noveltoon logo noveltoon
29th of February

Chapter 5

Ch. 6 / 32 Feb 09, 2022

Tumagaktak ang mga namuong pawis sa may noo nang humihingal na si Gabby na napabangon mula sa pagkakahiga sa malambot na kama. Malakas pa rin ang kabog ng puso niya na tila sasabog na sa may dibdib niya anumang oras. Inilibot niya ang paingin sa buong kwarto kung saan malmlam ang liwanag na binibigay ng bukas na bombilya. Sapat lamang para makita niyang walang ibang kasama kung hindi ang katabing nobyo na nakataklubong ng kumot at nakatalikod mula sa kanya. “Sweety…” aniya at hinawakan ang katawan ng nobyo upang gisingin. Hindi man lang gumalaw ni kaunti ang katawan nito na kababakasan nang malalim na pagkakatulog. “Sweety, wake up… Hindi na ako -” Hindi na niya naituloy ang sinasabi nang bahagyang mahila ang kumot pababa habanggang sa may leeg ng katabi. Isang babaeng may napakakapal na buhok na halos tumatakip sa buong mukha nito ang nakita niya. Nanginginig ang katawan na dahan-dahan siyang napaatras sa may gilid ng kama.

Ngunit hindi na niya napigilan ang sarili na mapatili nang maramdaman ang malalamig na kamay na humawak sa magkabilang braso niya mula sa may likuran.

“Sweety, shhhh… It’s just me!” naging maagap si Mon sa pagtakip sa bibig ng nobya.

“Sweety!” mangiyak-ngiyak namang yumakap si Gabby nang makaharap sa nobyo. “Nandito ‘yung babae! Sinundan niya tayo!”

“Sweety, sinong babae?”

“Ayan siya! Nasa tabi ko, nakahiga!” umiiyak na sabi niya na hindi tumitingin sa tinuturong katabi.

“Sweety, walang babae… Nananaginip ka lang…”

Nanginginig na kumilos siya sa sinabing iyon ng nobyo at lumingon sa katabi ng kama.

Sumampa naman si Mon sa kama at niyakap ang natatakpan ng kumot na tinuturo ni Gabby.

“N-no -”

“See… It’s just a pillow!” natatawang sabi ni Mon nang matanggal ang kumot na nakataklubong sa malaking unan na katabi ni Gabby. “A big pillow!”

Hindi pa rin makapaniwala si Gabby. Ramdam pa rin niya ang malakas na kabog ng dibdib niya at matinding takot na nagpapanginig sa katawan niya.

“Tama na nga ‘yan. Oh eto, uminom muna tayo,” ani Mon nang makalapit sa maliit na lamesang katabi ng kama kung nasaan ang ilang bote ng alak.

“K-kaya malamig ang mga kamay mo?”

Muling napatawa si Mon, kaya siguro natakot ng sobra si Gabby kanina dahil sa lamig ng mga kamay niyang may hawak na bote ng mga beer. Kinuha niya iyon kanina mula sa baba dahil walang laman ang refrigerator sa kwarto nila. “Sorry kung natakot kita nang sobra, sweety.”

Gumuhit na ang ngiti sa mga labi ni Gabby. Kahit paano ay nabawasan na ang takot na nararamdaman niya. Naho-home sick lang siguro kaagad siya. “It’s okey sweety … I’m sorry, masyado akong paranoid…”

“Don’t worry sweety, wala ‘yun,” ani Mon na binuksan na ang ilang bote bago malanding tumingin kay Gabby. “So? Tara na magpainit?”

***

“OH nasaan ang papa bear mo?” takang tanong ni Emma nang makita sa kusina si Madz na nagpapalaman ng nutella sa hawak na tinapay.

“Ewan ko nga do’n. Ang sabi niya kukuha lang raw siya ng beer para sa ref namin sa kwarto tapos hindi na bumalik kaya bumaba na rin ako dito sa kusina,” sagot ni Madz na kumagat ng malaki sa hawak na tinapay. Hindi naman siya nagugutom pero nang makita niya ang tinapay at ang paboritong palaman ay para siyang nahipnotismong kumain. Naging hobby na yata niya ang pagnguya na sobrang sinusuportahan naman ni JC. Ilang beses na niyang sinasabi na magda-diet na siya pero si JC na mismo ang pumipigil sa kanya na simulan iyon. Mas gusto raw kasi siya ng nobyo kung ano ang totoong siya bagay na sobrang minahal niya sa binata. “Oh kayo? Bakit kayo bumaba?”

“Wala rin kasing beer sa ref ng kwarto namin kaya eto, kukuha kami,” ani Joel na binuksan na ang kaharap na malaking ref at kumuha ng ilang maliit na bote ng beer.

“Nakita ninyo ba si Claud?” tanong nang bagong pasok sa kusina na si Tims.

“Hindi eh, pati nga si JC hindi ko makita.”

“Beer, pare oh.”

Sinalo ni Tim ang maliit na bote ng alak na inihagis ni Joel bago umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Madz.

“Infairness ang ganda talaga ng resort ni Kiko ‘no. No wonder na hindi na talaga siya papakawalan ni Phoebe,” nakangising sabi ni Emma kasabay ang pagsindi sa sigrailyong hawak.

“One time big time na yata siya kay Kiko! Ano kayang gayuma ang ginamit niya? Super effective ah,” si Madz.

“Baka magaling,” ani Joel na nagbukas ng beer na para sa sarili at kay Emma.

“Ang manyak mo talaga Joel!” singhal ni Madz na muling nagpapalaman ng tinapay.

“Malay natin ‘yun talaga ang dahilan,” sang-ayon ni Emma sa sinabi ng nobyo kasunod ang pagbuga ng usok mula sa hinitit na sigarilyo. “Sa dami ng lalaking naikama niya, imposibleng hindi siya maging master sa s*x.”

“Subukan ko kaya nang malaman na- Aray!”

“Tumigil ka d’yan Vendiola ah!” gigil na piningot ni Emma ang nobyo na nakatayo sa may likuran niya.

“Of course it’s a joke!” sabi ni Joel. “Baka kung ano pang sakit ang makuha ko do’n.”

“Hahaha. Itigil ninyo na nga ang pag-uusap tungkol sa kanya. Mukha naman siyang cool at mabait,” singit ni Tims. Hindi niya naman talaga gustong ipagtanggol si Phoebe. Hindi niya lang talaga ugali na pag-usapan ang kasiraan o kahinaan ng isang tao na hindi nila kasama. O mas lalo ng hindi pa niya lubusang nakikilala. Sabi nga ng iba siya ‘yung tipo ng tao na hindi judgemental. Napalingon siya sa may pinto nang mapansin ang pagdaan ng isang babae. “Bhie?” Tumayo na siya at walang paalam na iniwanan ang mga kasama. Nagtataka kasi siya kung bakit tila tulala si Claud na lumampas ng kusina.

“Claud, where are you going?” tanong pa ni Tims habang nakasunod sa dalagang papalabas ng mansion. Napahinto siya sa paglalakad na may tatlong hakbang na lamang ang layo mula sa nakatayong dalaga na malayo ang tingin sa may dagat. Bakit pakiramdam niya ay may kakaibang lamig na yumayakap ngayon sa katawan niya. Dahil ba kay Claud na may kakaibang ikinikilos? “Claud, are you okey?” aniya bago lumapit sa kausap at hinawakan ang braso nito. Muntik na siyang mawalan ng balanse mula sa pagkakatayo at matumba nang humarap ang babae. Hindi iyon si Claud. Isang babaeng nakasuot nang mapulang damit at hindi na halos makilala ang mukha na nababalot ng malapot na dugo. Nagnanaknak ang mga labi nito at mababakasang halos sunog na ang talukap ng mga mata.

Bumuka ang mga labi ng babae at kasabay ng mga dugong bumulwak doon ay ang maalingasaw na amoy. ‘Mamatay kayong lahat…’

“Bhie?”

Napalingon si Timssa may likuran kung saan nanggaling ang boses na tumawag sa pangalan niya. Si Claud na nakatayo hindi kalayuan kasama sina Madz, Emma at Joel. Bakas sa mukha ng mga ito ang pagtataka. Mabilis niyang ibinalik ang mga tingin sa harapan. Wala na ang babaeng nakapula.

“Bhie, okey ka lang?” tanong ni Claud nang makalapit kay Tims kasunod ang mga kasama.

“O-oo… Bakit nasa labas kayong lahat?” balik tanong ni Tims.

“Bigla ka kasing tumayo kanina tapos parang tinatawag mo si Claud eh wala naman kaming nakita na dumaan,” si Emma ang sumagot na hawak pa rin ang maliit ng sigarilyo.

“Tapos dumating si Claud, hinahanap ka. Ang sabi namin lumabas ka kaya nagpasama rin siya lumabas kasi natatakot raw siya mag-isa,” dugtong ni Joel na nakaakbay sa nobya.

“Are you sure okey ka lang bhie?” muling tanong ni Claud sa tila namumutlang si Tims.

“O-oo, okey lang ako,” nauutal pang sagot ni Tims. Ramdam pa rin niya ang kakaibang lamig na nagpapatayo ng balahibo niya sa katawan.

“Guys, tingnan ninyo ‘yun oh.”

Sabay-sabay silang halos napatingin sa tinuturo ni Madz. Bahagya rin silang naglakad paatras upang mabasa ng mas malinaw ang nakasulat sa tinutungtungang buhangin.

Napalunok si Joel nang mabasa ang nakasulat kasunod ang pagsuklay sa mahabang buhok na lampas na abot na halos sa balikat niya gamit ang daliri ng mga kamay. Pinilit niyang itago ang kabang nararamdaman. Hindi siya pwedeng magpakita nang kahit na anong kaba sa mga kasama. Kung sino man ang may gawa ng sulat na iyon, hindi isang magandang biro para sa kanila. Mas lalo na para sa kanya.

“Bakit parang ang lamig?” pansin ni Madz.

“Oo nga eh, tumatagos dito sa jacket na suot ko. Teka, ano bang nakasulat?” tanong ni Emma na malabo ang mga mata. Naiwan niya kasi sa kwarto nila ni Joel ang salamin niya.

“29thof February is coming,” mahinang basa ni Tims. May kakaibang takot na dulot sa kanya ang mga salitang nakasulat sa buhangin. Hindi niya alam kung bakit pero parang may pagbabantang ang hatid ng mga salitang iyon para sa kanila.