Napamulat si Mon dahil sa malakas na kulog mula sa labas ng bintana. Lumingon siya sa katabing si Gabby na mahimbing pa ring natutulog. Maingat siyang kumilos upang alisin ang makapal na kumot na pinagsasaluhan nila bago binuksan ang switch para sa magbigay ng bahagyang liwanag sa loob ng kwarto.
“Quarter to 12 midnight,” bulong niya ng mapatingin saglit sa bilog na orasang nakasabit sa dingding bago tumuloy na bumaba ng kama at naglakad patungong banyo.
Humarap siya sa salamin at tinitigan ang sarili. “Ang gwapo ko talaga,” nakangising sabi niya at binuksan ang kaharap na gripo. Nakatungo na siya at handa ng basahin ang mukha ng biglang mabilis na ibinalik ang tingin sa kaharap na salamin. Bumilis at lumakas ang tibok ng puso niya. Wala na ang repleksyon ng babaeng nakita niyang naktayo sa may likuran niya. “This is bullsh*t!” napapailing na sabi niya bago itinuloy ang paghihilamos na gawain na niya upang mas lalong mahimbing sa pagtulog pagkatapos. Ilang kuskos pa ang ginawa niya bago napansin ang masangsang na amoy ng tubig na ginagamit niya. Nakapaikit na inamoy pa niya kamay na sumasalo sa tubig bago nagawang dumilat ng mapagtantong iyon nga ang umaalingasaw na amoy.
“Holy sh*t!” napamura siya ng makitang dugo na pala ang nilalabas ng gripo. Muli siyang humarap sa salamin at nanlaki ang mga mata ng makitang nababalot na ng dugo ang buong mukha niya hanggang sa may leeg. Mas lalo siyang nagimbal ng muling makita ang babaeng nakatayo sa may likuran niya. Nanlalagkit sa dugo ang makapal na buhok nitong halos tumakip sa buong mukha. Ilang malalim at mabilis na paghinga pa ang ginawa niya bago nagawang lumingon sa may likuran. Inilibot pa niya ang mga tingin sa buong banyo. Wala na saan mang sulok ang babae. Muli niyang tiningnan ang mga kamay at humarap sa salamin. Wala na rin ang mga bakas ng dugo alinman sa mukha at mga kamay niya. Nagdesisyon na siyang tuyuin ang mukha at mga kamay gamit ang kalapit na malaking tuwalya bago mabilis na lumabas ng banyo at bumalik sa kama. Patalikod siyang humiga sa nobya bago mariing ipinikit ang mga mata.
“Mamatay kayong lahat… Papatayin ko kayong lahat…”
Napalunok siya bago muling napamulat dahil sa nakakapangilabot na boses na narinig. Dahan-dahan siyang bumaling sa nobyang nakatalikod rin mula sa kanya at nababalot ng makapal na kumot hanggang sa may tainga. Lalo siyang natakot sa naisip na hindi na si Gabby ang katabi niya ngayon.
“S-sweety?” nauutal na tawag siya pero hindi ito lumingon. Nilakasan na niya ang loob at tinaas ang kamay upang hawakan ang dalaga sa balikat. “S-sweety?”
“Hmmm? Bakit?”
Isang malalim na buntong hininga ang nabitawan niya bago napasandal sa headboard ng kama. Inihimalos niya sa mukha ang mga palad. Hindi pa rin natatanggal ang maitinding kaba sa dibdib niya na dahilan ng pamumuo ng pawis sa mukha niyang kakahilamos lang kanina.
“Sweety, are you okey?” tanong ni Gabby na napabangon na rin ng mapansin ang kakaibang inaasal ng binata.
Napatingin si Mon sa nag-aalalang mukha ni Gabby. Iginuhit niya ang pilit na ngiti sa mga labi at tumango bilang tugon. Ano bang nangyayari sa kanya at kung anu-ano ang nakikita at naririnig niya? Bakit pakiramdam niya anumang oras ay may masamang mangyayari… Hindi siya naniniwala sa multo… Kaya kahit kailan, hindi siya maniniwalang bumalik na taong matagal na niyang ibinaon sa limot.
***
PAWISAN ang noong napabango si JC mula sa pagkakahiga. Mabilis siyang napabaling ng tingin sa may katabi at nakahinga ng maluwag ng makitang wala siyang sinoman na katabi.
Napapitlag siya sa malakas na kulog sa labas na muntik pang maging dahilan ng pagsigaw niya. Bumukas ang bintana at pumasok ang malamig na hangin na nagdudulot ng matinding takot sa katawan niya.
“Sh*t! Ano ba itong mga napapanaginipan ko?!” Isinuklay niya sa buhok ang mga daliri ng dalawang kamay bago nagbitaw ng isang malalim na buntong hininga. Tumuloy siyang bumaba at naglakad palabas ng kwarto.
Dinala siya ng sariling mga paa sa harap ng kwarto nina Joel at Emma. “Joel? Emma?” Ilang katok pa ang ginawa niya pero wala siyang kahit na anong tugon na natanggap mula sa loob kaya nagdesisyon na siyang ipihit ang hinawakang seradura. Kakaiba ang lamig na sumalubong sa ginawa niyang pagbukas ng pinto. May pag-aalinlangan na inihakbang niya ang mga paa papasok sa loob. Binuksan niya ang ilaw bago nagpatuloy sa pagpasok.
“Sh*t!” sambit niya at bahagyang napaatras. May pigura kasi ng isang tao ang nabuo sa kurtina ng malaking bintana na hinihipan ng hangin. Kaagad ring naglaho ang pigura na iyon ng humupa ang malakas na hangin.
‘JC…’
Kasunod ng malamig na boses na tumawag sa pangalan niya ay ang pagkamatay ng ilaw.
“S-sino ‘yan?” Natatarantang kinuha ni JC ang cellphone mula sa bulsa upang gawing pang-ilaw. Nahirapan pa siyang hanapin ang flashlight na application sa hawak na cellphone. “Ahhh!!!” sigaw niya dahil sa biglang malakas na pagsara ng pinto. “Joel! Emma! This is not a good - P*tsa!” Muntik na siyang madapa dahil sa naapakan na sapatos. Itinapat niya ang liwanag ng cellphone sa dinadanan. Ngayon lang niya napansing napakakalat sa paligid. “T*ng ina, ano ‘to?!” gulat na sabi niya ng may mailawan sa sahig na dinadaanan. Mga bakas ng dugo?
Sinimulan niyang labanan ang matinding takot na nararamdaman at nagpatuloy sa paglalakad. Sinundan niya ang mga marka na tila may hinilang kung ano. Mga bakas ng dugo na papunta sa kama.
“E-emma?” ani JC. Nakatahiga patalikod sa kanya ang dalaga. Nakatakip ang makapal na kumot nito hanggang sa may tainga. Hindi siya maaaring magkamali. Sa may katawan nito patungo ang mga bakas ng dugo. Inilapit niya ang naginginig na kamay sa may balikat ni Emma. “E-emma, okey ka – Holy sh*t!”
Nalaglag na siya mula sa ibabaw ng kama at nanginig na ang bong katawan sa takot. Bigla kasing humarap sa kanya…. Ang pugot na ulo ni Emma na dilat pa ang mga mata…
***
“HAPPY monthsary!” nakangiting bati ni Janine ng pumatak ang alas dose ng hating gabi. Patuloy pa rin ang pag-ulan pero mahina na kaya sa terrace na sila nag-celebrate since hindi na rin naman umaampiyas ang ulan doon. Niluto niya ang paborito ni Vernon na Pesto at pinagsasaluhan nila sa lamesa na ginawang espesyal ng binata para sa munting selebrayson na iyon. Umupo siya sa kandungan ng binata at ipinulupot ang mga braso sa leeg nito. “First time nating magse-celebrate ng monthsary ng February.”
“Oo nga babe, thank you sa special midnight snack. Happy monthsarry,” tugon ni Vernon. Nakapikit ang mga matang hinagkan niya ang mapulang mga labi ni Janine. Naging matagal at mainit ang pagtatagpo ng mga labi. Iminulat na niya ang mga mata habang angkin pa rin ang mga labi ng nobya. Ngunit nahindik siya ng makitang may nakapulang babae na nakatayo sa may likuran ni Janine, may hawak itong matalim na bolo na tila handang tumaga sa nobya.
“Janine!” mabilis niyang niyakap at binuhat si Janine bago iniharang ang likuran sa papalapit na taga ng babaeng nakapula. Ipinikit niya ang mga mata at inihanda na ang sarili sa anumang magyayari. Ilang saglit pa ang nakalipas ay wala pa rin siyang kahit na anong nararamdaman na sakit.
“B-babe?”
Namulatan niya ang nag-aalalang mukha ni Janine. Mabilis siyang napatayo at lumingon sa may likuran habang buhat pa rin ang nobya. Wala siyang ibang tao na nakita. Binaba na niya si Janine bago pumasok sa loob ng kwarto at banyo. Wala sinoman ang nagtatago doon. Wala na ang nakapulang babae na halos hindi niya naaninag ang mukha kanina dahil sa makapal na buhok na tumatakip doon.
“Babe, what’s happening?”
Napahinto si Vernon sa ginagawa at napatingin sa nobyang nakatayo pa rin sa iniwanan niya dito. Nanlaki ang bilugan at singkitin niyang mga mata. Nakalutang sa may labas ng terrace ang babaeng nakapula. Malapit sa misomng likuran ni Janine. “Sa likod mo!”
Huli na dahil marahas na nasabunot ng babaeng nakapula ang hanggang balikat na buhok ni Janine kasunod ang mabilis na paglaslas sa lalamunan ng dalaga gamit ang hawak na matalim na bolo. Naging tila isang sirang gripo ang leeg ni Janie at sumambulat ang napakaraming dugo.
“V-vernon…”