noveltoon logo noveltoon
29th of February

Chapter 9

Ch. 10 / 32 Feb 09, 2022

“May ghost ba sa resort na ito?” kinakabahang tanong ni Rency sa hindi pa rin nagsalita na si Kiko. Naiinis na siya sa obvious na pambibitin nito dahil sa nakakalokong ngiti sa mga labi.

Bumagal ang pagkagat ni Juggy sa hawak na stick ng hotdog. Pati siya ay naging interesado sa iku-kwentong iyon ni Kiko.

Halos nagsalubungan naman ang mga tingin nina JC, Vernon, Joel at Mon na tila nakakaramdam na hindi nila magugustuhan ang kwentong maririnig mula kay Kiko.

Saglit na nakangising iginala ni Kiko ang tingin sa mga kasama bago lumagok ng alak mula sa boteng hawak. “Acually may kwento ang resort na ito. Tugkol sa isang babaeng nakapula.”

“B-babaeng nakapula?” mahinang ulit ni Gabby. Parang nagsisimulang mag-flashback sa isipan niya ang imahe ng babaeng nakikita niya noon. Isang babaeng nakasuot ng matingkad na pulang manipis na besitida at may malabong pigura ng mukha. Possible kaya?

“Oo, isang babaeng nakapula na ni-rape at tinorture nang paulit-ulit bago pinatay…”

“Siya ‘yung nagmumulto dito?” si Madz ang nagtanong.

“I don’t know… I’m not sure… Dalawa raw kasi silang pinatay dito. Dalawa silang tinorture bago pinatay.”

“Sino ‘yung isa?” si Emma ang nagtanong. Wala naman siyang nararamdaman na kahit anong kababalaghan pero naku-curious sya sa kwento ni Kiko.

“’Yung boyfriend niya,” sagot ni Kiko bago muling lumagok ng alak.

“Ang bitin mo naman magkwento Kiko eh. Buuin mo na kaya?!” reklamo ni Madz.

Lalong napangisi si Kiko. “Alam ninyo ba ‘yung parang bahay kubo na malapit dito?”

“’Yun parang sira-sira na tapos mataas na ang mga talahib sa paligid?” tanong ni Phoebe.

“Yes Phibs. Ang sabi nila hindi na raw sakop ang lupang kinatatayuan ng bahay na ‘yun ang pagmamay-ari ng dating may-ari ng resort na ito. At ang alam ko bahay nilang dalawa ‘yun. Hindi ko alam kung ilang taon na ang nakakalipas basta ang alam ko it was also a leap year. Ang sabi sa kwento, nagtanan daw ‘yung dalawa tapos ‘yung g*go raw na kasama ng anak ng dating may-ari ng resort na ito na parang ako lang…”

Napatingin si Vernon sa tatlong kasama. Hindi na niya talaga nagugustuhan ang kwento ni Kiko.

“Ang g*go may kasama raw na mas g*go pa sa kanya. It was so us ng Perwisyo Boys hahahaha,” malakas pa na tawa ni Kiko. “Ang mga g*agong magbabarkada pinasok ‘yung bahay ng mag-dyowa. Pinatay nila ‘yung lalaki at ni-rape ‘yung babae. Paulit-ulit habang tino-torture. Hanggang sa manawa sila at tuluyan na nilang patayin. Exactly 29th of February raw nang mamatay siya. Bukang liwayway… Kaya kapag ganitong leap year, nagpaparamdam siya… Nagpapakita… Naghihiganti…”

“Naghihiganti? Paano?” tanong ni Kiko.

“Pumapatay. Pinapatay niya ang mga taong tumitira dito sa resort. Pinapatay niya ang mga taong nakikita at naaabutan niya kaya matagal raw bago nabenta ang resort na ito. At dahil kuripot ang g*ago kong daddy at masabi lang na isang magandang resort ang ibinigay niya bilang graduation gift sa unico hijo niya, binili niya ito sa kabila ng kwento ng resort na ito. Binili niya para sa g*ago niyang anak.”

“Kung gumaganti siya, kanino siya gumaganti?” curious na tanong ni Madz.

“Kahit kanino. Habang papalapit nang papalapit ang araw o gabi ng 29th of February, pumapatay raw siya ng kahit na sinong makita niya. Pero bago niya patayin, pinpahirapan niya muna ng halos kagaya nang pagpapahirap na ginawa sa kanya.”

“Ang sabi mo pinpatay ng red lady ‘yung mga nakatira dito dati…. Ibig sabihin may namatay na talaga?” si Janine.

“Hindi ko alam. Hindi ko n alam ‘yun. Do’n lang ako sa red lady interested kasi mukhang exciting ‘yung kwento.”

“Bakit raw nakapula ‘yung babae?” tanong ni Claud nang biglang maalala ang babaeng nakita niya noon sa C.R. bago sila pumunta sa bahay ni Kiko. Nakapula rin kasi iyon. Kinakabahang napahawak siya sa kamay ni Tims na kaagad namang iniiwas ng lesbian.

“Bakit nga ba?” umarte pa si Kiko na kunwaring nag-iisip. “Ang alam ko ‘yung g*agong daddy ang unang nakagamit ng resort na ito bago ibinigay do’n sa anak. Tapos kasama niya that time ‘yung kabit niya. Naiwan ng mga ‘yung ‘yung sexy na pulang pantulog nang babae. Kaya nang makita ng mga g*ago pinasuot du’n sa babae habang ligayang-ligaya sila sa panggagahasa at pambababoy.”

“Anong pangalan no’ng babae, Cis?” Hindi alam ni Phoebe kung bakit lumabas ang tanong iyon sa bibig niya. Pakialam ba niya at pwede rin namang hindi alam ni Kiko. Pero hindi niya pa rin napigilan ang sarili na magtanong.

Panay naman ang inom ni Tims ng alak sa hawak na bote.

“Melissa...” Gumuhit ulit ang ngiti sa labi ni Kiko. Pero sa pagkakataong iyon, mapait na ngiti. “Ang sabi nila medyo maliit raw siyang babae, maputi at talagang maganda. Kaya siguro na hayok ang mga g*go.”

“Eh ‘yung l-lalaki?” wala sa loob na tanong ni Rency na kanina pa tahimik. Pakiramdam niya bumilis ang tibok ng puso niya ng hindi kaagad sumagot si Kiko at nakangising tumingin pa sa kanya. Nagsimula tuloy maghari ang ingay ng mga kuliglig sa paligid na parang kanina pa nakikinig sa kanila. Mga ingay na may kakaiba ring dulot na lamig sa kanya.

“Marvin…”

Namilog ang mga mata ni Rency sa narinig na sagot ni Kiko. Nabitawan niya ang stick ng hotdog na hawak niya na saglit pang gumulong sa buhanginan.

“Rency, okey ka lang?” tanong ni Janine.

Naagaw na ni Rency ang atensyon ng lahat na nasa bilog.

“”N-nakita ko siya…. N-nakausap ko siya…” halos pabulong na sabi ni Rency.

“Ano raw?” maarteng tanong ni Madz na kumagat sa sariling hotdog-on-stick na hawak.

“Gutom lang ‘yan Rency!” ani Juggy. Ayaw niyang i-entrtatin ang takot na nagsisimula na rin niyang maramdaman.

“S-siya ‘yung nakilala ko kagabi, siya rin ‘yung tumabi sa akin nang umahon na ako sa dagat… Tapos kanina… Kanina kausap ko siya sa may kusina ng mansion. Nasa loob siya ng mansion,” nauutal na sabi ni Rency. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Isang multo ang nakakausap niya. Isang multo si Marvin!

“Oh c’mon! Bakit naman siya magmumulto sa iyo? Dapat ‘yung red lady ang magmulto sa iyo!” nakangising singhal ni Kiko kasunod ang muling pag-inom ng alak sa boteng hawak.

“H-hindi ko alam… Kanina nakita ko siya sa kusina… Ang sabi niya… Ang sabi niya umalis na raw ako dito…”

Napatiimbagang si Kiko sa narinig mula kay Rency.

“Umalis? Why naman?” muling maarteng tanong ni Madz.

“Again hindi ko alam… Hindi ko maintindihan… Basta ang sabi niya, umalis na raw ako bago pa ako madamay…”

“Stop it, you b*tch!” biglang malakas na sabi ni Kiko na umagaw ng atensyon ng lahat. “Bangag ka ba?!”

“Cis, lasing ka na. Pumanhik na tayo sa kwarto –”

“Hindi ako lasing!” putol ni Kiko sa sinasabi ni Phoebe. “Ikaw Rency, h’wag ka ngang gumawa ng sarili mong version ng kwento! Kung gusto mo, bumili ka ng sarili mong resort at doon ka gumawa ng horror story mo! Sabit ka na nga lang umeepal ka pa!”

“Teka nga, sobra ka na Kiko ah! Hindi porke ikaw ang nagmamay-ari ng resort na ito ay pwede mo ng gawin at sabihin ang lahat ng gusto mo!”

“Babe, h’wag mo nang patulan si Kiko. Lasing lang siya,” awat ni Vernon sa nobya.

“Whataver!” Tumayo na si Kiko at walang paalam na umalis sa bilog at tumuloy na naglakad pabalik ng mansion. Ayaw na niyang patulan ang mga paranoid na kasama ng barkada niya.

“Inom na lang tayo guys. H’wag nating sirain ang gabi natin nang dahil lang sa adik na ‘yun!” sabi ni JC na ayaw magpaapekto sa ginawa ni Kiko.

“Anong gabi ang tinutukoy mo JC? Ang takas na gabi ninyo ba ni Claud?”

Napalunok si Claud sa sinabing iyon ni Tims na nakatingin kay JC. Pakiramdam niya ay may hindi magandang mangyayari.

“What are you trying to say Tims?” taas kilay na tanong ni Madz.

“Why don’t you ask your boyfriend Madeleine? Actually,” bumaling ang tingin ni Tims sa katabing nobya. May mapait na ngiti sa mga labi niya. “You can also ask my girlfriend.”

“Fatima, lasing ka na rin ba?! Ano bang sinasabi mo?” inis na tanong na rin ni Emma.

“Hon, kalma lang,” ani Joel. May kutob na siya sa nangyayari pero ayaw niyang makialam pa.

Nagpabaling-baling naman ang mga tingin ni Juggy sa mga nagsasagutan. Wala kasi siyang alam at naiintindihan sa mga nangyayari.

Napapalunok namang nagkatinginan sina Janine, Phoebe, Rency at Gabby. Bago pa man masabi ni Janine sa dalawa ang nakita kagabi ay nasabi na niya rin iyon kay Rency dahil sa bigat ng nararamdaman niya.

“Ang kakapal ng mukha ninyo!” Tumayo si Tims at bahagyang humakbang paatras kasunod ang muling paglagok ng alak mula sa boteng hawak. Hindi na niya napigilan ang mga luhang mangilid sa mga mata niya. Sobrang sakit nang nararamdaman niya ngayon. ‘Yung pakiramdam na parang sasabog ang puso niya sa may dibdib niya. “Kami pa talagang magpinsan ang napili ninyong lokohin!”

“JC ano ba ito?! Mag-explain ka nga!” inis na tanong ni Madz. Hindi na niya mapigilan ang mga luhang nagsisimulang mamuo sa gilid ng mga mata niya na hindi niya alam kung bakit.

“Claud, lasing na yata si Tims. Ihatid mo na kaya sa kwarto?” suhestyon ni Vernon.

“”B-bhie…”

“H’wag na h’wag mo akong hahawakan!” malakas na sabi ni Tims. “Now tell me Claud… Tell me, kailan mo pa ako niloloko?”

“Can you please tell me what’s going on here!” iyak ni Madz.

“Si Claud at JC… Ay may tinatagong relasyon! Niloloko tayo ng boyfriend mo at ng girlfriend ko!” matalas ang tingin ni Tims sa nakatungong si JC.

“What?!” halos pasigaw na react ni Emma na hindi makapaniwala.

“J-JC, t-totoo ba?” nanginginig na ang boses ni Madz.

“I-I’m sorry –” bago pa matapos ni JC ang sinasabi ay malakas na lumapat sa pisngi niya ang isa malakas na sampal mula sa palad ni Madz.

Mabilis namang naglakad si Madz paalis sa bilog.

“Madz, wait!” kaagad na humabol si JC sa nobya.

Napapailing na tumayo si Emma at naglakad palapit sa umiiyak na si Claud kasunod ang malakas na pagsampal sa pisngi nito na hindi na nagawang pigilan pa nang papalapit ring sina Janine. “Hindi ka lang pala isang plastic na basura… Ahas ka pa!”

Nanlalaki ang mga matang sinalubong ni Claud ang matatalim na tingin ni Emma habang ang isang kamay ay nakasapo sa pisnging dinapuan ng sampal nito.

Iginuhit ni Emma ang sarkastikong ngiti sa mga labi. “Oo, matagal na naming alam. Matagal na naming pinagtitiisang makasama ang isang cheap at basurang kagaya mo!” Itinulak niya si Claud na para bang hinahamon niya ito ng away. “Matagal na naming pinagtitiisan ang umaalingasaw mong baho, Claudia!”

“Emma, tama na,” awat ni Phoebe na iniharang na ang sarili sa pagitan nina Emma at Claud.

Tumayo sa may likuran ni Phoebe sina Rency, Janine at Gabby.

Lalong napangisi si Emma. “Wow… Nagsama-sama ang mga basura... Nice… Go to hell!!!” aniya bago naglakad palayo sa mga ito kasunod si Joel.

“T-tims…”

“Tama nga sila… Isang kang basura… Na kahit paulit–ulit kong bihisan ng ginto, aalinagsaw at aalingasaw pa rin ang amoy mong basura,” huling sabi ni Tims bago nagsimulang maglakad palayo mula kay Claud. Hindi na niya kayang makita ang dalaga. Masyado nang masakit…

“Girls, kayo munang bahala kay Claud. Susundan lang namin si Tims,” paalam ni Vernon na kasunod si Mon.

“Sama na ako,” ani Juggy na kinuha pa ang dalawang stick ng barbeque bago sumunod.

Tumango naman si Janine bilang tugon.

Tuluyan nang napaupo si Claud dahil sa paghagulhol. Sobrang sakit nang nararamdaman niya ngayon. Parang anumang oras ay sasabog na ang puso niya sa sobrang lakas at bilis ng kabog niyon. Kung pwede lang sana… Kung pwede nga lang na sumabog na iyon upang matigil na ang lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon.

“Claud, tahan na… Maaayos rin ang lahat,” marahang hinagod ni Rency ang likod ni Claud na wala pa ring tigil sa pag-iyak. Tuluyan nang nawala ang takot na nararamdaman niya at napalitan ng pag-aalala dahil sa gulong nangyayari. Naiisip tuloy niyang dapat nga siguro ay hindi na siya sumama.

“Mahal ko si Tims…. Mahal na mahal…”

“Alam ni Tims ‘yun Claud... Nabigla lang siya sa mga nasabi niya,” alo ni Janine.

“Guys mabuti pa ay dalhin ninyo na si Claud sa loob ng mansion. Mukhang uulan pa,” suhestyon ni Phoebe nang gumuhit ang liwanag ng kidlat sa madilim na langit. Nakakapagtaka dahil sa magandang sikat ng araw sa buong maghapon. “Ako na ang magpapatay ng bonfire at magliligpit ng mga gamit dito.”

“Sige,” tugon ni Gabby na inalalayan na si Claud at nagsimulang maglakad pabalik ng mansion kasama sina Janine at Rency.

Sinimulan namang pulutin ni Phoebe ang mga gamit na naiwan. Ngunit ilang saglit lang ay napahinto siya sa ginagawa. Isang pares ng nakayapak na mga paa ang nasa harapan niya.

‘Mamamatay kayong lahat… Papatayin ko kayo… Mamamatay kayong lahat…’

Napapalunok na itinaas niya ang mga tingin sa nagmamay-ari ng mga putikang paa at nakakakilabot na boses na iyon. Dahan-dahan na para bang nag-i-slow motion ang lahat sa kanya.

Ang babaeng nakapula. Duguan ang mukha niyon pati na rin ang makapal at nanlalagkit na buhok. Nanlilisik ang mapula rin nitong mga matang nakatitig sa kanya.

Mas natakot siya nang mapatingin sa hawak nito. Isang matalim na bolo…

‘Kapag ganitong leap year, nagpaparamdam siya… Nagpapakita… Naghihiganti…’

Nanginginig na ang mga binti niya na sinubukang ihakbang paatras. At bago pa man niya magawang tuluyang makatakbo palayo ay isang pares naman ng mga kamay ang humawak sa magkabila niyang braso. “Ahhhhh!!!”

***

“HEY? Ano ba?!”

Iminulat ni Phoebe ang mga matang mariin niyang ipinikit dahil sa takot. “C-cis?!”

“Ano bang problema mo?! Lasing ka na rin ba?!” inis na tanong ni Kiko na nakahawak sa magkabilang braso bi Phoebe na muntik nang matumba dahil sa paglalakad nito ng paatras.

“Francis! ‘Yung babae sa kwento mo! ‘Yung -”

“Hey… Hey… Calm down! Pwede ba?” inis na sabi ni Kiko na bahagyang niyugyog pa si Phoebe upang gisingin ito.

“Yung babae sa kwento mo. She’s real! Ayan -” hindi na naituloy ni Phoebe ang sinasabi nang mapaharap sa tinuturo. Wala na siya… Wala na ang babaeng nakapula…

***

“SHE’s a total wh*re! Nakakadiri talaga siya! Pinagtiisan na namin ang pagiging cheap niya… Pero anong igaganti niya sa amin?! Ang kapal ng mukha niya! Nakakainis! Nakakagigil!” naiinis na sabi ni Emma nang makapasok sila ni Joel sa sariling kwarto.

“Hon, relax,” pagpapakalma ni Joel nang mahubad ang suot na t-shirt.

“Isa ka pa! Siguro may alam ka sa kalokohan ni JC ‘no! Don’t tell me… Don’t tell me pati ikaw -”

“Hold on, hon. H’wag ka masyadong paranoid. Ikaw lang ang nag-iisang hon ko. Alam mo ‘yan.”

Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ni Emma nang marinig ang sinabing iyon ng nobyo. Hanggang ngayon ay nanggigil pa rin siya dahil sa nalaman tungkol kay Claud at JC. Matagal na nilang alam ni Madz ang pagpapanggap ni Claud bilang isang sosyalerang mayaman. Pero dahil sadyang malapit na sa kanila si Tims at mahal na mahal nito ang dalaga ay pinilit nilang pakisamahan si Claud at ang pagpapanggap nito.

“You know what, mabuti pa magshower na lang tayo para mabawasan ang init ng ulo mo,” anyaya ni Joel na nagbaba na nang suot na jersey short.

Ngumiti naman si Emma. Mabuti pa nga siguro na magshower sila para kahit paano ay mabawasan ang pagkainis niya. Ngunit wala sa loob na napatingin siya sa may bukas na pintuan ng terrace ng kwarto nila. Pumapasok kasi ang malamig na hangin na tila pumipigil sa pag-iinit ng katawan niya. “Isasara ko lang ang pinto sa may terrace, mauna ka na sa shower.”

“Allright, sabi mo eh,” ani Joel at pumasok na sa loob ng banyo.

May dalawang daan na pinapasukan ng malamig na hangin sa loob ng kwarto. Isang maliit na bintana na medyo mataas at isang malaking pinto na may daan patungong terrace na una na niyang isasara. Saglit pa siyang napatigil ng tila may makitang babae na nakatayo sa may malapit sa tabing dagat. Isang babae na nakasuot ng kulay pulang bestida na tila manipis na pantulog. Ngunit sa isang iglap lang ay kaagad na nawala…

“Sh*t! Pati yata ako nadadala sa kwentong barbero ni Kiko,” ani Emma bago tuluyang isinara ang pinto. Naglakad na siya patungo sa may isang bintana at handa nang isara iyon nang mapatigil at mahindik dahil sa isang kamay na humawak sa braso niya mula sa labas. Malamig at basa ang kamay. Nanginginig na itinaas niya ang tingin sa nagmamay-ari ng kamay. Isang babaeng nakapula na nakalutang sa may labas ng bintana. Nanlalagkit ang duguan buhok nitong halos tumatakip na sa buong mukha.

“J-joel… Joel!” sigaw niya na pilit na binabawi ang sarling braso mula sa mahigpit na pagkakahawak ng duguang kamay. “Joel!!!” Hindi na niya matatagalan ang nakakasulasok na amoy nito. Hindi na niya kaya pang titigan ang nanlilisik nitong mga mata na tila lumiliwanag sa makapal nitong buhok.

“E-emma? Emma bakit?” nag-aalalang tanong ni Joel nang makalabas ng banyo. Nakatapis ang malaking tuwalya sa may baywang nito.

“’Yung red lady… ‘Yung red lady!” hysterical na sigaw ni Emma na nakalingon sa bintana.

“Ha? Anong red lady? Nasaan?”

“Eto siya, a-ayaw niyang bitawan -” Muli siyang napaharap sa may bintana. Wala na ang duguang kamay na nakakapit sa braso niya. Wala na ang babae. “M-may babae dito kanina… N-nakalutang siya sa labas. Nakakapit nang mahigpit ang kamay niya sa braso ko,” ani Emma na malakas pa rin ang kabog ng dibdib niyang sumilip sa may bintana.

“E-emma, uminom ka na ba ng gamot mo?” may pag-aalinlangan na tanong ni Joel. Alam kasi niyang ayaw ng dalaga na binabanggit ang sakit nito na Post-Traumatic Stress Disorder. Nakuha iyon ni Emma mula sa pagkatrauma nang ikulong ng teacher nito noong kinder sa isang maliit na kahon ng isang buong araw. Muntik na iyon ikamatay ni Emma kung hindi pa nagsumbong ang isa sa mga kaklase nito.

Pagkatapos ng araw na iyon ay may dalawang linggo rin na hindi nakapagsalita si Emma na kinailangan pang sumailalim sa isang therapy. Nalaman niya ang kwento na iyon mula mismo sa mama ni Emma.

“Joel, ano ba?! Totoo ang sinasabi ko! May babae!”

“Okey hon, relax.” Lumapit na si Joel sa nobya at sinarado ang bintana bago ito inalalayan maglakad patungo sa may kama. May mga oras kasi na suicidal ang dalaga kaya mahirap na. Inalalayan niya ito hanggang sa makaupo sa may kama at kumuha ng baso ng tubig sa kalapit na ref. Inabot na rin niya ang gamot nito.

“Hindi ko kailangan ‘yan!” tinabig ni Emma ang hawak na bote ni Joel kung saan tumapon ang mga tableta sa naka-carpet na sahig.

“Emma, kailangan mo ito,” pagpupumilit ni Joel na muling kumuha ng isang tableta mula sa loob nang pinulot na bote. “Please, isa lang… Inumin mo na ito.” Labis ang pag-aalala niya sa dalaga lalo na at naaalala niya noong may pinuntahan silang party. May kaparehas si Emma sa suot na evening dress. Pakiramdam yata ng dalaga ay napahiya ito kaya umuwi ng bahay at pinaggugupit ang halos lahat ng damit sa cabinet hanggang sa pati ang sariling buhok na nauwi sa pananakit sa sarili gamit ang malaki at matalas na gunting na hawak. Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit hindi niya magawang makipaghiwalay sa nobya kahit minsan ay nagsasawa na siya sa kung anong meron silang dalawa. “Please...”

Sinalubong ni Emma ang nakikiusap na tingin ni Joel bago inabot ang gamot at ininom iyon kasunod ang tubig mula sa basong hawak. Hindi na siya makikipagtalo pa dito sap ag-inom ng gamit at tatalima na lamang. Pero sigurado siyang totoo ang nakita niya. Hindi lang ‘yun basta hallucination. Totoo ang red lady sa kwento ni Kiko.

“Magpahinga ka na, Emma. Babantayan kita, promise. Hindi ako aalis dito.”

Tumango naman si Emma sa sinabing iyon ng nobyo at humiga na sa malambot na kama kasunod ang pagpikit ng mga mata. Nararamdaman na niya ang antok na epekto ng gamot na ininom niya. At bago pa tuluyang bumigay ang talukap ng kanyang mga mata ay nakita na naman niya ang babae…. May duguang sako na nakasuot sa ulo nito. Nakatayo sa likod ni Joel. May hawak na matalim na bolong tila anumang oras ay handang tumaga sa likuran ng nobyo niya.

“J-joel… S-sa…”