noveltoon logo noveltoon
29th of February

Chapter 25

Ch. 26 / 32 Feb 09, 2022

“FRANCIS…”

Bahagyang nasilaw si Kiko nang itaas ang mga tingin. Tinataman kasi ng sinag ng araw ang magandang mukha ni Melissa na nakatayo sa may tabi niya.

“Anong ginagawa mo dito?” seryosong tanong ni Kiko at pinunasan ang mga luha bago muling tumingin sa dagat. Nakita niya pa lamang si Melissa at wala pa itong kahit na anong ginagawa ngunit nagsisimula ng gumaan ang pakiramdam niya.

Hindi naman sumagot si Melissa at umupo sa ay tabi ni Kiko na bahagyang naabot ng asul na tubig.

“Hindi ko kailangan ng kahit na sino kaya pwede ka nang – Aw!” Hindi na nakaiwas pa si Kiko ng biglang ilapat ni Melissa ang bulak na amy alcohol sa labi niyang may sugat.

“Hindi ko alam kung anong nangyari o kahit pa ang kwento ng buhay mo. Pero sigurado ako na mas maswerte ka pa rin sa akin,” nakangiting sabi ni Melissa habang patuloy sa ginagawa.

Napalunok si Kiko nang mapansing napakalapit na ng mukha nila sa isa’t isa. Bumibilis ang tibok ng puso niya at nagsisimulang dumaloy ang magakaholong init at kuryente sa katawan niya. “Hindi mo alam ang sinasabi mo. Wala na talaga sigurong mamalas pa sa akin.”

“Lumaki ako ng hindi ko kilala ang tunay kong mga magulang. Lumaki ako sa mag-asawang hindi ko naman kaanu-ano. Mabuti na lang naging mabait ang nanay-nanayan ko. Pero ang tatay-tatayan ko? Palagi akong bibugbog,” may mapait na ngiti sa mga labing pagsisimula ng kwento ni Melissa sa sariling buhay. Kumuha siya ng pinabagong bulak na may alcohol pamalit sa hawak. “Ng minsang muli niya akong pinagtangkaang gahasain, hindi na ako nag-dalawang isip pa na maglayas at sumama kay Marvin. Si nanay Lilia na rin ang tumulong upang makatakas ako kaysa mapatay pa raw ako ng asawa niya.” Inabot nito ang maliit at bilog na band-aid bago inilagay sa may pumtok na labi ni Kiko. “Ayan, tapos na,” anitong may ngiti sa mga labi. Inayos saglit ang medicine kit bago humarap sa may dagat. Makulimlim ang panahon at makapal ang mga ulap sa kalangitan.

“I’m sorry hear yur story.”

“Okey lang. Okey naman na ako kaya h’wag kang mag-alala. Heto nga ‘di ba? Kahit paano masaya na ako.”

“Masaya ka ba kay Marvin?”

“Ha?” napakunot noong bumalik ang tingin ni Melissa kay Kiko.

“I-I mean, sa buhay mo ngayon. Masaya ka ba talaga?” Iniiwas naman ni Kiko ang sariling tingin. “Nakatira kayo sa isang maliit at masikip na bahay sa gitna ng gubat. Mangangahoy lang ang asawa mo at paulit-ulit lang ang pagkain na kinakain ninyo.”

Bumalik ang inosenteng ngiti sa mga labi ni Melissa na muling tumingin sa dagat. “Oo naman, masaya ako kahit ganito lang kami. Alam mo, si Marvin ang kauna-unahang lalaking pinagkatiwalaan ko. Sa kanya ko napagtanto na hindi lahat ng lalaki ay kayang manakit ng babae. Sa kanya ko kauna-unahang naramdaman ang totong pag-aalaga at pagmamahal.”

“Kaya rin naman kitang alagaan at mahalin higit pa sa ginagawa ni Marvin.”

Hindi nakasagot si Melissa sa sinabing iyon ni Kiko. Tama baa ng naririnig nito mula sa binata?

“Melissa, kaya kong ibigay sa iyo ang lahat ng mga bagay na hindi kayang ibigay ni Marvin sa iyo.” Hindi na napigilan ni Kiko ang sarili. Hindi na niya kaya pang itago ang totoong narararamdaman niya.

Hindi naman magawang sumagot o lumingon man lang ni Melissa. Naguguluhan siya sa mga sinasabi ni Kiko kahit malinaw niyang narinig ang mga salitang binitawan nito. Ramdam niyang nasa kanya ang mga tingin ng binata na tila nais tandaan ang pagkakahubog ng mukha niya.

“Melissa…”

“Hmm… Kailangan na siguro natin pumasok,” biglang sabi ni Melissa at sinundan ng pagtayo. “Mukhang uulan na. Mauna na ako sa mansion para maisoli ko ang medicine kit na ito.”

Naiwan si Kiko na nakabaling pa rin ang tingin sa kanina lang ay inuupuan ng kausap na si Melissa. “Sh*t! What did I just say?”

Samantalang tumuloy naman nang paglalakad si Melissa patungong mansion. Mabilis ang paglalakad niya at hindi napansin ang nakabungguan na si mang Potpot.

“Naku, sorry po mang Potpot!” paumanhin ni Melissa.

“Okey lang ‘neng. Parang nagmamadali ka yata?”

“Ibabalik ko po sana itong medicine kit na inabot sa akin ni Vernon kanina para kay Kiko.”

“Kumusta na si sir Francis? Kawawa talaga ang batang iyon.”

“O-okey naman na po siya,” tipid na sagot ni Melissa. Ayaw na niyang pahabain pa ang pag-uusap na iyon at baka kung saan lamang mapunta. “Mang Potpot, pwede ninyo po ba akong samahan pabalik ng mansion?”

“Naku tulog pa ‘yung mga binata sa loob, si Vernon naman pumanhik na sa kwarto siya. Pumasok ka na lamang sa loob at dumiretso ka sa kusina nasa pangatlong pinto bago ang dulo ng pasilyo. Hindi na kita masasamahan at kanina pa ako inutusan ng mga iyon na pumunta sa bayan upang mamalengke,” tugon ni mang potpot.

“S-sige po.” Nagpatuloy si Melissa sa paglalakad pabalik ng mansion. Kakatok sana siya sa malaking pinto nang mapahinto. Naisip niyang baka magising pa niya ang mga taong natutulog sa loob kaya dahan-dahan na lamang niyang ipinihit ang seradura. Napapalunok na itinulak niya ang pinto at humakbang papasok sa loob. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakatungtong siya sa loob ng malaking mansion. Napakalaki at lawak pala. Tinahak niya ang direksyon na sinabi ni mang Potpot kanina at kaagad na natunton ang kusina kung nasaan ang maliit na tokador na para sa mga gamot at lalagyan ng medicine kit.

“Ang bango mo naman…”

Napapitlag si Melissa at napaharap sa taong nasa may likuran niya na naramdaman niyang nasa may ulo niya ang ilon. Napalunok siya ng makita ang gwapong mukha na kaharap.

“Hi! I’m Vernon. Melissa right?” Ngumiti si Vernon. Halos nakadikit na ang katawan nito kay Melissa na nakasandal sa may malaking tokador. “Oh bakit parang gulat na gulat ka?”

“H-hindi naman…” Hindi nagawang umalis ni Melissa sa kinatatayuan ng humarang ang mga braso ni Vernon sa magkabilang tagiliran niya. Muli tuloy siyang napaharap sa binatang may isang dipa na lamang ang layo ng mukha mula sa kanya.

“Kiko likes you, don’t you know that?”

“K-kailangan ko ng umalis…” Bakit ba parang takot-na takot siya kay Vernon lalo na sa tuwing magsasalita ito. ‘Yung pakiramdam na parang kapag umangal siya ay masasaktan siya.

“Alam kong alam mo kung gaano ka kagusto ng kaibigan ko… Kaya h’wag na h’wag –”

“Aalis na ako,” malakas na itinulak ni Melissa ang kausap na binata. Bahagya pa siyang napahinto ng makitang muntik na itong mapaupo. “S-sorry…” aniya at nagsimulang maglakad ng mabilis palabras ng mansion. Hindi na niya nagugustuhan ang nararmdaman niyang kaba. Parang anumang oras na mamalagi pa siya sa loob ay may mangyayaring hindi maganda sa kanya.

***

“OH ang aga ng shot ah,” pupungas-pungas si Joel nang makapasok sa loob ng kusina at maabutan sina Mon, JC at Kiko. May kaharap ang mga ito ng dalawang bote ng alak at pulutan.

“Nagulat nga rin ako ng abutan ko si Kiko dito mag-isa at nagbe-breakfast ng alak. Hahaha,” natatawang sagot ni Mon.

“Wow, bago ‘yun ah.” Naupo na si Joel sa may tabi ni Kiko. “Yosi pare?”

Ngumiti naman si Kiko at inabot ang sigarilyo. Naka-move on na siya sa angyari sa kanila ng daddy niya kanina pero hindi ang nangyari sa pagitan nila ni Melissa. Hindi ang mga bagay na nasabi niya dito. Paano kung iwasan na siya ng dalaga dahil sa mga sinabi iya. Kung pwede lang sana ay mabawi pa niya ang mga iyon. “Iba rin trip mo eh, yosi for breakfast.”

“Teka, nasaan nga pala si Vernon?”

Napatingin si Kiko sa nagtanong na si JC. Bigla niyang naalala ang huling beses na nakita niya si Vernon. Nakatayo ito sa may pinto at nakahatid tanaw sa papalayong si Melissa.

“Kanina ko pa siya hindi nakita,” si Mon ang sumagot.

“Pare, ano bang meron ang aga katukin ng alak ang sikmura mo?” takang tanong ni JC. Inabot niya ang platito ng chicharon at kumuha ng isang malaking piraso.

Ngumiti lang si Kiko at ininom ang alak na laman ng basong kaharap.

“Maagang na-badtrip.” Inabot ni JC ang baso at nagsalin ng alak. “Paano, bumalik kasi ang papa niya at ‘yung sexy na Sandy.”

“Nand’yan ulit ung hot mistress ng daddy ni Kiko?” may pagka-manyak na tanong ni Joel. “Oh, bakit may pasa ka at sugat sa labi? Sinong nakaaway mo pare?”

“Ah, wala. Na-out of balance lang ako sa kwarto kanina,” pagsisinunangling ni Kiko. Ayaw na niyang pag-usapan pa muli ang nangyari kanina. Ayaw na niyang muling maramdaman ang inis at sakit dahil sa ginawa ng daddy niya. “Tara shot.”

***

“MAHAL? Nakauwi ka na?” tanong ni Melissa nang mabutang bukas ang pinto ng bahay nila. Inilagay niya mga dalang santol sa may katabing lamesa na nadaanan.

“Oo, mahal. Nandito ako sa may kusina,” sagot ni Marvin.

“Ang aga mo yatang nakauwi ngayon. Marami ka nang nakuha na mga kahoy? Namulot kasi ako ng mga santol kaya –” Naputol ang sinasabi ni Melissa nang makapasok sa kusina.

Hindi pa oras ng tanghalian pero may nakahain n sa lamesa na mga pagkain at isang bote ng alak na halatang mamahalin. Nandoon na si Marvin at may hawak na baso ng may lamang alak. Kaharap ng asawa niya ang binatang hindi niya inaasahang makikita niya sa loob ng maliit nilang bahay. Si Vernon.

“Mahal, si Vernon nga pala. Kaibigan ni Francis,” ani Marvin.

“Hi Melissa, nice to see you again. It’s been a while,” nakangiting bati naman Vernon.

Napalunok si Melissa nang makita ang ngiti sa mga labi ni Vernon. Bumabalik ang kaba na kanina lang ay nararamdaman niya nang kaharap niya ito sa loob ng mansion. “H-hi…”

“Ah mahal,” tumayo si Marvin at lumapit kay Melissa. “Nagdala siya ng pagkain at mamahaling alak. Pa-thank you raw sa masarap na biko na niluto mo.”

“Ang sarap kasi ng biko mo. Ang sarap mo palang magluto. Marvin is a lucky guy, ang sarap mo rin sigurong magmahal.”

Hindi sumagot si Melissa. Diretsong nakatingin sa kanya si Vernon kung saan nagsisimula na naman ang kabang hindi niya nagugustuhan.

Biglang namayani ang katahimikan.

“Ah, tama ka Vernon. Napa-swerte ko talaga sa asawa kong ito,” ani Marvin na hindi na pinansin pa ang kakaibang ikinikilos ng dalawang kausap at inakabayan ang katabing si Melissa.

Iginuhit ni Melissa ang pilit na ngiti sa mga labi bago hinaplos ang pisngi ng asawa.

“Hey guys, I think I have to go,” tumayo na si Vernon at inayos ang sarili sa gagawing paglisan. Naglakad ito patungo sa may pinto.

“Thank you ulit sa alak at pagkain,” sabi ni Marvin na hinatid sa may pinto si Vernon.

“You’re very welcome.” Tumalikod na si Vernon at nagsimulang maglakad nang may biglang maalala. “Oo nga pala, we’re having a barbeque party tonight. Hope you guys can join us.”

“Hind –” Hindi na naituloy ni Melissa ang pagtanggi na gagawin nang biglang sumagot si Marvin.

“Sure, pare. Darating kami.”

“Thanks.” Bumaling ang tingin ni Vernon kay Melissa. “Bye.”

“Bye,” walang kangiti-ngiting tugon ni Melissa.

“Sige pare.”

“Ingat ka,” pahabol pa ni Marvin bago tuluyang makaalis si Vernon.

Muli namang pumasok si Melissa sa kusina at sinimulang ayusin ang mga pagkain at basong nakalagay sa lamesa.

“Mahal…”

Naramdaman ni Melissa ang pagyakap ni Marvin sa may likuran niya,

“Mahal, sorry. Alam ko na ayaw mong umiinom ako ng alak… Hindi ko na kasi natanggihan si Vernon.”

Isang buntong hininga ang binitawan niya bago humarap sa binata. Hindi naman ang pag-inom nito ng alak ang ikinatatahimik niya. “Mahal, pwede bang hindi na tayo pumunta sa barbeque party nila mamaya?”

“Ha? Bakit naman?” Napakuno’t noong tanong ni Marvin.

“K-kasi…” Hindi alam ni Melissa kung paano sisimulan ang pagku-kwento sa asawa. O kung paano niya sasabihin. Alam niya kasing malaki ang paggalang nito sa bagong may-ari ng resort na si Kiko. “K-kasi naiilang ako sa kanila,” muli siyang bumalik sa ginagawang pag-aayos ng lamesa. Hindi niya kayang sabihin ang totoong dahilan. Na kaya ayaw niyang pumunta ay dahil naiilang siya sa ginawang pagtatapat ni Kiko sa kanya at dahil sa kabang nararamdaman niya kay Vernon na tila anumang oras ay maaaring may gawing hindi maganda sa kanilang mag-asawa.

“Ang mahal ko,” ibinalik ni Marvin ang pagkakayakap ng mga braso sa may likuran ng asawa. “Kahit naman ako, hindi na ako sanay makisama sa mga mayayaman. Pero minsan lang naman.”

Huminto si Melissa sa ginagawa pero hindi tumugon.

“Mahal…” Iniharap ni Marvin ang asawa at ikunulong sa mga palad ang magkabilang pisngi nito. “Isang beses lang, please?”

Isa mas malalim na buntong hininga muli ang binitawan ni Melissa bago sinalubong ang mga tingin ni Marvin. Sa ganong klase ng pakiusap nito ay hindi niya magagawang tanggihan. Iginuhit niya sa mga labi ng isang simpleng ngiti. “Sige na, pupunta tayo mamayang gabi.”

“Yes!” mahipgit na niyakap ni Marvin ang asawa. “Ipagluto muo sila ng special recipe mo na adobo mamaya.”