noveltoon logo noveltoon
29th of February

Chapter 28

Ch. 29 / 32 Feb 09, 2022

PINUNASAN ni Marvin ang pawis sa noo bago tumingin sa nagdidilim na kalangitan. Napakunot noo siya nang makita ang makapal at maitim na ulap na biglang tumakip sa magandang sikat ng araw. Sumunod pa niyang narinig ang mahihinang kulog sa hindi kalayuan.

“Uulan pa yata. Tama na siguro muna ito,” bulong niya. Itinali niya ng magkakasama ang mga panggatong na ipinangahoy pati na rin ang mga sinungkit na buko. Bukas ay sasabay siya kay mang Potpot papunta sa bayan upang mabenta ang mga iyon at magkaroon sila ng panggaastos ni Melissa sa bahay.

Kagaya ni Melissa ay ulilang lubos na rin siya. Galing siya sa isang may kayang pamilya ngunit nasa elementary siya noon nang mamatay sa sakit na cancer ang mama niya. Simula ng araw na mamatay ang mama niya ay nagsimulang malulong sa masamang bisyo ang papa niya. Magtatapos na siya ng high school nang maaksidente ito sa sinasakyang kotse at kaagad na binawian ng buhay. Nagulat na lamang siya ng malaman na halos lahat ng ari-arian at lupain ng mga magulang ay nakasangla na sa bangko kabilang na ang resort na iyon. Ganoon pa man ay nagpapasalmat pa rin siya at may naiwan kahit maliit na lupa para sa kanya ang papa niya. Ang lupang kinatitirikan ng bahay nila ni Melissa ngayon.

Nang mailibing ang papa niya ay nagdesisyon siyang hindi na magpatuloy sap ag-aaral at lumuwas ng Maynila. Sa isang factory siya nagtrabaho kung saan nakilala niya si Melissa na nagtatrabaho sa karinderya na palagi niyang knakainan. Simple lang ito pero sadyang maganda at kaagad na nakuha ang atensyon niya. Nag-umpisa sa ngitian hanggang sa pa-simpleng kwentuhan. At sa pasimepleng pag-uusap nila ay marami na kaagad siyang nalaman tungkol sa dalaga. Ulilang lubos na ito at tanging ang mag-asawang may-ari ng karinderyang pinagtatrabahuhan kasama ang dalawang anak nitong lalaki ang kasama ni Melissa sa buhay. Ayon sa dalaga ay mabait si nanay Lilia, ang nanay-nanayan nito. Pero hindi si Tatay Nardo at ang dalawang binatang anak na palaging lasing. Minsaw raw kasi ay nahuhuli ni Melissa ang tatlo na namboboso na labis na nagpapaalala sa kanya. Sadyang maganda kasi si Melissa at walang lalaking ang hindi nanaising mapalapit dito. Kaya nga nang magtapat siya n pag-ibig dito ay nagulat siya ng kaagad iyong tanggapin ng dalaga. Matagal na rin pala itong may pagtingin sa kanya.

Mabilis na lumipas ang tatlong taon sa kanilang relsyon. Napatunayan nyang totoog mabait si nanay Lilia noong dalhin siya ni Melissa sa bahay at ipakilala noon bilang nobyo. Samantalang puro kabastusan at pagdadabog ang ipinakita ng mga lalaki na hindi na lamang niya pinatulan.

Isang gabi ay nagulat siya nang bigang sumulpot si Melissa sa boarding house na tinuuluyan niya. Umiiyak ito, sira ang damit at may dalang malaking bag. Lulong raw sa masamang droga ang tatay Nardo nito at pinagtangkaang gahasain si Melissa. Kung hindi pa raw umawat at tumulong na patakasin ito ni nanay Lilia ay baka maya masama nang nagyari ng gabing iyon. Gusto niya sanang magsumbong sila sa mga pulis ngunit nakiusap si Melissa na h’wag na lang. Iyon raw kasi ang bilin ni nanay Lilia. Ayaw ng ginang na makulong ang asawa at mga anak na lulong sa masamang droga. Kaya na-trauma si Melissa sa mga lalaking may bisyo dahil sa mga iyon.

Hindi na siya nagdalawang isip pa na itanan ang dalaga at iuwi sa probinsya kung nasaan ang kaisa-isang bahay at lupa na pag-aari niya. Ang unang gabi nila sa maliit n bahay na iyon ang gabing kahit kailan ay hindi niya makakalimutan kung saan ibinigay ni Melissa ang buong sarili sa kanya. Ang gabing iyon ang kauna-unahan rin niyang pagkakataon na makipagsiping. Nang gabing iyon ay ipinangako niyang bubuhayin niya ang nobya na ngayon ay itinuturing na niyang asawa sa lahat ng malinis a paraang alam niya. Magsasama sila at bubuo ng isang simple pero masayang pamilya.

“Inabutan pa ako!” sambit ni Marvin na kaagad na kinuha ang mga gamit at tinahak ang daan pabalik ng bahay. Bigla na kasing bumuhos ang malakas na ulan na sinasabayan ng malakas na kulog at kidlat. Bago pa man siya umalis ng baya na nakakaramdam na siya ng kakaibang kaba na tila ayaw niyang iwanan si Melissa mag-isa sa bahay na iyon kaya labis ang pagbibilin na ikandado ang mga bintana at pinto. Pero pinagsawalang bahala na lamang niya ang kabang nararamdaman.

Malakas siyang kumatok ng sa wakas ay marating ang bahay. Naiwan nya kasi ang susi at bolo kaninang umaga. Mabuti na lang at nadala niya ang palakol niya kahit paano at nakapagtaga siya ng panggatong. Nakailang katok na siya ay hindi pa rin nagbubukas ang pintuan. “Mahal? Mahal ko, pakibuksan ang pinto. Medyo basa na ako ng ulan eh.”

Iniluwa nang bumukas na pinto si Melissa na nakasuot ng sipleng duster. “Mahal! Pasok ka. Naku sorry, kanina ka pa ba d’yan?”

“Medyo,” sagot ni Marvin nang makapasok. Hinubad niya ang suot niyang t-shirt na nabasa ng malakas na ulan. “Bakita natagalan ka sa pagbukas ng pinto?”

“H-ha? Kasi may inaayos ako sa kwarto kaya hindi ko kaagad narinig ang pagkatok mo,” pagsisinungaling ni Melissa. Kanina pa siya sa may pinto at hinhintay lamang marinig ang boses ni Marvin para masiguradong ito ang kumakatok at hindi ang Perwisyo Boys. “Halika na at magpunas ka na ng makakain na tayo ng maaga – ay!” bigla siyang napahinto sa paglalakad patungong kwarto dahil sa pagyakap ni Marvin sa may likuran niya kasunod ang paghalik ng mga labi nito sa may tainga niya.

“Pwede bang mauna ang panghimagas sa hapunan?” halos pabulong na sabi ni Marvin.

Nakangiti namang humarap si Melissa at sinalubong ang mga labi ng binata. Si Marvin ang kauna-unahang lalaki na pinapasok niya sa buhay niya. Pakiramdam niya kasi ay ito lang ang maaaring tumnaggap sa nakaraan niya. Matagal siyang nagpalaboy-laboy noon sa lansangan bago ampunin at alagaan ni nanay Lilia. At ng araw na unang beses siyang nginitian ni Marvin ay naramdaman niya ang kakaibang tibok ng puso niya. Si Marvin ang kauna-unahang lalaking minahal at nakasiping niya. At alam niya sa sarili na ito na rin ang kahuli-hulihang lalaki sa buhay niya. “Parang gusto ko rin na magpanghimagas muna…”

“Tara sa kwarto at kumain ng panghimagas?” Hindi na hinintay pa ni Marvin na makasagot si Melissa at binuhat na ito. Masarap magpainit lalo na ngayong maulan. Ngunit bago pa man sila makapasok sa loob ng kwarto ay napalingon sila sa may pintuang may malakas na kumakatok. Wala sa loob na naibaba niya si Melissa at naglakad palapit sa pinuan.

“Mahal, h’wag…”

Napatingin si Marvin sa kamay ni Melissa na nakahawak sa braso niya bago nakakunot noong sinalubong ang nag-aalalang mukha nito.

“B-baka manggulo na naman sila…”

“Akong bahala,” nakangiting sabi ni Marvin bago nagpatuloy sa paglalakad palapit sa pintuan at binuksan ang kandado.

“Pare, pwede bang makisilong saglit?” tanong ni Vernon na basang –basa na ng malakas na ulan. Nasa may likuran nito sina JC, Joel at Mon na basing-basa na rin ng ulan at tila nilalamig.

“Pare kung ano man ang nangyari kagabi, pasensya na. Alam naman naming na kasalanan namin talaga,” ani Joel.

“Oo nga pare, admitted kami na kasalanan talaga namin. Sorry sa kabastusan naminkagabi.” Palihim na siniko ni JC ang katabing si Mon.

“They’re right. It’s all our fault. Sorry pare.” Hindi sanay si Mon humingi ng tawad. Para sa kanya ay nakakababa iyon ng pagkalalaki. “Pare, baka pwede nang makisilong, kanina pa kami nilalamig dito. Inabutan kasi kami ng ulan habang naggagala sa gubat.”

Saglit na lumingon si Marvin kay Melissa. Umiiling ito na tila hindi nais papasukin ang mga basang binata. Ngunit para sa kanya ay humingi na ang mga ito ng pasenya at maayos na nakiusap kaya wala siyan kahit na anong dahilan na nakikita upang hindi papasukin ang mga ito. “Sige, pasok kayo.”

Napalunok si Melissa nang marinig ang sinabing iyonni Marvin. Tila may sariling isip ang mga paa niyang naglakad palapit sa kinalalagyan ng bolo na kanina lamang ay itinutok niya sa mga bisita. Napapitlag pa siya dahil sa malakas na kulog at kidlat sa labas. Bakit ba pakiramdam niya ay may mangyayaring hindi maganda anumang oras.

Pinapasok na nang tuluyan ni Marvin ang mga bisita at bago pa man muling makaharap kay Melissa ay isang malakas na tadyak sa likuran ang naramdaman niya. Magkasunod na sipa pa ang naramdaman niya bago nakabangon at sinuntok ang isa sa mga ito. Mabilis na tumuba si JC na kaagad niyang dinaganan upang muling suntukin.

“Sige, subukan mo! Subukan mong ituloy yan at magpa-fountain ng dugo ngayon dito mismo sa kinatatayuan ng babaeng pnakamamahal mo!”

Nanlaki ang mga mata ni Marvin nang makita si Melissa. Nasa likuran nito si Vernon na marahas na nakasabunot sa mahabang buhok ng dalaga at ang isang kamay ay nakahawak sa bolo na ang talim ay halos nakalapat sa leeg ng nonito. “H-h’wag ninyo siyang sasaktan –” Mabilis siyang tumumba ng sipain ni Mon. Sumunod ang mas malakas na sipa ni JC na sinundan ni Joel.

“Tama na! maawa kayo sa kanya! Tama na, please! ”

Malinaw na naririnig ni Marvin ang mga sigaw at pagmamakaawa ni Melissa. Ramdam niya rin ang sakit ng bawat tadyak at suntok na ginagawa sa kanya. Hanggang sa makaramdam na siya ng hilo nang tumama ang tuhod ni JC sa noo niya. Hindi! Hindi siya maaaring mawalan ng malay. Hindi maaaring bumigay an katawan niya… Hindi siya maaaring sumuko…

“Ahhhh!”

Marahas na itinulak ni Vernon si Melissa sa ibabaw ng lamesa kung saan tumapon ang mga plato, ulam at kanin na nakahain.

“H-h’wag… H’wag ninyo siyang….” Tuluyan nang nagdilim ang lahat kay Marvin.