noveltoon logo noveltoon
29th of February

Chapter 10

Ch. 11 / 32 Feb 09, 2022

“B-BHIE… Can we talk?” Nakasunod na si Claud sa pagpasok ni Tims sa kwarto nila.

“Don’t call me bhie, b*tch!” ani Tims na kinuha mula sa ilalim ng kama ang malaking bag at tumungo sa malaking closet. Sinimulan niyang kunin ang sariling mga gamit at inilagay sa loob ng malaking bag.

“A-anong ginagawa mo?”

“Lilipat na ako ng kwarto. Hindi ko na masisikmurang makasama sa loob ng isang kwarto ang kagaya mo,” sagot ni Tims na hindi man lang tinapunan ng tingin si Claud. Mahal niya ang dalaga pero sobrang sakit ang nararamdaman niya ngayon. Hindi iyon basta-basta mapapawi nang pag-iyak ni Claud.

“Tims, mag-usap naman muna tayo…”

“Don’t you dare to touch me again!” Marahas na binawi ni Tims ang braso mula sa kamay ni Claud na hindi niya magawang tingnan. Nasasaktan pa rin siya sa pag-iyak na ginagawa nito per mas masakit pa rin ang narinig niya mula sa kusina kanina. Mas masakit pa rin ang katotohanang nalaman niya.

“Tims, please naman… Makinig ka muna sa akin …” Ramdam ni Claud ang panginginig ng sariling boses. Kailangan niyang makausap si Tims nang masinsinan. Kailangan niyang maipaliwanag na kung ano man ang mayroon sa kanila ni JC ay tinapos na niya. Wala na silang kahit na anong tinatago na relasyon. “Fatima naman… Ngayon pa ba tayo magkakasira? Ngayon ka pa ba hindi makikinig sa akin?! Please, hayaan mo ako magpaliwanag… Hindi lang ikaw ang nasasaktan ngayon.”

“Alam mo kung ano ‘yung pinakamasakit sa lahat, Claud?” Isinarado ni Tims ang zipper ng bag at sa wakas ay humarap na sa dalaga. Basang-basa na ng luha ang magkabilang pisngi ni Claud at nangangatal ang mga labi dahil sa walang tigil na pag-iyak. “Tinanggap kita… Pinagkatiwalaan kita… Sinabi ko sa iyo ang lahat… Minahal kita… Binigay ko sa iyo halos ang buhay ko na kulang na lang ay luhuran at sambahin kita… Pero ano? Niloko mo lang rin ako… Sana sinabi mo na lang…. Sana sinabi mo na lang na lalaki pa rin ang hinahanap ng katawan mo -”

Hindi na napigilan ni Claud ang sarili at lumapat na ang palad niya sa pisngi ni Tims. Bakit parang lahat na lang ng tao ay ang baba ng tingin sa kanya? Oo, gold digger sya…. Two timer… Fake… Pero marunong rin naman siyang magmahal ng totoo. At mas lalong marunong rin siyang masaktan. “Bakit pati ikaw ang baba ng tingin sa akin?”

“Dahil minahal kita Claud sa kabila ng pagpapanggap mo… Tinanggap at minahal kita pero niloko mo lang ako. Ang masakit pa, sa boyfriend pa talaga ng closest cousin ko. So Claud, h’wag na tayong maglokohan pa… Tapusin na natin ‘to…”

Naiwan sa kinatatayuan si Claud na patuloy pa rin ang mga luha sa paglandas sa magkabilang pisngi. Hindi naman niya gustong lokohin si Tims. Mas lalong hind niya ito gustong saktan. Bakit ba parang ang hirap para sa kanila na paniwalaan siya?

“M-mahal kita, Tims… Kaya ko iniwan si JC,” humahagulhol na sabi niya. Umiiyak na naglakad siya palapit sa may pinto. Susundan niya si Tims. Susuyuin niya ito kahit anong mangyari. Kahit lumuhod pa siya. O magmakaawa. Ngunit bago pa niya tuluyang maihakbang palabas ng kwarto ang mga paa ay napahinto na siya. Hindi kalayuan sa kinatatayuan niya ay nakatayo ang isang babaeng nakapula. May sako ito sa ulo. May hawak itong matalim na bolong may bahid pa ng malapot na dugong tumutulo sa kinatatayuan nitong carpet.

Naghahalo na ang putik at dugo sa mga kamay nito at paa na tila ba ay ilang beses na nagpagulung-gulong sa magkahalong dugo at putik. Kasabay ng isang hakbang na ginawa ng babae ay ang hakbang rin ng paa niya na paatras.

‘Papatayin ko kayong lahat…’

Tila sa ilalim ng lupa nanggagaling ang bulong na naririnig niya. At sa muling paghakbang ng babae palapit sa kanya ay malakas na niyang isinarado ang pinto bago mabilis na tumalon sa kama at nagtaklubong ng makapal na kumot. Pakiramdam niya ay naririnig niya ang mga hakbang nito. Ang dahan-dahang mga hakbang nito palapit sa kwarto niya. Hanggang sa tumigil na ito sa paglalakad. Tumigil na ito at tumayo sa may pinto ng kwarto nila ni Tims.

“Ahhh!!!” Napasigaw na siya sa malakas na pagtagang ginagawa ng babae sa pinto. “Umalis ka na!!!”

Sunud-sunod na malalakas na taga pa ang ginawa ng babae. Nanginginig na si Claud lalo na at nararamdaman niyang malapit ng masira ang pinto. “Tims! Tims, tulungan mo ako!!!”

Napatigil siya sa pagsigaw nang marinig na tuluyan ng nasira at bumukas ang pinto. Nanatili siya sa pagtatago sa ilalim ng makapal na kumot na naginginig ang katawan. Ramdam niyang palapit na siya… Palapit na ang babaeng nakapula… Kahit nakapikit ay nakikinita niya ng malinaw sa isipan ang hawak nitong matalim at duguang bolo. Ang bolo na anumang oras ay maaaring kumitil ng buhay niya…

Nakagat niya ng mariin ang pang-ilalim na labi. Nasa tabi na ng kama niya ang babae. Nakatigil ito sa kinatatayuan habang pinagmamasdan ang naginginig niyang katawan sa ilalim ng makapal na kumot. Ilang saglit lang ay naramdaman niya ang pagsampa nito sa kama. Dahan-dahan… Hanggang sa tuluyan nang makalapit sa kanya at mahawakan ang kumot niya.

“H’wag please… Parang awa mo na!!! H’wag mo akong papatayin!!! Maawa ka sa akin!!!”

“Claud… Claudia… Ako ito…”

Bahagyang yugyog sa katawan ang naramdaman ni Claud bago tuluyang natanggal ang nakataklubong na kumot sa kanya. Nagsumiksik siya sa sulok ng kama bago tumingin sa taong nakasampa doon.

“J-JC…” nanginginig pa rin ang boses niya habang nakatitig sa binatang may nag-aalalang mukha. Saglit niyang iginala ang paningin. Wala na siya… Wala na ang babaeng nakapula.

“Kanina pa ako kumakatok pero hindi ka sumasagot. Sorry kung natakot kita.”

“Ang babaeng nakapula…. Ang babaeng nakapula… Nandito siya!”

“C-claud, sinong babae? Walang ibang tao dito sa kwarto.”

“’Yung babae sa kwento ni Kiko. Iyon rin ang babae na nakita ko sa C.R. ng mall… Totoo siya, JC! She does exist!”

Napalunok si JC sa narinig mula sa kaharap na si Claud. Para itong nababaliw sa takot. “C-claud, tama na…. Imagination mo lang ang lahat. Hindi totoo ang kwento ni Kiko.”

“Shut up! Kung ayaw mong maniwala sa akin tumahimik ka na lang! Umalis ka na lang sa kwarto na ito! Pare-pareho lang kayo… Mababa ang tingin ninyo sa akin! Na sinungaling ako… Mapagpanggap… Cheap… Fake! Pare-pareho lang kayo! Kaparehas ka lang nila! Umalis ka na! Alis! Alis!!!”

Walang nagawa si JC nang tuluyan na siyang ipagtabuyan ni Claud palabas ng kwarto. Ramdam niya ang bigat na dinadala ngayon ng dalaga kaya siya naglakas loob na puntahan ito. Alam niya kung gaano ito nasasaktan ngayon. At alam niyang siya lamang ang bukod tanging makakaintindi dito. Ngunit sa labis na pagpupumiglas nito, naramdaman niyang ni yakap ay hindi niya magagawa sa dalaga. Hindi ito makikinig sa kahit na anong sasabihin niya.

Napatigil naman si Tims sa kinatatayuan nang makita si JC na nakasandal sa may pinto ng kwarto nila ni Claud. Nakahilamos ang mga palad sa mukha nito. Balak niya sanang balikan si Claud. Balak niya sanang makipag-ayos sa dalaga. Dahil hindi niya kaya. Hindi niya kayang tiisin ang sakit na idnudulot niya sa dalaga. Ngunit hindi na yata kailangan dahil nandyan na si JC. “Mga manloloko…”

***

“ANG korni naman ng bakasyon na ‘to, wala man lang chikababes!” sabi ni Juggy habang naglalakad sa may tabi ng dagat at may hawak na bote ng alak at isang stick ng babrbeque. Nagkulong na kasi si Tims sa kwarto kaya hindi na nila makausap nina Vernon.

“Ang da-drama pa ng mga kasama ko,” aniya pa na kumagat ng barbeque. Napahinto siya sa paglalakad ng biglang lumiwanag ang paligid dahil sa paglabas ng bilog na buwan mula sa pinagtataguan. Isang nakatayong babae hindi kalayuan mula sa kanua ang nakita niya. Nakatingin ito sa may dagat. Napalunok siya nang mapansing manipis ang suot nitong pulang bestida na tila pantulog.

“C-chikababe nga…” ani Juggy na inihagis na lang kung saan ang stick na hawak at kinusut-kusot ang mga mata. Hindi niya alam kung epekto ba ng alak ang malabong paningin niya sa mukha ng babae o sadyang magulo lang ang buhok nito na halos tumatakip sa mukha. Pasura-suray na siyang naglakad palapit sa babae hanggang sa may tatlong hakbang na lang ang layo nito mula sa kanya. “H-hi… Hik! Hi miss, bakit nag-iisa ka?”

Hindi tumugon ang babae na nanatiling nakatalikod mula kay Juggy.

“Miss, hik! Baka gusto mo sumama sa akin mag-fodd trip,” sabi muli ni Juggy. Ilang sgalit pa at hindi pa rin tumutugon ang babae. “Miss, h’wag – hik! H’wag ka naming suplada oh. Tara, ipapakilala kita sa mga friends ko. Hik!” Hindi na niya napigilan ang sarili, binitawan niya ang bote ng alak at hinawakan sa may balikat ang babae.

Bahagya naming kumilos ang babae at tumingin sa may kamay ni Juggy.

‘Isang babaeng nakapula na ni-rape at tinorture nang paulit-ulit bago pinatay…’

Biglang binawi ni Jugg yang kamay at napaatras. Hindi niya alam kung bakit tila bigla siyang nakaramdam ng takot nang makita ang pagngiti ng babae na hindi niya pa rin nakikita ang buong mukha. Nakakakilabot ang ngiti nito.

“Gusto mo mag-foodtrip Juggy? Pwede bang ikaw ang i-foodtrip ko ngayon?”

Nanlaki ang mga mata ni ng humarap ang babae. Kaagad na naagaw ng bagay na hawak nito ang paningin niya. Isang matalim na bolo na kumikislap pa sa pagtama ng liwanag ng buwan. Nangangatog ang mga tuhod na muli siyang napaatras hanggang sa matumba dahil sa naapakang bote ng alak. Mabilsi na kumalat ang panginginig sa buong katawan niya.

“Gusto mong mag-food trip ‘di ba?” anang babae na itinaas ang hawak na bolo.

At bago pa magawang sumigaw ni Juggy ay may matigas na bagay na ang mabilis tumama sa ulo niya na dahilan upang lalo siyang mahilo. Nagsimula nang manlabo ang paningin niya pero nahagip pa rin saglit ng mga mata niya ang mukha ng babae na tinamaan ng liwanag ng bilog na buwan. Kilala niya ito… Hindi siya maaaring magkamali… Kilala niya ang babaeng ito na nakasuot ng kulay pulang pantulog. Kilala niya ang babaeng paulit-ulit na tuamtaga sa kanya ngayon.

Bumibigat na ang pakiramdam niya sa ulo niya habang paulit-ulit ang isang salita at tanong na gumugulo sa isip niya.

‘Bakit?’

***

“SWEETY…” mahinang tawag ni Gabby sa nobyo na nag-aayos ng lamesa kung nasaan ang dalawang kopita at isang bote ng alak na para sa kanilang dalawa. Nakasandal siya sa may bakal na harang sa terrace ng kwarto nila.

“Yes sweety?” tanong ni Mon na nagsasalin ng alak sa isang kopita.

“Sa tingin mo ba magiging okey pa sila?”

“Who?” Tumayo na si Mon at inabot kay Gabby ang isang kopitang may laman ng alak.

“Sina Tims and Claud. We’re not close pero mukha namang mabait si Claud.” Humarap siya sa may dagat pagkatapos lumagok ng kaunti sa alak na laman ng kopitang hawak niya. Ayaw pa sana nilang iwanan nina Gabby si Claud pero ito na mismo ang umalis upang puntahan si Tims. Naaawa siya dito kahit hindi sila masyadong close. Halata kasing sunud-sunuran lang ito sa dalawang madita na sina Emma at Madz.

“Hayaan mo na sila. Bagay lang naman kay Claud ‘yung nangyari sa kanya.”

“Bakit mo naman nasabi ‘yan?” takang tanong ni Gabby na inilibot ang mga tingin sa may tabi ng dagat na bahagyang binibigyan ng liwanag ng bilog ng buwan. Bakas na sa madalim na kalangitan ang makakapal na ulap na tila pilit na nakikipagtalo sa buwan.

“Bagay lang sa kanya ‘yung nangyari kanina dahil fake siya. Nagpapanggap siya na mayaman para makasama nina Madz at Emma. Para na rin siguro matuhog sina JC at Tims.”

“Sa tingin mo ganu’n talaga -” Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nang makuha ang atensyon niya ng isang madilim na bahagi ng dalampasigan. Nagsimula na namang magtago ang buwan sa makapal na ulap na dahilan upang kumalat ang kadiliman sa paligid ng dagat.

“Oo, gano’n siyang klase ng babae. Feeling ko lahat ng nangyari eh planado. Ultimo siguro ang pagkakakilala nila ni Tims para maperahan at magamit niya ang pobre. Nagkataon lang na nahuli siya ng maaga. Ayun, nakarma ng maaga.”

Nanlamig si Gabby nang unti-unting muling lumabas ang buwan mula sa pinagkukublihan. Nagsimulang tamaan ng liwanang nito ang pares ng mga paang naglalakad sa maputing buhangin. Pataas ang liwanag sa putikang mga binti at katawan nito. Namilog ang mga mata niya nang makita ang kabuuan ng babaeng nakatalikod at naglalakad palayo sa mansion. Nakasuot ito ng matingkad na pula at patungo sa kagubatan… “Sweety… May iba pa bang tao dito sa resort?”

“Bukod kay mang Potpot, ang alam ko wala na.”

Napalunok siya ng makitang tila may kumikislap sa bagay na hawak ng babae. “S-sino ‘yung babae?”

“Nasaan?” tumayo na si Mon ng mapansin ang kakaibang ikinikilos ng nobya.

Hindi alam ni Gabby kung bakit sa isang iglap lang ay biglang nawala ang babae na kanina lang ay sinusundan niya ng tingin.

“Wala namang babae?” takang saad ni Mon.

“M-meron… Sigurado ako. Naglalakad siya papuntang gubat.”

“Baka naman si Claud lang ‘yung nakita mo.”

“Hindi si Claud….”

“Nakita mo ang mukha?”

“Hindi eh. Nakatalikod na siya nang mapansin ko,” tugon ni Gabby. Pero pakiramdam niya ay ayaw niya na ring makita na nakaharap ang babae. Para kasing hindi niya rin gugustuhing makita ang mukha nito.

“O baka naman si Emma lang ‘yun, namamasyal kasi nga na-bad trip. Balita ko may sayad raw ‘yun eh.”

“Hindi rin si Emma ‘yun… Makapal kasi ang buhok nung babaeng nakita ko,” ani Gabby. “Sweety, ‘y-yung kwento ni Kiko tungkol sa babaeng nakapula. M-may alam ka ba du’n?”

Saglit na natahimik si Mon at ininom ang lahat ng alak na laman ng kopita niya. Sinundan niya iyon ng malakas na tawa. “Don’t tell me Sweety naniniwala ka sa kwento niya?!”

“Ewan ko… Hindi ko alam. Siguro nga nadala lang ako. Ang creepy naman kasi ng story niya tapos leap year pa ngayon. At sa makalawa lang 29th of February na. Tapos lately, namamalikmata pa ako ng babaeng naka-pula. Parang napaka-coincidence lang ng lahat.” Sumandal na sa bakal si Gabby upang makaharap sa nobyo. Ngunit wala sa binata ang isip niya… Nasa babaeng nakapula na ilang beses na niyang nakikita.

“Paranoid ka lang, sweety,” saad ni Mon kasunod ang pagsalin muli ng alak sa sariling kopita.

“Ala mo sweety may kakaiba do’n sa babaeng nakita ko kanina.”

“Kakaiba?”

“Oo, ngayon ko lang na-realize kung ano ‘yung kumkislap na hawak niya.”

“Kumikislap? Cellphone?”

“Hindi eh… Parang… Parang bolo…”

Napatiim-bagang si Mon at napahigpit ang hawak sa kopita dahil sa narinig mula sa nobya. Dinadaga na nga yata ang dibdib niya. ‘Kasalanan mo ‘to Kiko…’

***

Her P.O.V.

Naalimpungatan ako sa malakas na tawanan ng mga boses lalaki. Sa kabila ng sakit na nararamdaman ko sa katawan ko at bigat na pakiramdam sa mga talukap ko ay iminulat ko ang aking mga mata. Ilang saglit bago ko napagtantong nakahiga ako sa isang napakalambot at napakalaking kama pero hindi ko ramdam ang ginhawa. Sinubukan kong kumilos ngunit kaagad akong napahinto nang makaramdam ako ng matinding sakit. Lalo na sa kaselanan kong tila may napupunit sa kaunting paggalaw lamang na ginagawa ng katawan ko.

“Pare, tira pa!”

“Ayoko na muna pare…”

“Hindi pwede ‘yan. H’wag kang KJ!”

“Eto pare, marami pa ‘to!”

“Bilisan mo nang makaulit pa tayo!”

Hindi ko namalayan ang paglandas ng mga luha nang marinig ko ang usapan nila. Hindi ko man sila lingunin sa pwesto nila alam kong magkahalo na ang alak, sigarilyo at droga sa ibabaw nang kaharap nilang lamesa. Sigurado akong ilang saglit lang ay muli kong mararamdaman ang bigat ng katawan nila at sakit na dulot ng mga pagkalalaki nilang pilit na ipinapasok sa akin.

“Teka, parang nag-iinit na yata ulit ako…”

“P*tsa pare, ang l*bog mo talaga!”

“Tiis ka muna pare, mas masarap siya t*rahin kapag gising, ‘di ba?”

Malakas na tawanan ang sunod kong narinig. Kumuyom ang mga kamao ko kung saan bahagyang nalukot ang kumot. Naramdaman kong natuon sa akin ang mga tingin nila kaya huminto ako sa paggalaw at nagpanggap na tulog.

“Yung tipong sumisigaw-sigaw pa siya sa sarap! Hahaha!”

Sarap?! Sumisigaw sa sarap!? Kulang na lang ay sumigaw ako na patayin na nila ng mga oras na pinagsasamantalahan nila ang katawan ko. Nang mga oras na ramdam ko ang sakit nang ginagawa nila sa akin. Nang mga oras na pinapatay nilang ang lalaking pinakamamahal ko… Oo, pinatay nila ang lalaking nag-iisang nagmahal at nagpahalaga sa akin.

Kailangan kong mabuhay! Muli kong iminulat ang aking mga mata at pasimpleng tumingin sa direksyon ng mga demonyo. Lahat sila ay muling abala sa paggamit ng droga. Kaya pala biglang natigil ang kanilang nakabibinging halakhakan. Ito na ang pagkakataon ko para makatakas… Para mabuhay…

Dahan-dahan akong gumapang… Dahan-dahan upang hindi nila ako mapansin o makita. Hindi ko na inalintana ang sakit na nararamdaman ng katawan ko lalo na ng kaselanan ko. Kung kinakailangan kong gapangin hanggang sa makarating ako ng pinto ay gagawin ko. Hindi… Mas kailangan kong takbuhin ang pinto kahit nakapaksakit ng lahat ng parte ng katawan ko. Tatakbuhan ko na si kamatayan!

Malapit ko na akong makababa ng kama… Malapit na malapit na… Masisilayan ko na ang naka-carpet na sahig ng kwarto kinalulunan ko. Magagawa ko nang takbuhan ang mga demonyong – ARAYKUPO!

Isang malabakal na kamay ang marahas na sumabunot sa mahaba kong buhok na ilang araw nang hindi napapaliguan ng malinis na tubig at nanlalagkit na dahil sa magkahalong sipon, luha at dugo.

“Hi baby! Gising ka na pala!”

Nanginig ang mga labi ko nang makita ko ang mukha niya. Ramdam kong nabunot mula sa anit ko ang ilang hibla ng mahahaba kong buhok dahil sa malabakal niyang kamay. Naamoy ko ang magkahalong amoy ng alak at sigarilyo mula sa nakangisi niyang mga labi.

Pwe!

Bumitaw ang kamay niya sa buhok ko dahil sa pagdurang ginawa ko sa mukha niya. Mabilis akong bumaba ng kama ngunit bago ko pa magawang hawakan ang seradura ng pinto ay nakaramdam na ako nang malakas na tadyak sa may likod ko. Natumba ako sa carpet at namilipit sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Ang sakit! Sobrang sakit na tila may nabaling buto sa likod ko…

“Gusto mo pala nang babuyan ha?” nakangising sabi ng lalaking dinuraan ko sa mukha at nagsimulang kalasin ang sinturon sa suot niyang pantalon. Kasunod ang butones niyon at pagbaba ng zipper.

“H-hwag -” At bago pa ako nakaiwas ay naramdaman ko na ang mainit na likidong nanggagaling sa inilabas niyang pagkalalaki.

“Wow pare, pa-join kami!”

Nagsitayuan na rin ang ilang demonyong mababakasan ang pagkabangag sa mukha at pinalibutan na ako… Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak habang pinapaliguan ng ihi ng mga demonyong nakapaligid sa akin. Ramdam ko na ngayon ang lahat ng sakit… Hindi lamang sa katawan ko… Kung hindi pati sa buong pagkatao ko… Wasak na wasak na ako… Ayoko na… Hindi ko na kaya… Sana… Sana… Sana patayin na nila ako…