“Dadalhin ko pa ba ‘to?” tanong ni Sandy sa sarili habang hawak ang paborito niyang pulang pantulog. Saglit pa siyang nag-isip bago iyon tuluyang binitawan. “H’wag na lang marami naman akong mas magandang pantulog na binili ni Albert.” Tuluyan na niyang isinarado ang malaking maleta.
Wala silang plano na magtagal sa resort. May nakalimutan lang si Albert kaya kinailangan nilang bumalik. Sumang-ayon na rin siyang bumalik kahit nasa Manila na sila upang makuha ang ilang gamit na naiwan niya. At nang mangyari ang pananakot sa kanya ng hinihinilang niyang si Kiko kahapon ay ibinilin niya kay Albert na magpapalipas lamang sila ng gabi at bago magtanghali ay aalis na sila na sinang-ayunan naman ng kanyang karelasyon na may-asawa.
Bahagya siyang natawa ng maalala ang mga eksenang nakita at narinig niya kagabi sa may kusina. Ang pagtatangka ni Kiko na halikan ang isang babaeng hindi katangkaran pero maganda. “He’s a Pyscho.”
Tumayo na siya at lumabas ng kwarto upang makapag-almusal sa baba. Bumagal ang paglalakad niya nang mapadaan sa isang kwartong bahagyang nakabukas ang pinto. Sapat na ang iwang niyon upang makilala niya ang makisig na si Vernon na naaupo sa may gilid ng kama at nagbubuhat ng dumbbell.
Napalunok siya ng makitang lumalabas ang magandang hubog ng muscle nito sa may braso sa bawat taas at babang ginagawa sa hawak na dumbbell. Aminado siyang sa lahat ng Perwisyo Boys ay kay Vernon siya pinaka-attarcted. Dahil na rin ito ang may pinakamakisig na mukha at magandang katawan sa lima.
Kaagd siyang nagpatuloy sa paglalakad ng biglang tumaas ang mga tingin ni Vernon sa kinatatayuan niya at bumakas ang ngiti sa mga labi. Nasa may punong baitang siya ng mataas na hagdanan nang mapahinto dahil sa mga kamay na biglang humimas sa may balikat niya.
“At last na-solo rin kita…”
“Vernon…” halos pabulong na sabi niya. Ramdam niya ang pang-aakit sa boses ng binata.
“Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito, alam mo ba ‘yun?” halos dumikit na ang mga labi ni Vernon sa tainga ng kausap.
“A-anong pagkakataon?” kunway tanong niya kahit alam niya ang tinutukoy ng binata. Nag-aayos ngayon ng makina ng kotse sina Albert at mang Potpot kaya hindi siya mag-aaksaya ng panahon na sagutin ang init na ipinaparamdam ni Vernon sa katawan niya.
“Ang pagkakataon na ma-solo ka kagaya nito…” Inihirap ni Vernon si Sandy habang ang kaliwang kamay nito ay kumukulong sa kanang pisngi ng kausap at ang kanang kamay ay humihimas sa may balikat pababa ng braso.
Muli siyang napalunok ng maramdaman ang pagdila ni Vernon sa tainga niya na nagdudulot ng matinding kiliti.
“Nakalimutan mo na ba kaagad ang sinabi ko sa iyo, Sandy?” ani Vernon na patuloy sa paghimas na ginagawa.
“Sinabi?” takang sabi ni Sandy na humarap na sa binata.
“Hindi ba ang sabi ko sa iyo,” bahagyang inilayo ni Vernon ang sarili kay Sandy upang magtama ang kanilang mga tingin. “Kerida ka lang kaya alamin mo ang lugar mo.”
Nanlaki ang mga mata ni Sandy ng makita ang ngiting gumuhit sa mga labi ni Vernon. Mula sa makisig at maamo nitong mukha naging tila isa iyong demonyong nakahawak ng mahigpit sa mukha at braso niya. Si Vernon… Si Vernon ang lalaking nanakot sa kanya kahapon sa may terrace ng kwarto nila ni Albert at hindi si Kiko! At bago pa niya nagawang sumigaw ay naramdaman niya ang malakas na pagtulak na ginawa ni Vernon kung saan nawalan siya ng balanse st tuluy-tuloy na gumulong sa mahabang hagdan. Ilang beses niyang naramdaman ang sakit sa ulo at mga parte ng katawan sa bawat pagtama niyon sa kanto ng baitang ng mahabang hagdan.
Samanalang si Vernon naman ay nakangiting pinpanuod ang paggulong ng katawan ni Sandy hanggang sa tuluyan na iyong bumagsak sa pinakbaba ng hagdan at magsimulang kumalat ang malapot na dugo mula sa ulo ng kerida. “Ikaw ang walang kwentang babae…”
***
“AALIS na ako, Mahal,” paalam ni Marvin kay Melissa.
“Sige mahal, mag-iingat ka,” bilin ni Marvin.
“Ikaw rin, mag-iingat ka dito sa bahay. Ikandado mong mabuti ang mga pinto at bintana.”
Nakangiti namang tumango si Melissa bilang tugon bago hinagkan sa mga labi ang nobyo.
“Mahal kita mahal ko…”
“Mahal na mahal rin kita, mahal ko.”
Lumabas na si Marvin at ikinandado naman na ni Melissa ang pinto kagaya ng bilin ng nobyo. Sinimulan na niyang ligpitin ang pinagkainan nila ng almusal ng may mapansin sa sofa nila na gawa sa kawayan. Nakalimutan ni Marvin ang susi ng bahay at bolo nito. Napapitlag siya may biglang kumatok sa pintuan. Naalala marahil kaagad ni Marvin ang mga gamit na naiwan.
“Ikaw talaga Mahal, napaka malilimutin –” Hindi na naituloy ni Melissa ang sinasabi nang hindi ang inaasahang nobyo ang iniluwa ng pinto. “Aong ginagawa mo dito?”
“Melissa, I just want to apologize for what happened last night,’ tugon ni Kiko.
“Iyon lang ba? Kinalimutan ko na ang lahat ng sinabi mo kagabi kaya makakaalis ka na,” seryosong sabi ni Melissa.
“Melissa, makinig ka sa akin… Lahat ng sinabi ko sa iyo kagabi tungkol sa nararamdaman ko…”
“Kiko, pwede ba? Umalis ka na please… Baka makita ka pa ng asawa ko dito.”
Nakaramdam ng kirot sa may dibdib si Kiko ng idiin ni Melissa ang huling tatlong salitang binigkas.
“Please Kiko. Umalis ka na.” Hindi na hinintay pa ni Melissa na makasagot si Kiko at isinarado na ang pinto. Naaawa siya ka kay Kiko pero alam niyang mas gugulo lamang ang kapag hindi pa niya ito pinahinto.
Si Kiko naman ay nalulumong nagsimulang maglakad pabalik ng mansion. Nais niya sanang makipag-ayos kay Melissa pero hindi niya nais na kalimutan nito ang mga sinabi niya dito kahapon. Dahil lahat ng iyon ay kaya niyang pangatawanan. Saglit iyang napahinto sa paglalakad ng makita ang ambulansya sa may tapat ng mansion. Kaagad na sumakay doon ang daddy niya na nakasunod sa mga taong nakasuot ng puting unipromeng may buhat na stretcher bed kung nasaan nakahiga ang katawan ni Sandy.
“Mang Potpot, anong nangyari?” tanong ni Kiko ng makalapit sa matanda na pasakay na rin ng ambulansya.
“Naaksidente po si ma’am Sandy. Nahulog po sa hagdanan. Sige po sir Kiko,” paalam ni mang Potpot bago tumungo sa loob ng ambuansya.
Ipinagpatuloy naman ni Kiko ang paglalakad papasok ng mansion at tumungo na sa taas. Wala siyang pakialam mabuhay o mamatay man ang Sandy na iyon. Mas okey pa nga siguro na mamatay iyon at baka sakaling mabawasan pa ang mga sama niya ng loob. Ngunit bago pa siya makarating sa sariling kwarto ay naagaw ng bukas na pinto ng kwarto ng daddy niya ang atensyon niya. Wala sa loob na humakbang ang mga paa niya papasok sa loob ng pinakamalaking kwarto ng mansion. Nagpatuloy siya sa paglalakad at inihiga ang katawan sa king size bed. Ipinikit niya ang mga mata at tuluyan ng hindi npigilan ang mga luha. Ang sakit pa rn pala talaga…
***
“Mukhang uulan na…” bulong ni Melissa habang isinisilong ang bilad niya na mga damit at mapatingin sa maitim at makapal na ulap. Mula sa ulap ay kumislap ang kidlap kasunod ang malakas na kulog. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan ng maalalang taon nga pala ng bisyesto. Ang alam niya kasi kapag ganitong taon ay lapitin ang lahat sa aksidente… Sa panganib…
Nasa huling sampay na siya nang mapansin ang may paparating na bisita. Napalunok siya ng makilala ang mga ito. Sina JC, Mon, Joel at Vernon. Mabilis niyang kinuha ang damit at nagsimulang tahakin agn daan patungo sa bahay. Ngunti mas mabilis na nakalapit ang mga binata sa kanya. Saktong isasara na niya ang pito ng lumapat ang kamay doon ni Mon upang pigilan ang pagsara.
“Ooopppsss, tekalang,” ani Mon.
“B-bakit kayo nandito?” kinakabahang tanong ni Melissa.
“Alam mo baby, masyado kang mataray eh,” nakangiting sabi ni Joel bago hinawi ang buhok ni Melissa.
“H’wag mo akong hawakan!” marahas na sagot ni Melissa.
“H’wag kang matakot sa amin baby…”
“Hindi baby ang pangalan ko!” putol niya sa sinabi ni JC. Muli niya sanang isasara ang pinto nang makahanap ng pagkakataon ngunit biglang humarang ang kamay ni Vernon.
“Ouch! Ouch!”
“V-vernon sorry,” nag-aalalang sabi niya at nabitawan na ang hawak na mga damit. Binuksan niya na ang pinto ngunit bago pa siya tuluyang makalabas ay kinabig na siya sa may likuran ng binata at hinawakan siya sa may baba upang magtama ang paningin nila.
“Gotcha!”
Naningkit ang mga mata niyang biglang sinampal si Vernon at itnulak ito.
Nasapo naman ng binata ang pisngi kung saan lumapat ang palad ni Melissa bago nanlilisik na ibinalik ang tingin sa kanya.
Muling napalunok si Melissa ng magtama ang mga tingin nila. Napakseryoso ng mukha ng binata na halatang hindi nagustuhan ang ginawa niya.
“Teka sumusobra ka ng b*tch ka! Kagabi ka pa!” inis na sabi ni Mon na akmang susugurin si Melissa.
Saglit na napatingin si Melissa sa loob ng bahay. Nakuha ng bolo na nakalagay sa may kawayang sofa ang pansin niya. Kaagad siyang pumasok at inabot ang bolo bago itinapat sa mga binata ang talim nito. “Sige! Lumapit pa kayo! Lumapit pa kayo!”
“Matapang ka talaga huh?”
Mabilis niyang iwinasiwas ang hawak na bolo kung saan muntik ng tumama sa t-shirt ni Joel.
“Whoa, baby relax!” awat ni JC.
“Isang hakbang pa palapit sa akin… Snasabi ko sa inyo, hindi na ako mangingiming itama ang talim ng bolong hawak ko sa inyo!”
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Vernon habang nakatuon pa rin ang tingin kay Melissa. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nasampal ito ng isang babae. “Boys, lets go.”
“But –“
“Again, let’s go” matigas na ulit ni Vernon.
Wala namang nagawa ang tatlo kung hindi ang sumunod nang magsimula ng tumalikod si Vernon at maglakad palabas ng gubat.
Mabilis na pumasok si Melissa at ikinandado ang pinto. Malalim at mabilis ang paghinga niyang napasandal sa may kahoy na pintuan. Sobrang lakas ng kaba niya na tila sasabog na ang dibdib niya lalo na nang maalala ang mga huling tingin na ginawa sa kanya ni Vernon. Pakiramdam niya no’n anumang oras ay gagawan siya nito ng masama… “Kalma ka lang Melissa. Kalma…”
***
“NANDITO ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap. Anong balita kay Sandy? Nakabalik na ba si mang Potpot?”
Napalingo si Kiko sa bagong pasok ng kwarto na si JC. Kasunod nito ang tatlong Perwisyo Boys. Nasa loob pa rin siya ng pinakamalaking kwarto at nakahiga sa kama kung nasaan ang isang pulang bestidang pantulog na kanina lang ay ini-imagine niya na suot ni Melissa at katabi niya. “Oo, nand’yan na siya. Dumiretso na yata ng manila sina daddy kasama si Sandy. Ang sabi ni mang Potpot, okey naman na raw siya. May konting bali raw at walang maalala sa nangyari. Ang karma talaga ngayon, digital na. Anyway, where have you been guys?”
Nagkanya-kanya ng pwesto ang apat nang makapasok ng tuluyan. Si Mon ay naupo sa may upuan malapit sa may ref, sa may sofa bed naman pumwesto si Joel, si JC ay nagpatuloy sa paglibot sa kwarto na tila namamangha sa laki at si Vernon ay humiga rin sa kama at tumingin sa kisame.
“Saan pa, eh ‘di sa maliit na bahay ng prinsesa mo,” sagot ni Mon na may hawak ng PSP.
“P-pinuntahan ninyo siya?” Napabangon si Kiko at inayos ang suot na salamin sa mga mata. Nabaling bgila ang tingin niya kay Vernon na kababakasan na malalim ang iniisip. “Anong nangyari?”
“Ayun, supalpal!” si Joel ang sumagot. May kung ano itong nilalabas mula sa bulsa.
“Supalpal?” takang ulit ni Kiko.
“Oo, supalpal! Masyadong matapang at matabil ang dila. Kung hindi lang ako pinigilan netong sina JC, napatulan ko na ‘yun! Sh*t! Talo!” inis na sabi ni Mon ng matalo sa nilalaro sa hawak na PSP.
“What do you mean?” muling tanong ni Kiko.
“Pare, sa sobrang tapang ng chikababe mo muntik na kaming mataga!” kwento ni JC habang nakaharap sa salamin. “Anong sinabi ng pagiging mr. University ni Vernon, wala eh. Kahit siya nasampal.”
Muling napatingin si Kiko kay Vernon na tulala pa rin. Si Vernon ang may hawak ngayon ng titulo na mr. Univeristy at walang babae sa campus nila ang hindi napapalingon sa tuwing dadaan ito.
“Pare, gusto ninyo?” alok ni Joel nang mailabas ang plastic na may lamang puting pulbos.
“Kailan ba ako tumanggi sa bato,” nakangiting binitawan ni Mon ang PSP at lumapit ay Joel.
“Ako rin pare,” si JC.
Bumangon naman si Vernon at kumuha na rin ng para sa kanya at kay Kiko.
“No, thaks,” tanggi ni Kiko.
“Ngayon lang pare… Pampawala lang ng bad trip. Sige na, try mo na. promise. Mawawala ang bad trip mo sa buhay,” ani Vernon.
“Ayoko talaga pare,” muling tanggi ni Kiko.
“Kiko, ngayon lang ako hihiling sa iyo…”
Natahimik ang tatlong Perwisyo Boys sa sinabing iyon ni Vernon na tila nakikiusap kay Kiko. Naghihintay ang lahat sa magiging sagot ng binata.
“Ngayon lang pare, para lang mawala ang sakit nang mga nangyari sa bakasyon na ito kahit saglit lang… Para kahit paano gumaan ang pakiramdam mo… Isang hithit lang…” dugtong pa ni Vernon.
Saglit na tinitigan ni Kiko ang puting pulbos na nasa kartong hawak ni Vernon. Ilang beses pa siya napalunok bago nagbitaw ng isang malalim na buntong hininga at nagsimulang abutin at singhutin ang puting pulbos.
“Woooo!!! Sa wakas!!!”
“Welcome to the club!”
“Certified Perwisyo Boy ka na talaga!”
Nagsimulang umikot ang sigawan at tawanang iyon sa isipan ni Kiko. Muli siyang napahiga sa malaking kama nang maramdamang pati paligid niya ay umiikot na rin. Tama si Vernon, nakakagaan nga ng pakiramdam. Sa sobrang gaan ay parang nalabas na ang kaluluwa niya mula sa katawnag lupa niya. Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa kawalan. Totoo nga… Totoong feeling heaven…
“Vernon, anong plano natin?”
Napalingon si Vernon kay Joel na namumula na ang mga mata.
“Don’t tell me hahayaan mo soplakin ka na lang ng b*tch na ‘yun,” ani Mon. Perwisyo Boys sila at walang sinomang babae ang maaaring mambalewala kanino man sa kanila.
“Pare, permiso mo lang ang hinihintay namin at alam na naming ang susunod na dapat gawin,” ani JC. “Walang pwedeng mambastos sa Perwisyo Boys.”
Bumaling ang tingin ni Vernon kay Kiko na may nakakalokong ngiti sa mga labi. Lutang na lutang ang kinakaptid niya. Tama ang tatlo, walang pwedeng bumastos sa Perwisyo Boys. Walang pwedeng wumasak sa puso ng kinakapatid niya. “Okey boys, lets enjoy this vacation.”
“Whoooo!!! At last!!!”
Umalingawngaw ang sigawan at palakpakan ng tatlo sa loob ng kwarto dahil sa sinabing iyon ni Vernon. Lahat ay tila excited sa mga susunod na mangyayari. Iisa lang ang tumatakbo ngayon sa isipan nila. Isang maitim na planong hindi nila alam ay magkakaroon ng malaking epekto sa buhay nila sa hinaharap.