“PARE, hindi ka pa ba susugod sa dagat?”
“Sige lang pare, susunod na rin ako,” nakangiting tugon ni Kiko sa nagyayayang si Vernon. Nauna nang lumusong sa tubig sina JC, Mon at Joel.
“Sure ka?”
“Oo,” muling tugon niya na sinundan pa ng pagtango bago hinatid ng tanaw ang kinakaptid na lumusong na rin sa tubig. Wala pa rin kasi siya sa mood na i-enjoy ang resort dahil sa pagka-bad trip niya sa papa niya. Hindi na rin niya naabutan si Melissa ng lumabas silang magbabarkada upang binyagan ang sariling mga katawan ng tubig dagat. Lumagok siya ng kaunting alak mula sa hawak na bote. Hindi talaga siya umiinom ng alak pero sabi nga nina Vernon, minsan ay alak ang nagiging daan upang makalimutan saglit ang bigat at problema na dinadala. Mukhang epektib naman.
“Oh bakit mag-isa ka dito at hindi ka mag-join sa kanila?”
Hindi namalayan ni Kiko ang pag-upo ng isang lalaki sa may tabi niya dahil na rin sa malalim na iniisip. Maputi ang lalaki, sakto ang pangangatawan, hati sa gitna ang maiksi at bagsak nitong buhok at mukhang hindi nagkakalayo ang edad nila. “Wala pa ako sa mood eh. Maybe later.”
“Alam mo, ayokong nakakakita ng taong nag-iisa. Para kasing pakiramdam ko, ako ang nalulungkot.”
“Bakit ka naman nalulungkot?” curious na tanong niya sa estrangherong lalaki.
“Matagal rin kasi akong namuhay halos ng mag-isa. Kaya alam na alam ko kung gaano kalungkot ang mag-isa,” muling sagot ng lalaki. “Ang drama ko ba pare? Hahaha. Ako nga pala si Marvin.”
Saglit na natigilan si Kiko ng marinig ang pangalan ng kausap. Ito pala si Marvin, ang boyfriend ni Melissa. “I’m Kiko pare. Want some beer?”
“Sige lang, baka mapagalitan ako ng misis ko kapag naamoy niya ang alak sa akin,” nagkakamot ulong tanggi ni Marvin.
“Ikaw pala ‘yung nakatira sa may gubat?”
“Ah, oo. Ako ‘yung anak ng… Ng may-ari ng buong resort na ito dati,” may pag-aalinlangan na pakilala pa ni Marvin sa sarili.
“Ako naman ang anak ng bagong may-ari ng resort na ito,” walang yabang ang sinabi ni Kiko na iyon pero alam niyang maaaring maging dating sa kausap na nagyayabang siya. “Actually, ako na pala ang bagong may-ari dahil niregalo na ito ng daddy sa akin para sa graduation ko.”
“Oo, na-kwento ka na ni mang Potpot kanina. Nakita kasi naming mag-asawa na dumating kayo kanina.”
Napalunok si Kiko sa narinig na iyon mula kay Marvin. Lalo na ng bigkasin nito ang salitang ‘mag-asawa.’ Wala sa loob na ibinalik niya ang tingin sa may dagat bago lumagok ng alak. Bakit may kakaiba na naman siyang nararamdaman ngayon. Parang… Parang nagseselos siya.
“Mahal…”
Sabay na napalingon si Kiko at Marvin sa isang babaeng nakatayo hindi kalayuan sa kanila. Si Melissa.
“Mahal.” Gumuhit ang ngiti sa manipis na labi ni Marvin bago tumayo at lumapit sa tumawag sa kanya. Inalalayan niyang maglakad ito pabalik kay Kiko na ngayon ay nakatayo at nakaharap sa kanila. “Mahal, si Kiko nga pala. Siya na ‘yung bagong may-ari ng resort na ito.”
‘Mahal.’Pinigilan ni Kiko na gumuhit sa mga labi ang sarkastikong ngiti bagkus ay matamis na ngiti bago inilahad ang kamay. “Hi, I’m Kiko. Melissa, right?”
“Oo,” nakangiti namang inabot ni Melissa ang kamay ni Kiko.
Muli na namang naramdaman ni Kiko ang kakaibang tibok ng puso niya lalo na nang maglapat ang mga kamay nila ni Melissa. Pakiramdam niya ay ayaw na niyang bitawan ang kamay ng dalaga. Paanong ang isang simple kagaya ni Melissa ay nakuha ang atensyon niya.
“Kiko, ‘y-yung kamay ko…”
Ang sinabing iyon ni Melissa ang tila gumising sa natulalang diwa ni Kiko bago mabilis na binitawan ang kamay nito. “I-I’m sorry. It’s nice to meet you, anyway.”
“Ako rin,” nakangiting sagot ni Melissa bago ibinaling sa katabing si Marvin ang mga tingin. “Mahal, umuwi na tayo. Baka lumamig pa ang hapunan na inihanda ko.”
Napatiim bagang si Kiko ng marinig ang malambing na sabing iyon ni Melissa kay Marvin.
“Sige pare, uuwi na muna kami ng asawa ko.”
“Sure, nice to meet you again,” ani Kiko na kay Melissa nakataingin bago bumaling kay Marvin. “Both of you guys I mean. See you around.”
Nagsimula ng maglakad palayo at papasok ng gubat na magkaakbay sina Marvin at Melissa.
“Pare, sino ‘yun? Ganda ng bebot ah!”
Napapitlag si Kiko sa tanong na iyon ni Joel na bigla na lang umakbay sa kanya. Muntik na tuloy malaglag ang suot niyang salamin sa mga mata. “Si Marvin, anak ng dating may-ari ng resort na ito.”
“Eh ‘yung chikababe? Maliit lang pero maganda ah,” pansin ni Mon.
“Si Melissa, asawa… Asawa ni Marvin.”
Nakuha ang atensyon ni Vernon sa sagot na iyon ni Kiko na nakatingin pa rin sa may gubat kahit wala na ang dalawang nakita niya na nakusap nito kanina. Para kasing may kakaiba siyang napansin sa paraan ng pagsagot nito. Parang may pait sa boses nito. Tama ba ang nababasa niya sa mga mata ng kinakapatid niya? Mukhang tama ang hinala niya, may gusto si Kiko kay Melissat at nagseselos ito kay Marvin…
***
NAALIMPUNGATAN si Kiko ng maramdamang tila may gumagapang na tao sa ibabaw niya. Mabilis niyang inalis ang nakataklubong na kumot sa sarili at binuksan ang kalapit na lampshade bago isinuot ang inabot na salamin sa mga mata.
“M-melissa,” nauutal na sabi niya ng makita ang magandang mukha ni Melissa na nakaibabaw sa kanya. Naglalaro pa ang buhok nito sa mukha niya gawa ng umiihip na hangin. “A-anong ginagawa –”
“Shhh…” Inilapit ni Melissa ang hintuturo sa ibabaw ng labi ni Kiko. Inalis pa nito ang salamin at ibinalik sa katabing maliit na lamesa.
Napalunok si Kiko ng maramdamang ang mga labi ni Melissa na humahalik sa leeg niya. Ang mga kamay nito ay namamasyal sa iba’t-ibang parte ng katawan niya.
“I love you, Kiko…”
Naramdaman niya ang pagkabasa nga tainga niya ng lumapat ang dila ni Melissa doon at magsimulang maglaro. Hindi na niya alam ang nararamdaman niya ngayon. Malakas ang kabog ng dibdib niya at pinagpapawisan ang noo niya kahit malamig sa loob ng kwarto dahil sa hangin na pumapasok sa bukas na pinto ng terrace.
Bawat daanan ng mga labi at dila ni Melissa at nag-iiwan ng laway sa parten ng katawna ni Kiko. Dahan-dahan itong bumaba at saglit pang nilaro ang tuktok ng dibdib ni Kiko.
“Hmmm…” Hindi na napigilan ni Kiko ang umungol sa nararamdamang sarap dahil sa ginagawa ni Melissa. Nararamdaman na rina niya ang pagtigas ng kanyang pagkakalaki sa loob ng manipis na boxer na suot. Batid niyang ramdam rin iyon ng nakaibabaw ng dalaga.
Muling dahan-dahang bumaba ang mga labi ni Melissa sa katawan ni Kiko. Dinilaan at binabasa ang bawat parte na nadadanan. Nilaro pa saglit ang pusod hanggang sa tuluyan ng makababa sa tunay pakay ng mga labi.
Napalunok si Kiko. Napasinghap at napapikit ng maramdamang tuluyan ng ibinaba ng dalaga ang boxer niya. “Holy sh*t…”