noveltoon logo noveltoon
29th of February

Chapter 14

Ch. 15 / 32 Feb 09, 2022

IBINUGA ni Kiko ang usok na hinitit mula sa hawak na sigarilyo bago ibinaling ang mga tingin sa katabing nahihimbing na si Phoebe. Napakaganda talaga ng dalaga. Kung ikukumpara si Phoebe sa mga ibang naging girlfriend niya ay ito na siguro ang pinakamaganda at pinaka-hot sa lahat. Nagkataon lang talaga na hindi ito nabigyan ng magandang buhay hindi kagaya ng mga babaeng dumaan sa kanya na galing sa iba’t-ibang mayayaman na pamilya. Ganoon pa man ay mataas ang tingin niya sa nobya lalo na ng tanggihan nito ang alok niya na pag-aralin ang mga kapatid nito at bayaran ang bawat gabi na hindi nito ipapasok sa club. Pero minsan ay hindi niya maiwasana na maisip na hindi na pagmamahal ang nagpapatakbo at nagpapatagal ng relasyon nila. Ang simpatya na lamang at awa niya sa dalaga.

Muli siyang nagbuga ng usok kasunod ang isang malalim na buntong hininga. Pinatay na niya ang sigarilyo sa ashtray na nasa ibabaw ng katabing maliit na lamesa bago maingat na iniayos ng higa ang nahihimbing pa rin na si Phoebe mula sa dibdib niya patungo sa gitna ng kama. Bumaba na siya sa kama at tinungo ang maliit na ref. “Anak ng!”

Ibinaba nga pala niya kagabi ang mga alak kaya siya tuloy ang nawalan ngayon. Kakailanganin pa niyang bumaba sa kusina upang kumuha ng maiinom. Hindi na siyang nag-abala pa na magsuot ng pang-itaas na t-shirt dahil mahaba at makapal naman ang suot niya na pang-ibaba. Dumiretso na siyang naglakad palabas ng kwarto at pababa sa may kusina. Naabutan pa niya si Janine na nagpupunas ng mga pinggan na niligpitan. Nakatalikod ito mula sa kanya at halatang hindi napansin ang pagpasok niya ng kusina. Tila nahipnotismo siyang hagurin ng tingin ang dalaga mula sa paanan pataas sa makinis na binti, balingkinitang katawan, maputing batok hanggang sa nakapuyod na mga buhok. Si Janine na unang beses pa lang niyang nakita ay nakuha na ang atensyon niya. Si Janine na girlfriend ng taong pinakamalapit sa kanya at halos ituring na niya na kapatid.

Bahagyang napapitlag si Janine ng malingunan si Kiko na tila kanina pa sa kinatatayuan at tinititigan siya. Hindi niya maiwasang mapatingin sa abs nito na halos kagaya ng kay Vernon na halatang alaga sa gym. Muli niyang naramdaman ang pagkainis ng maalala ang ginawa nitong pang-aaway kay Rency kagabi.

“Hi Janine,” nakangiting bati ni Kiko.

“Hello,” tipid na sagot ni Janine bago naglakad palapit sa binata. Nasa may tabi kasi nito ang lalagyan ng mga pinggan at kutsara. Siya na ang nagkusang loob na maghugas ng mga pinagkainan nila dahil wala pa ring mang Potpot na muling nag-aasikaso sa kanila. Halos magdikit naman ang mga balat ng braso niya at hubad na katawan ni Kiko na hindi man lang na-aabalang umalis o umayos man lang ng tayo.

“Ang bango mo naman…” halos pabulong na sabi ni Kiko.

Hindi alam ni Janine kung bakit iba ang dating ng pagkakasabing iyon ni Kiko sa kanya. Parang ang bastos. Hindi na siya tumugon at naglakad palampas sa binata.

Iniharang naman ni Kiko ang katawan sa dadaanan ni Janine. “Hey look… I’m sorry kung ano man ng mga nasab ko kagabi… Lalo na ‘yung tungkol kay Rency.”

“H’wag ka sa akin mag-sorry. Kay Rency mo sabihin ang mga ‘yan,” seryosong sabi ni Janine bago muling humakbang palampas kay Kiko. Ngunit muli ring iniharang ng binata ang hubad na katawan nito. Napansin niya ang kakaibang tattoo nito sa may dibdib. Parang nakita na unedniya kung saan pero hindi niya matandaan.

“Can we talk for a while?”

Isang buntong hininga ang binatawan niya bago sinalubong ang ga tingin ni Kiko. Medyo nasorpresa pa siya ng hindi makita sa mukha nito ang ekspresyon ng kayabangan na palagi niyang nakikita dito. Para pa itong nakikiusap sa kanya. Pero bakit?

“Guys, nakita ninyo na ba sina Joel at Emma?”

Sabay silang napalingon sa bagong pasok ng kusina na si JC.

Kahit si JC ay tila nagulat ng makita si Janine na halos nakadikit sa hubad na katawan ni Kiko. “Oooppps, sorry. Mukhang may naistorbo yata ako.”

“Wala kang naistorbo JC,” ani Janine na lumayo kay Kiko. “Excuse me guys, pupuntahan ko lang si Vernon,” paalam pa niya bago mabilis na lumampas sa dalawa at lumabas ng kusina. May kakaiba kasing kaba na nagsisiumula mamuo sa dibdib niya na hindi niya alam kung bakit.

***

“T-TIMS, pwede ba tayong mag-usap?” tanong ni Claud ng makapasok sa kwartong tinutuluyan ni Tims. Nakaupo ito sa may terrace at may hawak na sigarilyo.

Hindi naman sumagot si Tims at ibinuga ang usok na kanina pa nilalaro sa bibig. Ni hindi niya tinapunan ng tingin ang lumapit na si Claud at nanatiling nakatulala sa malakas na ulan sa labas.

“Fatima…”

Tuluyan ng hindi napigilan ni Tims ang sarili na lingunin si Claud ng lumuhod na ang dalaga sa may tabi niya. Nagismula na itong umiyak na dahilan upang makaramdam na naman siya ng sakit.

“Fatima, please… Sana patawarin mo ako.” Wala ng pakialam si Claud kahit halos mahalikan na niya ang mga paa ni Tims. Gagawin niya ang lahat para lang mapatawad siya ni Tims. Para lang muling maiayos niya ang lahat. Para lang maibalik niya ang relasyon nila na sinira ng isa pang maling relasyon. “Mahal na mahal kita Tims… Ikaw ang mahal ko at wala ng iba…”

“Claudia, tumayo ka d’yan,” utos ni Tims. Pinipigilan niya ang sarili niya na maiyak. Bakit ba kasi napakababaw ng luha niya pagdating kay Claud. Ang bilis niyang maiyak. Ang bilis niyang masaktan.

“Ayoko… Hindi ako tatayo hangga’t hindi mo ako kinakausap ng maayos. Fatima, pakinggan mo naman ako kahit saglit lang.”

“Claudia, tumayo ka na d’yan.” Hindi na napigilan ni Tims ang sarili na alalayan ang dalaga na tumayo. Hindi niya kayang tingan si Claud sa pagpapakumbabanag ginagawa para sa kanya.

Tumalima naman si Claud sa pag-alalay na ginawa ni Tims sa kanya. Pero mabilis niyang niyakap ng mahigpit ang lesbiana. “Tims, kung ano man ang mayroon sa amin ni JC ay tinapos ko na. Nauna kaming nagkakilala noon, nauna ko siyang minahal. Pero ng malaman ko na may girlfriend siya, tinapos ko na kaagad ang relasyon namin. Tapos nakilala kita, tapos naging tayo. Iyon ang naging dahilan ng pagkikita namin ulit. Tims, nagkasala ako pero hindi ko sinadya ang lahat. Hindi ko plinano na tuhugin kayong dalawa ni JC. Mas lalong hindi kita ginamit. Minahal kita at mahal kita...” Dire-diretsong sabi ni Claud na basang-basa na ng luha ang magkabilang pisngi. Bahala na kung naintindihan ni Tims ang mga sinabi niya, ang mahalaga ay nakapagpaliwanag siya.

“Claud, tama na… H’wag ka ng umiyak.” Mabilis na pinunasan ni Tims ang sariling mga luha bago kumalas sa pagkakayakap ng dalaga. Ikiinulong niya sa mga palad ang magakbilang pisngi ni Claud bago tinuyo ng hinlalaki ang nagbabantang lumandas na mga luha. Hindi na niya kaya pang tiisin pa ang pagmamakaawang ginagawa ni Claud.

“Tims, mahal kita… Mahal na mahal kita!” hagulhol pa ni Claud.

“Shhh… Claud, tahan na… H’wag ka ng umiyak,” muling sabi ni Tims na hindi na rin lalo napigilan ang sariling mga luha. Totoo nga ang sinabi ng mga kaibigan niya noon, sobrang tinamaan siya kay Claudia.

“Kahit kailan hindi ko ginustong saktan ka, Tims. Dahil mahal na mahal kita.”

Si Tims naman ang napayakap sa dalaga ng mahigpit bago ipinikit ang mga mata. Napakasarap pakinggan ng sinasabing iyon ni Claud, nakakabawas ng sakit na nararamdaman niya. Saglit niya itong hinayaan na umiyak sa may dibdib niya kasundo ang bahagyang paglayo ng sarili mula dito at muling ikinulong ang magkabilang pisngi sa sariling mga palad. “Kung mahal mo ako, alam mong mas mahal na mahal kita Claud.”

Lalong naiyak si Claud sa sinabing iyon ng lesbian bago kaagad na sinalubong ang papalapit na mga labi nito. Namagitan ang isang mainit na halikan sa kanilang dalawa.

Nagsimula namang mamasyal ang mga labi ni Tims pababa sa may leeg ni Claud na sinasabayan niya ng pag-alalay sa paglalakad sa dalaga palapit sa malaking kama. Ibinagsak na niya ng tuluayn sa malambot at malaking kama ang katawan nito. Pumaibabaw siya sa dito ngunit bago pa man niya maipagpatuloy ang paghalik ay biglang kumilos si Claud at mabilis na umikot at sa kanya naman pumaibabaw.

“Hayaan mong ako naman ang makabawi sa ito,” ani Claud na iginuhit ang pilyang ngiti sa mga labi. Ipagpapatuloy na sana niya ang paghalik ng biglang mamatay ang ilaw sa loob ng kwarto na sinundan ng malakas na kulog sa labas.

“Tsk! Brown out na naman!” inis na usal ni Tims bago muling ibinalik ang pansin sa dalaga. Gumuhit ang maliwanag na kidlat sa may terrace kung saan saglit na nagbigay ng liwanag sa kwarto. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang hindi na si Claud ang nakapaibabaw sa kanya. Isang babaeng nakapula na sa sobrang lapot ng napakaraming dugong bumabalot sa mukha ay hindi na niya makilala.

“Holy sh*t!” Mabilis siyang napabangon mula sa pagkakahiga at nagsumiksik sa sulok ng kama.

“Ouch!” sigaw naman ni Claud na nahulog sa may tabi ng kama habang nakasapo ang kamay sa masakit na balakang na malakas na tumama sa naka-carpet na sahig. Hindi niya alam kung bakit biglang nanlaki ang mga mata ni Tims ng mapatingin sa kanya. Kikilos na sana siya upang tumayo ng mapahinto dahil sa kaluskos na naririnig niya sa may pinto. Hindi niya alam kung bakit kakaibang lamig ang dulot ng malakas na hanging pumapasok sa mga bukas na bintana ngayon.

Nanumbalik na ang liwanang ng flourescent lamp sa loob ng kwarto. Ngunit si Claud naman ang pinanlakihan ng mga mata ng maibalik ang tingin kay Tims na nasa ibabaw ng kama. May isang kamay na mahigpit na nakasabunot sa buhok ni Tims at ang mas nagpakabog ng dibdib niya ay ang matalim na bolong halos nakadikit sa leeg ng lesbian. Bago pa man niya nagawang sumigaw ay pumulandit na ang malapot na dugo sa mukha niya. Sa sobrang talim ng bolo ay kaagad na nabutas ng malaki ang lalamunan ni Tims kung saan lumabas ang mga laman at buto nito.

Kasunod naman halos ng pagbulwak pa ng dugo mula sa nakaawang na labi ng lesbian ay ang tuluyan ng pagdilim ng paningin ni Claud.

***

Tahimik na pinagmamasdan ni Vernon ang mga tubig ulang bumabagsak sa may tabi ng dagat habang nakahiga sa duyan. Pangatlong sigarilyo na yata niya ang hawak at hinihitit ngayon. Bigla nagsimulang maimahe niya ang nakaraan, apat na taon na ang nakakalipas. Maulan rin noon pero. Masaya pa rin silang lima na naglalaro sa may dagat.

“Anong iniisip mo?”

Hindi niya napigilang mapangiti ng malingunan si Janine sa may pinto. Nakasuot lang ito ng walking short at maluwag na t-shirt na pagmamay-ari niya. Napakasimple pero ang lakas pa rin ng dating sa kanya. Ito ang kauna-unahang babae na nagpa-realize sa kanya na gusto na niyang lumagay sa tahimik na buhay. “Wala, nagmumuni-muni lang…”

Naglakad si Janine patungo sa may likod ni Vernon at sinimulang imasahe ang ulo ng binata.

Iniayos naman ni Vernon ang pagkakahiga at ipinikit ang mga mata upang damhin ang sarap ng pagmamasahe ng nobya sa kanya. Isa siya sa mga naturingang certified chickboy noong college. Pero ng makatapos siya ng pag-aaral at nagsimulang magkaroon ng trabaho ay hindi na kaagad siya nagkaroon ng girlfriend. Naging pihikan na yata siya bigla. Pero ng unang beses niyang makita si Janine noon sa isang coffeeshop ay kaagad nitong nakuha ang atensyon niya sa kabila ng pagiging simple at mahinhin. Siguro nga ay nagsawa na lang siya sa mga naging girlfriend na pa-sosyal. “Sorry babe ha…”

“Sorry for what?”

“Sorry kasi nasira ang bakasyon natin. Na-bad shot tuloy ang mga friends ko sa iyo, lalo na si Kiko.”

“It’s okey baby… At least nagkaroon ako ng pagkakataon na makaganti…”

“Ha?” takang saad ni Vernon. Hindi niya sigurado kung tama ba ang narinig niya na sinabi ni Janine.

“Babe, sinong kausap mo?”

Napalingon muli si Vernon sa may pinto kung saan nakatayo kanina si Janine. Bigla siyang napatayo mula sa pagkakahiga ng makita doon si Janine na nakasuot ng parehong damit ng Janine na lumapit sa kanya. Inilipat niya ang tingin sa kinatatayuan ng kanina lang ay nagmamasahe ng ulo niya. Wala ng sinomang ang nakatayo doon. Napalunok siya ng maramdamang biglang binalot ng lamig ang katawan niya.

“Babe…”

Napaigtad siya at mabilis na binawi ang braso mula sa napakalamig na kamay na humawak sa kanya.

“S-sorry… Naghugas kasi ako ng pinagkainan natin,” paumanhin ni Janine ng mapansin ang pagkagulat ng nilapitang nobyo. “Okey ka lang ba?”

“O-oo babe… I’m sorry,” tugon ni Vernon na muling naupo sa duyan at inihilamos ang mga palad sa mukha. Pati yata siya ay nagsisimula ng maparanoid kagaya ng mga kaibigan niya.