“ALAM mo, sa tanang buhay ko… Ngayon lang ako nakakita ng dagat sa personal. Ganito pala kaganda… Saka totoo pala ‘yung naririnig ko dati na nakakagaan ng pakiramdam ang dagat, lalo na kapag ganitong umuulan.”
Nakatingin si Kiko sa katabing si Melissa na nakaupo nang patingkayad at may hawak na payong na pinagsasaluhan nilang dalawa. Nakatingin ito sa may dagat. Napakaganda talaga ng mukha nito lalo na sa malapitan. Maputi at makinis ang pisngi ito na tila ang sarap-sarap haplusin at ikulong sa mga palad.
“Hindi ko alam kung anong klaseng probema ang dinadala mo ngayon pero sana gumaan ang pakiramdam mo dahil sa ulan at dagat… Dati kasi gawain ko rin ‘yan. Kapag nakakatakas ako sa pananakit ng tito Joel ko, pumupunta ako sa may ilog… Doon ako umiiyak at sumisgaw ng lahat ng hinanakit ko sa buhay ko… Sa paraang iyon, gumagaan ang pakiramdam ko.”
Napalunok si Kiko nang tumingin sa kanya ang maamong mukha ni Melissa.
“Alam kong hindi tayo malapit sa isa’t-isa. Ni hindi ko nga alam kung natatandaan mo pa ang pangalan ko, pero gusto kong malaman mo…”
Unti-unti nang nabawasan ang lamig na nararamdaman ni Kiko dahil sa paghina ng ulan at nang lumapat ang kamay ni Melissa sa braso niya.
“Kahit kailan ay hindi Niya tayo binigyan ng problema na hindi natin kayang lampasan…”
“Bakit parang ang bait-bait mo?” wala sa loob na tanong ni Kiko.
“Ha? Ako? Saan banda?” natatawang balik tanong n Melissa. “Hindi ako mabait ‘no. Akala mo lang ‘yun. Madami rin akong kalokohan sa buhay.”
Napangiti si Kiko sa sinagot na iyon ni Melissa.
“Oh ayan, gwapo ka na ulit.”
“Ha?” Sa tanang buhay niya, ngayon lang yata siya nasabihan ng gwapo ng isang magandang babae.
“Nakakapangit kaya at nakakatanda kaagad kapag lagi kang nakasimangot.” Dumako ang hintuturo ni Melissa sa mga labi nang kausap na inata. “Dapat laging nakangiti ang mga labi na ito.”
Tila may sariling isip ang kamay ni Kiko nang hawakan ang buong kamay ni Melissa at ilapat sa pisngi niya ang buong palad nito kasunod ang pagpikit ng mga mata na tila nais damhin pa ang init at lambot niyon. Tuluyan nang huminto ang pagbuhos ng ulan at nagsisiumula nang lumabas ang araw mula sa pinagtataguan nitong makapal na ulap.
Napatulala naman si Melissa na tila nahihipnotismo sa ginagawa ni Kiko. Nakakaramdam siya ng magkahalong awa at simpatya para sa binata. Hindi niya alam kung paano pero ramdam niya ang lungkot at bigat na dinadala nito. Nakikita at nararamdaman niya iyon sa pagtitig sa malamlam na mga mata nito.
Tila halos sabay na bumalik sa sarili ang dalawa nang tumama ang maliwanang na sikat ng araw sa mukha nila.
Mabilis na bnawi ni Melissa ang kamay mula kay Kiko at isinarado na ang payong na hawak bago tumayo.
“I-I’m sorry… I didn’t –” Napatayo na rin si Kiko. Nag-aalala siya dahil baka nabastos niya si Melissa dahil sa ginawang paghawak sa kamay nito.
“Okey lang,” nakangiting sabi ni Melissa. “Kailangan ko na nga pala umuwi. Baka kasi nakauwi na rin si Marvin,” paalam niya bago tumalikod at nagsimulang maglakad palayo sa kinatatayuan ni Kiko.
Napatingin naman si Kiko sa kamay kung saan kanina lang ay nakakulong ang palad ni Melissa.
“Kiko!”
Napatunghay muli si Kiko at napatingin sa kinatatayuan ni Melisa. Kahit medyo malayo na ay kita pa rin niya ang mukha nitong may nakangiting mga labi.
“H’wag mong kalimutang ngumiti ah… Para hindi ka pumangit o tumanada kaagad! Ba-bye!”
Hindi na napigilan ni Kiko ang pagguhit ng ngiti sa sairiling mga labi sa muling paalam na iyon n Melissa. Muli na namang umaatake ang kakaibang kaba sa dibdib niya. Kaba na ngayon ay tila masarap na sa pakiramdam…
***
“NANDITO ka ang pala.”
Lumingon si Kiko sa bagong pasok na si Vernon sa kwato niya. Katatapos lang niya maligo at kasalukuyang nagtutuyo ng buhok gamit ang tuwalyang puti na hawak. “Nasaan sina Joel?”
“Ayun, high na high sa kabilang kwarto,” natatawang sagot ni Vernon. “Heto, may dala ako… Gusto mo ba?” alok pa nito na may hawak na maliit na plastic ng puting pulbos.
“No, thanks pare,” tanggi ni Kiko. Naimpluwensyahan na siya ng mga kaibigan na uminom ng alak at manigarilyo pero ang gumamit ng ipinagbabawal na gamot, no way!
Ibinulsa ni Vernon ang hawak na plastic at nagtungo sa may malaking bintana kung saan pumapasok ang maliwanag na sikat ng araw. “She’s pretty…”
“Sino?” tanong ni Kiko habang patuloy sa pagkuskos ng makapal na tumwalya sa basing buhok.
“Melissa…”
Napahinto si Kiko sa ginagawa dahil sa narinig na pangalan.
“Nakita ko kayong dalawa kanina… Nakita kita… Nakita ko ang ngiti sa mga labi mo.”
“A-ano bang sinasabi mo pare?” kunway natatawang tanong ni Kiko bago muling ipinagpatuloy ang pagtuyo sa buhok.
“Oh c’mon, pare,” ani Vernon na lumapit sa may maliit na ref at naglabas ng dalawang bote ng alak. “I know you well, pare. Here,” inabot niya ang kabubukas lang na bote sa kausap. “Sa akin ka pa ba magde-deny?”
Hindi na napigilan ni Kiko ang sarili na abutin ang bote at lumagok ng laman niyon.
Hinila naman ni Vernon ang isang upuan palapit kay Kiko. “Pare, wala ka nang kayang itago sa akin. Alam ko na nga kahit size ng underwear mo. Hahaha!”
“G*go!” natatawang singhal ni Kiko.
“Pero going back, nakita ko kanina kung paano mo hawakan ang kamay niya… Kung paano mo siya titigan… Parang… parang –”
“Parang gusto ko na siyang halikan?” dugtong niya sa tila hindi maituloy na sasabihin ni Vernon habang nakaguhit ang ngiti sa kalahati ng mga labi. Kung wala na rin naman siyang maitatago kay Vernon bakit hindi na lang niya aminin?
“T*ng ina,” halos pabulong na mura ni Vernon bago saglit na lumagok ng alak. “Sabi na nga ba, tama ako…”
“Ngayon lang ako tinamaan ng ganito Vernon. Ngayon lang ako nagkagusto sa isang babae ng ganito kalala,” napapailing na sabi pa ni Kiko. “Ang tanga ko ‘no? Magkakagusto na lang ako sa may syota pa… Ang mas malala, sa syota pa ng lalaking inagawan ko ng resort na ito.”
“Pwede naman nating gawan ng paraan eh.”
“Anong ibig mong sabihin?” Kunot noong napatingin si Kiko kay Vernon. Nasa labas ang mga tingin ng binata na tila ba may malalim na iniisip. Pero hindi niya mawari kung ano. Hind niya alam kung bakit kinakabahan siya sa seryosong mukha nito. Kinakabahan siya sa bagay na umiikot sa isipan ng kinakapatid niya…