MATAAS na ang sikat ng araw pero patuloy pa rin sa pagja-jogging si Phoebe. Routine na niya iyon tuwing umaga para kahit maparami man nang kain ay hndi niya makalimutan na tunawin ang taba na magiging dulot niyon. Puhunan niya yata ang katawan niya kaya’t hindi niya iyon pwedeng pabayaan.
“Ano ‘yun?” takang saad niya na paatras na bumalik sa nadaanang maliit na bahay na parang kubo. Mataas na ang mga tahalahib na nakapaligid doon at sira-sira na rin halos ang mga kahoy sa harapan.
Nagsimula siyang maglakad palapit sa maliit na bahay sa kabila ng kabang nararamdaman. Para kasing may humihipnotismo sa kanyang lapitan iyon. Ilang mga tuyong dahon ang naapakan niya na gumawa ng munting ingay. Palapit na siya nang palapit sa lumang bahay. Hanggang sa may limang hakbang na lang ang layo niya mula sa sira-sirang pinto. Namuo na ang mga butil ng pawis sa noo niya. Mas naramdaman niya ngayon ang init ng mataas na sikat ng araw. Ramdam niya ang kaba, pagod at panunuyo ng lalamunan niya. Ramdam niya ang takot…
“Phoebe…”
Napatingin siya sa kamay na humawak sa braso niya. “Janine?”
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Janine.
“Nagdya-joging ako tapos napansin ko ‘tong bahay… Parang may nagsasabi sa akin na lapitan ko at pumasok ako d’yan.”
Nabaling rin ang tingin ni Janine sa maliit na bahay na may kakaibang kilabot na dulot sa kanya.
“I-ikaw? Anong ginagawa mo dito?” may pagtatakang balik tanong ni Phoebe. Napansin niya kasing nakaayos na ito at hindi na nakapantulog.
“Hindi kasi ako masyadong nakatulog. Madaling araw pa lang nagising na ako kaya naisipan ko maglakad-lakad hanggang sa makarating ako dito. Tapos nakita ko ‘tong bahay. Hindi ko alam pero parang may naramdaman akong kakaiba.”
“Ako nga rin eh kaya gusto ko talagang pasukin. Gusto mo bang sumama?”
“No! A-ayoko… N-natatakot ako… Mabuti pa na bumalik na lang tayo sa mansion, hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa bahay na ‘yan eh,” takot na sabi ni Janine. Kanina pa masama ang pakiramdam niya sa maliit na bahay na hindi kalayuan mula sa kinatatayuan. Natatakot siya sa maaaring makita doon sa loob. “Hindi natin alam kung anong meron sa bahay na ‘yan. Masama talaga ang pakiramdam ko d’yan. Parang may bad vibes.”
“Nararamdaman mo rin ‘yung bad vibes?”
Serysoso tinugon ni Janine ng mga tingin ang tanong na iyon ni Phoebe.
“N-nakikita mo rin ba siya?” wala sa loob na muling tanong ni Phoebe.
“Y-yung babae’ng nakapula at may sako sa ulo?”
Napalunok siya sa sinabi ni Janine. Hindi lang siya nag-iisa. Ibig sabhin ay hindi siya namamalikmata sa mga nakikita.
“T-tara na, Phoebe. Baka nga tama si Vernon, masyado lang akong nadadala ng imagination ko,” saad ni Janine at nagpauna nang tinahak ang daan pabalik ng mansion.
“W-wait,” tawag ni Phoebe ngunit hindi na lumingon pa ang dalaga. Saglit niyang ibinalik ang tingin sa maliit na bahay, nagbitaw ng isang malalim na buntong hininga bago sumunod kay Janine.
Magkasunod na pumasok sina Janine at Phoebe sa loob ng mansion. Naabutan nilang nag-aalmusal ang mga kasama sa main dinning area maliban kayna Mon at Gabby na wala doon.
“Hi Phibs! Where is my morning kiss?” tanong ni Kiko na nakaupo sa may dulong upuan at nakataas pa ang mga paa sa ibabaw ng mahabang lamesa. Kumagat ito sa hawak na mansanas na kaagad na nilunok.
Ngumiti naman si Phoebe bago lumapit at hinagkan saglit sa mga labi ang nobyo at umupo sa tabi ito.
“Nasaan si mang Potpot?” tanong ni Janine nang makaupo sa tabi ni Vernon.
“Hindi nga namin alam eh. Pagkagising ko nakahanda na ang almusal pero ‘di ko siya makita. Saan ka pala galing babae?” balik tanong ni Vernon.
“Sa labas babe. Ang aga ko kasi nagising kaya naglakad-lakad lang ako sa labas.”
“Si Juggy, tulog pa?” muling tanong ni Janine.
“Naku babe, ang lakas humilik do’n sa makalat niyang kwarto!”
“Nasaan si Mon at Gabby?” si Phoebe habang naglalagay ng pancake sa plato.
“Tulog pa yata. Mukhang napagod buong gabi eh,” nakangising sagot ni JC.
“Sinusulit ‘kamo ang bakasyon,” ani Joel.
“Baka si Gabby ang sinusulit! Hahaha,” gatong pa ni JC. “Parang ako lang, sulit na sulit kay mama Bear!”
“Papa bear ang naughty mo!” natatawang saway ni Madz.
Bahagya namang umismid si Claud sa nakikitang ka-sweet-an ng katapat na magnobyo.
Napatingin naman si Janine kay Claud bago napabuntong hininga ng malalim. Naalala niya kasi ang mainit eksenang nakita niya kagabi sa madilim na sulok ng isa sa mga silid ng mansion.
***
“GOOD morning, sweety!”
Nakangiti at magandang mukha ni Gabby ang nakita ni Mon nang imulat ang mga mata. Nakaibabaw sa kanya ang dalaga. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nagkasama sila buong gabi. Marami na siyang nakasamang babae na buong magdamag at namulatang mukha pagkagising sa umaga pero ngayon lang siya nakaramdam nang ganito kagaaan at kasaya. Ang sarap pala talaga ng pakiramdam kapag mukha ng taong mahal mo ang kauna-unahan mong mamumulatan sa umaga.
“Good morning Sweety,” ganting bati ni Mon at hinagkan sa labi ang kaharap na nobya. “Ang aga mo namang nagising?”
“Mr. Monsario, mataas na po ang sikat ng araw,” tugon ni Gabby at umalis na mula sa pagkakadapa sa ibabaw ni Mon. Lumapit siya sa may bintana at itinaas ang hawak na cellphone. “Sweety walang signal, hindi ko ma-text sina Papa at kuya.”
Natawa naman si Mon sa sinabi ng nobya. Hindi niya maiwasan minsan na mainis sa pamilya nito pero at the same time ay naiintindihan niya rin naman ang mga ito. Dahil si Gabby ang unica hija ng pamilya.
“Pwede bang umalis tayo saglit mamaya? Baka may signal do’n sa pinakamalapit na bayan para ma-text ko sina papa.”
“Sweety, ‘yung pinakamalapit na town dito is about three hours ang byahe,” tugon ni Mon na isinandal ang likod sa headboard ng kama habang pinapanuod si Gabby sa ginagawang paghahanap ng signal ng cellphone na hawak.
“Gano’n kalayo?! Bakit hindi ko napansin?”
“Paano mo mapapansin sweety, eh tulog ka halos sa pitong oras na byahe natin,” natatawang tugon niya bago tumayo at naglakad patungong C.R.
“Ang mean mo, sweety!”
“Not so! Hindi naman ako kasing mean ng mga kuya mo ‘no. Hahaha -” bigla siyang napahinto sa pagtawa nang maisara ang pinto ng banyo at makaharap sa salamin.
“Hahaha. Kapag ako nagka-signal isusumbong talaga kita!”
“S-sweety, may dala ka bang lipstick?” Ramdam ni Mon ang pamimilog ng mga mata habang binabasa ang nakasulat sa salamin gamit ang isang fierce red lipstick. Alam niyang hindi nagli-lipstick ang nobya, lalo na ng gano’n kapula. Kaya sigurado siyang hindi si Gabby ang nagsulat doon at sigurado rin siyang hindi pa rin iyon nababasa ng dalaga.
“Wala sweety, alam mo namang hindi ako nagli-lipstick. Bakit mo natanong?”
“W-wala… Balak sana kitang regaluhan sa next monthasary natin,” pilit na biro niya na sinundan nang malakas na tawa ng nobya sa labas ng banyo.
Nagsimulang balutin ng kakaibang lamig ang katawan niya. Kung sino man ang gumagawa ng birong iyon sa kanya ay hindi nakakatawa. Tinitigan niya ang mga mapupulang salitang nakasulat sa salamin kasunod ang pagtiim ng mga bagang.
‘29thof February is coming…’
***
“ANG ganda ng sikat ng araw. Parang nakaramdam na magswim-swimming tayo,” sabi ni Emma na kasunod na tumuloy sa pandalawahang upuang gawa sa kawayan na may payong sa gitna. Nakasunod sa kanya ang nobyong si Joel.
“True! Bagay na bagay sa hello kitty na bathing suit ko!” nakangiting sagot ni Madz na kasunod si JC at tumuloy na umupo rin sa sariling pwesto ng upuan.
“Oh Tims, bakit ngayon lang kayo?” tanong ni Joel sa bagong dating na magnobya.
“Si bhie kasi, natagalan pumili ng swim suit niya,” tugon ni Tims.
“Babe, ang dami mo kasing binili na swim suit para sa akin. Nakakaloka!” nakangiting sabi ni Claud na naksuot ng one piece swimsuit na malalim ang V- neck sa harapan kung saan lumabas ang malulusog nitong dibdib.
Pilit namang iniiwas ni JC ang namamagnetong mga tingin sa katawan ni Claud. Ramdam niya rin ang malamig na pag-iwas na itinutugon ng dalaga sa kanya.
“Guys, look who’s coming,” turo ni Juggy. Tinanggal pa nito ang salamin at kinusut-kusot kusot ang mga mata.
Sabay-sabay halos nabaling ang tingin ng lahat sa paparating na grupo. Halos lahat ay napako ang tingin sa katabi ni Kiko na si Phoebe. Nakasuot ito ng manipis na two-piece swimsuit na kulay pink kung saan lumabas ang magandang korte ng beywang, mayamang dibdib at malaporselanang kutis na tinatamaan ng sikat ng araw. Para itong model ng isang sikat na playboy magazine.
“Wow pare! Solve sa mata!”
“Hmp!” irap ni Emma at hinawakan ang baba ni Joel upang maiharap sa kanya ang mukha nito.
“Hi guys!” bati ni Vernon na naka-topless na tila handa nang lumusong sa tubig. Pinaghirapan niya yata ang abs niya ngayon kaya kailangan niya iyong ipagmalaki sa mga kasama.
“Oh ano? Magbibilad na lang ba kayo sa araw?” nakangiting tanong ni Kiko na may hawak na sigarilyo at ang isang kamay ay nasa maliit na baywang ng nobya na humihimas.
“Sayang ang araw oh, mas masarap mag-swimming kapag ganitong mainit-init pa ang pa umaga,” si Mon habang naglalagay ng sunblock sa braso ng katabing si Gabby.
“Swimming na tayo guys!” nakangiting yaya ni Janine na naka-suot ng simpleng one-piece swim suit na kulay sky blue.
“No thanks! Later na kami at baka mahawaan pa kami ng bacteria na kakalat sa dagat kapag lumusong ang isa d’yan,” maarteng tanggi ni Madz.
“I’m sorry?” taas kilay na tanong ni Phoebe. Hindi niya gusto ang dating ng mga salita ni Madz. Konti na lang talaga at mapipikon na siya.
“Ang ibig sabihin ni Madz mauna na kayo at susunod na lang sila,” awat ni Claud. Medyo nasira na ang bakasyon niya dahil sa pakikipagkalas kay JC at ayaw na niya iyong tuluyang masira dahil sa kaartehan ng mga kasama niya. “Pero ako, gusto ko nang mag-swimming!”
“No way! Hindi ka sasama sa mga -”
“Ay girls, later na lang pala ako. Mauna na kayo,” mabilis na bawi ni Claud bago pa matuloy ni Emma ang sasabihin na alam niyang hindi rin magagandang salita. Naudlot ang pagtayo at pagsama niya sana kina Janine.
“Let’s go girls,” yaya na ni Rency bago pa tuluyang magkainitan ang grupo nila at grupo ng pasosyal na maaarteng babae. Matagal na rin siyang may inis sa mga ito at hindi niya lang talaga mapatulan dahil nahihiya siya kay Janine.
“Papa bear, lagyan mo nga ako ng sunblock please.”
Bahagyang napalingon si Claud sa kinauupuan ni Madz kung saan lumipat na rin si JC sa mismong upuan nito. “Bhie, lagyan mo rin ako ng lotion.”
“Claud, gusto mo ako na lang maglagay?” nakangising sabi ni Juggy.
“Gusto mo ‘yang mukha mo lagyan ko ng lotion baka sakaling pumuti?” nakatawa naming sagot ni Tims bago binuksan ang hawak na lotion.
Pasimpleng tumingin si JC sa kinauupuan ni Claud. Hindi niya mapigilan ang sarili na makaramdam ng pagkainis at selos nang magsimulang lumapat ang mga palad ni Tims na may lotion sa makinis na likod ni Claud. Nagsimula niyang ma-imagine na dapat ay mga kamay niya ang nagsisimulang mamasyal doon.
“Papa bear?” tawag pansin ni Madz.
“Ha?”
“Masyado na yatang maraming lotion ‘yung nilalagay mo d’yan sa likod ko.”
“Ooopps, sorry,” paumanhin ni JC na mabilis na ibinalik ang tingin sa nobya. Ayaw niyang magpahalata kay Claud na affected siya. Kung ayaw na sa kanya ng dalaga, okey fine! Hindi kawalan si Claud sa kanya.
***
NAKARAMDAM na ng lamig si Rency nang magsimulang mag-agawan ang liwanag at dilim dahil sa papalubog na araw.
"Ahon muna ako guys,” paalam niya bago pumunta sa may tabi ng dagat na bahagya lang naaabot ng alon ng tubig. Pikit ang mga matang inihiga niya ang buong katawan sa buhanginan. Pinakiramdaman niya ang pinong mga butil ng buhanging nagsimulang kumapit sa basa niyang katawan. May isang taon na rin pala nang huli siyang nakapunta ng dagat. Kaya kahit wala siyang ka-love team ay hindi siya nagsisising sumama siya kay Janine. Dahil bukod sa libreng unlimited na pagkain at tirahan ay may instant white beach pa na kasama.
“You look great and sexy.”
Napabangon siya dahil sa biglang pagsasalita ng lalaki na hindi niya namalayang umupo sa may tabi niya. Si Marvin. “T-thanks.”
“Mukhang nag-eenjoy ang mga friends mo, ah.”
Napatingin muli sa dagat si Rency kung nasaan ang mga kasama na patuloy sa paglalangoy at paglalaro na parang mga bata. “Oo nga eh. Nakakainggit.”
“Bakit nakakainggit? Hindi ka ba nag-eenjoy?” tanong ni Marvin.
“Nag-eenjoy naman,” tugon niya na ibinaling sa papalubog na araw ang mga tingin. Hindi niya masabing nakakaramdam siya ng inggit dahil sa nakikitang mga happy couple. May dalawang taon na rin siya halos na walang nobyo. Sumakto pa na kung kailan nawalan siya ng karelasyon ay saka naman dumating si Vernon sa buhay ni Janine na lagi pa niyang kasama. Hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit sa kaibigan lalo na noong nanliligaw pa lang si Vernon. Samu’t-saring bulaklak at regalo ang laging ibinibigay o ipinadala sa apartment nila na para kay Janine. “Uy tingnan mo oh, ang ganda ng sunset!” turo niya para mabago ang paksa nang usapan nila.
“Mas maganda ka pa rin, Rency…”
Na-conscious siya bigla sa sinabi nito. Kanina pa yata nakatitig sa kanya ang binata. Wala sa loob na sinalubong niya ang tingin nito. ‘Sh*t! Ang gwapo niya talaga!’ sigaw niya sa isipan. Nakasuot ito ng fitted na itim na sando kung saan nakalabas ang maskuladong mga braso. “O-o nga pala, bakit bigla ka na lang nawala kahapon? Hindi ka tuloy nakilala ng kaibigan ko.”
“Si Janine?”
“Paano mo nalaman?” may pagtatakang tanong ni Rency.
“Narinig ko na tinawag mo siya sa pangalan niya kahapon. May dalawa pa kayong laging kasama na babae, si Phoebe at Gabby?”
“Oh pati sila kilala mo rin? Narinig mo rin na tinawag ko sila sa pangalan nila?”
“Actually -”
“Rency, let’s go!”
Napalingon si Rency sa basang-basa na si Janine katabi sina Gabby at Phoebe na paahon na mula sa tubig. Nauna namang naglakad ang mga lalaking kasama nito patungo sa may bon fire.
“Rency, kukunin pa natin ‘yung mga iiihaw natin,” muling tawag naman ni Gabby.
“Tara Marvin, sama ka para -” Napatayo siya bigla nang malingunang wala na ang binatang katabi. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya at wala sa loob na napayakap sa sarili habang iginagala ang paningin sa paligid. Walang kahit na anong bakas na naiwanan para magpatunay na may katabi siya kani-kanina lang. Walang bakas ni Marvin.
“Rency!” muling tawag ni Janine na tila naiinip na.
“O-oo, nandyan na,” napapalunok na tugon niya bago naglakad palapit sa mga kasama Hindi na niya nagugustuhan ang kakaibang lamig na idinudulot sa kanya ng hanging dagat.