong anak mayaman. Lalo siyang napangiti ng makita sa isipan ang isa sa mga iyon na may kakaibang tingin sa kanya. Ang pinakagwapo sa paningin niya, si Vernon.
Nakatitig ito sa kanya noon… Hindi niya masyadong mabasa ang mga tingn nito sa kanya. Parang nang-aakit? Hindi… Parang nanunuri…
“H-honey,” ani Sandy nang biglang may yumakap sa may likuran niya. Nagpaalam kasi itong kukuha ng alak kani-kanina lang. “Ang bilis mo naman…”
Napapikit na siya nang magsimulang yumakap ang braso nito sa may tyan niya at ang isa ay sa may leeg niya na humihimas ang kamay sa pisngi niya. Naramdaman niya rin ang mga labi nitong humahalik sa may tainga niya. “Honey, mamaya na.” malanding sabi pa niya. Ilang saglit pa nang maramdmamn niya ang unti-unting paghigpit ng yakap nito sa kanya na halos masakal na siya. “H-honey…”
“Tandaan, mo ‘tong sasabihin ko sa iyo…”
Nanlaki ang mga mata ni Sandy ng marinig ang bulong na iyon sa may tainga niya. Hindi si Albert ang nasa may likuran niya na hindi niya magawang lingunin sa higpit ng pagkakasakal sa may leeg niya. Lalong nanlaki ang mga mata niya ng maramdamn niya ang isang matalim na bagay sa may leeg niya na unti-unting dumidiin at sumusugat doon. Tila nanigas naman ang dila niya nang hindi niya na magawang makapagsalita o sumigaw pa.
“Kerida ka lang kaya alamin mong mabuti ang lugar mo…”
Binitawan na ng lalaki si Sandy at tumalikod bago nagsimulang maglakad palabas ng kwarto.
Malakas naman ang kabog ng dibdib ni Sandy na naiwan sa kinatatayuan at mahigpit ang pagkakahawak sa bakal na harang sa may terasa. Ramdam niya ang hapdi ng munting sugat sa may leeg niya at ang matinding takot na iniwan ng lalaking hindi niya na nagawa pang lingunin dahil sa takot.
Ilang saglit pa siyang huminga nang malalim bago unti-unting luminaw ang pag-iisip. Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa makapal na bakal. Humanda sa kanya ang lalaking iyon dahil magsusumbong siya kay Albert. Isa lang ang maaring manakot sa kanya. Isa lang ang may dahilan upang gawin iyon.
***
“MANG Potpot, bumili kayo ng pang-babrbeque sa bayan mamaya. Heto na rin ang extra para may pan-mireyenda kayo,” inabot ni Kiko ang tatlong piraso ng isang libo sa matandang kausap.
“Mang Potpot, pabili na rin ng dalawang kaha ng Malboro,” dagdag ni Vernon.
“Iyon lang ho ba?” tanong ni mang Potpot na ibinulsa na ang inabot na pera.
“Oo, iyon lang –”
“Francsi! Francis!”
Sabay-sabay silang napaalingon sa malakas na tumatawag na iyon sa pangalan ni Kiko at sa paparating na si Albert na bakas sa mukha ang matinding galit.
“T*rantado kang bata ka! Kahit kailan hindi kita pinalaking barumbado!” Malakas na itinulak ni Albert ang nilapitang si Francsi.
“Ninong!” Mabilis na inawat ni Vernon ang tumulak na matanda sa kinakapatid.
“Ano bang problema ninyo?!” hindi na napigilan ni Kiko an pagtaas ng boses. Akmang susugod na siya nang pigilan ni mang Potpot.
“Alam kong nagkulang kami nang pag-aalaga sa iyo ng mommy mo. Lalo na ako… Pero hindi iyon maaaring maging dahilan para maging ganyan ka. At kaht kailan ay hindi kita tinuruan na manakit ng babae!”
“Dad, ano bang sinasabi mo?!”
“H’wag ka nang magmaang-mangan Francis! Nagsumobong sa akin si Sandy –”
“Sandy! Sandy! Puro na lang Sandy! Ang kabit na iyon ang dahilan bakit nasira ang lahat! Tell me dad, ano bang pinakain sa iyo ng malanding babaeng iyon at patay na patay ka sa kanya!?”
“Wala kang kwentang anak!”
“Ninong!” Hindi na nagawang pigilan pa ni Vernon ang kamao ni Albert na malakas na sumapok sa may pisngi ini Kiko.
Kaaad namang nagsugat ang labi ni Kiko na tumama sa ngipin niya.
“F-francis… Anak…” Tila bigla bumalik sa tamang pag-iisip si Albert nang makita ang pagdurugo ng labi ni Kiko. Ito ang unang pagkakataon na nasaktan nito ang sariling anak.
“Don’t you dare touch me again!” paasik na sabi ni Kiko at mabilis na tinalikuran ang ama. Umalis siya ng kusina at dumiretso palabas ng bahay. Napalunok siya nang mapagbuksan ng pinto si Melissa. Nakangiti ito at may hawak na maliit na bilao.
“Good morning! Nagluto ako ng biko. Baka kasi – a-anong nangyari sa labi mo?” gulat na tanong ni Melissa nang mapansin ang nagdurugong labi ng kausap.
Hindi naman sumagot si Kiko at nilampansan na ang babaeng iniluwa nang binksang pinto.
Ilang saglit na nakahatid tanaw si Melissa sa papalayong si Kiko. Nagluto siya ng biko kagabi para sa kanila ni Marvin. Napasobra kaya nagdala na rin siya sa mansion. Hindi man sigurado kung kakainin iyon ng mga taga-Maynila na binata ay nagdala pa rin siya kaysa masira at masayang pa. Bitbit pa rin ang maliit na bilao ay nagdesisyon siyang sundan ang binata. Ngunit biglang napahinto dahil sa kamay na humawak sa braso niya.
“Akin na ‘yan. Heto na ang dalhin mo,” ani Vernon bago kinuha ang maliit na bilao mula sa kamay ni Melissa at pinalitan ng medicite kit. “Sundan mo na si Kiko.”
May pag-aalinlangan namang tumalima si Melissa sa sinabing iyon ni Vernon. Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya ay hindi niya pwedeng hindi sundin ang sinabing iyon ni Vernon… Parang may masamang mangyayarai kapag hindi siya sumunod.