noveltoon logo noveltoon
29th of February

Chapter 22

Ch. 23 / 32 Feb 09, 2022

“Sh*t!”

Pawis ang noong napabalikwas si Kiko mula sa pagkakahiga sa malambot at malaki niyang kama. Kaagad niyang binuksan ang katabing lampshade, isinuot ang salamin sa mga mata at inalis ang makapal na kumot sa katawan niya. Bumaba siya ng kama at tumungo sa banyo, sinilip ang terrace bago naupo sa malaking sofa bed kasunod ang paghilamos ng mga palad sa buong mukha. Walang babae sa loob ng kwarto niya. Walang Melissa.

“P*tsa! Magwe-wet dream lang ako, bakit siya pa!?” naiinis na bulong niya. Umabot siya ng alak ng mula sa katabing maliit na ref. Si Vernon lang talaga ang nagpalagay noon do’n. Pampatulog rin raw kasi iyon na baka kailanganin niya. Mukhang tama ang kaibigan niya.

Kaagad niyang tinungga ang bote ng alak. Ilang lagok ang ginawa niya bago niya iyon binatawan at isinandal ang likuran sa malambot na sofa. Ramdam pa rin niya ang pagtigas ng pagkalalaki niya lalo na kapag ipinipikit niya ang mga mata. Nakikita niya pa rin kasi ang maamong mukha ni Melissa. Ang magandang si Melissa na ngayon ay nai-imagine niyang nakaluhod sa harapan niya.

“P*tang ina!” Muli siyang lumagok ng alak. Ayaw na niyang isipin si Melissa. Mas lalong ayaw na niyang maalala pa ang panaginip niya. Pero hindi niya mapigilan ang sarili niya. Hindi niya mapigilang pagpantasyahan ang asawa ng dating may-ari ng resort na ngayon ay pagmamay-ari niya na.

***

“GOOD morning!”

Hindi pinansin ni Kiko ang pagbating iyon ni Vernon ng makapasok siya ng kusina. Mukhang hindi naman siya masyadong na-late ng gising dahil kakaumpsia lang mag-almusal ng apat na Perwisyo Boys. Pupungas-pungas siyang umupo sa may dulo ng mahabang lamesa bago isinuot ang salamin sa mga mata at inabot ang pitsel ng tubig kasunod ang pagsalin ng laman sa baso. Hindi na siya halos nakatulog kung hindi pa eepekto ang espirito ng alak sa katawan niya, malamang ang zombie mode siya ngayon dahil sa puyat. “Ano ‘to?”

“Fresh buko juice po, sir Francis,” sagot ni mang Popot sa tanong na iyon ni Kiko ng magtaka sa lasa ng ininom mula sa hawak na baso. Naglalagay siya ng tinapay at saging sa ibabaw ng lamesa “Galing po iyan kay Marvin ng dumaan siya dito kanina.”

Napatiimbagang si Kiko bago ibinalik ang baso ng inakala niyang tubig ang laman sa ibabaw ng lamesa. “Mang Potpot, pakitimpla po ako ng kape.”

“Sige po,” kaagad na sagot ng matanda.

“Kiko, okey ka lang?” Natuon na ang atensyon ni Vernon sa kinakapatid na nakapatong ang mga siko sa ibabaw ng lamesa at nakatakip ang mga palad sa mukha. “Mukhang puyat ka ah.”

“Baka puyat kaka-jack en poy! Hahaha,” ani Mon na malakas na sinundan ng tawa.

“Sino naman ka-jack en poy niya?!” natatawang tanong ni JC.

“Sino pa, ed ‘di si Mariang palad na kaliwa’t kanan… Hahaha,” si Joel ang sumagot na mas malakas na tumawa.

Sabay-sabay na napapitlag ang apat ng biglng malakas na ibagsak ni Kiko ang hawak na baso sa ibabaw ng lamesa. Bahagayang nagkalamat ang baso.

“P-pare, cool ka lang. nagbibiro lang naman kami,” ani JC.

“O-oo nga pare,” segunda ni Joel.

Walang sumunod na salitang tumayo si Kiko at nagsimulang maglakad.

“Saan ka pupunta, Kiko? Nagbibiro lang naman kami. H’wag ka naman sanang pikon,” may inis na sabi ni Mon.

“Magyo-yosi lang ako…”

Napabuntong hininga si Vernon sa narinig na iyon mula kay Kiko. Mula’t sapul ay alam niyang hindi naninigarilyo ang kinakapatid niya unless na may mabigat itong pinagdadaanan. Ang daddy na naman ba nito? O hindi kaya si… Si Melissa?

Padabog na isinara ni Kiko ang pinto ng makalabas ng mansion. Tumuloy siyang umupo sa may duyan bago naglabas ng sigarilyo at lighter. Hindi kagaya nina Vernon na nakakaubos ng halos kalahating kahon ng sigarilyo sa isang araw, sa kanya naman ay tatagal iyon ng halos isang lingo.

Sinindahan na niya ang sigarilyo kasunod ang paghitit niyon at pagtingin sa may dagat. Malamig ang simoy ng hangin, madilim ang makalap na ulap at mukhang may paparating na malakas na ulan. Kasabay halos ng malakas na liwanag ng kidlat na gumuhit sa langit ang pagbuga ng usaok mula sa bibig niya. Malinaw pa rin sa isipan niya ang mainit na eksenang namagitan sa kanila ni Melissa. Ang mga eksenang sa panaginip lamang niya pala nangyari.

Isang buga muli ng usok ang pinakawalan niya bago napalunok ng laway. Bakit ba hindi maalis sa isipan niya ang babaeng iyon? Bakit ba hindi mawaglit sa alaala niya ang mainit na panaginip niya kagabi kasama si Melissa?

***

“Mom? Mommy, umiiyak ka na naman ba?” naiinis na tanong ni Kiko ng marinig ang boses ng kausap sa teleponong hawak.

“N-no… Of course not, baby,” sagot ng mommy ni Kiko. “N-nagkita raw kayo ng daddy mo d’yan sa resort?”

“Yes mommy,” tipid na sagot ni Kiko. Nasa may tabi ng dagat ang mag tingin niya. Kaagad na lumabas ang apat na Perwisyo Boys ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Pinapanuod niya ngayon ang mga ito na ine-enjoy ang ulan habang siya naman ay nakatayo lamang sa may tabi ng duyan.

“S-so, nakita mo rin siya?”

Hindi sumagot si Kiko sa muling tanong na iyon ng Mommy niya. Ramdam niya ang sakit ng lalamunan niya sa pagpigil na maiyak ang sarili. Weakness niya kasi ang makita o marinig man lang na umiiyak ang Mommy niya.

“Kiko, tara! Ang lakas ng ulan oh!” nakangiting anyaya ni Vernon na wala ng suot na pantaas.

Tinakpan ni Kiko ang receiver ng cellphone na hawak. “Sige lang Ver, susunod ako…”

“N-nakita rin ba siya ng barkada mo?” muling tanong ng ginang nang marinig ang boses ni Vernon.

Napabuntong hininga siya sa tanong na iyon ng Mommy niya. “Mom, h’wag na nating pag-usapan ‘to. Uuwi ka ba sa graduation ko?” pag-iiba na lang niya ng topic.

“Hindi ko sure baby. Baka kasi -”

“In short you can’t, right?”

“Francis, alam mo naman -”

“I have to go mom.”

“I love -”

Hindi na pinatapos pa ni Kiko ang sinasbi ng Mommy niya at ini-end na niya ang pag-uusap nilang iyon bago bahagyang itinaas ang suot na salamin sa mga mata at pinunasan ang nangingilid na mga luha. “I love you too, Mom…” Alam niyang malaki ang pagkukulang sa kanya ng Mommy niya pero hindi iyon dahilan upang mawalan siya ng pagmamahal dito. Alam niya namang para rin sa kanya ang ginagawa nitong pagta-trabaho ng sobra.

“Whooo!!! Ang lakas ng ulan!” sigaw ni JC.

“Kiko, tara na!” yaya ni Mon na kakaahon lang mula sa dagat.

“Kiko, join us here! Masaya, promise!” ani Joel na lumampas kay Kiko at sumugod na rin sa ulan.

Nakatayo rin hindi kalayuan si Vernon na naka-thumbs up ang dalawang kamay.

Ngiti na lang ang isinagot ni Kiko habang pinapunod ang apat na nag-eenjoy sa malakas na ulan. Mahgpit ang hawak niya sa cellphone na kanina pa niya gustong ihagis.

“Whoa!!!” Halos sabay-sabay na sambit ng apat ng malakas na gumuhit ang kulog at kidlat sa maitim at makapal na ulap.

“I think kailangan na nating magbanlaw, boys,” suhestyon ni Mon.

“Yeah, sa tingin ko rin,” sang-ayon ni JC at sumunod sa paglalakad ni Mon pabalik ng mansion. Kasunod niya si Joel na iwiniwisik pa ang mahabang ukok na parang pusa.

“Okey ka lang ba, pare?’ tanong ng basang-basa na si Vernon na saglit pang huminto sa may tabi ni Kiko. Batid niyang may hindi magandang nangyari sa pag-uusap ni Kiko sa Mommy nito sa cellphone na hawak.

“Oo naman pare. Ako pa?’ tugon ni Kiko na may pilit na ngiti sa mga labi.

“Sige, pasok muna ako.”

Tango lang ang isinagot ni Kiko bago tuluyang pumasok si Vernon sa loob ng mansion. Inalis niya ang salamin sa mga mata at ilang saglit na tumulala sa malakas na ulan bago binitawan ang cellphone at salamin na kaagad lumaglag at nagkalas-kalas sa may sahig. Tumuloy siyang naglakad sa may ulanan. Tumingala sa madilim na langit bago nagbitaw ng isang malalim na buntong hininga. Napakalalim na buntong hininga…

“Pu… Tang… Ina… P*tang ina ninyo!!! P*tang ina ninyong lahat!!!!” Gigil na sigaw niya. Paulit-ulit pa siyang sumigaw habang naglalakad palapit sa may tabi ng dagat. Paulit-ulit na malalakas na sigaw…. Hanggang sa humagulhol na siya. Hindi na niya halos naramdaman ang mga luha dahil sa napakarami at malalaking butil ng ulan na pumapatak sa mukha niya.

Nangangtog ang mga tuhod na napaupo na si Kiko. Inihilamos niya ang mga palad sa mukha habang patuloy sa paghagulhol. Mas ramdam niya ang bigat kapag ganitong tag-ulan. Mas ramdam niyang nag-iisa siya kapag walang sinoman ang nakapaligid sa kanya. Mas ramdam niya ang sakit sa pangungulila sa mga magulang niya na pilit niyang ikinukubli kaninoman. Bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo ay siya pa ang nagkaroon ng babaerong tatay at martir na nanay?! Bakit siya pa?!

“Leave me alone, pare,” ani Kiko nang maramdaman na may nakatayo sa may tabi niya at bahagyang huminto ang mga butil ng ulan na pumatapatak sa katawan niya. Alam niyang si Vernon lamang ang maglalakas loob na lapitan siya sa ganoong pagkakataon.

“Alam kong kailangan mo ng makakasama… Handa naman akong makinig…”

Napalunok siya ng marinig ang boses ng sumagot na iyon. Dahan-dahan niyang ibinaling ang mga tingin sa mukha ng nagmamay-ari ng mga paang nasa may tabi niya. Si Melissa…