PAWISAN ang noong bumangon si Rency mula sa kama.
“Oh my God! Oh my God!” ramdam niya pa rin ang matinding takot. Nanginginig ang kamay na hinawakan niya ang bibig. Ang mga labi… Ang mga ngipin niya.
Sunud-sunod siyang napalunok bago nakapagbitaw ng isang malalim na buntong hininga. Kumpleto pa rin ang mga ngipin niya. Nakakabit pa rin ang mga kawad ng brace sa mga iyon.
“Rency…”
Napasiksik siya sa sulok ng kama nang makita si Marvin. Pero hindi ang gwapong mukha ni Marvin ang dahilan nang pagsiksik niya sa sulok. Kung hindi ang nakakakilabot na duguang mukha at katawan nito na nakatayo sa may gilid ng kama niya.
“Umalis ka na dito…”
Kasunod ng mga salitang iyon ay ang pagbulwak ng mga dugo sa bibig nito… Tila hirap na hirap sa pagbigkas ng mga salita at kinakapos ng hininga. Ngunit sa isang kisapmata lang na ginawa niya ay kaagad na naglaho ang binata.
Hinila niya ang makapal na kumot at binalot sa katawan habang iginagala ang paningin sa buong paligid na binibigyan ng saglit na liwanag ng kidlat na gumuguhit sa labas. Wala ng bakas ng kahit na sinong tao doon. Ngunit may naiwan pa rin bakas si Marvin. Ang malamig at nakapangingilabot na hanging patuloy na yumayakap sa kanya sa kabila ng makapal na kumot.
***
“S-SINO ‘YAN?! Nasaan ako?!” sigaw ni Joel nang marinig ang ingay nang bumukas na pinto. Nagising siya kanina na sobrang bigat at sakit ng pakiramdam sa ulo niya. Nahintatakutan nang mapagtantong nakapiring ang mga mata niya at nakakadena na magkahiwalay ang mga paa at kamay habang nakahiga sa ibabaw ng tila isang mahabang lamesa. Ramdam niya ring tanging boxer na lamang ang natitirang saplot niya sa katawan.
“Sa lugar kung saan nagsimula ang lahat…”
“Sino ‘yan?! Sinong nandyan?!” Pamilyar sa kanya ang boses na iyon pero masyadong masakit ang ulo niya para alalahanin kung sino ito. Narinig niya ang mga yabag nitong palapit sa kanya kasunod ang pagtanggal ng piring sa mga mata niya.
“E-emma?” Mabilis na naagaw ang atensyon niya ng nobyang nasa sulok at nakaupo. Nakapiring ang mga mata nito. “Emma! Emma tulungan mo ako!” sigaw niya pero walang kahit na anong ikinilos ang dalaga. Para bang wala itong naririnig na kahit na ano.
“Hahaha!”
Napahinto siya sa pagtawag sa nobya at napalingon sa taong nagtanggal ng piring niya. Isang babaeng nakasuot ng pulang manipis na nightdress. Kababakasan ng kalumaan ang bestida dahil sa mga punit-punit at tastas na laylayan. May sako pa ito na nakasuot sa ulo na may bakas rin ng mga mantsa ng dugo.
“Hindi ka niya naririnig g*go! Ako lang ang pwede niyang pakinggan.”
Pakiramdam niya ay natuyo ang lalamunan niya nang marinig ang sinabi nitong tila naggagaling sa ilalim ng lupa ang boses.
“Emma! Emma, wake up! Emma tulungan mo ako dito!”
Ngumisi ang babaeng nakatago ang mukha sa sako. “Ayaw mo pang maniwala sa akin…”
Muling napalingon si Joel sa nakapulang babae. “P*tang ina! Sino ka ba! Anong bang gusto mo?!”
“Anong gusto ko? Ang mamatay ka! Ang mamatay kayong lahat!” biglang sigaw ng babae na tila hindi napigilan ang sairili. Pero pinilit niyang pigilan ang mga hkibi. Ayaw niyang magpakita ng kahinaan sa demonyong nasa harapan niya ngayon. Naglakad siya patungo kay Emma bago iniligay sa kamay ng nakapiring na dalaga ang hawak niyang bolo at inilapit ang mga labi sa tainga nito. “Gusto mong maghiganti sa teacher mong nagkulong sa iyo sa kahon ‘di ba? ‘Yung teaher mong wala ng ibang ginawa kung hindi ang kurutin ka, pingutin ang tainga mo, hampasin ng stick ang kamay mo at sigawan ka! Ang teacher mo na nagkulong sa iyo sa maliit, masikip at madilim na kahon. Ang teacher mo na paulit-ulit kang sinasaktan…”
Nanlaki ang mga mata ni Joel nang makitang nanginginig na tumango si Emma at nagsimulang humagulhol. Para itong bata na kinakausap ng nakapulang babae.
“I have a surprise for you…. Nandito lang siya…” Inalalayan ng babae si Emma na maglakad patungo sa may pwesto ng kanang braso ni Joel kung saan ang kamay ay nakakadena sa isang kanto ng lamesa.
Nalukuban na ng takot ang buong katawan ni Joel nang mapagtantong totoo ang sinabi ng babae. Tanging ito lamang ang naririnig ni Emma.
“Ngayon…” Inalalayan ng babae ang kamay ni Emma at itinaas ang hawak na bolo. “Simulan na natin ang laro… Ang laro nang pagpapahirap sa teacher mo…”
“E-emma… Emma, h’wag mong gagawin ‘yan! Ako ‘to, si Joel… H’wag--- Ahhhh!!!”
Pumilandit sa mukha ng nakapiring na si Emma ang malapot na dugo mula sa naputol na braso ni Joel. Muli siyang inalalayan ng babae patungo sa kaliwang kamay naman ni Joel at itinaas ang hawak na bolo.
“E-emma… Emma… Tama na… Tama na --- Ahhh!!!”
Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Emma nang maramdaman muli ang malapot na likidong tumalsik sa mukha niya. Sa wakas… Sa wakas ay nagawa niya ring makabawi sa terror niyang teacher… Nagawa niya ring makaganti!
“Dito naman tayo,” muling inalalayan ng babae si Emma sa kanang paa ni Joel. “Gawin nating mas exciting sa part na ‘to, Emma…”
Mabilis na tumango si Emma na parang bata. Nakuha niya kaagad ang nais ipagawa ng babae.
“P*tang ina mo! H’wag mong gamitin si Emma – Ahhh!!!” naputol na ang sinasabi ni Joel dahil sa muling pagtaga ni Emma sa may misong tuhod niya kung saan naramdaman niya ang matinding sakit. Kaagad na humiwalay ang binti niya dahil sa matalim na bolo. Mas masakit iyon kaysa naunang putol sa magkabilang braso niya. Pero nanlaki ang mga mata niya ng makitang muling tumaas ang mga kamay ni Emma na may hawak na bolo. Muli nitong tinaga ang hita niya. Sinundan pa ng pangatlong taga! Pang-apat! Pang-lima! Pang-anim! Pangpito!
Nakagat nang mariin ni Joel ang pang-ibabang labi. Ramdam pa rin niya ang mas matinding sakit sa pagkabasag ng buto at pagkadurog ng mga laman ng hita niya. Nakakaramdamn na siya nang panghihina pero mas matimbang pa rin niya ang matinding sakit.
Humihingal na huminto si Emma… Punung-puno na ng dugo ang buong mukha at katawan niya. Ramdam niya ang pagod pero hindi niya maalis-alis ang ngiti sa mga labi sa sobrang tuwa.
Nakangisi namang tumingin ang babae sa hita ni Joel na tinadtad ng taga ng nakapiring na si Emma. Lamog na at halos durug-durog na ang laman sa hita ng binata.
“Emma…” Muling inalalayan ng babae si Emma. Umatras sila ng ilang hakbang sa binatang halos naliligo na sa sariling dugo. Sinigurado niyang nakatayo si Emma sa pwesto kung saan kahit paano ay nakikita ni Joel ng malinaw. Hinawakan niya ang kamay ni Emma na may hawak na bolo at inilapat ang talim sa leeg nito.
“E-emma…” Naginginig na ang boses ni Joel. Bumubulwak na ang dugo mula sa bibig niya.
“Emma, gusto mo nang magpahinga ‘di ba?” nakangiting tanong ng babae.
Mabilis namang tumango si Emma.
“P*tang ina mo! H’wag mo nang idamay si Emma! Ako na lang! Ako na lang hayop ka!!!”
Lalong napangisi ang babae. Napakamilyar kasi sa kanya ng pagmamakaawang iyon ni Joel. “Gusto mo nang mamatay, ‘di ba Emma?”
Muling mabilis na tumango ang babae sa sinabing iyon ng babae.
“Emma no…”
“Patayin mo na ang sarili mo Emma. Palayain mo na ang sarili mo mula sa maliit, masikip at madilim na kahon… Patayin mo na ang sarili mo!!!”
At mula sa kinatatayuan ni Emma ay umabot pa ang pagpulandit ng dugo niyang nanggaling sa nalaslas na leeg patungo sa mukha ni Joel. Nangingisay na kaagad na bumagsak ang katawan niya sa kahoy na sahig. Natanggal ang piring sa mga matang dilat na dilat at nakatingin sa nobyo. “J-joel…”
Tumawa ng malakas ang babae. Malakas na malakas na sumasabay sa nakabibinging kulog at kidlat sa labas.
“P*tang ina mo! Hayop kang demonyo ka!!!” sigaw ni Joel. Naghahalo na ang luha at sipon niya sa sariling dugo at dugo ni Emma na nasa mukha niya. Si Emma na wala ng buhay at dilat ang mga matang nakatingin sa kanya.
“Mas hayop ka!” ganting sigaw ng babae. “Mas demonyo kayong lahat!!!”
Napatigil si Joel sa pagsigaw at napatitig sa babaeng tila nagsisimula nang humagulhol. Bakit tila napakapamilyar sa kanya ng boses nito. Impossible… Paano mangyayari ‘yun? Bakit? “S-sino ka ba talaga?!” nakakaramdam na siya ng totoong panghihina. Hindi na niya halos maramdaman ang anumang parte ng katawan niya. Ni hindi niya magawang ibaling ang tingin sa mga parte ng katawang pinutol sa kanya. Batid niyang mamamatay na siya. Pero gusto niyang malaman kung sino ang demonyong babaeng nakapula. Hindi siya maaaring magkamali sa hinala niya. Pero imposible. Napakaimposibleng mangyari a tama ang hinala niya.
Tila nabasa naman ng babae ang nasa isip ni Joel. Huminto siya sa paghagulhol at inabot ang duguang bolo na nasa sahig bago naglakad palapit sa binatang nanginginig na ang duguang katawan. Bahagya niyang itinabingi ang ulong nakatititg sa duguan ring mukha ng binata.
“Ipakita mo ang muhka mong hayop ka! H’wag kang duwag!” garalgal na ang boses na sigaw ni Joel.
Muling ngumisi ang babae bago dahan-dahang tinaggal ang sako sa ulo.
“I-ikaw?! B-ba -”
At bago pa matapos ni Joel ang sinasabi ay malakas na isinaksan ng babae ang bolo sa pagkalalaki ng binata na natatakpan ng puting boxer na kaagad na naging pula.
“Ahhh!!!” Kasabay ng malakas na sigaw ni Joel ay ang maliwanag na guhit ng kidlat sa labas at malakas na kulog. Nanlalabo na ang paningin niyang napatitig sa mukha ng babaeng walang tigil ang pagsaksak at pagdurog sa kanyang pagkalalaki. Patuloy na rin ang pagbulwak ng malapot na dugo sa bibig niya.
Paanong nangyari ‘yun? Paanong nangyari na siya?
***
HIS P.O.V.
Bahagya kong ipinilig ang napakasakit kong ulo. Nakadilat na ang mga mata ko pero wala pa rin akong makita na kahit na ano. May bagay na nakatakip sa ulo ko. Tantiya ko ay isang maduming sako dahil sa amoy nito.
“Anong nangyari? Nasaan ako?”
Narinig kong bumukas ang pinto kung nasaan man ako. Kasunod ang mga mabibigat na yabag at malalakas na tawanan. Bakit wala akong matandaan? Nasaan ba talaga ako?
“Sinong nand’yan?! Nasaan ako?!” sigaw ko.
Malakas na tawanan lamang ang naging tugon nila sa akin.
“T*ng ina, sumagot kayo! Nasaan ako!? Nasaan ang asawa ko!? Ahhh!!!” Isang malakas na tadyak ang naramdaman kong tumama sa may binti ko. Ang sakit! Sobrang sakit!
“Tumahimik kang g*go ka! Kung ayaw mong mamatay ng maaga!” sigaw ng isang boses lalaki. Hindi ko alam kung ilan sila. Tatlo? Apat? Lima? Ang tanging sigurado ako, lahat sila at puro lalaki na nagtatawanan.
“T*ng ina mo! Ilabas ninyo ang asawa ko! Pakawalan ninyo ko dito!” muling sigaw ko. Mas malakas. Sa kabila ng sakit na nararamdaman ko. “Ahhh!” Isang malakas na suntok naman ang dumapo sa mukha kong natatakpan ng sako.
“Sabi nang tumahimik ka eh!”
“Sino ba kayo?! Nasaan ang asawa ko?!” lakaas loob ko pang sigaw kahit may namumuo ng kaba sa dibdib ko. Basa na ng pawis ang mukha ko lalo na sa may bandang noo ngunit wala akong pakialam. Kailangan kong makita ang asawa ko. Kailangan kong malaman na nasa mabuti siyang kalagayan. Dahil kapag nalaman kong may masamang nangyari sa kanya… Sigurado ako… Makakapatay ako ng tao…
“Ayaw mong tumahimik ah?”
Nakagat ko nang mariin ang pang-ibabang labi ko. Isang matigas na bagay na sa tingin ko ay maso ang malakas na tumama sa may paanan ko. Naramdaman ko ang literal na pagkabasag ng mga buto sa kanang paa ko. Napasinghap ako upang kahit paano ay mapigilan ang pagsigaw. Pero t*ng inang sakit talaga!
“Oh ano ka ngayon? Ul*l!”
“P*tang ina mo kung sino ka man! Hintayin mo lang makawala ako dito, ako mismo ang papatay sa iyo!”
“P*tsa ang tapang mo rin eh no.”
Isang malakas na suntok ang muling dumapo sa mukha ko. Sinundan ng isa pa. Sinundan ng hindi ko na mabilang na mga suntok. Hindi ko na halos maramdaman ang mukha ko pero ramdam ko pa rin ang sakit na dulot ng bawat suntok nila. Oo, nila. Dahil alam kong dalawa na silang ngayong nagpapakasasa sa pagsuntok sa mukha ko na tila nagpapisak pa ng kanang mata ko.
“Ano ha?” Hinihingal na sabi ng isang lalaking sa wakas ay napagod na rin sa pagsuntok sa akin. Napagod na ang mga g*ago. Ramdam ko ang malapot na dugong bumabalot ngayon sa mukha ko, pati na rin ang pagputok ng labi ko at pagkabasag ng ilan sa mga ngipin ko.
“Pare, tama na ‘yan.” Narinig kong saway ng isa pang boses lalaki na naglakad palapit sa akin. “H’wag kasi puro mukha. Dapat alam ninyo rin paano patamaan ang g*gong ito sa iba’t-ibang parte ng katawan niya.”
Sipa… Tadyak… Suntok… Ramdam kong tumama ang mga iyon sa halos lahat ng parte ng katawan ko. Malakas, sunud-sunod at walang tigil. Hanggang sa tuluyan nang tumumba ang upuan kung saan ako nakatali. Naramdaman ko ang mas matinding sakit dahil sa pagtama ng ulo ko sa sahig pero nagpapasalamat pa rin ako dahil naging dahilan iyon upang matanggal ang sako na nagpapadilim ng paningin ko. Tatlong pares ng mga paang nakasuot ng mga sapatos na mukhang mamahalin ang nabungaran ng nanlalabo ko ng paningin. Muli ay nagpatuloy sila sa kanya-kanyang pagtadyak sa akin. Muling tumama ang mga iyon sa ulo, mukha at katawan ko. Ilang saglit pa bago sila tuluyang napagod sa ginagawa nila sa akin.
“T*ng-inang tibay talaga ng gagong ito! Pwe!”
Tumama ang laway na idinura niya sa mukha ko na kaagad na humalo sa malagkit na dugong may pawis.
“Shot muna tayo pare!”
Nagsimula nang maglakad palapit sa nag-ayang lalaki ang dalawa samantalang ang isa ay iniwanan pa ako ng malakas na sipa sa may sikmura bago sumunod sa dalawa. Iniwanan nila akong duguan at nakatumba sa sahig. Napakasakit alinmang parte ng katawan ko at wala ng makita ang kanang mata ko samantalang ang kaliwa naman ay nanlalabo na rin.
Nahihirapan pero pinilit kong ilibot ang natitira kong paningin. Nasa isang kwarto ako na kasing laki na halos ng bahay namin ng asawa ko. Isang malaki pero napakakalat na kwarto.
Bigla ay tila nais panumbalikan ng lakas ang katawan ko nang mapadako ang tingin ko sa isang bahagi ng kwarto kung nasaan ang isang malaki ring kama. Unti-unting luminaw o sadyang pinipilit ko lang palinawin pa ang paningin ko. Nagsisimula ko nang maalala ang lahat ng nangyari nang makita ko ang ibabaw ng kama. Naaalala ko na ang nangyari kung bakit ako napunta sa kwartong ito. Kung bakit ako nakatali sa kinauupuan kong ito.
Nagsimulang manginig ang katawan at mga laman ko. Nanggigigil at napapaluha akong napatingin sa babaeng nasa ibabaw ng malaking kama. Hubo’t-hubad siya at magulo ang buhok na halos tumakip sa mukha niyang hindi ko na makita. Bakas ang mga sugat at dugo sa katawan. At mukhang walang malay.
“M-mahal ko…” tanging nasabi ko kasunod ang tahimik na pag-iyak.
Kasalanan ko ito… Ako lang ang may kasalanan kung bakit ito nangyari.
***
“Hindi porque girlfriend kita ay may karapatan ka ng pumasok basta-basta alinman sa kwarto ng mansion na ito at makiaalam sa mga gamit ko!”
“C-cis, I’m sorry… Hindi ko naman talaga sinadya na pumasok sa kwarto na ‘yun. M-may narinig lang ako na kakaiba mula do’n sa kwarto…. Parang… parang may tumatawag -”
“That’s a bullsh*t!” putol ni Kiko sa sinasabi ni Phoebe. Pinakaayaw niya sa lahat ay ang pinapakialaman ang mga gamit niya kaya nakaladkad niya pabalik ng kwarto nila si Phoebe. Kaya nang makita niya si Phoebe sa loob ng isa sa mga kwarto ay kaagad na nag-init ang ulo niya. “Sinong tatawag sa iyo mula sa kwarto na ‘yun!? Matagal ng walang gumagamit no’n!”
“S-sorry Cis… Siguro hangin lang ang narinig ko o guni-guni ko lang ‘yun,” sabi ni Phoebe na umiiyak na nakaupo sa may gilid ng malaking kama ng kwarto nil ang nobyo. Ayaw na niyang palakihin pa ang pagtatalong iyon. Ayaw na niyang painitin pa ang ulo ng nobyo. Pero hindi pa rin maalis sa isip niya ang nakita sa loob ng kwarto. Lalo na ang nakakasulasok na amoy doon.
“Kung naiinip ka at naghahanap ka ng magagawa, lumabas ka na lang at magpaulan! Hindi ‘yung papakialaman mo ang hindi mo dapat pakialaman dito sa mansion!”
“Cis, na-sorry na ako. Ano pa bang gusto mo? Hindi ba pwedeng tapos na ang pagtatalong ito. Wala naman akong gamit na nasira sa loob ng kwarto o kahit sa mansion na ito!” muling umiiyak na sabi ni Phoebe. “Gusto mo bang lumuhod pa ako sa harapan mo?”
Natulala naman si Kiko sa dalaga bago tila unti-unting kumalma ang sarili. Nagsimula na siyang makaramdam ng awa sa pag-iyak na ginagawa ng nobya. Isang malalim na buntong hininga ang binitawan niya bago dahan-dahang naglakad palapit kay Phoebe at umupo sa tabi nito. “Phibs, sorry…”
“Francis, lahat na lang ba ng ginagawa ko mali? Minsan hindi ko na alam ang tama sa mali dahil sa ‘yo. Parang wala akong ginagawang tama kapag kaharap kita.”
Kinulong na ni Cis ang nobya sa mga bisig. “Shhhh… Tahan na… Sorry, alam mo naman na mabilis lang uminit ang ulo ko ‘di ba? Sorry na, Phibs.” Iniharap niya ang dalaga at ikinulong sa mga palad ang magkabilang pisngi nito. “I love you…”
“I love you too…” humihikbing sagot ni Phoebe. Napakadali talaga para sa kanya na patawarin ang nobyo sa pamamagitan lamang ng tatlong magic words nito.
Inilapit naman ni Kiko ang mukha sa dalaga bago ginawaran ng mainit na halik ang mga labi nito. Isang matagal at mainit na halik habang ang dalawang kamay ay nagsisimulang mamasyal ng magkahiwalay sa iba’t-ibang parte ng katawan ni Phoebe. Sa may leeg, dibdib, balakang hanggang sa tuluyan na niyang maihiga ang nobya sa malambot na kama. Mabilis ang eksperto niyang mga kamay sa pagtanggal sa lahat ng saplot na suot ni Phoebe sa katawan. Nagsimula na ring mamasyal ang mga labi niya sa makinis nitong balat. Saglit pang naglaro ang dila niya sa may punong tainga nito. “I love you Phibs… I love you…” bulong niya sa may bago dahan-dahang bumaba ang ulo nito sa katawan ni Phoebe. Pinaliguan na niya ng halik ang buong katawan nito hanggang sa dumiretso na pababa ang mga labi niya sa pagitan ng mga hita ng nobya.
***
“NASAAN si Gabby?” tanong ni JC nang makita si Mon na nag-iisa sa may veranda at naglalaro ng hawak nitong PSP.
“Pumasok na sa loob. Baka nasa dining room ‘yun, nilalamig raw siya dito eh,” tugon ni Mon na hindi nagtataas ng tingin mula sa hawak na PSP. Iyon na lamang ang libangan na maaari niyang pagkaabalahan.
Lumapit naman si JC sa bakanteng upuan at inilapag sa ibabaw ng lamesa ang hawak na tasa na may lamang mainit na kape katabi ng platito na may malaking tinapay. Saglit niyang hinalo ng kutsarita ang tasa ng kape pagtapos ay inalis na doon at inilagay sa katabing platito. Hindi niya alam kung paanong sumala ang pagkakalagay niya ng kutsarita at tumuloy na lumaglag sa ilalim ng lamesa. ‘Clumsy,’ bulong niya bago bahagyang yumuko upang abutin ang kutsaritang nalaglag. Bigla siyang napatayo mula sa kinauupuan at napaatras. Isang kamay kasi mula sa ilalim ng lamesa ang naunang umabot ng kutsarita. Ang mas nagpasindak sa kanya ay ang magkahalong putik at dugo na bumabalot doon.
Nakakunot noong napatingin naman si Mon sa namumutlang si JC. “Pare, okey ka ang?”
“H-ha? O-oo,” nauutal na sagot ni JC na nakatingin pa rin sa ilalim ng lamesa. Kinakabahang muli siyang lumapit doon at yumuko bago dahan-dahang itinaas ang mantel ng lamesa. Nakahinga siya ng maluwag nang walang ibang makita sa ilalim kung hindi ang kutsaritang nalaglag. Napapailing na pinulot na niya iyon bago muling bumalik ng maayos sa kinauupuan. Nai-stress na naman siya kaya kung anu-ano na ang nakikita niya.
“Saan galing ‘yan? Bakit maputik?”
Napatingin si JC kung saan nakatuon ang tingin ng nagtanong na si Mon. Namilog rin ang mga mata niya ng makitang nababalot ng putik ang kutsaritang inilagay sa tabi ng platito. Malinis iyon at walang kahit na anong putik ng abutin niya mula sa ilalim kanina.
Nagakatinginan naman sina JC at Mon na tila naghihintay na may bumasag ng katahimikang biglang namayani sa pagitan nila. Halos sabay pa silang napapitlag dahil sa malakas na kulog at kidlat na gumuhit sa makapal na ulap.
“T*ng ina talaga ‘yang si Kiko, ang lakas manakot.” Pinilit ni Mon na umarteng natatawa bago ibinalik ang mga tingin sa hawak na PSP. Pinipilit niya ring ibalik doon ang atensyon.
“Sa tingin mo ba it’s possible?”
“Posible na ano?” balik tanong ni Mon na hindi na nag-abalang ibalik ang tingin kay JC. Kanina pa siya natatalo sa nilalaro niya pero patuloy pa rin siya kahit wala na sa mood pang maglaro.
“Posible na bumalik sa mundo natin ang isang patay na…”
Napahinto sa pagpindot ng mga button ng PSP si Mon. Ilang saglit lang ay isang malaking GAME OVER na ang lumabas sa screen ng hawak niya.
“Naniniwala ka ba sa multo, Mon?”
Wala sa loob na napatingin na si Mon sa napakaseryosong mukha ni JC. Posible nga kaya? Possible kaya na nagmumulto siya?
Mula sa serysong mukha ay unti-unting gumuhit ang ngiti sa mga labi ni JC. Hanggang sa bigla na siyang humagalpak ng tawa. Malakas na tawa na halos hindi na siya makahinga. “P*tsa pare?! Ang panget ang hitsura mo! Don’t tell naniwala ka talaga? Hahaha!”
“G*go! Muntik na akong madala do’n ah!” ani Mon na muling pinilit na magkunwang natatawa. Nadala talaga siya sa pag-arteng ginawa ni JC. Naiinis na kinuha niya ang headset sa katabing lamesa at ikinabit sa PSP bago isinalpak sa magkabilang tainga.
‘Papatayin ko kayong lahat…’
“F*ck!” Malakas na naibato ni Mon ang hawak na PSP kasama ang headset na nakakabit. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa narinig.
“Hahaha! Ang bilis mo’ng gumanti ah! Hindi mo ako madadala sa ganyan!” natatawang sabi ni JC na pumiraso ng kaunti sa malaking tinapay na nasa tabi ng tasa.
“I-I heard something…” nauutal na sabi ni Mon.
“Yeah, stop it Mon! You’re not a good actor!” natatawang sagot ni JC. Ayaw niyang paapekto sa ginagawa ng kaibigan. Ayaw niya ring i-entertain ang takot na paulit-ulit niyang nararamdaman at pilit na nilalabanan. Alam niyang ginagantiahn lang siya ng kaibigan. “Hindi ‘yan bebenta sa akin!”
“JC, I’m serious… I really heard something.”
Hindi na napigilan pa ni JC ang kaba ng mapatingin sa PSP na halos ibato ni Mon kanina. Basag na ang screen niyon kaya imposibleng nagbibiro pa rin ang binata. “Anong narinig mo?”
“Papatayin niya raw tayong lahat…”
***
Maraming kwarto ang nilampasan ni Madz bago pa narating ang Sauna Room ng mansion na nasa pinakadulo pa talaga. At bago siya tuluyang pumasok ay isinet na niya ang controller na nasa labas sa may tabi ng pinto. Sakto lamang na temperature upang pagpawisan ng tama ang katawan niya.
Pumasok na siya sa loob at isinabit na sa may likod ng pinto ang hinubad na tuwalya. Maluwag ang loob ng Sauna room na halos kasing laki ng kwarto nila ni JC. Sa sulok ay may apat na cubicle na may plastic na tabing kung saan pwedeng magshower pagkatapos magpainit.
“Akala niya, porque sexy siya eh maganda na siya! Hipon naman siya!” inis na kausap ni Madz sa sarili at humarap sa salamin kung saan bahagya pa siyang umikot upang makita ng buo ang buong katawan niya na nakasuot lamang ng panty at bra.
“Hindi naman talaga ako mataba ah. Chubby lang ako ng konti,” ani pa ni Madz na patuloy sa pagtitig at pagpisil sa bawat curve ng katawan.
Ilang saglit na pagtitig at pag-ikot pa ang ginawa niya sa harap ng salamin bago pasalampak na umupo sa may kahon na upuan na nasa tabi lang. Nagsisimula na siyang makaramdam ng init. Paninindigan na niya ang pagpapapayat… Palagi na siyang magsa-sauna, mag-eexercise at hindi na siya kakain ng masasarap na pagkain. Ay mali pala… Hindi na siya kakain ng maraming pagkain.
Isang buntong hininga ang binitawan niya kasunod ang paglandas ng mga luha sa magkabilang pisngi na kaagad niyang pinunasan. Hindi lang naman ito ang unang pagkakataon na nambabae si JC. Pero ‘yung nangyayari ngayon ang pinakamasakit sa lahat.
“Alam ko naman na mataba talaga ako. Pero kung mambababae siya, sana hindi sa isang cheap at fake na kagaya ni Claud,” mahinang hagulhol niya. Hindi na niya inalintana ang mga pawis na nagsisimulang mamuo sa noo at may dibdib niya.
Napahinto si Madz sa pag-iyak ng marinig na tila may sumasabay sa pahagulhol niya. Napalunok siya ng maisip na nasa loob rin iyon ng Sauna room. Nabawasan ang init na nararamdaman niya ng magsimulang magpatay-bukas ang ilaw sa loob. Muli niyang narinig ang mga hagulhol ngunit ng oras na iyon ay mas malakas na. Parang…. Parang nanggagaling sa may likuran niya…
Napapalunok at nahihintatakutan siyang unti-unting lumingon sa may likuran. Dahan-dahan… Nagsisimula ng manginig ang katawan niya sa takot na dulot ng naririnig niya.
“Oh my God!” Kaagad siyang napatayo sa kinauupuan at napahakbang paatras ng makita ang isang babaeng nakaupo sa may tabi niya. Ni hindi niya naramdamang tumabi ito sa kanya. Nakasuot ito ng pula at punit-punt na bestidang tila pantulog, magulo ang makapal na buhok at maputik ang mga paa at braso hanggang kamay na tumatakip sa mukha nito. Nagsimulang lumakas ang hagulhol ng babae. Mga hagulhol na may dalang matinding kilabot.
“S-sino ka?” nanginginig na tanong niya na hindi na nag-aksayang punasan ang mga pisngi at bibig kung saan naghahalo na ang luha at sipon. Inihakbang na niya ang mga paa paatras. Lalo siyang nanginig sa takot ng makitang mula sa mga kamay nitong nakatakip sa mukha ay may lumalabas na dugo patungo sa may leeg nito at katawan. Nagsimulanag kumalat ang dugo sa buong katawan nito at sa kinauupuan na tila ba umiihi ito ng napakaraming dugo. Nanginginig na muli niyang naihakbang ang mga paa paatras ng magsimulang kumalat ang dugo sa sahig na kahoy palapit sa kinatatayuan niya.
Mula sa paghagulhol ay nagsimulang tila tumawa ang babae. Mas nakapangingilabot ang dating na tila sa ilalim ng lupa nanggagaling. Gumagalaw-galaw pa ang balikat nito. Humahalo sa pagtawa nito ang tila mga bulong na hindi niya maintindihan.
“S-sino ka ba? A-anong sinasabi mo?!”
“Mamamatay kayong lahat!” Kasabay ng pagsigaw nito ay ang pagtanggal ng mga palad sa mukha. Duguan ang buong mukha nito, bulok ang mga ngipin at nagnanaknak ang mga labing tila sinunog.
“Ahhhh!! JC! JC!” Mabilis na tumakbo sa may pinto si Madz at lalong nasindak ng hindi iyon bumukas. Muling bumalik ang tingin niya sa inalisang upuan. Wala na ang babae. Wala na ring dugo ang nagkalat sa sahig. Wala na kahit saang sulok ng kwarto pero patuloy pa rin ang pagpapatay bukas ng ilaw. Hinhingal na siya sa takot, pakiramdam niya ay sasabog na ang dibdib niya sa lakas ng kabog. Muli niyang hinarap ang pintuan. “Ouch!” Nanlaki ang mga mata niyang napatitig sa door knob kung saan napaso ang kamay niya. Ngayon lang niya napansing iba na ang init sa loob ng kwarto. Hindi na iyon normal na init lamang na sinet niya kanina.
“G-guys, this is not a good joke! Open this door!” malakas na sigaw niya. At dahil hindi na niya mahawakan ang door knob ay malakas niyang kinalampag ang katawan ng pinto na halos kulang na lang ay ihampas niya ang buong katawan niya. “Guys, open the door!” patuloy siya sa pagkalampag at pagsipa kahit ramdam niyang napakaimposibleng may makarinig sa kanya dahil nasa pinakadulong bahagi ang sauna room ng mansion. Hinihingal siyang napahinto. Pinunasan niya ng braso ang noo at mukhang naghahalo na ang pawis, sipon at luha. Lumalalim na ang paghingal niya dahil habang tumatagal ay lalong umiinit ang temperature sa loob na tila anumang oras ay susunog sa balat niya.
‘Mamatay kayong lahat… Papatayin ko kayong lahat...’
Muli siyang nanginig sa takot dahil sa nakapangingilabot na boses na malinaw na narinig. Nagsisimula ng mamula ang maputi niyang balat. Nanginginig siyang nagalakad habang nakasandal sa kahoy na pader hanaggang sa marating ang isa sa mga cubicle ng shower. Mabilis siyang pumasok sa loob at isinarado ang plastic na tabing bago nagsumiksik sa sulok. Muli siyang naiyak ng makarinig ng mahihinang yabag. Mga yabag ng paa na palapit sa cubicle kung saan siya nagtatago. Narinig niya na tinitigilan pa ng may ari ng yabag na iyon ang bawat cubicle at binubuksan ang tabing.
“J-JC… JC, please… Tulungan mo ako…” Natutop niya ang bibig ng makita ang anino ng isang tao sa may tapat ng cubicle niya. Nangninig na lalo ang buong katawan niyang binabalot na ng magkahalong takot at lamig. “Ahhhhh!!!” Biglang bumukas ang tabing na plastic ng cubicle niya kasunod ang mabilis na pagbukas ng taong naglalakad kanina sa shower sa may tapat niya kung saan lumabas ang tubig na tila nasa maximum heat ang temperature. Naramdaman niya ang magkahalong init at hapdi sa may ulo niya patungo sa mukha niya. Hndi pa nakuntento ang taong iyon at mula sa sabitan ay kinuha ang shower at itinapat sa buong katawan niya ang napakainit tubig na halos nagpaluto ng balat niya.
Ngumisi ang taong may hawak ng shower ng makitang nalalapnos na ang balat ni Madz. Itinapat niya pa iyon sa mismong likod at mukha ni Madz. Tinigilan niya lang ng makitang halos hindi na makahinga ang dalaga.
Namimilipit naman sa sakit at hirap na gumapang si Madz palabas ng cubicle. Ramdam niya ang pagkalapnos ng balat sa buong katawan lalo na sa bandang mukha niyang hindi na niya halos mahawakan dahil sa sobrang hapdi. “G-guys… J-JC… T-tulungan ninyo a-ako…”
Nagsimula namang maglakad ng dahan-dahan ang taong may hawak ng shower. May mala-demonyong ngiting nakaguhit sa mga labi niya. Umupo siya sa mismong harapan ng halos sunog na mukha ni Madz. Itinapat niya ang hawak ngunit nakapatay pang shower sa halos hindi na makilalang mukha ni Madz. “See you in hell, Madz…”