noveltoon logo noveltoon
29th of February

Chapter 20

Ch. 21 / 32 Feb 09, 2022

“PARE, sasama ba kayo sa Retreat?”

Napalingon si Kiko sa kapapasok lamang na kwarto niyang si Joel. Sa kanilang lima ay ito ng may pinakamahaba at tuwid na buhok. Inayos niya ang suot na salamin sa mga mata bago ibinalik ang tingin sa hawak na libro.

“Baka kasi kami ni Joel, hindi sumama. Mukhang boring eh,” ani Mon na kasunod ni Joel na pumasok sa loob ng kwarto ni Kiko. Napakunot noo siya ng makitang may hawak na libro si Kiko. “Pare, tapos na ang finals at thesis natin… Pwede ba ipahinga mo naman ‘yang mga mata mo sa libro.”

“Hayaan ninyo na. D’yan siya nag-eenjoy eh. P*tsa, talon na naman ako,” inis na sabi ni JC, ang pinakamalaki sa Perwiyo Boys.

“Mag-practice ka munang mabuti bago mo ako ayain ulit mglaro ha,” natatawang sabi ni Vernon bago binitawan ang wireless na joystick. Tumayo na siya at umupo sa may gilid ng malaking kama kung nasaan ang kinakaptid na si Kiko. Sa bahay at sa kwartong iyon silang magbabarkada na pinangalan nilang Perwisyo Boys madalas tumatambay. Bukod kasi sa malaking kwarto ay kumpleto sa lahat ng kagamitang panlibangan ang kinakapatid niya. Perwsiyo Boys ang ipinangalan nila sa barkada dahil alam nilang madalas na perwisyo ang hatid nila sa lugar kung saan sila nagkakasama-sama. Kahit sa university kung saan sila sabay-sabay na magtatapos ngayong taon ay hindi nakaligtas sa pamemerwisyo nila. Kung hindi pa pagmamay-ari ng papa niya ang unvesrity na pinapasukan nila malamang ay hindi sila lahat makaka-graduate dahil sa mga kalokohang pinaggagagawa nila. “Sama ka ba sa Retreat, Kiko?”

“Oo, wala naman akong ibang pupuntahan sa weekend,” sagot ni Kiko na patuloy sa pagbabasa.

“Kiko.”

Napalingon si Kiko kay Mon na sumampa sa kama at humarap sa kanya. May kakaibang ngiti sa mga labi nito.

“Narinig ko may niregalo raw na resort sa iyo ang daddy mo para sa graduation mo,” ani Mon.

Sa lahat ng Perwisyo Boys si Mon ang pinakaayaw ni Kiko dahil pakiramdam niya ay kinakaibigan lang siya nito dahil sa mayaman rin siya kagaya nito. Kilala kasi ito bilang isang sikat na MVP ng basket ball team sa university at alam niyang mapili ito sa mga kaibigan. Tatlo ang qualification nito pagdating sa mga kaibigan, sikat, mayaman at gwapo. Isa lang ang mayroon siya, mayaman.

“Oo nga pare, totoo ba ‘yun?” tanong ni JC na hindi man lang inaalis ang mga tingin sa nilalarong PS2 na pagmamay-ari ni Kiko.

“Oo, bakit?” balik tanon ni Kiko. Mukhang alam na niya ang nais mangyari ng mga ito.

“Bakit hindi na lang tayo doon maglong weekend kesa sumama sa boring na Retreat ng university,” suhestyon ni Joel.

“Hindi pwede,” tipid niyang sagot bago ibinalik ang tingin sa hawak na libro.

“Ang KJ naman nito!” inis na sabi ni Mon bago pumunta sa may tabi ni JC at hinawakan ang isang joystick. Hindi na niya pipilitin pa si Kiko tutal hindi naman sila talaga malapit sa isa’t-isa.

“Dali na pare. Balita ko white beach resort daw ‘yun eh,” ani Joel.

Hindi naman sumagot si Kiko. Hindi naman sa pinagdadamot niya ang iniregalo ng daddy niya sa kanya para sa darating nilang graduation pero ayaw muna niyang puntahan iyon ngayon. Nandoon kasi ang papa niya ngayon kasama ang kabit nito. Buhay pa ang mama niya pero hindi na niya ito maramdaman bilag isang ina. Puro trabaho na lang kasi ang inaasikaso kaya siguro naghanap ng ibang mapaglalabasan ng init ang papa niya.

“Pare, this weekend lang. Ayoko kasi talaga sumama sa retreat na ‘yun,” pangungulit pa ni JC na patuloy sa paglalaro. “Vernon, kulitin mo nga si ‘yan.”

“Kiko…”

Lumingon si Kiko sa kinakapatid. Alam na niya ang nais nitong ipahiwatig. Kapag kasi may gusto ang barkada na ayaw niya, si Vernon ang nagiging susi ng mga ito upang mapapayag siya.

“Pwede naman this weekend ‘di ba?”

***

“SO, this is Sarao’s White Paradise,” sabi ni Mon ng makababa sa van mula sa halos pitong oras na byahe nila.

“Wow pare, astig!” namamanghang sabi ni JC habang inililibot ang paningin sa dagat na napapalibutan ng mga puting buhangin.

“Sana regaluhan rin ako ng ganitong resort ni erpat,” sabi ni Joel. “Ang ganda pati ng mansion mo pare!”

Naagaw ng isang puting kotse na nakaparada sa hindi kalayuan ang atensyon ni Kiko. Tama ang iniisip niyang hindi pa nakakaalis ang papa niya.

“Kiko, okey lang ‘yan,” ani Vernon.

Ngumiti naman si Kiko bilang tugon. Tanging kay Vernon lang niya sinabi ang totoong dahilan kung bakit ayaw niyang pumunta sa resort na iyon ngayong weekend.

“Magandang umaga po sir Francis.”

Lahat sila ay napatingin sa bumating matanda.

Matagal nang pagmamay-ari ng pamilya ni Kiko ang Sarao’s Paradise pero pangalawang beses pa lamang niya ang pagpunta ngayon dito. “Good morning po mang Potpot. Mga kaibigan ko nga po pala, sina Vernon, Joel, JC at Mon. Guys si mang Potpot, ang caretaker ng mansion at buong resort na ito.”

“Magandang umaga po mga sir.”

“Magandang rin po mang Potpot,” halos sabay-sabay na bati ng apat.

“Halina po kayo ng maipakita ko sa inyo ang inyong magiging silid,” anyaya ng matanda.

Tumalima silang lima sa sinabing iyon ng matanda na naglakad papasok ng mansion.

“Honey.. Honey tama na.. Ayyy –” napalingon ang humahalinghing na nakapulang babae sa bagong dating na bisita ng mansion.

Napahinto sa paglalakad sina mang Potpot kasama ang limang binata ng makapasok sa ikalawang palapag ng mansion. Lahat sila ay nakatuon ang tingin sa babaeng nakasuot ng manipis na pulang pantulog. Halos nakalabas na ang kalahati ng dibdib nito dahil sa nakababang laylayan.

“Wow, pare ang sexy,” namimilog na sambit ni Mon.

“Hi boys,” malanding bati ng babae.

Napalunok na napatitig si Joel sa sexy na babae na bakat na ang tuktok ng dibdib sa suot na pantulog.

“Honey, halika na dito sa kwarto. Binibitin -.”

Napasinghap si Kiko ng makita ang paglapit ng daddy niyang nakatapis lang ng puting tuwlaya ang pang-ibaba. Naantala pa ang pakikipag-usap nito ng malandi sa babae ng makita sila.

“Francis, anak. A-anong ginagawa ninyo rito?” takang tanong ni Albert, ang daddy ni Kiko.

“Dito kami mag-i-spend ng weekends, ‘pa,” halos hindi maghiwalay ang mga ngipin ni Kiko sa sagot na iyon.

“Bakit hindi ka nagtext o nagpasabi – Sandy, wait lang,” saway ni Albert sa kerida na nakatayo sa may likuran niya at humahalik-halik sa may batok niya habang humihimas ang mga kamay sa may dibdib niya. “Bakit hindi ka man lang nagtext sa akin na darating kayo ngayon.”

“Pa, buong araw kitang tinetext at tinatawagan pero hindi mo sinasagot,” muling sagot ni Kiko na blangko ang mukha.

“Honey, ipakilala mo naman ako sa kanila,” malanding sabi ni Sandy.

Napatiimbagang si Kiko sa malanding sinabing iyon ni Sandy, ang sexy na nakapulang babae at kabit ng daddy niya.

“A-ah, Sandy ang anak ko si Kiko at mga kaibigan niya. Boys, this is Sandy,” pakilala ni Albert.

“Hi boys!” malanding muling bati ni Sandy at bahagya pang pumunta sa harapan ni Albert na tila nais ipakita ang katawan sa mga binata.

Muling napasinghap si Kiko bago inalis ang tingin sa harapan. Nagkuyom na rin ang mga kamao niya dahil sa matinding inis na nararamdaman.

“Sandy, let’s go back sa room. Mang Potpot, bahala ka na sa mga boys,” utos ni Albert bago hinila si Sandy patungo sa kwarto na nasa dulo ng pasilyo, ang pinakamalaking kwarto sa buong mansion.

“Bye boys,” malanding paalam pa ni Sandy.

“Wow pare, ‘yun ba ‘yung chicks ng daddy mo,” ani JC ng makalayo na ang dalawa sabay akbay kay Kiko.

“Alisin mo nga kamay mo!” inis na tanggal ni Kiko sa kamay ni JC.

“Ang sexy pare!” bulalas pa ni Joel.

“Guys, move on,” saway ni Vernon. Napansin nyang hindi na maganda ang pinta ng mukha ni Kiko. “Mang Potpot tara na po ulet,” anyaya niya at nagpauna ng naglakad.

***

TAHIMIK na pinagmamasdan ni Kiko ang asul na dagat mula bintana ng sariling kwarto. Napakaganda ng dagat pero hindi niyon nagagawang alisin ang bigat na nararamdaman niya ngayon. Humigop siya saglit ng mainit na kape mula sa hawak na tasa bago nagbitaw ng isang malalim na buntong hininga.

Nagpaaalam na ang daddy niya kasama ang kabit nito kanina lang bago siya makapag-ayos ng gamit. Nahiya siguro sa kanya pero hindi man lang nito nabawasan ang galit nanararamdaman niya. Hindi pa naman patay ang mama niya para mambabae ito. Siguro nga ay may kasalanan rin ang mama at matatanggap niya kung saglit lamang na magloko ang papa niya. Pero ang paulit-ulit na mambabae at waldasin ang pera na pinaghihirapan ng mama niya, alam niyang kalabisan na iyon.

Wala naman siyang magagawa eh, kagaya nga ng sabi ng papa niya ng minsang magtalo sila, anak lamang siya na dapat na maging sunud-sunuran dito. Kaya nga ginawa niya ang lahat, nag-aral siya mabuti, kinuha ang kursong nais ng mga ito para sa kanya at magtatapos bilang isang suma cum laude na hindi man lang binigyan nga kahit na anong papuri ng mga magulang niya. Ang pagbibigay yata ng malalaki at mamahaling regalo ang alam ng mga ito na daan upang ipakita na kunwari ay na-appreciate siya ng mga magulang.

“Sir Francis, narito na po ang ilang bagahe ninyo.”

“Salamat mang Potpot, pwede na po kayong lumabas,” lilingunin sana ni Kiko ang matanda ng tila biglang namagneto ang mga mata niya sa isang babaeng naglalakad sa may tabi ng dagat. Isang hindi katangkarang babae, hanggang balikat ang tuwid buhok at nangingislap ang maputing kutis na tinatamaan ng mataas na sikat ng araw. Sa tingin niya ay matanda lamang siya ng dalawa o tatlong taon sa babaeng iyon. “Mang Potpot…”

“Po, sir Francis?” tanong ng matanda na naanatala ang paglabas sana ng kwarto.

“Sino ‘yung babae na nasa may tabi ng dagat?”

Lumapit ang matanda kay Kiko at tumingin rin sa may labas ng bintana kung saan nakatuon ang mga tingin ni Kiko. “Si Melissa po ‘yan.”

“Melissa?” takang ulit niya sa pangalan na narinig. Ang pagkakaalam kasi niya ay wala ng ibang tao sa resort na iyon kung hindi silat. At kung may nais mang mamasyal sa dagat mula sa bayan ay magdadalawang isip dahil tatahakin nito ang tatlong oras na byahe.

“Opo. Kung natatandaan po ninyo, may maliit na parte ng lupa sa may gubat ang hindi nabili ng papa ninyo. Si Marvin po ang nagmana ng maliit na lupang iyon kung saan nakatayo ang maliit na bahay.”

“So, kaano-ano ng Marvin na iyon si Melissa?” Hindi maalis ang tingin niya sa babaeng tinutukoy. Nakangiti ito ngayon na nakaupo sa may buhanginan habang nakatingin sa asul na dagat.

“Itinanan po siya ni Marvin at nakatira ngayon sa maliit na bahay sa may gubat.”

Napahinto si Kiko sa paghigop sanang gagawin sa tasa ng kape bago muling ibinalik sa hawak na platitong lalagyanan nito. Nagtataka siya ngayon sa tila kakaibang nararamdaman. Bakit bigla siyang nawalan ng ganang magkape? Bakit parang mas nais niyang titigan na lamang buong araw si Melissa? Bakit parang may kakaibang tibok na ginagawa ang puso niya ngayon? Possible nga kaya? Possible ba na magmahal siya sa unang tingin pa lamang na nagagawa niya kay Melissa?