noveltoon logo noveltoon
29th of February

Chapter 11

Ch. 12 / 32 Feb 09, 2022

Napabalikwas si Vernon mula sa malalim na pagkakahimbing kasunod ang pagguhit ng malakas na liwanag na kidlat sa madilim na kalangitan ng gabi. Halos kasing lakas ng kulog na umuugong sa labas ang kabog ng dibdib niya. Namumuo na rin ang ilang butil ng pawis sa noo niya sa kabila nang matinding lamig na nararamdaman.

“Babe?” ani Janine na naalimpungatan sa katabing nobyo. “Binangungot ka ba?”

“H-hindi ko alam, babe,” tugon ni Vernon na hindi man lang tinapunan ng tingin ang katabing dalaga. Inihilamos niya ang mga palad sa mukha. Ramdam niya ang matinding takot na dala mula sa panaginip. Isang napakasamang panaginip na halos hindi na niya maalala ang nangyari. Wala man siyang maalala na kahit ano mula sa panaginip pero ramdam niya pa rin ang matinding takot. “W-wala akon matandaan…”

“Wala kang matandaan? Gusto mong ipaalala ko sa iyo?”

Biglang napalunok si Vernon sa narinig. Hindi iyon boses ni Janine. Boses iyon ng isang babaeng kahit kailan ay hindi niya makakalimutan. Muling bumalik ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Dahan-dahan na tila halos nag-slow motion ang lahat ng nangyari. Nanginginig ang buong katawan niya sa nakita. Muntik pa siyang mahulog sa gilid ng kama dahil sa matinding takot na nararamdaman at pag-atras na ginagawa. Isang babaeng nakapula na may sako sa ulo. Sako na may bahid ng dugo. Manipis lang ang suot nitong pula na bestida kung saan bahagyang nakalabas ang dibdib na may malalapot na dugong tumutulo at nanggagaling sa ulo nitong nagtatago sa sako.

“Kinalimutan mo na ba ako nang tuluyan, Vernon?”

“Layuan mo ako!” Malakas niyang itinulak ang babaeng kaharap. Hindi ito maaaring mangyari. Binabangungot na naman siya. Walang babae sa harap niya. Wala!

“Ouch!”

Nanginginig ang katawan na dahan-dahan niyang sinilip ang babaeng nahulog sa kama. Boses na ni Janine ang huling narinig niya. “B-babe?” may pag-aalinlangan na tawag niya. “Babe!” mabilis siyang halos napatalon sa pagbaba mula kama nang makitang nasa sahig ang nobya.

“Ouch! Ang sakit ng balakang ko,” ani Janine na hindi makatayo dahil sa pagkakahulog. “Babe, lasing ka pa rin ba?!”

“S-sorry babe… H-hindi ko sinasadya… Binabangungot pa rin yata ako kaya natulak kita.” Inalalayan niya si Janine na muling makahiga ng maayos sa kama, Hindi niya alam kung paanong nangyari na tila nadala niya sa realidad ang bangungot niya. “I’m sorry babe…”

“It’s okey babe… Don’t worry, mababa lang naman ang binagsakan ko.”

Napahinto ang tingin ni Vernon sa makinis na leeg ni Janine. Ngayon lang niya napansin na suot nito ang manipis na nightdress na binili niya para dito noong isang linggo. Sinimulan niyang idampi ang mga labi sa leeg nito habang nagsisimulang tumaas ang kamay niyang nasa ilalim ng suot nitong panulog.

“Babe…” halos paungol na sabi ni Janine. Naramdaman niya ang manipis na bigote ni Vernon na kumikiliti sa may leeg niya. Bumaba na ang mga labi nito patungo sa may dibdib niya.

“Let me make it up to you…”

***

Diretsong ininom ni Kiko ang alak na nakasalin sa mataas na baso bago tumingin sa kawalan. Nakaupo siya sa may veranda ng mansion at nakaharap sa lamesang may limang bote ng alak na ang dalawa ay wala ng laman. Gumuguhit ang malakas na liwanag ng kidlat sa madilim na kalangitan na sinasabayan nang malakas na ulan. Nakakapagtaka ang ganitong klase ng panahon ngayong gabi dahil sa magandang sikat ng araw sa buong maghapon. Parang sumasabay ang panahon sa masamang nangyayari sa bakasyon nila. Masama? Napangiti na lang siya nang maisip iyon. Para sa mga kaibigan niya siguro oo, pero para sa kanya wala namang masamang nangyari sa bakasyon na iyon. Wala pa… Ano ba naman kung mag-away-away ang mga kasama ng Perwisyo Boys ng dahil sa mga kalandian ng bawat isa. Hindi na niya kasalanan maglandian ang mga ito. Ang mahalaga sa kanya ay magkasama-sama silang Perwisyo boys sa araw na kahit kailan ay hindi niya makakalimutan.

“Bakit nagsosolo ka?”

Gumuhit muli ang liwanag ng kidlat sa langit kasunod ang nakabibinging kulog bago nilingon ni Kiko ang nagsalitang si Mon na nakatayo hindi kalayuan sa kinauupuan niya. Umupo ito sa isang bakanteng upuan. “Mga busy kasi kayo sa bebot ninyo eh.”

“Basta ako okey na. Pinagod ko lang para makatulog na ulit,” anang bagong dating na si Veron at umupo rin sa isang bakante pang upuan.

“Oh tagay,” inabot ni Kiko ang baso sa katabing si Kiko.

“Guys, nakita ninyo ba sina Joel at Emma?” tanong ni JC na kasunod lang halos ni Vernon.

“Hindi eh, si Madz kumusta?” balik tanong ni Vernon. Hindi man sila close ni Madz ay concern pa rin siya dito dahil para sa kanya ang dalaga ang pinakabiktima sa lahat ng nangyari.

“Ayun, ayaw akong pagbuksan ng pinto ng kwarto namin,” naiinis na sagot ni JC. “Patagay nga.”

“Baka mag-suicide ‘yun do’n ah,” ani Mon.

“I’m pretty sure na hindi. Kapag nade-depress ‘yun kagaya nito, dinadaan niya lang lahat sa pagkain. So malamang, inubos na niya ang halos lahat ng pagkaing laman ng ref sa kwarto namin.”

“G*ago!” natatawang singhal ni Kiko bago ipinasa ang susunod na tagay ng baso.

Saglit na nagtawanan ang lahat na sumasabay pa sa malakas na kulog.

“G-guys, I have something to ask…”

Napalingon ang lahat sa nagsalitang si Mon na seryoso ang mukha.

“May iba pa bang nakakaalam na nangyari noon?” napapalunok na tanong ni Mon. Hindi niya alam kung paano io-open ang topic na kaninang umaga pa niya gustong i-open sa Perwisyo Boys.

“Si mang Potpot?” si Kiko ang sumagot sabay kuha at subo ng chicharong na nasa ibabaw nang kaharap na lamesa.

“Speaking of mang Potpot, nasaan na pala ‘yun? Parang hind na talaga nagpakita ah.”

“Baka naglalakwatsa na naman kung saan. Nakahanda na naman ang lahat ng kailangan natin kaya siguro naglakas loob na lumayas muna,” muling sagot ni Kiko sa tanong ni Vernon.

“Wala ba kayong nararamdaman na kakaiba?” muling seryosong tanong ni Mon na nilalaro ang maliit na yelo.

“What do you mean na kakaiba, Mon Sario?” napapakunot noong tanong ni Vernon. Parang hindi niya gusto ang dating ng tanong ng kabarkada. Naalala niya kasi bigla ang babaeng napaginipan niya. Ang babaeng nakita niya sa kwarto kanina bago ang mainit na eksena sa pagitan nila ni Janine. Naalala niya ang babaeng may takip na duguang sako sa ulo.

“Oh, don’t tell me ngayon pa kayo dinadaga?!” nakangising sagot ni Kiko bago dinukot sa bulsa ang isang maliit na plastic na may lamang mga puting pulbos. “Oh pampabugaw ng daga!”

“Kagabi, sa isa sa mga kwarto sa second floor kung saan nagtatago kami ni Claud. May nakita akong patay na mga daga. Pugot ang mga ulo… Tapos sa sahig may nakasulat na, Can you stil remember what happened last February 29? Nakasulat iyon gamit ang dugo ng mga pugot na ulo ng daga,” biglang kwento ni JC.

Wala naming dumampot sa plastic na inaalok ni Kiko.

“May nakita rin akong nakasulat sa may salamin sa banyo ng kwarto namin ni Gabby,” si Mon.

“Anong nakasulat?” muling seryosong tanong ni Vernon.

“29thof February is coming,” sagot ni Mon. Nagsisimula na namang balutin ng takot ang katawan niya.

Malakas na ibinagsak ni Kiko ang hawak na baso sa ibabaw ng lamesa na gawa sa salamin at naging sanhi ng munting lamat doon. Napalingon sa kanya ang tatlong binata. “Ano?! Ngayon pa kayo talaga dadagain?! At talagang sabay-sabay kayo huh? Pwe!” aniya kasunod ang muling pagsalin ng alak sa baso at dire-diretsong ininom.

“Hindi kaya si mang Potpot ang may gawa ng mga iyon?”

“Alin?” alam ni Vernon ang tinutukoy ni Mon pero hindi niya mapigilan ang sarili na magtanong.

“’Yung sulat sa salamin…. ‘Yung nakita ni JC sa may kwarto. Hindi kaya tinatakot lang tayo ng matandang iyon kaya nagtatago siya ngayon?” patanong na sagot ni Mon.

“Hindi kaya pinuputukan lang kayo ng milyun-milyong daga d’yan sa mga dibdib ninyo?” inis na sabi n Kiko. Sumabay sa malakas na sinabi niya ang kidlat at kulog. Naiinis siya sa mga kabarkada sa tuwing maiisip kung bakit ngayon pa tila aatakehin ng konsensya ang mga ito. “Dapat pala hindi tayo dito pumunta. Dapat sa presinto!”

“Shut up Kiko!” saway ni JC.

“You shut up, JC!” tumayo na si Kiko na kaagad na inawat ni Vernon nang tila susugod na kay JC. “Tandaan ninyo, sa ating limang Perwisyo Boys, ako ang pinakasabit sa kag*guhan ninyong apat!”

“Siguro ikaw ang may pakana sa mga pananakot na nangyayari sa amin?!” biglang naisip ni Mon. Batid niyang sa kanilang lima, si Kiko talaga ang pinakanagi-guilty sa lahat.

Gumuhit ang mapait na ngiti sa kalahati ng labi ni Kiko. Siya naman ngayon ang sinisisi ng mga ito sa kag*guhan na ang mga ito rin naman ang nagsimula. “Tingnan mo nga naman oh, kung sino ang sarap na sarap noon, siya naman ngayon ang tinatamaan ng takot. T*ng inang ‘yan talaga oh.”

“Kiko, tama na,” muling saway n Vernon. Ayaw niyang tuluyang masira ang bakasyon nila ng dahil sa nakaraan. “Nandito tayo para mag-reunion at magbakasasyon. Hindi para ungkatin ang nakaraan.”

Marahas namang binawi ni Kiko ang braso mula kay Vernon at padabog na bumalik sa kinauupuan. Kinuha niya ang bote ng alak sa ibabaw ng lamesa bago dire-diretsong uminom at pagkatapos ay pinunasan ng likod ng palad ang mga basang labi. “Alam kong darating ang araw na ‘to… At kagaya ng sinabi ko noon sa inyo, wala kayong dapat sisihin kung hindi ang mga sarili ninyo.”

***

Naalimupungatan si Phoebe nang maramdamang tila may likidong tumutulo sa pisngi niya. Hindi niya iyon kaagad pinansin dahil sa sarap nang pagkakahimbing niya na dulot ng malamig na panahon at malakas na ulan sa labas. Bahagya pa siyang tumagilid nang pagkakahiga sa malaking kama at nagpatuloy sa pagtulog. Ngunit muli niyang naramdaman ang patuloy na pagtulo ng likido sa may pisngi niya.

“Ano ba ‘tong mansion ni Cis, ang laki-laki tapos may butas pa sa kisame!” inis na sabi ni Phoebe at nakapikit na pinunasan ang nabasang mukha gamit ang kamay. Nagising ang diwa niya nang mapansing tila malagkit ang likido at hindi ang inaasahan niyang tulo ng tubig ulan mula sa butas na kisame. Malagkit iyon at… Malansa! Sunud-sunod na ang tulo ng likido sa pisngi niya na nagpadilat na ng mga mata niya. Napalunok siya nang makita puno na ng dugo ang kamay niya Patuloy pa rin ang pagtulo ng mga dugo sa mukha niya. Muli siyang napalunok. Ramdam niya ang nakabibinging kabog ng dibdib niya habang dahana-dahang humarap sa may kisame… Dahan-dahan na tila ang oras mismo ay bumagal. Natutop niya ang bibig nang makita ang babaeng nakadikit sa kisame at nakaharap sa kanya. Naagnas na ang buong mukha nito at katawan. At laslas ang lalamunan kung saan nanggagaling ang masangsang na dugong tila tulo ng gripo sa lakas ng pag-agos ngayon sa mukha niya.

“Ahhhh!!!”