noveltoon logo noveltoon
29th of February

Chapter 26

Ch. 27 / 32 Feb 09, 2022

“OKEY na po ba ang mga iiihaw namin mamaya mang Potpot?” pagku-kumpirma ni Kiko sa kausap habang inihahanda an mga bote ng alak na dadalhin sa labas.

“Opo sir, eto po. Kumpleto na lahat,” tugon ni mang Potpot.

“Sige, tara na po at kanina pa naghihintay ang perwisyo Boys sa labas,” utos pa ni Kiko.

“Francis…”

“Mauna na po ako sa labas sir,” paalam ni mang Potpot.

Napahinto sa sa gagawing paglabas ng kusina si Kiko nang makasalubong ang daddy niya. “What are you still doing here? Kulang pa ba ang pagsapak mo sa aki, dad?”

“Francis, hindi ko sinasadya ang nangyari kanina…”

“I told you not to touch me again!” paasik na sabi ni Kiko. Sinalubong niya ang mga tingin ng daddy niya bago iginuhit ang sarkastikong ngiti sa mga labi. “Ano pa bang gusto mo? Baka naman gusto sa harap pa ng perwisyo Boys mo ako saktan?”

“Francis, tama na… Ayoko nang palakihin ang away nating mag-ama. Ayokong pati ikaw –”

“Pati ako ay mawala sa inyo?” napapailing si Kiko na iginuhit ang sarkatikong ngiti sa mga labi. “Well dad, it’s too late.” Nilampasan na niya si Albert at saglit muling napahinto nang makita si Sandy hindi kalayuan sa kanya. Bahagya pa itong napaatras nang makita siya. “Besides, you don’t need me anymore… I know… I know that, dad.”

Nagpatuloy na sa paglabas ng kusina at mansion si Kiko. Dumiretos siya sa Perwisyo Boys na nasa may tabi ng dagat at nakaharap sa may bon fire. “Hi boys!”

“Whoa! Ayan na ang alak sa wakas!” natutuwang sabi ni Mon nang dumating si Kiko bitbit ang plastic ng napakaraming bote ng alak.

“Oh,” nakangiting inabot ni Kiko ang bote sa mga kasama.

“Late ka yata Vernon?”

Napatingin si Kiko sa binati ni Joel na bagong dating. Sa buong araw ay ngayon lamang niya nakita si Vernon na naupo sa may tabi niya. “Where have you been the whole day?”

“Ah, d’yan lang sa tabi- tabi. Kumusta na sugat at pasa mo?” balik tanong ni Vernon. “Oo nga pala, may surprise ako sa iyo.”

“Surprise?” takang sabi ni Kiko.

“Hindi ba chikababe ni Kiko ‘yun?”

Halos sabay-sabay na napalingon ang lahat sa itunturo ni JC.

Napalunok si Kiko nang makita ang paparating na sina Vernon… at Melissa.

“Hi guys!” tumayo si Vernon at sinalubong ang paparating na bisita. “You made it! Thank you for coming!”

“Salamat rin sa imbitasyon, Vernon. Heto nga pala, adobo. Masarap ‘yan, luto ni Melissa,” nakangiting inabot ni Marvin ang lalagyang hawak sa kausap na binata.

“Wow, amoy pa lang ang sarap na. Let’s go guys, mag-start pa lang kami mag-babrbeque. Tamang-tama ang dating ninyo.”

“Tara mahal.”

Tumalima naman si Melissa sa sinabing iyon ni Marvin. Iniiwas niya ang tingin sa nakangiting si Vernon.

“Hiy guys!” nakangiting bati ni Kiko nang makalapit sina Marvin.

“Hi Francis, kumusta?” ganting bati ni Marvin.

“Eto okey naman, sinusulit ang buhay estudyante bago ang graduation namin.” Bumaling ang tingin ni Kiko kay Melissa. Ramdam niyang nakaiwas ang tingin nito sa kanya. “Hi Melissa.”

Nagtaas na ng tignin si Melissa, may pag-aalinlangang ngumiti. “H-hi!”

“Dito na kayo maupo,” nagbigay ng space si Vernon sa pagitan nila ni Kiko. “Dito ka na Marvin.”

“Tara mahal.”

Saglit na napatingin si Melissa bakanteng pwesto na uupuan. Sa pagitan ni Marvin… at ni Kiko.

“Boys, meet Marvin the former owner of this resort. And Melissa, his girlfriend –“

“Asawa,” pagtatama ni Melissa sa sinabi ni Vernon. Hindi man sila kasal ni Marvin ay asawa ang turing niya dito.

Napatiim-bagang naman si Kiko sa narinig bago binuksan ang hawak na bote ng alak.

“Oh narinig ninyo Boys, asawa raw!” kantyaw ni JC.

“Aw. Taken ka na pala, sayang naman.” Sabi ni Mon.

“Sorry, asawa na pala.” Natatawang sabi ni Vernon. “Guys, meet perwisyo Boys, JC, Mon and Joel.”

Nagbatuhan ng bati ang mga bagong magkakilala bago sila nagsimulang magkanya-kanya kuha ng pagkain na sinasabayan ng kwentuhan at asaran ng Perwisyo Boys.

“Melissa, you want some?” alok ni Kiko sa hawak na bote ng beer.

“H-hindi, thank you Francis pero hindi ako umiinom,” tanggi ni Melissa at iniikot ang mga braso sa bisig ni Marvin.

“Marvin, ikaw?” alok naman ni Kiko kay Marvin.

“Mahal,” bumaling kay Melissa ang tingin ni marvin. “Okey lang ba?”

“Basta konti lang,” bilin ni Melissa.

Hindi nakaligtas sa pansin ni Vernon ang pait sa mga labi ni Kiko. Nasasaktan ang kinakapatid niya.

“So tell us something about yourself, Marvin,” ani Mon. “Anong pinagkakaabalahan mo?”

“Wala naman masyadong kwento sa buhay ko,” pagsisimula ni Marvin bago saglit na uminom ng alak. “Simula ng mamatay ang tatay ko ay nagsimula na akong mabuhay mag-isa. Matagal ‘yun. Matagal akong nabuhay mag-isa. Kaya nga ayoko ng nakakakita ng mga taong nag-iisa, alam ko kasi kung gaano kalungkot ang mag-isa.

Pagkatapos no’n naging contraction worker ako malapit sa karinderya na pinagtatrabahuhan ni Melissa. Nang makilala ko si Meissa, do’n ko lang ulit naramdaman paano maging masaya.”

“Cheesy ah,” natatawang sabi ni JC. Nilabas na nito ang plastic ng puting pulbos at iniabot sa katabing si Mon.

“Oo nga, medyo korni talaga ako. Pero siguro kasi matagal akong nasanay mabuhay mag-isa. Kaya ng dumting si Melissa sa akin,” pinisil ni Marvin ang kamay ni Melissa. “Lumiwanag lahat.”

“Ni minsan ba hindi ka nainggit sa akin dahil nasa akin na lahat ng gusto mo?” wala sa loob na tanong ni Kiko. Sinundan niya iyon ng paglaklak ng alak sa boteng hawak.

Hindi na nagugustuhan ni Melissa ang tono ng pagsasalita ni Kiko. Pakiramdam niya ay inaalipusta na nito ang nobyo niya.

“Sa totoo lang, no’ng una kong alaman na kasing edad ko lang ang anak ng taong nakabili nitong resort nasabi ko no’n na napakswerte niya. Sobra akong nalungkot kasi dahil halos nawala lahat sa akin, si Nanay at Tatay, ang resort a ito at mga aalaala naming ni nanay.” Bumakas saglit ang lungkot sa mukha ni Marvin bago muling ngumiti. “Pero hindi na ngayon, naisip ko kasi na hindi naman kailangan ng pera para maging masaya. Ang mahalaga,” nakangiting itong tumingin kay Melissa. “Kasama mo ang taong mahal mo at totoong nagmamahal sa iyo.”

Napatiim-bagang si Kiko kasunod ang paglaklak muli ng alak.

“Kulang na yata tayo sa pulutan,” biglang sabi ni Vernon. “I think you need to get some Kiko. Melissa, pwede mo bang samahan si Kiko?”

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Melissa sa tanong na iyon ni Vernon. Seryoso siyang napatingin sa binata.

Napahinto naman sa gagawing paglalakad pabalik ng mansion si Kiko. Ano bang ginagawa ni Vernon?

“Okey lang ba pare?” baling ni Vernon kay Marvin.

Lumingon si Melissa sa katabing nobyo, umaasa siyang tatanggi ito.

“O-oo naman, okey lang. Hindi ba mahal?”

Napalunok si Melissa. Masyadong mabait ang nobyo niya para mapansin lahat nang nangyayari. “O-oo. Sige, sasamahan ko lang si Kiko.”

Ikinubli ni Kiko ang ngiti sa mga labi bago nagpatuloy sa paglalakad. Batid niyang nakasunod na sa kanya si Melissa. Dumiretso siya sa loob ng kusina kung nasaan ang ga pagkain at alak na inihanda na ni mang Potpot bago ito matulog. “Buksan mo lang ang ref at maglabas ka ng ilang stick ng barbeque do’n. Ako nag magdadala ng mga bote ng alak.”

Tahimik na tumalima si Melissa at binuksan ang malaking ref na halos kasing taas niya.

“Melissa, about what I told you ealier -”

“Wala ‘yun, h’wag mo ng isipin,” putol ni Melissa sa sinasabi ni Kiko. Ayaw na niyang palakahin pa kung ano ang nagyari kanina. Gusto niyang kalimutan anuman ang pinagsimulan ng pagkakailang niya dito. Gusto niyang ibalik ang unang mabuting pagtitinginan nila sa isa’t-isa. Alam niyang malungkot si Kiko at kailangan nito ng mga totoong tao sa paligid. “Kinalimutan ko na ang lahat ng sinabi mo…”

“Bakit mo naman kakalimutan…”

Napahinto si Melissa sa ginagawa ng maramdamang nakatayo sa may likuran niya si Kiko. Napalunok siya nang maramdaman ang mainit na hininga nito sa may tainga niya.

“Melissa, I love you...”

“F-francsi, lasing ka lang,” humarap na si Melissa kay Kiko at bahagya itong itinulak.

“Melissa hindi ako lasing. Tingnan mo ako… Pakinggan mo ako… Hindi pa kayo kasal ni Marvin… May oras ka pa na piliin ako… Ako… Kaya kong ibigay sa iyo lahat…” Iknulong ni Kiko sa mga palad ang magkabilang pisngi ng kausap. “Kaya kong ibigay sa iyo ang lahat ng bagay na hindi kayang ibigay ni Manuel.”

“Francis, hindi mo alam sinasabi mo… Tama na…”

“Melissa, can’t you see? I’m better than him… I’m better than Marvin… Lahat ng gusto mo gagawin ko… Lahat ng gusto mo kaya kong ibigay, ako na lang ang piliin mo… Ako na lang ang mahalin mo…”

“Ayokong masira anuman ang magandang samahan ninyo ni Marvin, please…. Tama na… Ayoko ng gulo… H’wag ka ng manggulo pa sa amin…”

“B-bakit? Bakit hindi mo akong kayang mahalin?”

“Dahil may mahal na akong iba… Si Marvin, kahit mahirap lang siya… Kahit hindi niya maibibigay ang mga bagay na kaya mong ibigay… Kahit hindi siya kasing yaman mo, siya ang mahal ko… Siya lang ang tanging tinitibok ng puso ko… Kaya please, h’wag mo na kaming guluhin pa…”

“Melissa… Melissa, alam kong naguguluhan ka lang… Ako talaga ang mas gusto mo… Ang isang kagaya ko ang as gusto mo kaysa sa hampas lupang si Marvin.” Mahigpit na niyakap ni Kiko ang kaharap na dalaga at siniil na mga halik.

Kaagad namang nagpumiglas si Melissa. Inipon niya ang lahat ng lakas at malakas tinuhod ang pagitan ng mga hita ni Kiko na tumuba sa harapan niya. “Nagkamali ako… Akala ko pwede tayong maging magkaibigan… Akala ko iba ka… Akala ko mabait ka…Tintanong mo ako kanina kung bakit hindi kita kayang mahalin… Ngayon alam ko na, dahil kagaya ka lang rin nila… Wala kang kwentang lalake!”

Natulala si Kiko sa salamin niyang bumagsak hindi kalayuan dahil sa mga sinabing iyon ni Melissa. Tagus-tagusan sa dibdib niya. Bakit parang mas masakit pa iyon kaysa sa suntok na binigay sa kanya ng daddy niya kanina. Nangatog pa ang mga tuhod niya na hindi makatayo. Nakita niya kung paano punasan ni Melissa ang mga luha nito bago mabilis na luabas ng kusina. Ano bang pumasok sa isip niya at nasabi niya ang mga iyon sa dalaga… Paano niya ito nagawang bastusin?!

“Hahaha…”

Napatingin si Kiko kay Sandy na nasa ma gilid ng pinto. Siguradong narinig at nakita nito ang lahat ng nangyari.

“Tandaan moa ng sinabi niya Francis…” Nakataas ang isang kilay na pang-aasar pa ni Sandy. “Wala kang kwenta.”

Samantalang mabilis namang tumuloy palabras ng mansion si Melissa.

“Sige na pare, try mo ‘to. Promise the best ‘to.”

“Oo nga pare, para in na in kana talaga sa Perwisyo Boys.”

“Isang hithit lang pare, solve ka na.”

Nanlaki ang mga mata ni Melissa nang makita ang inaalok nina JC, Joel at Mon sa nobyo. Maliit na plastic na may lamang puting pulbos. Napakapamilyar sa kanya ng pulbos na iyon na ilang beses niyang nakita sa loob ng kwarto ng kanyang tatay Nardo. “Mahal!” Tinabig niya ang hawak ni Mon na patingkayad na nakaupo sa harap ni Marvin.

“What the hell!?” galit na sabi ni Mon.

“Mahal, anong nangyari sa iyo?” kaagad na napatayo si Marvin ng mapansing tila galing sa pag-iyak si Melissa.

“Umuwi na tayo,” matigas na aya ni Melissa na hindi pinansin ang tanong ng nobyo.

“Teka, teka,” pigil ni JC. “Nagsisimula pa lang tayo.”

“Pwede ba, h’wag ninyo na kaming idamay mag-asawa sa mga ka-demonyahan ninyo!”

“You b*tch! Alam mo ba kung gaano kamahal ‘yung tinapon mo!” galit na bulyaw ni Mon.

“Pare, h’wag mo namang sigawan ang asawa ko,” mahinahon na saway ni Marvin. Ayaw niya ng gulo o kahit ang makipag-away kaninoman sa Perwisyo Boys.

“Anong h’wag sigawan?! Eh p*tang ina ‘yang asawang mong hindi kagandahan”

“Mahal!” sambit ni Melissa.

Hindi na napigilan ni Marvin ang sariling dumapo ng malakas ang kamao sa pisngi ni Mon. Okey lang sa kanya na siya ang alispusthain pero hindi siya makakapayag na gawin iyon kay Melissa.

“Aba t*ng inang gago talaga ‘to ah!” mabilis na gumanti ng suntok si JC nang makitang tumumba si Mon.

“Pare!” Umawat na si Vernon na kanina pa nanunuod sa mga kasama. Si JC ang nilapitan niya samantalang si Joel ay kay Mon umawat.

“Mahal, tama na… Tara na umuwi na tayo,” inalalayan ni Melissa si Marvin na dumudgo na ang labi.

Tumalima si Marvin at nahihirapang tumayo at umakbay sa nobya. Tinahak na nila ang daan papasok ng gubat.

“Melissa…”

Nagpatuloy lamang si Melissa sa paglalakad ng marinig ang boses ni Kiko na tumatawag sa pangalan niya.

“Melissa saglit lang…” Isang sampala ang sumalubong sa mukha ni Kiko ng humarap si Melissa.

“Kiko… Please… Tigilan mo na kami… Tigilan mo na ako…”

Naiwang parang kandilang nakatirik sa kinatatayuan si Kiko at nakahatid tanaw sa dalawang papasok ng gubat.

“Kiko..”

Naramamdan ni Kiko ang kamay ni Vernon sa may balikat niya pero hindi niua ito nilingon. Mabigat ang pakiramdam niyang nakatuan pa rin ang mga tingin sa dalawang unti-unti ng nilalamon ng dilim.

***

“MAHAL, sorry…” malungkot na sabi ni Marvin habang ginagamot ni Melissa ang pasa sa mukha niya. Alam niyang kasalanan niya lahat dahil kung hindi niya tinaggap ang imbitasyon ni Vernon ay hindi mangyayari lahat ng gulo at ang pambabasos kay Melissa.

“Mahal, okey lang. Wala ka namang kasalanan. Mas’yado lang talaga silang magulo at mga bastos. Kulang siguro sila sa tunay na pag-aalaga ng magulang.”

“Siguro nga tama ka. Nararamdaman ko rin na mabait sila kagaya ng kinu-kwento mo sa akin ng minsang magkausap kayo ni Kiko. Nagkataon lang na napabayaan sila kasi mga anak mayaman. Pero mahal,” hinawakan ni Marvin ang kamay ng nobya. “Sorry talaga. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ako na lang sana ang pumunta para hindi ka na nabastos ng Perwisyo Boys. Baka hindi rin nangyari ang gulo na ito kung hindi kita pinilit sumama.”

Nakakunot noong sinalubong ni Melissa ang tingin ng nibyo. “Hindi ka galit sa kanila?”

Ngumiti si Marvin. “Nakainom lang kasi ang mga iyon. Hindi marunong magdala ng mga kalasingan nila kaya sila naging magulo at bastos. Pero mukha naman silang mababait kapag hindi lasing. Lalo na sina Kiko at Vernon.”

“Alam mo kung sino ang totong mabait?” Napangiti na rin si Melissa bago hinaplos ang mukha ni Marvin. Sa lahat ng lalaking nakilala nito, si Marvin ang pinaka-pasensyoso at mabait. “Ikaw mahal ko. Napaka-swerte ko at ikaw ang mahal ko.”

***

“May araw rin sa akin ang g*gong ‘yon!” galit na sabi ni Mon kasunod ang paglaklak ng alak. Ngayon lang nangyari na hindi siya nakaganti ng suntok.

“Okey lang ‘yan pare, naiganti naman kita eh,” sagot ni JC.

“Thank you pare. Pero alam mong hindi ako papayag na hindi makaganti sa kanya,” ani pa ni Mon.

“Relax lang mga boys… Papayag ba naman ang Perwisyo Boys na hindi makaganti?” sabi ni Joel na may nakakalokong ngiti sa mga labi.

Nagtawanan ang tatlo na tila iisa ang laman ng isipan.

“Tekak, nasaan na ba ‘yung – sh*t!” mura ni Mon ng hindi makapa sa bulsa ang hinahanap. “Tinapon nga pala ng b*tch na ‘yun!”

“Don’t worry pare, marami pa sa kwarto niyan. Wait ka lang kukuha ako,” sabi ni ni Joel.

“Sama na ako pare. Don’t na ako sa-shot sa kwarto para diretso kama,” ani JC.

“Ako rin, sasama na,” habol ni Mon sa paalis na mga kaibigan. “Kayo pare?”

“Sige lang, ubusin lang naming ito susunod na rin kami,” sagot ni Vernon sa papaalis na sina Mon. Bumalin ang tingin niya kay Kiko. “Pare, okey ka lang?”

Napalingon ang kanina pang tahimik na si Kiko sa nagtanong. Pilit siyang ngumiti. “Oo naman.” Binuksan niya ang pang-apat na bote ng alak na nasa haapan niya at mabilis na tinungga.

“Gusto mo ba talaga siya makuha?” seryosong muling tanong ni Vernon na nakatingin sa dagat na malakas ang alon.

“Sinabi ko na sa iyo pare… Ngayon lang ako tinaman ng ganito. Ang tanga ko nga eh. Sinabi ko sa kanya.”

“Anong sagot niya?” curious na tanong ni Vernon habang nagbubukas ng sariling bote ng alak. Wala sa plano niya ang nangyaring gulo kanina.

Bumakas naman ang mapait na ngiti sa mga labi ni Kiko ng tila mulig naramdaman ang kirot sa may dibdib niya nang maalala ang masasakit na salitang natanggap mula kay Melissa. “Binasted niya kaagad ako. Hindi raw ang isang kagaya ko ang kailangan niya. Pinili niya si Marvin kahit wala namang maibibigay sa kanya na kahit ano ang pobre. And you know what, I even tried to kiss her.”

“You did?”

“Yeah. She just hitted and me and told me… She told me na wala akong kwenta,” muling lumalklak ng alak si Kiko bago nagpatuloy. “Parehas sila ng sinabi ni daddy kanina. Wala akong kwenta.” Hindi na niya napigilan pa ang mga luha. Inalis niya ang salamin mula sa mga mata bago pinunasan ng likod ng palad ang basang pisngi. “Sabihin mo nga Vernon, wala ba talaga akong kwenta?”

“Hindi totoo ‘yan Kiko. H’wag mong isipin ‘yan.”

Muling lumaklak ng alak si Kiko na alak. “Ultimo ang kabit ni daddy… Tinawag niya akong walang kwenta…”

“Sinabi niya ‘yon?” mahinang sabi ni Vernon na napatiimbagang.

“Yeah. Imagine, a sl*t like her may guts na tawagin akong walan kwenta. Okey lang si daddy eh… Oh kahit si Melissa pa… Pero ‘yung sa kanya manggaling?!” malakas na ibinato ni Kiko ang bote sa malayo. “Pakiramdam ko tuloy, wala talaga akong kwenta…”

Hindi sumagot si Vernon sa sinabing iyon ng kinakapatid. Ramdam niya ang hinagpis ng kinakapatid niya. Hindi siya makakapayag na patuloy itong masaktan at maging talunan. Kailangan niyang gumawa ng ibang paraan.