BINALOT ni JC ang makapal na kumot sa katawan dahil sa matinding lamig na nararamdaman kahit sarado na ang lahat ng bintana at pinto sa terrace na maaaring pasukan ng hangin. Napaatras tuloy siya habang nakatagilid na nakahiga sa malambot na kama kung saan naramdaman niya sa may likuran na nakahiga na rin pala si Madz sa tabi niya.Nanawa na siguro ito kakalibot sa buong mansion kaya naisipang ng bumalik sa kwarto nila. Hindi niya na namalayan ang paghiga nito dahil sa masarap niyang pagkakatulog na dala ng malamig na panahon.
“Madz…” Nakita niyang nakahiga ng patalaikod rin mula sa kanya ang dalaga kaya yumakap siya dito. Nakakita na siya ng paraan upang kahit paano ay maibsan ang lamig na nararamdaman. “Mama Bear, sorry na… Patawarin mo na ako, please,” paglalambing niya habang ang isang kamay ay nagsimulang mamasyal sa katawan nito. Pinagbutihan niya ang paglalambing ng magsimulang umiyak si Madz.
“Madz, tahan na…” Hinaplos niya ang pisngi ng nakatalikod na dalaga ngunit kaagad siyang napahinto ng maramdaman ang malagkit na likido mula sa may pisngi nito. Sobrang nabasa ang kamay na nagpabangon na sa kanya sa pagkakahiga at kaagad na binuksan ang lamp shade na nasa tabi. Nababalot na ng malapot na dugo ang kamay niya na kanina lang ay humahaplos sa nakatalikdo na dalaga.
Hindi pa rin humaharap si Madz na patuloy pa rin sa mahinang paghagulhol.
“M-madz, a-are you okey?”
“JC, tulungan mo ako…” biglang bumangon at humarap si Madz sa binata na nakalahad ang mga kamay at handang humaplos sa mukha ni JC.
“T*ng ina!: Nalaglaga na siya mula sa ibabaw ng kama dahil sa pagkagulat. Sunug na sunog ang buong mukha ni Madz hanggang leeg, pati na ang mga kamay nitong halatang natuklap na ang mga balat. Parang inukit ang mga mata nitong na wala na sa kinalalgyan at walang tigil ang pag-agos ng magkahalong pula at dilaw na likido sa pisngi nito na nanggaling sa butas na talukap ng mga mata. Nanginginig na napaatras siya sa pagkakaupo.
“JC…”
Lalong nanginig sa takot ang katawan niya ng may makapang mga paa sa may likuran. May tumutulong kung anong tumutulo sa may ulo niya na ramdam niyang tumuloy sa may pisngi niya. Sunud-sunod iyon na halos nagpahilamos ng mukha niya. Malansa ang amoy. Nanginginig niyang nilakasan ang sarili na tumunghay sa pinanggagalingan ng tumutulong iyon. Dahan-dahan na tila ayaw na niyang makita pa. Tatlong mukha ng tao, duguan, sugatan at nakaawang ang mga labi kung saan nanggaling ang mga dugong tumutulo sa mukha niya ngayon.
“Ahhhhh!!!!”
**
**
ISANG malakas na kidlat at kulog ang nagpagising sa diwa ni Phoebe. Bahagya niyang iminulat ang mgat mata at napansing madilim na sa labas ng bintana. Napasarap yata ang tulog niya masyado dahil sa lambot ng kama at lamig ng panahon. Mabilis na lumipas ang araw sa kanya dahil sa patuloy na pag-ulan. Napapikit siyang muli ng maramdaman ang yakap ng nobyo mula sa likuran. Naibasan kahit paano ang lamig na nararamdaman niya. Babalik na sana siyang muli sa pagtulog ng mapansin ang kakaibang amoy. Malansang amoy na nakakasuka. Parang… Parang nabubulok na karne. Nararamdaman niyang may kung anong gumagapang sa pisngi niya. Maliit at mamasa… Bigla siyang napabalikwas ng maramdamang palapit na iyon sa may tainga niya. Para kasing ang gumagapang sa pisngi niya… Ay maliliit na mga uod..
Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang katabi na kanina lang ay nakayakap sa kanya. Isang malabangkay na babaeng naaagnas at inuuod na ang buong mukha at katawan. Nagkalat na rin ang mga uod na nagkanya-kanya ng gapang sa ibabaw ng kama. Gumagapang palapit sa kanya. Mga puti, maliliit at matatabang uod na tila galing sa pisak na isang mata ng babaeng parang naitlugan na ng mga uod.
Lalong nalukob ng takot ang katawan niya ng kumilos ang babae at humawak ng mahigpit ang kamay sa braso niya. Ang naaagnas na kamay ng babaeng nababalot ng dugo at isa sa pinanggagalingan ng amoy malansa at nabubulok na karne. Takot na takot na pilit niyang tinanggal ang kamay ng babae sa braso niya. Pero sa halip na matanggal iyon mula sa braso niya niya ay ang mismong kamay ng babae ag natanggal mula sa balikat nito! Nananatili pa ring nakakapit ng mahigpit ang duguang kamay sa kanya. May lumalaglag pang mga uod at laman-laman sa ibabaw ng kama na doon nanggagaling.
“Ahhhh!!!” Hindi na niya napigilan ang mapatili ng may dalawang kamay pang humawak sa magkabila niyang balikat na muntik ng magpalaglag sa kanya mula sa ibabaw ng kama.
“Hey Phibs, it’s me.” Bahagya pang niyugyog ni Kiko ang balikat ng nobya upang magising ito sa tila isang bangungot. Mabuti na lamang at naisara niya ang pinto ng kwarto kung hindi ay baka umalingawngaw sa buong mansion ang malakas na pagitiling ginagawa ni Phoebe.
“K-Kiko…” hinihingal na sabi ni Phoebe ng sa wakas ay makilala ang yumuyugyog sa balikat nita. Tuluyan na siyang napabitaw sa kamay at yumakap sa binata bago muling ibanalik ang tingin sa inalisang ibabaw ng kama. Wala na ang malabangkay na babae doon. Wala na rin ang putol na brasong nakahawak ng mahigpit sa kanya. “M-may babae kanina sa tabi ko…”
“H-ha? Sinong babae?” Hindi alam ni Kiko kung maiinis ba siya sa inaasal ng dalaga. Pero hindi niya rin maiwasan ang ma-alala dahil sa matinding takot na nakikita niya rito.
“N-nakita ko na naman siya…”
Nagsimulang magpatay bukas ang ilaw sa loob ng kwarto. Napayakap ng mahigpit si Phoebe sa nobyo. Naramdaman niya rin ang pagtugon ng yakap ng binata sa kanya na tila pati ito ay nagsisimula ng manakot. Namayani ang nakabibinging katahimikan na sinasabayan ng nakakakilabot na malamig na hanging pumapasok mula sa bukas na bintana. “K-Kiko, natatakot na talaga ako…”
Napalunok naman si Kiko at walang makapa na salitang maaring itugon sa nobya.
“Kiko!!!” Isang pares ng kamay mula sa ilalim ng kama ang biglang humila sa mga paa ni Phoebe. “Kiko, help me!!!”
Nanlaki ang mga mata ni Kiko na hinawakan ng mahigpit ang magkabilang braso ni Phoebe. “Phoebe! Phoebe, humawak ka sa akin! Humawak ka ng mahigpit”
“Kiko!!!” Ramdam ni Phoebe ang higpit ng hawak sa mga paa niya ng kung sino man ang may-ari ng mga kamay na iyon! “Kiko, don’t let me go please… Ayoko pang mamatay…”
“Fvck!” Magkahalo na ang tension at takot sa dibdib ni Kiko. Sinasabayan ng patuloy na pagbubukas-patay ng ilaw ang nangyayaring pakikipaghilahan niya sa kung sino man ang nasa ilalim ng kama. Inipon niya ang natitirang hangin sa katawna niya bago buong lakas na hinatak ang nobya. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang taong nasa ilalim ng kama. Tao nga ba? Isang duguang mukha ng babae na agad na nilamon ng dilim. Bumalik na ang ilaw sa kwarto at tuluyan ng naglaho ang babae sa ilalim ng kama. Yumakap sa kanya ang nanginginig na katawan ni Phoebe.
“I told you, she’s real! The red lady was real!”
Nanlalaki pa rin ang mga mata ni Kiko na nakatingin sa ilalim ng kama. Wala na doon ang babae pero pati siya ay halos nanginginig na rin sa hindi niya malamang dahilan. Dahil ba sa nangyari kani-kanina lang o dahil mga pwede pang mangyari?