“HALOS kasing laki na ng apartment namin ni Rency ang kwarto na ‘to ah,” manghang sabi ni Janine nang makapasok silang dalawa ni Vernon sa loob ng kwarto.
“Siyempre, isa yata ito sa pinaka-espesyal na kwarto dito sa mansion,” tugon ni Vernon na yumakap mula sa likuran ng nobya.
“Espesyal? Paano mo naman nalaman?” natatawang tanong ni Janine. Sa dami ng malalaking kwarto sa loob ng mansion siguradong ang ilan sa mga iyon ay espesyal.
“Ano pa at naging bestfriend ko si Kiko? Ibinilin ko sa kanya na ibigay sa atin ang isa sa pinakaespesyal na kwarto dito para sa nag-iisang espesyal na babaeng makakasama ko.”
“Loko! Magsa-shower na lang nga muna ako,” ani Janine na kumalas sa pagkakayakap sa nobyo at tumuloy na binuksan ang malaking bag na nasa ibabaw ng kama para kumuha ng pamalit na damit.
“Gusto mo, sumabay na ako?” pilyong tanong ni Vernon.
“H’wag na at baka hindi pa pagsa-shower ang gawin mo!” natatawang tugon niya.
Napapakamot ulo namang lumapit si Vernon sa maliit na ref na nasa may sulok ng malaking kwarto. “Oh bakit walang beer? Ang sabi ni Kiko pinalagyan niya ng beer ang mga ref sa lahat ng kwarto.”
Tumayo si Janine at pumasok na sa loob ng banyo. Namangha na naman siya nang mailibot ang paningin sa banyo na kasing laki ng kwarto nila ni Rency sa apartment. Parang nakahanda talaga para sa kanila ang banyo na iyon dahil sa dalawang malaking tuwalya at bath robe na nakasabit sa may tabi ng malaking bath tub.
“Babe, kukuha lang ako ng beer sa baba,” paalam ni Vernon.
“Sige babe,” tugon niya na umupo sa may tabi ng bath tub at binuksan ang gripo. Nang halos mapuno na ng tubig ang bath tub ay tumayo na siya at tinanggal ang lahat ng saplot sa katawan bago sinimulang ilubog ang katawan sa malamig na tubig. Ipinikit niya ang mga mata nang maisanadal ang batok sa may ulunan ng bath tub upang mas maramdaman ang ginhawa ng tubig.
Ilang saglit ang lumipas nang maramdaman niyang may mga kamay na nagsimulang maglaro sa may ulo niya na tila nagmamasahe.
“Babe…” halos paungol na sabi niya. “Babe, sabi ko sa iyo mamaya na ‘di ba,” kunwaring saway niya kahit gustung-gusto niya ang init na dulot ng mga kamay ng binata. Naramdaman niyang mula sa ulo ay unti-unting bumaba ang paghagod ng mga kamay nito sa may batok niya. Dahan-dahan na parang nais tandaan ang pagkahubog ng ulo niya. Ngunit napabalikwas nang biglang maramdaman ang mahahabang kukong tila bubutas sa may leeg niya. Hindi si Vernon ang nagmamay-ari ng mga kamay na iyon!
Malalim ang paghingang inilibot niya ang paningin sa buong banyo habang humihimas ang isang kamay sa may leeg at batok na tila ramdam pa rin ang mahahabang kukong nakatusok doon kanina. Siguradong-sigurado siya na may naramdaman siyang mga kamay sa may batok niya… Pero bakit wala siyang makitang kahit sinoman na kasama sa loob?
Napaigtad siya sa biglang pag-ere nang malakas na classical music mula sa labas ng banyo. Nanginginig ang kamay na inabot niya bath robe sa may tabi bago tuluyang bumaba ng bath tub. Hindi na niya nagugustuhan ang matinding takot na nararamdaman.
“B-babe?” tawag niya nang makalabas ng banyo. Bakit mas malamig pa yata sa loob ng kwarto kaysa sa bany? Walang bukas na bintana o kahit ang pinto man ng terrace ay sarado rin. Pakiramdam niya ay may kasama siya sa loob na hindi niya nakikita. Napapalunok siyang lumapit sa music player kung saan nagpe-play ang umeereng classical music. Kasunod nang paghinto ng musika dahil sa pagpindot niya ng stop sa player ay ang mahihinang hikbi ng isang babae. Nanlambot ang mga tuhod niya nang makita ang isang babaeng nakatalikod mula sa kanya at nakaupo sa gilid ng malaking kama. Nakasuot ito ng pula at tila isang manipis na pantulog. Malagkit ang makapal na buhok nito. At ang mga kamay na nakatakip sa mukha ay nababahiran ng malalapot na dugo. Kung hindi siya nagkakamali, iyon rin ang babaeng nakita niya kanina na nabangga nang kinalulunang kotse ni Vernon. Lalo siyang kinilabutan nang magsimulang maging tawa ang mahihinang hikbi nito na unti-unting lumalakas na tila ba nanggagaling sa ilalim ng lupa.
Muli siyang napaigtad nang marinig ang malakas na pagbukas ng shower sa loob ng banyo. Mabilis niyang ibinalik ang tingin sa kama ngunit wala na ang babae. Kahit takot ay naglakad siya pabalik ng banyo upang patayin ang shower.
“Namamalikmata na naman ako,” bulong niya kasunod ang isang malalim na pagbuntong hininga. Nasimula na niyang pulutin ang mga damit na nakakalat nang biglang mawalan ng balanse dahil sa malagkit na likidong nakakalat sa tiles na sahig. Malakas na tumama ang ulo niya sa may bath tab kasunod ang paglalabo ng paningin niya. At bago pa man tuluyang nagdilim ang lahat sa kanya ay may naaninag siyang bulto ng tao… Ang babaeng nakapula... Pero parang hindi… Parang isang lalaki.
***
“ANO bang matsi-rsibog ko rito?” ani Juggy nang mabuksan ang refrigerator. “Uy cake!”
Kanina pa siya nakakaramdam ng gutom. Mabilis yatang natunaw ang mga kinain niya sa halos pitong oras nilang byahe. Hindi na baleng mauna ang dessert, hindi na kasi niya kayang hintayin pa ang ihahain ni mang Potpot na hapunan kaya ta-tyaga-in na niya ang cake na mukha namang masarap. Aabutin na sana niya ang kahon ng cake nang mapahinto at muntik nang mapasigaw. Isang duguang kamay mula sa kung saang sulok ng loob ng refrigerator ang lumabas at humawak sa braso niya. Naamoy niya pa ang malansang amoy ng dugo at naramdaman ang malamig na kamay na mahigpit na humawak sa kanya. Ngunit sa isang iglap lang ay kaagad ring nawala.
‘Papatayin kita!’
“P*tsa!” Mabilis siyang napalingon sa likuran kung saan nanggaling ang boses na tila bumulong sa mismong tainga niya. Nakakakilabot na boses ng isang babae. Wala siyang kahit na sino o anumang nakita. Wala sa loob na napaatras siya habang may kakaibang kaba na bumabagabag sa dibdib niya. Bakit parang tila natatakot siya? Kinakabahan na hindi niya alam kung saan. Naging malikot ang mga mata niya na tila hinahanap pa rin ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Sigurado siyang may narinig siya. May bumulong sa mismong tainga niya kani-kanina lang.
“Ouch! Ano ba!?”
Muntik na siyang mawalan ng balanse kasama ang babaeng nabunggo. Si Rency. “Ooopps! Sorry!”
“Bakit kasi naglalakad nang patalikod?! Wala ka namang mata sa maitim na batok mu ah!” inis na sabi pa Rency bago kumuha ng maliit na bote ng tubig at tumuloy na naglakad palabras ng kusina.
“Ang arte naman no’n! Hindi ko naman sinasadya eh,” napapaka mot sa ulong sabi na lang ni Juggy. Biglang nawala ang takot na nararamdaman niya at napalitan ng inis kay Rency. “Akala mo ikinaganda niya ang brace niya!”
Muli siyang bumalik sa may ref at mabilis na kinuha ang kahon ng cake. Dadalhin na niya iyon sa kwarto niya upang wala na siyang kahati pa.
***
“ANG boring naman ng walang love life,” nakalabing sabi ni Rency habang mag-isang naglalakad sa may tabi ng dagat. Tapos na kasi siyang mag-ayos ng mga gamit niya at hindi na sinubukan pang yayain si Janine dahil baka ma-istorbo niya lang ito at si Vernon.
“Sino ‘yun?”
Napatingin siya sa lalaking nakaupo hindi kalayuan sa kinatatayuan niya. Nakatingin ito sa kawalan na tila lumilipad ang isipan.
Naglakad siya papalapit sa lalaking nakatingin sa papalubog na araw. Mukhang hindi sila nagkakalayo ng edad, mahaba ang mga binti nito, moreno ang kulay ng balat, maganda ang hugis ng mukha at ilong at medyo singkitin ang mga mata. Sa maikling salita isa sa mga perpektong likha na Adan na nakita niya.
“H-hi!” lakas loob na bati niya.
Tumingin naman ang lalaki kay Rency at ngumiti. Lumabas ang dalawang cute na dimple nito sa magkabilang pisngi.
“Pwedeng tumabi?” tanong ni Rency.
“Oo naman,” nakangiting tugon ng lalaki at ibinalik ang tingin sa harapan.
“Hmmm… Taga rito ka ba?” muling tanong ni Rency.
“Yep. Ang ibig kong sabihin, dati… Ikaw?”
“Ah hindi. Napasabit lang ako sa lakad ng friend ko kasama ang barkada ng boyfriend niya. In short, asungot.”
Bahagyang natawa ang binata sa sinabi ni Rency. “I’m Marvin.”
‘Sh*t! Siya ang unang nagpakilala! Magkaka-love life na ba ako Lord?!’ sigaw niya sa isipan. “I’m Rency,” tugon niya at inabot ang kamay nang kausap.
“Nasaan pala ang mga kasama mo? Bakit mag-isa ka lang?” takang tanong ni Marvin.
“Ah… Ayun, may kanya-kanyang kasi silang date kahit ‘yung friend ko. ‘Yung iba hindi ko ka-close. Sina Vernon at Janine lang talaga…”
“Vernon?”
“Yep. Siya ‘yung boyfriend ni Janine. Si Janine ‘yung friend ko. Barkada ni Vernon ‘yung may-ari ng resort na ito.”
“I see,” tumatangong sabi ni Marvin na nakahawak sa may baba.
“Teka, ikaw? Bakit ka nandito? Friend ka rin ba nina Kiko?”
Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Marvin. Sarkastikong ngiti.
“Oh why? Don’t tell me nayayabangan ka rin do’n? Ang angas ‘no? Porke gwapo at mayaman. Teka ka nga ulit baka kung anu pang masabi kong masama do’n, sino ngang kasama mo dito?”
“Wala…”
“Wala?” takang tanong niya. Alam niya kasing private beach resort ang pinuntahan nila kaya nakakapagtakang may estranghero siyang makilala. “Ah, siguro ikaw ‘yung may-ari ng black na pick-up d’yan ‘no?”
Muling nakangiting umiling si Marvin bilang sagot.
“Eh paano ka napadpad -”
“Rency!”
Napalingon si Rency sa tumawag sa pangalan niya kasunod ang pagtayo nang makita ang papalapit na si Janine.
“Bakit nandito ka? Kanina pa kita hinahanap,” tanong ni Janine nang makalapit. May hawak itong ice bag na nakalapat sa may ulo.
“Nainip kasi ako sa kwarto kaya lumabas ako. Anong nangyari sa iyo?”
“Ah, wala. Nadulas kasi ako sa C.R. ng kwarto namin ni Vernon. Wala nga ako masyadong matandaan, basta nagising ako nasa kama na ako. Kaya heto, medyo nagkaroon ako ng bukol.”
“Nabagok ka? Are you okey na ba?”
“Yeah… Yeah… Okey naman na pakiramdam ko, mabuti na lang at nakita ako ni babe sa C.R.”
“Good to know. Sorry, hindi kaagad kita nadaanan. Inisip ko kasi baka maistorbo ko kayo ni Vernon,” sabi ni Rency. “Oo nga pala, I met someone. Si - teka, nasaan na’yun?”
“Sino?” takang tanong ni Janine nang mapatingin sa nilingon ni Rency.
“Si Marvin. ‘Yung poging katabi ko kanina?”
Napakunot noo si Janine. Wala naman kasi siyang nakita na katabi ni Rency nang lumapit siya dito kaya nga nagtataka siya kung bakit mag-isang tumatawa si Rency at parang may kausap pa.
“He was just here, I swear. Katabi ko lang siya kanina… Kausap ko lang siya,” tugon ni Rency habang nakayakap sa mga braso. Nagsisimula kasing yumakap sa balat niya ang kakaibang lamig ng hangin. ‘Paano siyang biglang nawala?’
***
“I MISS you so much!” halos paungol na bulong ni JC sa tainga ni Claud habang binubuksan ang butones ng blusang suot ng dalaga. Sinimulan niyang halikan ito mula sa leeg patungo sa may dibdib.
“I miss you too JC! Sobrang na-miss talaga kita!” tugon naman ni Claud. Nakahaplos ang mga kamay nito sa likuran ng binata na nakasuot ng asul na sando. Nasa loob sila ng isang bakanteng kwarto na tila naging bodega na dahil sa tambakan ng mga gamit na halatang hindi na rin nagagamit. Nakita nila iyon kanina habang naghahanap sila nang pagpapalipasan ng init ng katawan.
Nauna silang nagkakilala ni JC kaysa kay Tims. Noong nagtatrabaho siya bilang isang salesclerk sa isang Mall. Oo, hindi siya mayaman at nagpapanggap lamang na isang sosyal. Pero alam ni JC ang lahat at nagustuhan pa rin siya ng binata. Nagkaroon sila ng relasyon na umabot ng limang buwan. Saka lang niya nalaman na may nauna pala itong girlfriend, si Madz. At bago pa lumala ang lahat ay nakipaghiwalay na siya kay JC kahit pa ayaw ng binata.
Pero sadyang napakaliit ng mundo para sa kanilang lahat. Pumunta siya sa isang party ng mga dating kaklase sa kolehiyo. Nagbihis siya ng maganda at muling nagpanggap na sosyal sa buong gabi ng party. Doon niya nakilala si Tims na una pa lang ay ramdam niyang may gusto na sa kanya. At dahil sa panunukso ng mga kasama ay tinanggap niya ang alak na inaalok ni Tims nang gabing iyon at ang pagpapakilala nito sa kanya na napunta sa palitan ng cellphone number. Ilang araw lang ay niligawan na rin siya ni Tims.
Hindi niya pinakilala kay Tims sang totoong sarili niya. Nagpanggap siyang anak ng mag-asawang may business sa abroad. Nagpanggap siya bilang isang namamahala ng haciendang iniwanan sa kanya. Nagpanggap siyang mayaman at sosyal. Pero ang totoo ay ulila na siya at wala ng pamilya. At hindi nga nagtagal sa kagustuhang maiahon ang sarili sa kahirapan o ang maranasan ang luho na hindi niya natamasa sa bahay ampunan ay sinagot niya si Tims. Noong una ay pera lang ang gusto niya sa lesbian pero hindi nagtagal ay unti-unti nang naging totoo na nahulog ang loob niya dito. Okey na sana ang lahat pero ng dahil sa isang party na pinagdalhan sa kanya ni Tims ay muling nagulo ang lahat. Doon niya nakilala si Madz bilang pinsan ni Tims at nobya ni JC.
Wala siyang balak na sirain ang relasyon ng dalawa kaya nga siya nakipaghiwlay noon kay JC. Pero hindi niya napigilan ang damdamin na bumalik sa puso niya. Hindi nila napigilan ni JC ang muling matukso sa isa’t-isa. At dahil pareho na ayaw nilang masira ang kanya-kanyang relasyon ay nagkaroon sila ng mga patakas at tagong oras ng pagmamahalan.
“I love you Claud,” bulong ni JC. Binubuksan na niya ang butones ng masikip na pantalong suot.
“I love you too JC,” tugon naman ni Claud at nagsimula na ring ibaba ang skater skirt kasama ang underwear.
Ikinulong ni JC sa mga palad ang magkabilang pisngi ng dalaga. Kung nauna lang sana niyang nakilala si Claud kaysa kay Madz, hindi siguro sila nagnanakaw ng mga maiinit na oras ngayon.
Mabilis na sinalubong ni Claud ang papalapit na mga labi ng binata. Matagal na nagsalo ang mga labi nila sa isa’t-isa hanggang sa magsimulang kumilos ang katawan ni JC upang tuluyan nang marating ang sukdulan ng init. Naramdaman na ni Claud ang pagpasok ni JC sa kanyang kaselanan na sinasabayan nang paghalik sa kanyang tainga. Nagsisimula nang mas lalong mag-init ang katawan niya dahil sa ginagawa ng binata. Ngunti bigla siyang napaptilag at muntik nang mapasigaw dahil sa ingay na umalingawngaw sa loob ng kwarto. Mabuti na lamang at maagap na natakpan ni JC ang bibig niya. Saglit silang tila naging estatwa na magkadikit ang mga katawan sa kinatatayuan.
Nagsimula namang mamuo ang pawis sa noo ni Claud sa kabila ng lamig na narramdaman. Sinimulan na niyang ayusin ng pasimple ang sarili. Tuluyan nang nalukob ng lamig ang kanina lang ay nag-iinit niyang katawan. Paano kung si Tims ang nakakita sa kanila? Oh kung hindi man si Tims paano kung isa sa mga barkada ni JC? Hindi pwedeng malaman ni Tims ang relasyon nila ni JC. Hindi niya pwedeng masaktan si Tims. “M-mukhang wala namang tao…”
“Shhh…” Mabilis na inayos ni JC ang pantalon na suot bago dahan-dahang lumapit sa sulok kung saan nanggaling ang ingay ng mga gamit na bumagsak mula sa isang malaking cabinet. “F*ck!”
“W-why?”
“P*tsa! Daga lang pala!” natatawang sabi ni JC.
Nakahinga nang maluwag si Claud sa narinig kasunod ang pagdampot ng blazer na nasa sahig.
“Ituloy na natin ulit…” malambing na sabi ni JC at yumakap muli sa dalaga.
Hindi pinansin ni Claud ang sinabi ng binata at itinuloy na isuot ang blazer.
“Claud…” Nagsimulang muling mamasyal ang mga labi ni JC sa leeg ni Claud.
“JC, stop it,” saway ni Claud na bahagyang itinulak ang binata. “Wala na ako sa mood, lumabas na tayo dito.”
“Ano ka ba, daga lang ‘yun. Tara na, ituloy na natin…”
Muling kumalas si Claud sa mga bisig ng binatang pumulupot sa kanya. “Bumalik na tayo JC. Baka hinahanap na nila tayo.”
“F*ck naman oh! Ang daming arte!” naiinis nang sabi ni JC.
“JC, natatakot lang ako na baka mahuli nila tayo.”
“O eh ano naman?! ‘Yun naman ang gusto mo ‘di ba? Kapag nagkaalaman na at hiniwalayan nila tayo, magiging tayo naman sa huli ‘di ba?”
Umiling si Claud habang nakasalubong ang mga tingin sa binata. Mahal niya ito pero habang tumatagal ang relasyon nila ni Tims ay mas nararamdaman niya sa sarili na mas matimbang na sa puso niya ang lesbian na karelsyon. “I think we should stop doing this thing…”
Natulala naman si JC sa narinig mula sa kaharap na dalaga. Handa siyang panagutan ang kung anuman ang meron sila ni Claud kung sakali mang malaman ng lahat ang tungkol sa kanila. Handa siyang siyang i-give up si Madz para ka Claud. Pero bakit parang hindi gano’n si Claud sa kanya. “What are you trying to say?”
“Itigil na natin ang kalokohan na ‘to.” Itinaas na ni Claud ang zipper nang suot na blazer.
“Claud.” Muling ikinulong ni JC sa mga palad ang magkabilang pisngi ni Claud. “Hindi ito kalokohan… Mahal mo ako, ‘di ba?”
“Oo… Minahal kita JC. Mahal kita… Pero mas mahal ko na si Tims. Ngayon nare-realize ko na hindi ko kayang mawala siya sa akin.”
“Claud tell me…”
“J-JC, nasasaktan ako,” ani Claud nang magsimulan humigpit ang hawak ni JC sa pisngi niya.
“Tell me, mas mahal ba ang mga luho na ibinibigay niya sa iyo? Mas marami ba siyang gamit na ibinibigay sa iyo? Mas masarap ba ang ginagawa niya sa iyo? Mas magaling ba siya?”
Hindi na napigilan ni Claud ang sarili at itinulak ang binata kasunod ang malakas na pagsampal dito. “Ganyan talaga ang tingin mo sa akin ‘no? Ganyan kababa?” ani Claud na may pait na ngiti sa mga labi.
Napatiim-bagang si JC. Pinipigilan niya ang sariling makapagbitaw ng mas masasakit na salita kay Claud dahil ayaw niya itong mawala sa kanya.
“Tapusin na natin ‘to JC,” sabi pa ni Claud at hindi na nagpapigil pang naglakad palabas ng kwarto..
“Ahhh!!!” Malakas na sinuntok ni JC ang katabing kahoy na pader kung saan bahagyang dumugo ang kamao niya. Hindi siya makapaniwalang napakadali lamang kay Claud na iwanan siya. Si Claud na handa niyang ipaglaban at seryosohin. Si Claud na handa niyang mahalin ng totohanan. Ngunit ang mas masakit sa nangyari ay ang ipagpalit siya sa isang lesbian!
“F*ck!” halos sigaw niya nang biglang mamatay ang ilaw sa loob ng kwarto at may mga gamit na muling naglaglagan sa sulok. Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa upang gamiting pang-ilaw at naglakad patungo sa sulok ng kwarto. “P*tang inang daga ‘yun! Mahuli lang kita, katay ka talaga sa akin!”
Isang maliit na kahong gumagalaw-galaw ang nakita niya. “D’yan lang pala kayo nagtatago mga peste kayo!” aniya at hinawakan ang kahon. Mukhang may mapagbubuntunan na siya ng galit at sakit na nararamdaman niya ngayon.
Muntik na siyang matumba nang mabuksan ng tuluyan ang kahon. Tatlong katawan ng mga daga na wala ng ulo at nangingisay-ngisay pa. Nanginginig ang kamay na hinawakan niya sa may buntot ang katawan ng daga. May nakasulat kasi sa sahig na tila natatakpan ng mga ito. Nawala na ang galit at inis na nararamdaman niya. Nalukuban na iyon ng matinding takot nang mabasa ang mga salitang nakasulat gamit ang mga dugo ng mga pugot na ulong katawan ng daga.
‘CAN YOU STILL REMEMBER WHAT HAPPENED LAST FEBRUARY 29?’
***
NAALIMPUNGATAN si Gabby mula sa mahimbing na pagkakatulog nang maramdaman ang paggapang ng isang kamay sa loob nang suot niyang maluwag na t-shirt.
“Sweety…” mahinang ungol niya. Nakatalikod siya mula sa katabing nobyo na ramdam niya ang init ng hininga sa may batok niya. Muling lumabas ang mga kamay nito mula sa t-shirt niya at nagsimulang tumaas sa may leeg niya. Dahan-dahan iyon na tila dinadama ang makinis niyang balat hanggang sa makarating iyon sa may mukha niya. Ilang saglit pa na namasyal ang mga dailiri nito bago unti-unting humigpit ang hawak sa mga pisngi niya.
“S-Sweety…” bulong niya nang maramdaman ang dalawang daliri nito sa may mga mata niya. Sinubukan niyang humarap dito ngunit mahigpit ang pagkakadantay ng mga binti nito sa may katawan niya na halos hindi na niya maikilos. Parang nabuhusan nang nagyeyelong tubig ang katawan niya sa takot ng maramdaman ang mahahabang kuko ng mga daliri nito na nasa may mga mata niya. Hindi si Mon ang nasa likuran niya. Inipon niya ang lahat ng natitirang lakas sa kabila nang panginginig ng buong katawan. Ngunit bago pa siya tuluyang makaharap sa kung sinoman ang nasa likuran niya ay naramdaman na niya ang tuluyan paglubog ng mga mahahaba at matutulis nitong mga kuko na pumisa sa mga mata niya.
“Ahhhhhhh!!!”